Here and Now (Part 21)

By: Chaster Rassel 

Chapter 21: Unexpected...

SI REVY......

Tanginang Hyro toh! Bigla na lang nanghahalik!! Oo matagal ko nang gusto na magkatotoo iyong napanaginipan ko dati, pero di ko inaasahan na mangyayari pala ito ngayong birthday ko. Tangina talaga! Ni hindi ako nakapaghanda para dito.

Pero...Pero ganito pala ang pakiramdam kapag hinahalikan ka ng taong minamahal mo. Parang kinukuryente at sinisilaban nang magkasabay. Damang-dama ko iyong kakaibang init sa buong katawan ko, lalo na sa dibdib ko. Tapos ang lambot-lambot pa ng labi niya. Kung pwede nga lang, sana hindi na ito matapos.

Ilang saglit lang ay kumalas na siya. Sabay kaming napabuntong-hininga. Pagkatapos noon ay nagtinginan na lamang kami, dahil pareho kaming di makapagsalita gawa ng mabilis na mga pangyayari. Mayamaya pa ay siya na iyong naunang kumibo.......

    “U...Uwi na ko...Ba...Baka hinahanap na ko sa amin eh!...Ehehe...”nauutal niyang sambit na tila wala pa siya sa kanyang sarili.....

Maging ako man ay nawawala rin sa sarili. Nakatakbo’t nakaalis na siya lahat lahat pero ako, di pa rin umaalis sa aking kinatatayuan. Natutulala pa rin ako hanggang sa.............

    “Hi..Hinalikan niya ko...Hinalikan talaga ko ni Hyro...Sa labi...”

Nahuli ko na lamang ang aking sarili na nagtatatalon at nagsisisigaw ng..........

    “WOHOOOO!!!...ITO NA ANG PINAKAMASAYA KONG BIRTHDAY SA BUONG BUHAY KO!! AT BUONG MUNDO!!!....WOOOOOOOOO!!!!....”

SAMANTALA SI HYROMIN......

After I ran away from Revy ay diretso sakay ako sa kotse.........

    “Umuwi na po tayo...”sambit ko sa driver...

Inandar na niya ang kotse, habang ako naman ay lutang pa rin. Pakiramdam ko ay parang mababaliw ako because of what I just did. I can’t even believe na nagawa ko iyon. Mayamaya pa ay napahawak na lamang ang dalawa kong kamay sa aking ulo at.........

    “ARGHHHHHHHH!!!!....”hiyaw ko habang ginugulo-gulo ang aking buhok.....

At dahil naman doon ay napatingin tuloy sa akin ang driver........

    “Sir okay lang ho ba kayo?!...”
   
Napahinto tuloy ako then binaba ko na ang mga kamay ko......

    “O...Okay lang po ko...Sige na po magdrive lang kayo....”

Napabuntong hininga na lamang ako, then tumingin ako sa bintana. Pero masyado pala kong malapit kaya nauntog ang noo ko paglingon ko.......

    “OUCH!!!....Argh!...”sambit ko sabay hawak sa aking noo...

Until I got home, wala pa rin ako sa sarili ko. Dahil naman sa pagkakauntog ko ay sumakit ang ulo ko, kaya pumasok ako sa mansyon nang nakahawak dito. Then nakasalubong ko pa iyong inaakala kong tulog na.......

    “Ma...Bat gising pa po kayo?...It’s already late...”
    “I was waiting for you kaya di pa ko natutulog...And yes it’s already late!...Sabi ng mga kuya mo you went out with Revy because it’s his birthday...Pero bakit naman kayo inabot ng ganitong oras?...”
    “Sorry po Ma...Nalibang kami sa amusement park eh....”
    “Next time, tumawag ka pag gagabihin ka para naman di ako nag-aalala sa iyong bata ka....Naintindihan mo?...”
    “Opo Ma...”

At hindi rin naiwasan na mapansin ni Mommy ang kilos ko, pati na rin ang paghawak ko sa ulo ko.....

    “Anak, lasing ka ba?...”
    “Ma naman....I’m not even in the legal age to drink...”
    “Eh bat parang hilo ka? Tsaka...What happened to your forehead?...”
    “Ahmmm....Kaunting digrasya lang po...Nauntog po ko sa bintana ng car....”
    “Oh...Okay...Sige...You go to your room now so you can have some rest....”sambit ni Mommy na tila balot pa rin ng pagtataka.....


BALIK KAY REVY......

Maligalig pa rin ako hanggang sa makapasok ako sa tambayan at makaupo sa ilalim ng puno. Di ko mapigilan na muling balikan iyong mga nangyari kanina, dahilan para mapahawak ako sa aking labi at unti-unting mapapikit.

Nananaginip ako nang gising hanggang sa bigla na lamang may kumanta mula sa aking likuran......

    ......Happy birthday to you!....Happy birthday to you!......

Boses iyon ng taong hinihintay kong dumating kaya agad akong napalingon....

    ......Happy birthday....Happy birthday....HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!!.....

Si kuya Oryo iyon, tinawagan niya kasi ko kaninang umaga para bumati. Tapos sinabi ko na magkita na lang kami dito sa may tambayan pagkatapos namin lumabas ni Hyro. Pero di ko inaasahan na susurpresahin niya ko, paglingon ko kasi ay nakita ko na may hawak siyang cake na may nakasindi nang mga kandila. Tapos may dala pa siyang pancit tsaka softdrinks......

    “Happy birthday tol!...Katorse ka na!!...”
    “Si kuya talaga...Nag-abala pa...”   
    “Syempre naman! Utol kita eh!...Oh ano pang hinihintay mo? Ihip na!...”

Inihipan ko na ang mga kandila. Matapos iyon ay di ko mapiglang mapangiti dahil sa saya at galak na nararamdaman ko. Una iyong nangyari kanina sa amin ni Hyro, tapos ngayon naman si kuya Oryo. Ito na nga talaga ang the best kong birthday..........

    “Oh tara!...Lantakan na natin itong dala ko bago pa lumamig!...”

Naupo na kami sa may ilalim ng puno at sinimulan na nga namin na pagsaluhan ang mga pagkain. Hindi na syempre nawala ang kwentuhan habang kami ay kumakain.....

    “Kuya, salamat ha...Hindi ka nakalimot sa birthday ko...”
    “Hmph!...Di naman ako katulad mo eh...”nakangisi niyang sagot na tila may ipinapahiwatig....

Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin kaya naman.....

    “Oo na po!...Sorry na po dahil ulyanin ako at muntikan na tayo kay Hyro kanina!...”
    “Hmmm...So hindi ba siya nag-usisa sa iyo kung paano ko nalaman iyong birthday mo?...”
    “Hindi...Buti nga kuya at nasabihan mo ko agad, kaya nakaisip ako ng paraan para libangin siya...Kasi nahalata ko rin kanina na iba na iyong ikinikilos niya eh....” 
    “Libangin? At ano naman ang ginawa mo aber?...”
    “Ahmmm...Hinarana ko siya...”napapakamot sa ulo kong sagot...
    “HARANA?!...As in doon sa amusement park?!...Sa gitna ng maraming tao?!...”gulat niyang reaksyon.....
    “Oo...”
    “TAKTE!!!....Bakit mo gina....”

Biglang napahinto si kuya, tapos ay tumitig siya sa akin nang siryoso at......

    “Revy...May dapat ba kong malaman?...”

Kinabahan ako sa tanong ni kuya. Mukhang siryoso kasi talaga siya, tapos medyo galit pa iyong tono ng boses niya. Pero nandito na toh at ako rin naman ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyon na toh. Dapat kong harapin toh at sapalagay ko, ito na rin ang tamang oras para ipagtapat kay kuya ang sikreto ko. Bahala na kung itakwil niya ko.....

    “Oo kuya...May dapat kang malaman...May dapat akong aminin sa iyo....”
    “Sige...Sabihin mo....”
   
Huminga ko nang malalim, pagkatapos ay.........

    “Mahal ko si Hyro....May gusto ko sa kanya kuya!...”

Natulala si kuya at sumama bigla ang titig niya sa akin. Napansin ko rin na tila mamasa-masa ang mga mata niya, hindi ko maintindihan kung bakit. Dahil dito ay mas lalo akong kinabahan.

BALIK KAY HYROMIN......

Hindi ako makatulog, hindi pa rin kasi mawala sa isip ko iyong ginawa ko kanina kay Revy. I decided to get out of the bed. I need someone to talk to dahil kung hindi baka mabaliw na ko. Hindi naman pwede si Mommy, kaya nagpunta ko sa room ni kuya Hunsel para icheck kung gising pa siya........

    “Kuya Hunsel?....”sambit ko habang kumakatok sa pinto....
    “Tuloy bro!...”

Binuksan ko na iyong pinto then pumasok na ko. Naabutan ko siyang lumalabas galing sa bathroom. Habang papunta na siya sa kama ay naout balance siya. Good thing I was able to catch and assist him......

    “Kuya are you okay?...Dahan-dahan lang kasi....”
    “I’m fine...Thanks to you...”

Kailan lang din kasi siya nagstart na gumamit ng crutches para makalakad, maybe hindi pa siya ganun kasanay. Tinulungan ko na rin siya na makaupo sa kama then......

    “Alam mo kuya, don’t push yourself to hard....Sige ka, baka imbis na magtuloy-tuloy iyang paggaling ng mga pilay mo eh lalo pang lumala iyan....”
    “Nah...I know  it’s stupid...But I have to do this Hyro...Nahihiya na rin kasi ko kay Oryo eh....”
    “Speaking of kuya Oryo...Where is he? Parang di ko ata siya nakita ngayong gabi ah...”
    “Nagpaalam siya kanina sa akin, magdeday off muna daw siya....”
    “Until now?....”
    “That’s why I can’t sleep...I was trying to wait for him...Miss ko na nga iyong tao eh..”
    “Huh?! Ano iyon?!..”
    “AH...EH!....I said hayaan na natin iyong tao...Minsan lang naman siya makakapagpahinga eh!....”
    “Oh...Okay...”
    “Eh ikaw naman, bakit gising ka pa?...”

Here we go, if I’m gonna ask for his advice, kailangan kong ipaalam sa kanya iyong sitwasyon ko. But I’m not yet ready to tell kuya that I’m a gay. Alright, I can do this, didiskartehan ko na lang.............

    “Ahmmm...Ganito kasi iyon kuya...”
    “Yes?...”
    “Remember nung...inasar mo ko sa hospital?...Nung sinabi niyo ni Mommy na baka in love ako kaya may mga pagbabago sa akin?...”
    “Yeah...I remember that...Tapos napikon ka at namula!...Hehe...”
    “Well...It’s true....”
    “You mean I was right after all?!...Haha....So you’ve finally turned into a young man...”

Matawa-tawa pa rin siya habang ako naman ay napakamot na lamang sa aking ulo.......

    “Let me guess bro...Nandito ka para humingi ng advice noh?”nakangisi niyang tanong....
    “Exactly...Ahmmm...Ano kasi...Kanina magkasama kami nung taong gusto ko...”
    “WAIT!...I thought si Revy ang kasama mo kanina?...Birthday niya kamo di ba?”
    “OO nga!....Pero syempre may kasama rin kaming chicks!...”
    “Ahh...So isa sa mga chicks na sinama niyo eh iyong gusto mo?...”napapangiti niyang usisa.....
    “Ahmmm....Ganun na nga...”

I have no choice but to lie, dahil kung hindi ay mabubuking ako ni kuya Hunsel....

    “So iyon nga kuya...We were having fun...Hanggang sa...Hanggang sa may nangyari sa aming dalawa...”
    “We’re not talking about a rated SPG scene here, right?...”nakangisi niyang sambit.....
    “Kuya Hunsel naman eh!...Puro ka biro!...Nasa state of calamity na nga ko dito eh!...”
    “Hahaha!...Fine! Siryoso na....Go and tell me more about diyan sa sinasabi mong nangyari...”

BALIK KAY REVY......

Kabadong-kabado na talaga ko, pakiramdam ko ay sasapakin ako ni kuya. Pero bigla na lamang siyang tumawa nang malakas, tapos ay inakbayan niya ko......

    “WAHAHA! Naks naman!...Binata na talaga si bunso!...Este...Dalaga pala!...Umiibig na!...Haha...”
    “Kuya...Hindi ka galit sa akin?...”
    “Ano ka ba!...Bat naman ako magagalit sa iyo?...Ano? Dahil bading ka?...Makinig ka, hindi ako magagalit sa iyo nang dahil lang dun...Kasi kung tutuusin, wala akong karapatan para gawin iyon....”
    “Anong ibig mo sabihin?...”
    “Alam mo kasi, pareho lang tayo...”
    “Ha?!...”
    “Kung ano ka ngayon kay Hyro...Ganun din ako sa kuya niya, kay Hunsel...”
    “Ikaw rin?!...”

Natawa na lamang ako sa kanya at......

    “Hahaha...Hay!...Mag-utol nga talaga tayo!....Haha...”
    “Kaya huwag ka nang mag-alala diyan ha?...”

Tumango ako at napangiti na lamang sa kanya. Salamat at nakahinga na ko nang maluwag dahil alam na ni kuya. Bukod doon ay malaking tulong din na inamin niya sa akin na pareho pala kami. Dahil doon, ipinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisang ganito sa mundo........

    “Ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit iyak ka nang iyak nung malamam mo ang tungkol sa pagpapanggap ko...”
    “Sorry kuya kung ngayon ko lang sinabi sa iyo ha...Ayaw ko lang kasing madagdagan pa ang mga alalahanin mo...”
    “Nauunawaan naman kita eh...Tsaka hindi ko mapipigilan iyang nararamdaman mo...Kung mahal mo talaga si Hyromin Amethelli, wala na kong magagawa....Pero dapat maging handa ka na masaktan...Dahil di naman natin alam kung may nararamdaman din ba siya sa iyo o kapareho natin siya...”
    “Ahmmm...Tungkol diyan...Sapalagay ko, alam ko na ang kasagutan diyan kuya...”napapangisi kong sambit.....
    “Hmmm...Bakit?...May nangyari ba sa date niyo kanina?...”
    “Uy hindi date iyon ah!...”
    “Haha...Namula naman siya agad!...So ano nga?...”
    “May...May ginawa kasi siya sa akin kanina....”
    “Ano iyon?...”usisa niya na may kasamang mapang-asar na ngiti....
    “Ano eh...Mahabang kwento...”napapakamot sa ulo kong sagot...
    “Mahaba kamo?...Pwes!...Marami tayong oras at marami tayong pagkain, kaya ikwento mo sa akin habang lumalamon tayo!....”

Hiniwa na niya iyong cake, tapos ay nilagyan na rin niya ko ng pancit sa plato....

    “Dali na tol!...Ikwento mo na kung anong ginawa nung mokong na iyon sa iyo!.....”

BALIK KAY HYROMIN......

    “YOU DID WHAT?!!!!...”malakas at gulat na sambit ni kuya Hunsel.....

Halos mag-echo sa buong mansyon ang boses niya after I told him what I did.....

    “Shhh!....Kuya ang lakas ng boses mo!...Baka magising mo si Mommy!!...”pabulong kong sambit....
    “Kasi naman eh!...Hinalikan mo iyong tao sa lips tapos nilayasan mo?!...What the hell were you thinking?!...Are you out of your mind bro?!...Ano ka kotse? HIT AND RUN?!!...”pabulong niyang sagot....
    “Kaya nga lumapit ako sa iyo kuya eh...Di ko alam kung paano ko haharap sa kanya ulit...What should I do?...”
    “Hmph!...The answer is very simple and obvious...Magtapat ka na po sa kanya!....”
    “HA?!...Eh what if kung ireject niya ko?...”
    “That’s impossible dahil obviously, gusto ka rin niya...”
    “Paano mo naman nasabi iyan?...”
    “Kung ayaw ka niya, eh di sana sinampal ka na niya nung hinalikan mo siya!...But you said na hindi siya nakaimik di ba? Natulala lang...It means kinilig siya to the bones!...So don’t waste time, magtapat ka na!...”
    “As if naman madaling magtapat...Eh first time lang naman ako nakaramdam ng ganito...”
    “Walang mahirap kung talagang mahal mo siya....”
    “Bakit kuya, ikaw ba kaya mong ipagtapat kay kuya Oryo na gusto mo siya nang ganun-ganun lang? Ha?!...”

Bigla akong napatakip ng dalawang kamay sa bibig ko nang dahil sa nasabi ko. I did not intend to say it, nadala lang ako sa nararamdaman ko.........

    "Of course not!...Tsaka iba naman iyong kwento namin ni Oryo noh!...Dahil...”

Napahinto si kuya Hunsel sa pagsasalita, napanganga na lamang siya at nanlaki ang mga mata niya. Maging ako man ay ganun din ang reaksyon sa narinig kong lumabas mula sa bibig niya.

ITUTULOY.......

0 yorum:

Yorum Gönder