Bulalo

By: Chaster Rassel

Bata pa lang ako ay mahilig na kong magluto, panu kasi ay nahawa ako sa mama ko na mahilig din magluto. Kung tutuusin nga ay halos sa kusina na ko lumaki. Ang naging specialty ko ay ang iba't ibang klase ng luto ng Bulalo, gaya ng sinabawan, adobo, sizzling at iba pa. At para mapakinabangan naman ang kaalaman ko, nagtayo kami ng isang maliit na bulaluhan sa harapan ng aming bahay. Hindi kami nagkamali ng naging desisyon, dahil talaga namang binabalik-balikan pa ng mga tao sa lugar namin ang mga luto kong Bulalo. 

Ako nga pala si Kiko Manyalo, dise otso anyos. May katamtamang tangkad, moreno, slim pero may muscles pa rin. May bilugan din akong mga pisngi kaya madalas akong panggigilan at kurutin dito. Sabi nila, dapat daw ay mag-aral ako ng culinary arts para maging isang chef daw ako. Ang totoo, iyon din naman talaga ang gusto ko, pero mahal kasi at hindi naman ganun kalaki ang kinikita ng bulaluhan namin. Tsaka may nakababata pa kong kapatid na magkokolehiyo na rin, kaya kailangan ko munang magsakripisyo.

Masasabi ko na ang Bulalo ay talaga namang isang malaking bahagi ng buhay ko. Dahil bukod sa ito ang pinagkakakitaan ko, ito rin ang siyang naging instrumento para lumabas ang nagtatagong bahagi ng pagkatao ko, na nagpabago sa sarili ko. Paano? Iyon ang ikukwento ko.

Isang araw, nasa kusina ako at syempre nagluluto ng walang kamatayang Bulalo na paninda namin. Mayamaya pa ay dumating si Mama galing palengke........

    “Oh anak...Ito na iyong mga gulay....”
    “Sige po Ma...Palapag na lang diyan....Ako nang mag-aayos niyan....”

Lumapit si Mama sa akin, sinilip iyong niluluto ko at...........

    “Uhmmm!....Ang bango ha!....”sambit ni Mama.....
    “Si Mama talaga oh...Para namang first time mong maamoy ang luto ko.....”
    “Hindi eh...Para kasing may kakaiba ngayon eh...”
    “Huh?!...”
    “May pakiramdam kasi ko na mas espesyal iyong luto ng isa diyan....Dahil...”
    “DAHIL INSPIRED!...”biglang singit ng isang boses....
Iyong bunso kong kapatid na si Knorra ang sumingit. Sa tono pa lang ng pananalita niya ay mukhang aasarin na naman niya ko gaya ng madalas niyang gawin. At tila nababatid ko na rin kung anong nangyayari. Lumapit siya sa amin at paglapit niya...........

    “Nak...Balita ko...Malapit ka na daw sagutin ni Maggie mo ah...Hehehe...”

Si Maggie ay iyong babaeng nililigawan ko. Nitong mga nakaraang araw kasi ay mas nagiging malapit kami. kaya pakiramdam ko ay sasagutin na niya ko. Naikwento ko ang tungkol dito sa kapatid ko at sinabihan ko siya na huwag munang ipapaalam kay Mama. Pero sa narinig ko, obvious na hindi siya tumupad sa usapan namin. Dahil dun, bigla akong napahinto at napalingon. Tumingin ako sa kanya at........

    “SINABI MO KAY MAMA?!!!...”inis kong usisa.......
    “Sori kuya...Nadulas ako eh...Hehehe....”
    “Hmph!...Nadulas?...Lokohin mo lelang mong panot!...Ang sabihin mo matabil ka talaga!...”
    “Oh huwag kayong mag-away na magkapatid ha...Tsaka na curious lang naman ako nak....Kaya tinatanong ko itong kapatid mo....”
    “Ma...Ayaw ko muna po sanang masagbi ng tungkol dun eh...Dahil baka mamaya maunsyame pa...Ito naman kasing madaldal na palaka na toh eh!.....”sagot ko sabay duro kay Knorra na may halong panggigigil....
    “Sus!...Tiwala lang kuya...Sasagutin ka din non!...”sambit ni Knorra...
    “Tama ang kapatid mo...Tsaka sino ba namang babae ang hindi mahuhulog sa iyo?...Eh bukod sa masarap ka nang magluto, ang cute cute mo pa!...”dagdag ni Mama sabay kurot sa magkabila kong pisngi.......
    “Ma naman eh!...Di na po ko bata para ganyanin nyo...”

Bumitaw na si Mama mula sa pisngi ko at.....

    “Oh sige...Pero kwento mo pa rin kung ano nang status niyo ni Maggie...”sambit ni Mama sabay ngisi sa akin....

Pati si Knorra ay ngumisi rin. Mukhang kahit anong gawin ko eh hindi nila ko titigilan hanggat hindi sila nakakakuha ng matinong sagot mula sa akin. Kaya sinabi ko na lang ang totoo na wala pa, na hindi pa rin kami, na pakiramdam ko lang naman ang lahat. Tsaka hindi rin naman ako nagmamadali at handa akong maghintay sa kanya........

    “Oh yan ah!...Sinagot ko na kayo...Siguro naman hindi niyo na ko kukulitin....”
    “Opo sir!...Hindi na po!...”sagot ni Knorra....
    “Sir ka diyan...Doon ka na nga sa labas...At asikasuhin mo iyong mga customer!...”
    “Eto na...Lalabas na....Ay kuya siya nga pala...Kaya pala ko pumasok para sabihin na malapit nang maubos iyong sinabawang Bulalo sa labas...”
    “HA?!...Agad-agad?!...Eh hindi pa malambot itong second batch eh....”
    “Eh may aleng nagtake-out ng marami eh...”
    “Ahmmm sige na anak...Kami nang bahala ni Knorra sa labas...Ipagpatuloy mo na lang ang pagluluto...”

Lumabas na sila para asikasuhin ang mga customer habang ipinagpatuloy ko naman ang pagluluto. Pagkalipas ng mahigit trenta minutos ay muling silang bumalik.......

    “Oh bakit?..”
    “Kuya...Halika muna sandali....May siraulo dun sa labas eh...”
    “Hay nako...Samahan mo na muna siya Kiko...Ako na munang magbabantay niyan....”
    “Ano bang nangyayari?...”
    “May lalake dun na di ko maintindihan kung laseng ba o nakadrugs...Umoorder ng Bulalo....”sagot ni Knorra....
    “Oh eh di bigyan niyo...”
    “BULALO NA CUP NOODLES ang hinahanap niya!...At ang kulit pa niya!.....”

Nabitawan ko ang hawak kong sandok sa sinabi niya at.......

    “Aba eh siraulo nga!...”sambit ko sabay pulot sa sandok.....

Lumabas na kami ni Knorra. Tinuro niya sa akin iyong lalake. Teenager din pala na mukhang kaedad ko. Nasa isa sa mga mesa siya at nakasubsob ang ulo niya doon.......

    “Kuya...Parang di naman ata magandang tignan kung basta na lang natin siya itataboy...Tsaka....”
    “Tsaka ano?...”
    “Ahmmm...Ang gwapo at cute niya kasi eh...Hihihi....”pabulong niyang sambit....
    “Puro ka kalokohan!...Dito ka lang...Ako na ang kakausap sa kanya....”

Nilapitan ko na siya, paglapit ko ay agad kong nalanghap ang malakas na amoy ng alak mula sa kanya. Kaya naman pala, lasing pala ang mokong na toh. Yumuko ako palapit sa kanyang tenga. Tinapik ko siya sa kanyang balikat at.....

    “Tol...”

Dahan-dahan ay inangat niya ang kanyang ulo at lumingon sa akin. Sakto ay nagkatapat ang mga mukha namin. Tama nga iyong mga sinabi ng kapatid ko, gwapo siya at cute. Tsinito siya, maputi at makinis pero dahil sa kalasingan ay pulang-pula ang mukha niya. Tapos ang mga mata niya ay namumugto. Sa puntong iyon ay nagkaroon ako ng di mawaring pagkamangha sa kanya. Hanggang sa napatanong na lamang ako sa aking sarili ng......

    “Pota! Ano bang kagaguhan toh?! Lalake din na gaya ko itong kaharap ko...Hindi toh dapat....”bulong ko sa aking sarili....

Ilalayo ko na dapat ang mukha ko mula sa kanya. Pero bigla na lamang niyang idinampi ang mga kamay niya sa magkabila kong pisngi at.....

    “A...Anong gi..ginagawa mo dito?...Pi...Pinuntahan mo ba ko?...Ba...Bati na ba tayo?!....”nauutal niyang sambit....

Kasunod noon ay unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mga labi sa labi ko. Pota hahalikan ako! Dahil doon ay nanlaki ang mga mata ko. Kasabay noon ay naramdaman ko rin ang biglaang paglakas at pagbilis ng pintig ng puso ko. Buti na lamang ay nagawa kong labanan ang nararamdam ko at.........

    “TARANTADO KANG GAGO KA AH!!!....”inis kong sambit sabay tulak sa kanya......

Malakas ang pagkakatulak ko sa kanya, kaya naman nalaglag siya mula sa kinauupuan niya. Doon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Shet na iyan! Parang gusto kong mamatay na lang dahil sa matinding kahihiyan. Pero nangyari na ang nangyari, hindi ko na ito mababawi kaya naman...........

    “HOY!...Pwede ba huwag kang manggulo dito!!...Lumayas ka na dahil kung hindi IPAPABARANGAY KITA!!!...”iyon na lamang ang nasabi ko....

Medyo natauhan ata siya dahil sa pagkakalaglag niya. Dahan-dahan siyang tumayo at.......

    “We...WEW!...Masakit iyon ah!...Makinig ka pare....Hin...Hindi ako aalis dito...Dahil cus...Customer din ako dito....And the...And the customer....Customer is always right!!....So give me my order in the court!...Give me my Bulalo Cup Nooodles....No Noodles...No Deals!!!...Pfff...”

Gwapo nga pero baliw naman at nakuha pang mag-ingles ng lokoloko. Grabe! Nakakagago siya at nakakapanggigil. Gusto ko na siyang sapukin pero may kung anong pumipigil sa akin na gawin iyon. Samantala, napatakip siya ng bibig........

    “Oh anong nangyayari sa iyo?...”usisa ko....

Dumantay siya sa akin, pagkatapos ay bigla na lamang siyang nagsuka. Badtrip! As in badtrip talaga! Ako pa talaga ang sinukahan niya! At para mas palalain pa ang sitwasyon, hinimatay pa siya matapos na magsuka.

Sa kabila ng sobrang nakakahiyang pangyayari kanina ay minabuti ko pa rin na tulungan na lamamng ang lalake. Kahit paano kasi ay nakakaawa pa rin siya. Pinasok ko siya sa loob ng bahay at dinala sa kwarto ko para doon makahiga nang maayos. Sumunod naman sa amin si Mama na may dalang pamunas at tubig na may palanggana..............

    “Ano ba kasing nangyari sa labas?...Ang akala ko pinapaalis mo na siya dahil narinig kitang sumisigaw eh....”usisa ni Mama........
   
Kinabahan ako sa tanong ni Mama. Ayaw ko kasing malaman niya iyong totoong nangyari kanina dahil baka kung ano pa ang isipin niya.......

“Wala!...Walang nangyari!....Ahmmm....Kayo muna po ang bahala sa kanya Ma...Kuhanan niyo na lang siya ng damit sa aparador....Mali...Maliligo lang ako...Puro suka na rin kasi ko eh....”

Umalis na ko, paglabas ko sa pinto ng kwarto ay napahinto ako. Hindi kasi ko mapalagay. Hindi ko rin maintindihan kung ano bang nangyayari sa akin at may kung anong nagtutulak sa akin na lumingon pabalik sa kanila. Para kasing gusto kong makita iyong itsura niya na hindi, habang pinapalitan siya ni Mama.

Ilang saglit pa ay nahuli ko na lamang ang sarili ko na dahan-dahan nang sumisilip sa kanila mula sa may gilid ng pinto. Nasilayan ko ang maganda niyang pangagatawan at ang mga pinkish niyag utong habang pinupunasan na siya ni Mama. 

Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa kanya. Hanggang sa biglaan na lamang......

    “HUY!...Anong tinitignan mo diyan?!...”

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Knorra, kaya napalingon ako sa kanya......

    “Ano ba!...Ginulat mo ko ah!...”

Napalingon naman siya kina Mama at..........

    “Hay...Ang cute talaga niya...Yummy pa...”sambit ni Knorra....
    “Hmph...Oo nga eh...”bigla ko na lamang nasambit....

Napanganga na lamang ako sa mga salitang iyon na lumabas mula sa bibig ko . Ganun din si Knorra at napalingon pa siya sa akin kaya nagkatitigan kami...........

    “Ah....Eh....”
    “YUCK KUYA!....Huwag mo sabihing tinamaan ka dun sa muntikan niyong kiss kanina?!....EWWW!....”
    “Ssh!...Tumahimik ka nga!....Baka marinig ka ni Mama!....”
    “Eww talaga!....Isusumbong kita kay ate Maggie...”nakangisi niyang sambit.....
    “Subukan mo lang gawin iyan...Kakalbuhin kita!....”
    “Hihihi......”
   
Nakangisi pa rin siya sa akin at nang-aasar, kaya naman........

    “Alam mo...Dun ka na!...Silipin mo iyong pinakukuluang bulalo dun sa kusina at balikan mo na rin iyong mga customer sa bulaluhan!....DALI NA!...Bago pa ko mapundi sa iyo...At maliligo na ko!...”

Umalis na siya nang nakangisi pa rin. Pagkaalis niya ay napabuntong-hininga na lamang ako, matapos iyon ay nagtungo na ko sa may banyo.

KINAGABIHAN......

Lumubog na ang araw, baka gising na iyong lalake kaya naisipan ko na dalhan siya ng gabihan. Sinabawang Bulalo at kanin ang dinala ko para sa kanya. Pagdating ko sa kwarto ay tulog pa rin siya, kaya nilapag ko muna sa side table iyong pagkain.

Naupo ako sa may tabi niya, tapos ay pinagmasdan ko siyang muli.  Habang pinagmamasdan ko siya ay napaisip ako. Siguro matindi ang pinagdadaanan niya para maglasing siya nang sobra-sobra. At dahil dun, nawala na iyong inis na nararamdaman ko sa kanya. Ilang saglit pa ay gumalaw na siya, hanggang sa iminulat na niya ang kanyang mga mata......

“Nagising ka na rin sa wakas...”sambit ko...

Dahan-dahan siyang bumangon pero.....

    “ARRGH!...Sakit ng ulo ko!...”sambit niya sabay hawak sa ulo niya....

Hindi pa pala niya kayang kumilos nang maayos. Kaya naman inalalayan ko na siya at isinandal sa may dingding........

    “Hinay-hinay lang tol....Hilo ka pa eh.....”
    “Teka...Nasaan ba ko at...At sino ka?....”
    “Ako si Kiko...At nandito ka sa bahay namin....”
“Bahay niyo?....Ahmmm....Ano bang nangyari sa akin?...Bat napunta ko dito?...”
“Hmph!...Wala naman...Lasing ka lang naman kanina at nanggulo ka sa bulaluhan namin....Sinukahan mo ko...Pagkatapos bumagsak ka na.....”
“HA?!...”
“Huwag mo sabihing hindi mo naaalala?!...”
“Hin...Hindi eh...Pasensya na pre...Wala talaga kong maalala...Pero salamat dahil tinulungan mo ko....”

Hmph, ang swerte din naman ng mokong na toh at hindi niya naaalala iyong mga katarantaduhang pinaggagawa niya kanina, pati na rin iyong kahihiyang binigay niya sa aming dalawa..............

    “Ahmmm....Aji nga pala pre....Aji Serrano...Arrgh!...”sambit niya sabay hawak ulit sa kanyang ulo....
    “Tol mabuti pa kumain ka muna....Para magkalakas ka naman....Eto dinalhan kita ng sinabawang Bulalo...Masarap iyan...Specialty ko iyan...”

Kinuha niya iyong Bulalo mula sa tray ng pagkain at pinagmasdan ito.........

    “Sige na...Tikman mo na habang mainit pa iyong sabaw...Makakapagpabuti iyan sa pakiramdam mo....”

Tinikman na nga niya ito at humigop siya ng sabaw. Pagkatikim niya ay napalaylay ang dila niya at napapaypay siya ng isang kamay niya dito...........

    “KIKO ANG ANGHANG!!!...”
    “Nagising ang dugo mo noh?...Haha...Sinadya ko iyan para naman matanggal iyang pananamlay mo...Pero kung di mo kaya , pwede ko namang palitan eh....”

Kulang na lang ay umusok iyong dila niya, kaya naman hindi ko na napigilang matawa sa itsura niya. Pero kawawa naman siya kaya kinuha ko iyong baso ng tubig mula sa tray at......

    “Oh uminom ka muna ng tubig...”

Agad siyang uminom at nang matapos siya......

“Ano?...Palitan ko na?...”natatawa ko pa ring usisa.....
    “Huwag na...Masarap naman eh...”napapangiti niyang sagot....

Tawa pa rin ako nang tawa, hanggang sa pati siya ay natawa na lang din sa sarili niya. Ipinagpatuloy niya ang pagkain at habang kumakain siya ay nagpatuloy rin ang aming pag-uusap.......

    “Pwera biro...Ang sarap talaga nitong Bulalo mo...”
    “Sus!...Eh kanina nga ipinagpalit mo iyan sa cup noodles eh...”
    “Cup noodles?!...”pagtataka niya........

Ikinuwento ko na sa kanya iyong kalokohang ginawa niya kanina. At iyong paingles-ingles niya. Matapos niyang marinig ang lahat ay hindi siya makatingin sa akin ng tuwid at......

    “Siryoso?...Gi...Ginawa ko talaga iyon kanina?!...”
    “OO!...Gigil na gigil nga ko sa iyo eh...Pero nagtimpi na lang ako....”
    “Para pala kong baliw....SHET!...NAKAKAHIYA!!...”
    “Nah...Huwag mo nang isipin iyon tol...Tapos na eh...Tsaka lasing ka lang nun kaya mo nagawa iyon...”
    “Kahit na...Tsaka insulto kaya iyon sa iyo...Ang sarap-sarap ng luto mo tapos ganun pa ang ginawa ko...Sorry Kiko ah...”
    “Wala na sa akin iyon Aji...Nauunawan ko naman na talagang ibang klase ka lang malasing....Pero kung di mo mamasamain....Pwede ko bang malaman kung bakit ka naglasing nang ganun?....”

Natigilan siya matapos kong itanong iyon. Mukhang tama nga ako na matindi ang pinagdadaanan niya. Pero syempre, hindi ko naman siya pwedeng pilitin na magkwento sa akin.......

    “Ahmmm...Kung ayaw mong sabihin...Ayos lang...”
    “Sunud-sunod kasi ang mga problema ko eh....Kalilibing lang sa mom ko nung isang araw....Tapos kaninang umaga....Nag-away pa kami ng girlfriend ko....Kaya ayun...Hindi ko na kinaya at dinaan ko na lang sa bote ng alak....”

Hindi pala biro ang dinaranas niya. At ngayon na alam ko na toh, mas nauunawaan ko na kung bakit ganun na lang ang mga ikinilos niya kanina. Hindi na siya nagsalita matapos iyon, kaya hinayaan ko na lamang na makakain siya nang maayos. Halatang gutom na gutom siya, sinimot kasi niya iyong pagkain, pati iyong sabaw at pati buto talagang sinupsop niya nang todo. Nang matapos na siya........

    “Salamat sa pagkain....Sarap talaga....”nakangiti niyang sambit....
    “Pangatlong beses mo nang inulit iyan ah....”
    “Haha...Eh kasi naman, ngayon lang ako nakakain ng ganito kasarap na Bulalo....”
    “Ganun?...Hehe...”

Sa kalagitnaan nun ay may biglang dumating.............

    “Kuya!....Ay!....Gising na pala si cute...”

Napalingon kaming dalawa sa kanya at lumapit naman siya sa amin......

     “Ah...Si Knorra...Bunso kong kapatid....”
    “HI!...I’m Knorra...”nakangisi niyang sambit sabay abot ng kamay niya kay Aji......
    “I’m Aji....”sagot ni Aji sabay tanggap sa kamay niya....

Kilala ko ang ugali nitong kapatid ko, hindi siya tumitigil sa pangungulit kapag nakakakita ng gwapo. Tsaka bigla akong naasiwa habang pinagmamasdan silang magkamayan. Kaya naman minabuti kong sabihin na.......

    “AHEM!...May girlfriend na po siya...”
   
Biglang siyang napabitaw kay Aji at tumingin sa akin......

    “Weh?!...Di nga?...”
    “Totoo ang sinasabi ng kuya mo...”sambit ni Aji....
    “Hmmm....Sabagay...Sa cute mong iyan, hindi na kataka-taka na may gf ka na....Pero kung ganun...Bakit...Bakit mo gustong iano si kuya Kiko kanina....”

Nabakas ko ang pagtataka sa mukha ni Aji, matapos na sabihin iyon ni Knorra. Putcha naman oh! Talagang uungkatin pa iyon! Dahil dun, agad ko siyang hinila at.....
   
    “Ahmmm....Knorra parang tinatawag ka ata ni Mama...”sambit ko....
    “Ha?!...Wala naman akong naririnig ah...”
    “TINATAWAG KA NGA!...Halika na!...”

Kinaladkad ko na siya palabas ng kwarto. Paglabas namin ay sinara ko iyong pinto at saka ko siya kinausap........

    “ANO KA BA!...Ang daldal mo talaga!....Makinig ka...Wala siyang naaalala sa mga nangyari kanina!...At ayaw kong sabihin sa kanya iyong tungkol dun sa...”
    “Sa kiss?!...Eh nabanggit ko na eh...At siguradong magtatanong iyon pagbalik mo sa loob...”
    “Arggh!...Bwisit ka kasi eh!...POTA!...Anong sasabihin ko sa kanya?!...”
    “Oh c’mon kuya!...Hindi mo pwedeng ilihim sa kanya ang tungkol doon...Tsaka bakit mo ba toh ginagawang big deal?...Wala namang malisya iyon dahil lasing iyong tao di ba?...At barako naman kayong dalawa DI BA?...”sambit niya na may kasamang makahulugang ngisi......

Grrr! At nakuha pa niyang mang-asar! Pero tama siya eh, hindi naman ako bakla kaya hindi dapat ako nagpapaapekto ng ganito sa punyentang halik na iyon. Nagpasiya kong bumalik na sa loob at harapin si Aji, kahit na may kabog pa rin sa dibdib ko.

Umupo ulit ako sa tabi niya. Gusto kong humarap nang maayos sa kanya, pero hindi ko siya magtitigan nang diresto. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hanggang sa siya na tuloy ang unang nagsalita............

    “Ano iyong sinasabi ng kapatid mo na gusto ko kitang iano?...”
    “Naku...Pagpasensyahan mo na iyon...Makulit lang talaga iyong kapatid kong iyon....Ahehe....”sagot ko na may kasamang pilit na tawa sabay iwas ng tingin mula sa kanya....
    “Okay...Parang nag-iba ata ang kilos mo ah...At...At bakit bigla kang namula?...”

Mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib ko sa aking narinig. Kung hindi pa niya sinabi, hindi ko rin malalaman na namumula na pala ko sa harap niya.......

    “Sabihin mo nga sa akin pre...May iba pa ba kong ginawa kanina na ayaw mong ipaalam sa akin?....”
    “Ahmmm.....”
    “Ano?...”

Napalunok na lamang ako, pagkatapos ay ikinuwento ko na sa kanya iyong tungkol sa halik. Natulala siya matapos kong magkwento at hindi agad siya nakapagsalita. Mayamaya pa......

    “Hmph!...Pre hindi magandang biro iyan ah!...Kung joke iyan, hindi nakakatawa!!...”sambit niya.....
    “Tol....Mukha ba kong nagbibiro?...”
    “GAGO KA BA?!...Bakit ko naman gagawin iyon sa kapwa ko lalake?!....At sa harap pa ng maraming tao!...Di ako bading noh!...”

Napansin ko na habang sinasabi niya iyon ay nagsisimula na rin siyang mamula. Pero hindi ko nagustuhan iyong tono ng pananalita niya. Para kasing pinapalabas niya na nagsisinungaling ako. Kaya naman.......

    “Nagsasabi ako ng totoo noh!...Ginawa mo talaga iyon!...Siguro...Siguro dahil sa kalasingan mo, napagkamalan mo na ako iyong girlfriend mo!...”
    “Huh?!...Anong ibig mong sabihin?!...”
    “Sabi mo nag-away kayo di ba?...”
    “Oo nga...”
“Oh iyon!...Tinanong mo kasi ko kanina kung ano ginagawa ko dun  eh....Kung pinuntahan ba kita...Kung bati na ba tayo...Kaya kung hindi mo ko napagkalaman na syota mo, eh anong ibig sabihin noon?!...”

Habang nagpapaliwanag ako ay mas lalo pa siyang namula at hindi na rin siya nakapagsalita..........

    “Dapat nga magsorry ka pa sa akin eh...Dahil kumpara sa iyo...Mas napahiya ako dahil mga kapitbahay lang naman namin iyong nakasaksi sa katarantaduhan mo!....”
   
Pagkatapos noon ay napahinto na rin ako. Patuloy pa rin kasi iyong kabog sa dibdib ko at hindi ko na alam kung na ang susunod na sasabihin ko sa kanya. Nabalot tuloy ng katahimikan ang buong kwarto. Tumagal ito ng ilang minuto, hanggang sa siya na iyong bumagsak dito.........

    "Ahmmm...Iyong...Iyong kiss....Natuloy ba?..."
    "Hin...Hindi...Naitulak kasi kita bago pa magdikit ang mga labi natin eh......."

Matapos ko siyang sagutin ay sabay kaming napabuntong-hininga. Dahil dun ay nakatinginan kami. Hanggang sa bigla na lamang kaming natawa at napakamot sa ulo..........

    "Sige na nga...Sorry na....Kasalanan ko naman talaga eh....."nakangiti niyang sambit.....

Napangiti na lang din ako sa kanya at.......

    "Hmph!...Sa susunod kasi, huwag kang maglalasing kung hindi mo naman kaya...."
    "Haha...Opo boss!..."
Lumalalim na rin ang gabi, kaya di nagtagal ay nagpapaalam na siya. Baka daw kasi hinahanap na siya sa kanila kaya tutuloy na siya. Sinamahan ko na siya sa labas. Pagdating dun, may iilang customer pa rin sa bulaluhan na tumitingin sa kanya at maging siya ay napansin iyon......

    "Huwag mo na lang silang pansinin...Lilipas din naman ang lahat eh...."
    "Sige...Pre salamat ulit sa tulong ah....Huwag kang mag-alala...Babawi ako sa iyo...."
    "Wala na iyon...Ahmmm...."

Lumingon ako kay Mama at tinawag siya sandali.....

    "Ma!...Aalis na daw po siya...."

Lumapit siya sa amin at.....

    "Ha?!...Teka sigurado ka bang kaya mo na...Ah ano nga bang pangalan mo ulit iho?..."
    "Aji po...Opo okay na po ako....Salamat din po pala...Ahmmm...."
    "Nanay Sita na lang...."
    "Nay Sita...Nabanggit po kasi sa akin ni Kiko na kayo pala ang nagpalit sa damit ko...Pasensya na po sa abala ah....."
    "Walang anuman iho...Basta ba huwag ka nang uulit...."
    "Syempre naman po!...Hinding hindi na po talaga ko uulit...Promise!...Ah...Sige po tutuloy na ko..."
    "Oh sige iho..."

Bumalik na si Mama sa mga customer at hinatid ko na siya sa may gate. Paglabas niya ay sinundan ko siyang ng tingin habang naglalakad na siya palayo. Ilang saglit pa, nahuli ko ang aking sarili na lumalabas ng gate at.......

    "AJI!..."

Napahinto siya sa paglalakad at napalingon sa akin........

    "Mag-iingat ka sa pag-uwi ah!..."nakangiti kong sambit sabay kaway sa kanya....

Ngumiti din siya akin at kumaway. Matapos iyon ay umalis na siya. Sa totoo lang, ayaw ko pa sana na umuwi siya. Hindi ko malaman kung anong dahilan, pero gustong-gusto ko pa siyang makasama at makakwentuhan.


MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO......

Isang linggo na ang dumaan, pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko iyong mga nangyari. At hindi lang iyon, pati si Aji rin. Lagi ko kasing naiisip kung kumusta na ba siya, kung okay na ba siya. Ang tanga ko naman kasi eh, nakalimutan kong hingiin iyong numero niya. Ayan tuloy, hindi ko siya makokontak.

Ang buong akala ako ay hindi na kami magkikita ulit, pero nagkamali ako. Isang hapon sa bulaluhan, nagpupunas ako ng mesa na ginamit ng mga kaaalis lang na customer. Nang biglang.........
   
    "Paorder nga po!..."

Napahinto ako at napangiti sa narinig kong boses. Agad akong lumingon at......

    "AJI!..."masaya kong sambit....

Dali-dali akong lumapit sa kanya. Di ko alam kung bakit, pero bigla akong naexcite nang makita ko siya. Tapos ang gaan-gaan pa ng pakiramdam ko......

    "Oi tol kumusta ka na?..."usisa ko....
    "Hmph...Eto problematic pa rin....Hehe..."
    "Buti naman at naisip mong bumalik dito..."
    "Loko!...Nahihiya nga ako eh....Dahil dun sa mga ginawa ko last time...Pero...Nagbitaw ako sa iyo ng mga salita na babawi ako sa pagtulong mo sa akin...Kaya nandito ko ngayon......"
    "Babawi?..."

Habang nag-uusap kami ay lumabas si Mama at lumapit sa amin........

    "Oh nandito pala si Aji..."
    "Ay magandang hapon po Nay Sita...."pagbati ni Aji....
    "Magandang hapon din...Buti naman at nagawi ka ulit dito sa amin..."
    "Ahmmm opo...Gusto ko po kasi sanang yayain si Kiko na gumala eh...Para bumawi po sa pagtulong niya sa akin....Kung okay lang po..."

Nakakatuwa naman at talagang ipinagpaalam pa niya ko kay Mama. Gusto kong sumama sa kanya, pero....

    "Naku tol....Ano kasi...."

Napahinto ako dahil pinigilan ako ni Mama..........

    "Ako nang bahala dito anak....Parating na rin naman na ang kapatid mo galing eskwela eh...Sumama ka na sa kanya..."
    "Sigurado po kayo na kaya niyo Ma?..."
    "Oo naman...Huwag mo na kong alalahanin....."
    "Thank you po Ma!..."

Matapos iyon ay agad akong pumasok sa loob para maligo at magbihis. Syempre, gusto kong magmukhang kaaya-aya para kay Aji, pero ayaw ko din siyang pag-antayin nang matagal kaya binilisan ko lang. Paglabas ko.....

    "Oh tara na...Saan ba tayo pupunta?..."

Hindi siya nakasagot at nakanganga lamang siya sa akin. Kaya naman tinapik ko na siya sa balikat at........

    "Uy!...Ano ba bat nakanganga ka diyan?..."
    "Ha?!...Eh....Wala...Napansin ko lang na astigin ka pala kapag nakabihis..."napapakamot sa ulo niyang sagot....
    "Sus!...Tara na nga!...."

Lumarga na kami. Dinala niya ko sa isang malaking mall sa may Pasay. Habang naglalakad kami........

    "Langya ka Aji...Dito mo lang pala ko daldalhin eh...Akala ko naman kung saan na...."
    "Haha...So saan mo gustong pumunta?...Sine?...Basta kahit saan mo gusto pre...Sagot ko..."
    "Ayaw ko....Hindi naman ako mahilig manood eh...Isip na lang tayo ng iba....."
    "Ahmmm...Teka...."

Lumingon-lingon siya sa paligid. Mayamaya ay napahinto siya at........

    "Alam ko na!...Dun tayo!..."sambit niya sabay turo ng kamay niya.....

Sinundan ko ng tingin kung saan siya nakaturo. Ang tinuturo pala niya ay iyong ice skating rink. Okay sana iyong naisip niya, ang problema lang ay......

    "Ice skating?!...Eh hindi ako marunong magskate eh...."
    "Problema ba iyon?...Eh di tuturuan kita!..."
    "Pero tol..."
    "Wala ng pero pero!...Tara na!..."

Biglang niyang hinawakan ang kamay ko, pagkatapos ay hinila na niya ko papunta sa may rink. Hindi ako nakaimik, hanggang sa nakarating kami doon at nakapagrenta na ng skates, tahimik lang ako. Nakakaramdam kasi ko ng hindi maintindihang kaba.

Umupo muna kami para isuot iyong skates. Magkatabi kami at nang maisuot na namin ito.........

    "Ano ready ka na?..."usisa niya....
    "Tol iba na lang kaya ang gawin natin...Hindi talaga kasi ko marunong nito eh...Baka mamaya niyan magkalat pa ko...Pagtatawanan ako ng mga tao...Nakakahiya...."
    "Nakakahiya?...Hmph!...May mas nakakahiya pa ba doon sa eksena natin sa bulaluhan niyo last week?..."
   
Natawa ko bigla dahil sa sinabi niyang iyon. Bukod doon ay napagaan din niya ang loob ko dahil nabawasan niya ang kaba ko. Tumayo na siya, pagkatapos ay.........

    "Akong bahala sa iyo...Humawak ka lang muna sa akin para di ka matumba....Huwag kang mag-alala pre...Hindi kita pababayaan..."nakangiti niyang sambit sabay alok ng isa niyang kamay sa akin......

Napangiti na lang din ako sa kanya, naramdaman ko kasi sa mga sinabi nya na talagang hindi niya ko pababayaan. Humawak na ko sa kamay niya, tinulungan niya kong makatayo, pagkatapos ay pumasok na kami sa may skating rink.

Pagtungtong namin ay naramdaman ko agad iyong dulas ng yelo. Potek! Pakiramdam ko kaunting mali lang eh babagsak ako. Mabuti na lang talaga ay hawak ako ni Aji........

    "Oh hawak ka lang muna sa akin ah....Huwag ka munang bibitaw hangga't hindi ka pa nasasanay na magbalance..."sambit niya.....

Inalalayan niya ko at itinuro niya sa akin iyong tamang paggalaw at balance. Nahirapan ako dahil natatakot akong matumba. Pero di nagtagal ay medyo nakakatayo na rin ako nang maayos.......

    "Ano? Kaya pa ba Kiko?..."
    "Medyo...Medyo nakakapagbalance na rin kasi ko eh....."
    "Sige...Bibitawan kita ha....Titignan natin kung makakaya mo pag walang hawak....Pero dito lang ako...Aalayan pa rin kita....Kaya huwag kang matakot..."

Dahan-dahan ay binitawan na niya ko. Hindi naman ako natumba............

    "Ano?..."usisa niya.....
    "Nagawa ko tol!...Nakapagbalance ako nang walang hawak!..."napapangiti kong sagot....
    "Oh try mo ngayong gumalaw nang dahan-dahan...Sasabayan kita...."

Sinubukan kong gawin ang sinabi niya. Nagawa ko iyon ng hindi natutumba kaya naman natuwa ako.........

    "Oh di ba...Madali lang naman eh...."sambit niya.....
    "Madali ka diyan...Eh takot nga akong matumba eh...Ehehe..."
    "Basta relax ka lang....Hindi ka matutumba....Sige nga...Try natin kung kaya mo pag mabilis...."
    "HA?!..Teka lang!..."kabado kong sambit....
    "Sundan mo lang ako!..."sambit niya sabay galaw na....

Pota! Iniwanan ako ng loko! At ang malala pa ay ang bilis niya. Dahil dun ay wala na kong nagawa kung hindi ang bilisan na rin ang galaw ko para makahabol sa kanya. Pero nang binilisan ko na, doon lang pumasok sa isip ko ang isang malaking problema. Hindi pa niya natuturo sa akin kung paano huminto!

Kanina kasi ay hinahawakan niya ko para makahinto ako. Pero ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko! Kaya nang makahabol ako sa kanya.......

    "Oh kaya mo naman na pala eh!..."nakangisi niyang sambit.....
    "Anong kaya?!...GAGO KA AJI!...HINDI MO PA KO TINUTURUANG HUMINTO!!!..."sigaw ko.....

Matapos kong sabihin iyon ay nanlaki ang mga mata niya at napahinto siya, habang tuloy-tuloy naman ang mabilis kong pag-abante. Sa puntong iyon, takot na takot at natataranta na ko dahil baka may mabunggo akong tao o kaya naman ay magdire-diretso ko sa bakod ng rink.

Pero ilang saglit lang ay biglang sumulpot si Aji sa tabi ko. Umabante siya ng kaunti at pumunta sa harapan ko. Pagkatapos ay bigla na lamang niya akong inakap. Sa taranta ko ay napaakap na lang din ako sa kanya nang mahigpit, napadantay ako ng mukha sa balikat niya sabay pikit.

Habang nakaakap ako sa kanya ay patuloy pa rin kaming gumagalaw. Kaya naman ninenerbyos pa rin ako. Hanggang sa marinig ko siyang bumulong sa tenga ko ng.........

    "Relax...Sabi ko naman sa iyo hindi kita pababayaan di ba?..."

Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, naramdaman ko na mas humigpit ang akap niya sa akin. Dahil doon ay nadama ko iyong init ng katawan niya na siyang unti-unting nagpakalma sa akin. Pagkatapos ay nasabayan iyon ng mabilis at malakas na pagpintig ng dibdib ko.
Mayamaya pa ay naramdaman ko na dahan-dahan na kaming humihinto. Paghinto namin ay unti-unti ko nang iminulat ang mga mata ko at inangat ang ulo ko mula sa balikat niya. Pagtingin ko sa mukha niya, namumula siya......

    "Ahmmm...A...Ayos ka lang ba pre?..."usisa niya.....

Hindi ako nakapagsalita at tumitig lang ako sa kanya. Pero tumango naman ako bilang sagot sa kanyang katanungan. Naisip ko kasi na shet! Parang ganito din iyong itsura niya noon sa bulaluhan namin. Dahil doon napagtanto ko rin na kanina pa pala kami magkayakap sa isang pampublikong lugar. Agad kong nilingon ang paligid at nakita ko na.......

    "Tol!...Tumitingin na sa atin iyong mga tao!..."sambit ko...

Pagkasabi ko noon ay siya na mismo ang agad na kumalas sa pagkakayakap namin sa isa't isa. At..........

    "So...SORRY!..."sambit niya....

Pero dahil sa pagkalas niya, nawalan ako ng supporta, dahilan para mawalan din ako ng balanse. Nagkanda dulas ako.....

    "A...Aji!...Tu...Tulong!!!...WAAAAA!!!...."

Nahawakan niya ko pero huli na, bumagsak na ko. At dahil hawak niya ko, pati siya ay nadamay at bumagsak siya sa ibabaw ko.........

    "Hmph!....Nasaktan ka ba?..."natatawa niyang usisa.....
    "Ano ba namang klaseng tanong iyan!...Tatawa-tawa ka pa diyan...."
    "Haha...Pasensya na...Para na naman kasi tayong gago eh..."
    "Hmph!..."

Napangiti at natawa na lang din ako sa sinabi niya. Umalis na siya sa ibabaw ko at tumayo. Pagkatayo niya ay tinulungan naman niya ko na makabangon. Pagkabangon ko, inalalayan na niya ulit ako para di na ko uli madulas. Matapos iyon ay lumabas na muna kami ng rink at naupo sa isang tabi.......

    "Alam mo pre...Mukhang matatagalan pa bago mo matutunan nang husto itong pag-iiskating..."
    "Hmph!...Sinabi mo pa!..."
    "Pero pwede naman tayong bumalik-balik dito eh...Tuturuan kita hanggang sa gumaling ka...Kung gusto mo..."
    "Nakakahiya naman ata iyon sa iyo tol....Aabalahin pa kita..."
    "Oh sige...Para patas at hindi mo isiping inaabala mo ko...Magdeal na lang tayo..."
    "Anong deal?..."
    "Tuturuan kitang mag-skating...AT..."
    "At ano?
    "At...At tuturuan mo kong magluto ng Bulalo..."

Habang sinasabi niya iyon ay napapakamot siya sa kanyang ulo. Napansin ko rin na parang nahihiya siya. Hmph, parang alam ko na kung anong nangyayari dito ah........

    "Hmmm....Bakit kaya may pakiramdam ako na kanina mo pa gustong sabihin iyan sa akin...."nakangisi kong usisa.....
    "Ahmmm....Okay....Buking na ko....Ang totoo...Bukod sa kagustuhan kong makabawi sa iyo...Iyong magpaturo magluto ng Bulalo ang isa pang rason kaya ako bumalik sa inyo..."
    "At bakit mo naman gustong matuto na magluto ng Bulalo?..."
    "Gusto ko kasing ipagluto iyong girlfriend ko...."
   
Bigla akong nakaramdam ng di mawaring kurot sa dibdib ko sa isinagot niya, parang bang bigla akong nadismaya. Dahilan para sandali akong matigilan............

    "Oh bat natigilan ka diyan?..."usisa niya.....
    "Wa...Wala tol...Nabigla lang ako...Teka...Gusto mo siyang ipagluto?...So nagkabati na kayo?...."
    "Actually hindi pa...Ni hindi pa nga kami nag-uusap eh...."   
    "Ahmmm....Hindi naman sa masyado kong nagiging matanong ah....Pero ano ba kasing pinag-awayan niyo?...

Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat. Mula pala nung magkasakit ang Mommy niya, hindi na niya gaanong nabigyan ng panahon iyong girlfriend niya. Only child pala kasi siya at siya lang ang inaasahan ng Dad niya na makatulong sa pag-aalaga.

Kayu ayun, nagtampo at ang masaklap pa, nagkaroon lang siya  ng oras na harapin ito nang maayos nung matapos ilibing ang Mommy niya. Kaya nung nagkita sila, nauwi sila sa matinding pagtatalo. Paano kasi ay hindi raw nito naunawaan ang sitwasyon niya..........

    "Alam ko naman na ako talaga iyong may pagkukulang eh...At gusto kong mapunan iyon pre...Pero para magawa ko iyon...Kailangan ko ulit makuha iyong loob niya....At ang ipagluto siya ang naisip kong paraan...Parang iyong ginawa mo sa akin...."
    "Ginawa ko sa iyo?..."pagtataka ko....
    "Hindi ko pa nga pala nasasabi....Alam mo kasi...Napagaan mo po ang loob ko AT gumaan ang loob ko sa iyo...Nung pinakain mo ko ng Bulalo mo...."
Siryoso siya habang sinasabi iyon. Tapos ay nakatitig pa siya sa mga mata ko. Dahil dun ay napansin ko na mamasa-masa na ang mga mata niya, kaya naman..........

    "Hmph!...Sabagay...Sino ba naman ang hindi lalambot sa malulupet kong luto sa bulalo...Iyong isa nga diyan mukhang nagkakagusto na ata sa akin eh...."biro ko sabay ngisi sa kanya....
   
Namula siya bigla sa sinabi ko at natawa........

    "Hahaha...Loko ka Kiko ah...Walang ganyanan...."tumatawa niyang sambit....
    "Toh naman!...Pinapatawa lang kita tol...Paano naman kasi...Ayan oh!..."

Itinuro ko ng hintuturo ko ang mga mata niya. Pilit niyang hinahawi ang daliri ko mula dito, pero pilit ko ding ibinabalik ito. Tapos ay pareho kaming tawa nang tawa..........

    "Naluluha na iyang mga mata mo habang nagkwekwento oh...Baka iyakan mo pa ko dito...Ahahaha..."
   
Matapos kong sabihin iyon ay hininto ko na ang pang-aasar sa kanya at ibinaba ko na ang daliri ko. Samantala, pinahiran naman niya ng kanyang  kamay ang kanyang mga mata. Tuluyan na kasing bumagsak iyong mga naipong luha mula dito. Pero hindi dahil sa lungkot, kung dahil sa katatawa namin........

    "Hmph!...Kainis toh...Pinagtritripan ako..."sambit niya habang pinapahiran pa rin ang mga mata niya....
    "Sus!...Itigil mo nga iyang pagdradrama diyan...Tutulungan na kita!..."
    "Talaga?!...."
    "OO tol...Tutulungan kita...PUMAPAYAG NA KO SA DEAL...."
   
Tuwang-tuwa siya at sa tuwa niya ay napaakbay pa siya sa akin at..........

    "Salamat pre!...The best ka!..."

Pumayag ako sa kasunduang inaalok niya. Alam ko na bago lang kami na magkakilala, pero di ko maiwasan na maapektuhan sa mga pinagdadaanan niya. Kaya naman gusto ko siyang matulungan. Bukod doon, gusto ko rin kasi na makita at makasama pa siya ulit.

Masasabi ko na hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko na makipagkasundo kay Aji. Ang kasunduan kasi namin ang naging daan para maging malapit kami. Paano ba naman, kapag pareho kaming libre, hindi pwedeng hindi kami magkita para turuan ang isa't isa. Kaya naging madalas kaming magkasama.

At sa bawat oras na magkasama kami, hindi nawawala ang biruan, asaran at kulitan sa aming dalawa.  Kaakibat pa noon ay ang hindi maipaliwanag na saya.

ISANG ARAW SA AMING KUSINA......

Cooking session na naman namin ni Aji. At ngayon, sizzling bulalo ang tinuturo ko sa kanya. Habang pinapakuluan namin iyong karne, itinuro ko muna sa kanya iyong paggawa ng mushroom gravy para doon. Sinimulan ko ito sa pagpapahiwa sa kanya ng mushrooms........

    "Okay na ba itong hiwa ko?...."

Tinignan ko ito at nagawa naman niyang sundan ang mga sinabi ko.......

    "Iyan...Tapos igigisa mo na siya ngayon sa mantikilya...."

Matapos niyang maggisa, ipinalagay ko na sa kanya ang mga natitira pang sangkap ng gravy, ang cream of mushroom at tubig..........

    "Titimplahan mo na lang siya ngayon ng asin at paminta...Tapos pwede na siyang haluin...."

Sinunod niya ang mga sinabi ko. Pero nang hinahalo na niya ito ay laking gulat ko sa pamamaraan niya, para kasing hinuhukay niya toh.......

    "Oi ano iyang ginagawa mo?!..."
    "Eh di naghahalo..."
    "Para ka namang naghahalo ng simento!...Dapat dahan-dahan...Ganito lang oh...."

Hindi naiwasan na ipatong at ihawak ko ang kamay ko sa kamay niya. Kailangan kasi para malaman niya iyong tamang paggalaw nito sa paghahalo ng gravy.........

    "Ganyan dapat!....Swabe..."

Wala naman sanang malisya iyon sa akin. Pero ito kasing si Aji, biglang tumitig at ngumiti sa akin...........

    "Bakit?..."usisa ko habang hinahalo pa rin namin iyong gravy....
    "Eh kasi po...Nananantsing ka na naman sa akin...Hahaha..."
Heto na naman ang loko, nagsisimula na namang makipag-asaran. At kung asaran ang gusto niya, iyon ang ibibigay ko sa kanya.......

    "Ganun?...Ang sabihin mo...Sinadya mo talagang pangitan iyong paghalo...Para turuan kita at hawakan ko ang kamay mo...."nakangisi kong sagot.....

Pagkasabi ko sa kanya noon ay hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Napansin ko na nabigla siya, napatingin kasi siya dito. Tapos ay lumingon siya ulit sa akin na sinabayan ko naman ng paglapit ng mukha ko sa mukha niya..........

    "Oh ano Aji?...Eto ang gusto mo di ba?...Kaya pinagbibigyan na kita..."nakangisi kong pang-aasar......

Hindi nakakibo ang mokong, pero bigla niyang hinawi ang mukha ko mula sa kanya.......

    "Gago!...Alisin mo nga iyan!...Ka...Kaya ko na...."sambit niya sabay alis ng kamay ko mula sa kamay niya, gamit ang isa pa niyang kamay.....
    "Ahahaha!....."

Ang kulit ng itsura niya, kaya naman hindi pa rin ako matigil sa katatawa, habang itinuloy naman niya ang paghahalo. Makalipas ang ilang saglit ay naisipan kong tignan kung malambot na ba iyong baka. Kumuha ako ng pot holder at binuksan ko iyong kasirola. Dumampot ako ng tinidor at tinusok iyong karne. Habang ginagawa ko iyon ay bigla na lamang nagsalita at bumanat si Aji ng......

    "Siguro pre...Ang sarap mong maging boyfriend noh?..."

Nagulat ako sa sinabi niya. Dahil dun ay naibitawan ko iyong takip ng kasirola.......

    "ARRGH!..."

Buti na lamang ay naalis ko agad iyong isa kong kamay mula dito. Kaya kahit na napaso at tinamaan toh ay daplis lang. Napahinto naman si Aji sa paghahalo, pinatay niya muna iyong apoy at........

    "Oh anong nangyari?!...Ayos ka lang ba Kiko?!..."usisa niya sabay kuha sa kamay ko.....

Taena naman kasing Aji toh! Lakas mangtrip! Sa dami nang pwede niyang sabihin, iyon pa! Bigla tuloy akong kinabog. Hindi kung alam kung bakit, pero bigla talagang bumilis iyong tibok ng puso ko sa sinabi niya...........

    "Buti naman at daplis lang...Tara, kailangan mahugasan natin iyan...."

Dinala niya ko sa may lababo at siya na mismo ang naghugas sa paso ko. Kahit pala na maloko siya, malaki pa rin ang malasakit niya sa akin. Nakikita ko kasi na talagang nag-aalala siya. Kaya naman unti-unti na lamang akong napangiti habang pinanonood siyang hugasan iyong kamay ko.......

    "Masakit ba pre?...Ano ba kasing pinaggagawa mo?...Bat hindi ka nag-iingat?..."
    "Hmph!...Di nag-iingat...Ginulat mo ko eh!....Kung anu-anong pinagsasabi mo diyan...."
    "Hahaha...Alin? Iyong masarap ka sigurong maging syota?..."
    "OO!...Ano iyon?!...Gumaganti ka sa pang-aasar ko?!..."

Tapos na niyang hugasan ang kamay ko. May malinis na towel sa may gilid ng ref, kinuha niya ito sandali pagkatapos ay bumalik siya agad sa akin. Pinunasan niya iyong kamay ko.........

    "Alam mo...Hindi pang-aasar iyon....Kaya ko lang naman nasabi iyon, kasi di ba may kasabihan tayo...Ang taong masarap magluto, masarap din magmahal....Eh masarap kang magluto....So naisip ko na malamang masarap ka ring magmahal....."sambit niya habang pinupunasan ang kamay ko.......
    "Hahaha!...Sus!....Kalokohan iyan tol...Dahil kung totoo ang kasabihan na iyan...Eh di sana matagal na kong sinagot nung nililigawan ko...."

Bigla siyang natigilan at napahinto sa pagpupunas matapos kong sabihin iyon. Alam ko na ngayon ko lang nabanggit sa kanya na may nililigawan ako, pero bakit ganito ang reaksyon niya? Uusisain ko na dapat siya, pero bago ko pa man magawa iyon ay........

    "Hmph!...Ikaw ha...Ang daya mo...May nililigawan ka pala...Hindi mo man lang sinasabi sa akin..."nakangisi niyang sambit sabay tuloy ulit sa pagpunas.........
    "Hindi ka naman nagtatanong eh..."
    "Pilosopo pa!...Pero pre...Ang swerte ng babaeng iyon ha...Dahil ikaw ang nanliligaw sa kanya..."
    "Talaga lang ha...Eh ayaw nga akong sagutin..."
    "Haha...Baka nagpapahard to get lang iyon...Eh mahal mo naman ba...?"
    "Nililigawan ko na nga di ba..."
    "Hmph...Di naman porket nililigawan mo ang isang tao, ibig sabihin mahal mo na...."
     "Alam mo ikaw...Ang dami mo ring alam eh noh!...Kung anu-ano na lang lumalabas diyan sa bibig mo eh..."
    "Hahaha...Sige na nga tama na...Baka mapikon pa iyong isa diyan eh..."

Nang matapos niyang punasan ang kamay ko, tinali naman niya iyong towel dito....

    "Iyan pre...Okay na...Mag-iingat ka na kasi..."
    "Opo sir!..."
    "Oh ano...Ituloy na natin iyong niluluto natin..."

Binalikan na namin ang pagluluto. Sa totoo lang, dinaan ko lang ang lahat sa biro, pero tinamaan ako sa mga sinabi niya. Napaisip tuloy ako tungkol sa estado namin ni Maggie.

MAKALIPAS ANG ILANG ARAW......

Tumawag sa akin si Aji, ang sabi niya, nagkausap daw sila nung girlfriend niya. Pumayag na daw ito na makipagkita na sa kanya ulit sa isang dinner date. Excited na excited ang mokong dahil sa wakas ay magagamit na daw niya iyong mga itinuro ko.

Alam ko kung gaano kahalaga ang gabing iyon para sa kanya. Kaya hangga't maaari, ayaw ko na magkamali siya. Baka kasi maging dahilan pa iyon para masira ang mga plano niya. Dahil dun, naisipan ko na subukan ang mga natutunan niya mula sa akin.

Pinapunta ko siya muli sa amin para paglutuin nang mag-isa. Hindi ko siya tinulungan at inalalayan, siya lang talaga ang pinakilos ko. Pinanood at inobserbahan ko lang ang mga gagawin niya. Nakakatuwa, dahil nagawa niya ang lahat nang tama at maayos. 

Nang matapos na siya, tinawag ko sina Mama at Knorra upang silang dalawa ang humusga sa niluto niyang sinabawan at sizzling Bulalo. Pero hindi ko ito ipinaalam sa kanya. Kaya pagdating niya sa may hapag.......

    "Oh...Bakit nandito sina Nay Sita at Knorra?...."
    "Nandito sila, dahil sila ang huhusga sa mga niluto mo..."
    "HA?!...Di ba ikaw pre?!...."
    "Sila nga!....Hindi ako..."nakangisi kong sagot...

Tila bigla siyang nataranta sa kanyang nalaman. Samantala, napansin ko na ang dala lamang niya ay iyong sinabawan. Kaya naman........

    "Tol...Nasaan iyong sizzling?..."
    "Na...Nasa kusina pa!...Teka lang kukunin ko muna!...."

Dali-dali niyang inilapag sa mesa iyong sinabawan. Pagkatapos ay agad siyang tumakbo papuntang kusina........

    "Anong nangyari dun?..."pagtataka ni Mama....
    "Ewan ko..."sagot ko....
   
Maging ako man ay nagtataka sa naging reaksyon ni Aji. Mayamaya ay bumalik na siya dala iyong sizzling.......

    "Eto na iyong sizzling...Sana magustuhan niyo..."

Tinikman na nila iyong mga pagkain. At ang mga reaksyon nila........

    "Masarap ah!...Pwedeng pwede mo nang palitan ang anak ko sa Bulaluhan namin..."
    "Ma naman!..."
    "Naku hindi naman po...Syempre po mas magaling pa rin sa akin si Kiko...."napapakamot sa ulong sambit ni Aji.....

Napatayo naman si Knorra mula sa kanyang kinauupuan. Pumunta siya sa tabi ni Aji at bigla na lamang siyang pumulupot sa braso nito........

    "Kuya cute!...I love it!...Love it!...LOVE IT!...Ang sarap ng luto mo!...I'm pretty sure na makikipagbalikan na sa iyo iyong gf mo...After niyang matikman toh!....."
    "Ahehe...Talaga?..."sagot ni Aji na may kasamang pilit na tawa.....
    "Oo noh...Pero just in case...Just in case lang naman kuya cute...Kung ayaw na talaga niya sa iyo...Pwedeng pwede ako!..."

Hay, eto na naman, umiral na naman ang kakulitan nitong kapatid ko. Nakakairita! Kailangan ba talaga na maggaganito siya? At bakit may pulupot pang kasama?! Dahil dun, di ko napigilan ang sarili ko at..........

    "Hoy babae tigilan mo nga iyan!....Kebata-bata mo pa...Pagboboyfriend na iyang nasa isip mo!..."sambit ko.....
    "Sus!...si Kuya Kiko naman ang killjoy!...Masaya lang naman ako para kay kuya cute eh...Tsaka biro lang iyon noh!...."

Natawa na lang si Mama sa amin. Kami naman ni Aji ay napakamot na lamang sa ulo. Pero ganun pa man, masaya ko dahil nagtagumpay si Aji. Ngayon, kampante na ko na hindi na siya magkakaproblema pagdating ng dinner date nila ng girlfriend niya.


PAGLIPAS NG ILANG ORAS......

Nasa kusina kami ni Aji at naghuhugas ng mga pinggan. Habang naghuhugas kami......

    "Grabe naman!...Nilantakan nila lahat nung niluto mo...Ni hindi ako nakatikim....Ang daya!...."sambit ko....
    "Ikaw kasi eh...Nagbanyo-banyo ka pa...Iyan tuloy nasalisihan ka....Pero...Ibig sabihin nun, ganun talaga kasarap iyong luto ko...Hehe..."
    "Oo na!...Magaling ka na!...Hmph!...Di mo man lang naisip na tabihan ako...."

Bigla na lamang siyang tumahimik pagkasabi ko ng mga iyon. Kaya naman.....

    "Bakit tol?..."
    "Actually....May naitabi kong sizzling..."
    "Weh!...Di nga?..."
    "Meron...Ang totoo...Ginawa ko iyon, especially para sa iyo...Dahil nga akala ko ikaw iyong titikim ng luto ko....Pero nung malaman ko na sina Nay Sita at Knorra pala...Hindi ko na lang inilabas...Nahihiya kasi ko na makita nila eh...."
    "Ahh...So kaya pala nataranta ka kanina...."
    "Ganun na nga..."
    "Eh ano pang hinihintay mo?...Ilabas mo na!..."
    "Si...Sigurado ka pre na gusto mo?..."
    "OO...Gusto kong matikman!..."

Inilabas na nga niya iyong tinabi niyang sizzling. Nang makita ko ang itsura nito, natigilan ako at kinabog na naman ang dibdib ko nang di oras. Dahil.......

    "Gago ka talaga Aji!....Ano na namang trip toh?!...Bat...Bat hugis puso itong karne?!....."usisa habang patuloy ang malakas at mabilis na kabog ng dibdib ko......
    "Ah...Eh....Gusto ko lang kasing magpasalamat ulit sa lahat ng mga ginawa mo para sa akin....Kasi di ba...Kung di naman dahil sa iyo...Hindi ko makakayang gawin ang lahat ng ito...Kaya iyan....Sige na...Tikman mo na....."napapangiti niyang sagot.....

Loko talagang Aji toh kahit kailan. Dahil sa ginawa niya, pakiramdam ko tuloy espesyal ako sa kanya. Napangiti na lang din tuloy ako sa kanya, pagkatapos ay tinikman ko na iyong sizzling.........

    "Wow tol!....Sobrang sarap!...."

Ibang klase iyong sarap nito, halatang galing sa puso iyong ginawang pagluluto dito.........

    "Alam mo tol....Dapat ganitong-ganito ang gawin mo sa dinner date niyo nung girlfriend mo....Tiyak hindi magdadalawang-isip iyon na makipag-ayos sa iyo....."
    "Talaga?..."
    "OO....Baka nga maiyak pa iyon eh...Hehe...."

Kung ako siguro iyong syota niya, baka nayakap ko na siya at umiiyak na ko ngayon sa tuwa. Naisip ko tuloy, kung naging babae siguro ako, malamang nahulog na ko sa kanya.

ARAW NG DINNER DATE......

Hapon, hindi ako mapalagay, ngayon kasing gabi iyong dinner date ni Aji sa girlfriend niya. At sa hindi malamang kadahilanan, kanina pa ko kinakabahan at kinukutuban nang masama. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.

Para maibsan ang pag-aalala ko, nagpasiya na kong tawagan si Aji sa kanyang cellphone para mangumusta........

    "Oh napatawag ka pre..."
    "Ahmmm....Makikibalita lang tol....Kumusta?...Ano nang nangyayari sa iyo diyan?...."
    "Eto, kadarating ko lang galing supermarket...Namili ko ng mga sangkap eh....Alam mo pre excited na excited na ko!..."
    "Hmph!...Baka naman sa sobrang excitement mo eh makalimutan mo iyong mga dapat gawin ha...."
    "Hindi ah....Ako pa!..."
    "Sige nga....Sabihin mo nga iyong tatlong reminders na binigay ko sa iyo kapag pinapakuluan ang Bulalo...."
    "Okay...Una...Pag marami nang nakalutang na linab sa tubig, kailangan palitan na ito....Dalawang beses gagawin iyon...Iyon ay para masigurado na malinis na iyong karne...Pangalawa...Tusukin ng tinidor iyong karne para malaman kung malambot na at masigurado na wala nang dugong lalabas mula dito....At ang panghuli....Mahina lang dapat ang apoy...."
    "Galing ah!....Kabisadong-kabisado ah...."
    "Syempre...Magaling ang tutor ko eh...Hehe..."
    "Eh iyong mga sangkap mo kumpleto ba?....Tsaka....."
    "Ah pre...Teka nga muna....Bakit ba masyado kang nag-aalala diyan?...."bigla niyang singit.....

Napahinto ako dahil sa tanong niyang iyon, kaya hindi ko natapos ang mga sinasabi ko. Hindi ako nakaimik, dahil hindi ko alam kung paano siya sasagutin.......

    "Kiko...May problema ba?...May nangyayari ba na hindi mo sinasabi sa akin?...."usisa niya....
    "Ahmmm....Wala noh!...Gus...Gusto ko lang masiguro na magiging maayos ang lahat....Sige tol...Hin...Hindi na kita didistorbohin...Goodluck na lang...Kung...Kung may kailangan ka...Tawagan mo lang ako...."

Matapos kong sabihin iyon, ibinaba ko na agad iyong cellphone para hindi na siya mag-usisa pa. Mas mabuti na rin siguro toh, na sarilinin ko na lang itong masama kong kutob. Matagal rin kasing pinaghandaan ni Aji ang araw na toh, kaya hindi ko siya dapat bigyan ng alalahanin.

PAGDATING NG GABI......

Sa mga customer sa bulaluhan ko na lamang itinuon ang atensyon ko. Pero sa kabila noon, hindi pa rin mawala iyong pangamba ko. Lalo na't dumilim na at dumating na iyong nakatakdang oras para sa dinner date. Dahil dito ay hindi ko rin magawang makapagtrabaho nang maayos.

Ilang beses ako muntikang makabasag ng baso dahil sa pagkabalisa ko. Buti na lamang iyong panghuli ay nagawang saluhin ni Mama...........

    "Ano bang nangyayari sa iyong bata ka ha?....Eh kanina ka pa nawawala sa sarili mo ah...."
    "Pasensya na po Ma...."
    "Inaalala mo iyong kaibigan mo noh?..."
    "Opo...Kanina pa po kasi ko kinukutuban nang masama para sa dinner date niya eh....Hindi ko alam kung bakit....."
    "Hindi ba't tinawagan mo na siya?..."
    "Kanina pa po iyon eh...."
    "Mabuti pa anak...Tawagan mo na lang siya ulit...Kaysa naman ganyan na hindi mapalagay iyang kalooban mo...."

Alam kong sinabihan ko siya na di ko na siya didistorbohin. Pero tama ang mga sinabi ni Mama, mapapanatag ako kung makakausap ko siya ulit. Kinuha ko na iyong cellphone ko. Pagkatapos ay bumalik ako sa labas para mas malakas iyong signal. Magdadial na sana ko nang biglang......

    "Hi!...Good evening people!..."

May babaeng nagsalita, kilala ko kung sino iyon kaya napahinto ako at napalingon sa kanya...........

    "Ma...Maggie..."
 
Hindi ko inaasahan ang pagdating niya. At sa kalagayan ko ngayon, ni wala ako sa mood na humarap sa kanya. Kaya naman natigilan na lamang ako.....   
    "Hoy ano ka ba!....Bakit para ka namang nakakita ng multo diyan?..."

Lumapit na siya sa akin at umakap sa braso ko......

    "Ano ba!...Magsalita ka naman..."
    "So...Sorry....Nabigla kasi ko sa iyo eh...Teka gabi na ah...Ano bang ginagawa mo dito...?"
    "Wala...Medyo lungkut-lungkutan ako ngayon eh...Tsaka namimiss na kita noh...Di kasi nagpaparamdam sa akin lately..."
    "Sorry Maggie...Naging abala kasi ko..."
    "Hmph!...Hindi pa man din nagiging tayo...Nawawalan ka na ng oras sa akin..."
   
Sa totoo lang, hindi ko talaga kayang makipag-usap o makipagkulitan sa kanya ngayon. Pero ayaw ko ding saktan ang damdamin niya, kaya naman napilitan na lamang ako na magpanggap sa harap niya.........

    "Sus!...Ikaw talaga oh...Bat di mo muna kaya itry na sagutin ako...Para  maging priority na kita di ba...Ehehe..."pabiro kong sambit na may kasamang pilit na ngiti....
    "Ah ganun!...Pasimpleng style ka rin eh noh..."sagot niya sabay kurot sa pisngi ko....
    "Ahehe...."

Taena, naguguluhan na ko! Hindi ko alam kung sino ba ang uunahin ko, kung siya o si Aji. Napatingin ako kay Mama, pinagmamasdan pala niya kami. Tila na nabatid niya ang nangyayari sa akin, dahil lumapit siya sa amin....... 

    "Ay good evening po..."bati ni Maggie.....
    "Napadalaw ka iha ah...Abay gabi na, hindi ka ba hinahanap sa inyo?..."
    "Eh namiss ko po kasi bigla itong cute niyong anak eh....Tsaka....."

Habang nagpapaliwanag si Maggie ay pasimple siyang bumulong sa akin ng........

    "Natawagan mo na ba anak?..."
    "Hindi pa po...Bigla po kasi siyang dumating..."pasimple at pabulong ko ring sagot....
    "Ahh...Halika tumuloy ka muna sa loob..."paanyaya ni Mama.....

Tinawag ni Mama si Knorra para siya muna ang magbantay sa bulaluhan. Pumasok na kami sa loob, pinaupo ni Mama si Maggie sa may sala at.........

    "Nagugutom ka ba iha?...Gusto mong magmerienda muna?..."
    "Sige po...Thank you...."
    "Sige...Ahmmm...Anak...Samahan mo ko sa kusina at ikuha natin siya ng makakain...."

Hindi na ko nakapagsalita dahil hinila na ko agad ni Mama papuntang kusina. Pagdating dun.......

    "Oh ano pang hinihintay mo?...Tawagan mo na siya!...Ako na ang magdadala ng pagkain kay Maggie...Sumunod ka na lang pagtapos...."pabulong niyang sambit....
    "Salamat po Ma...."

Tinawagan ko na nga agad si Aji. Nakadalawang tawag na ko pero hindi niya sinasagot ito, lalo tuloy akong nabalot ng pag-aalala. Gusto ko pa sanang ulitin ito sa pangatlong pagkakataon, pero naghihintay si Maggie sa akin. Dahil dun ay nagpasiya ko na bumalik na lamang sa may sala.

Muli ay napilitan na lamang ako na magpanggap na parang wala akong iniisip na iba sa harap ni Maggie. Sinakyan ko na lamang ang mga pangungulit at biro niya. Hanggang sa dumating ang oras na nagpaalam na siya na uuwi na.

Hinatid ko na siya sa kanila. Bago ko sumakay ng jeep pauwi, naisipan kong tawagan na ulit si Aji. Nagbabakasakali ako na sagutin na niya ito ngayon, pero ganun pa rin, hindi pa rin niya sinasagot. Hindi na toh maganda, natatakot na ko dahil baka may nangyari sa kanya.

Dahil dun, nagpasiya na ko na puntahan na siya. Buti na lamang ay nasabi niya sa akin iyong lugar kung saan niya isesetup iyong dinner nila.  Pagdating ko, tumambad sa akin ang gulo-gulong hapag, nagkalat dito iyong sinabawang Bulalo at meron ding sizzling. Iyong kandila na siyang dapat na magpaparomantiko sa dinner ay nakatumba. Tapos iyong mga wine glass ay nasa simento at basag.

Sinasabi ko na nga ba, hindi ako nagkamali sa masama kong kutob, may nangyari ngang di maganda. Dahil dito ay agad kong pinagala ang mga mata ko sa paligid para hanapin kung nasaan si Aji.....

    "Aji?!...Tol nasaan ka?!..."

Hindi siya sumagot, pero buti na lamang ay nakita ko siya. Nakaupo at nakasiksik siya sa isang sulok. Agad ko siyang nilapitan, paglapit ko ay napansin ko na nakatulala siya sa kawalan. Nagmumugto ang mga mata niya nang kagaya nung dati. At ang mga pisngi niya ay may bakas ng luha. Kasunod noon ay napayukyok na lamang ako at......

    "Tol...Anong nangyari?..."nag-aalala kong usisa....
     "Wala na siya..."mahina niyang sagot....
    "A...Anong ibig mong sabihin na wala na siya?...."
    "Iniwan na niya ko...Nakipagkita lang siya sa akin...Para tuluyan nang makipaghiwalay..."

Nanlumo ako sa aking mga narinig. Lahat pala ng hirap at pagod niya ay nauwi lang sa wala. At sa lahat ng iyon na pinagdaanan niya para dito, naging saksi ako. Kaya nauunawaan ko kung gaano katindi ang sakit na nararamdaman niya ngayon. At kung sa akin nangyari nito ay baka nagwala rin ako gaya niya..........
   
    "Ahmmm tol...."
    "Pre...Pwede...Iwan mo muna ko...Gusto mo na sanang mapag-isa...."

Hindi na ko nagsalita, sa halip ay tumayo na ko at tumalikod. Lalakad na dapat ako paalis, pero napahinto ako at muling lumingon sa kanya. Habang pinagmamasdan ko siya, napag-isip isip ko na hindi pwedeng hayaan ko na lang siya na ganito. Hindi ko siya kayang iwanan at pabayaan na lang nang basta-basta.

Napatingin ako muli sa may hapag, habang pinagmamasdan ko ito ay bigla akong nakaisip ng paraan para kahit paano ay maibsan ang nararamdaman ni Aji. Inayos kong muli ang mesa, mula sa kandila hanggang sa pagkain dahil malinis pa naman ito. Tapos ay humanap na lamang ako ng paper cups para ipalit doon sa basag na wine glass.

Pagbalik ko dala iyong cups ay sinindihan ko na muli iyong kandila. Matapos iyon ay naupo ako at nagsimulang kumain. Sinimulan ko sa paghigop sa sinabawang Bulalo.....
                                        "Uhmmm!....Ang sarap nung sabaw ah!...."malakas kong sambit....

Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para marinig ni Aji. Muli ay humigop ako ng sabaw at.......

    "Hay ang sarap talaga!...."

Lumingon ako sa kanya, nakita ko na nakatingin siya akin. Bukod doon ay nabakas ko rin sa kanyang mukha ang pagkabigla. Mukhang tumatalab ang naisipan ko, kaya naman ipinagpatuloy ko ito. Ngayon naman, iyong sizzling ang binanatan ko........

    "Alam mo tol...Ang galing mo na talaga magluto ng Bulalo...Lalo na itong sizzling mo...THE BEST!....Tinalo mo pa ko!..."

Ilang saglit pa ay tila hindi na siya nakatiis, dahil tumayo na siya at nilapitan ako.......

    "Anong ginagawa mo?..."usisa niya...
    "Eh di kumakain ng luto mo..."
    "Di ba sabi ko gusto ko munang mapag-isa..."
    "Ayaw ko nga!...Hindi ako tanga para pabayaan ka noh....Pero alam mo ba kung sino ang tanga?..."nakangisi kong usisa.....
    "Huh?..."
    "IYONG EX MO!....Kasi pinalampas niya iyong ganitong klaseng food trip....Ang sarap-sarap kaya!...KASING SARAP NUNG NAGLUTO!!...Tara tol kain tayo oh!...."

Pagkatapos kong sabihin ang mga iyon, narinig ko ang unti-unting niyang pagtawa......

    "Hmph!...Hihihi...Ahahaha!...Gago ka talaga!....Kung anu-ano pinagsasabi mo diyan...Kasing sarap nung nagluto?...Bakit natikman mo na ba ko?...Ahahaha!...."natatawa niyang sambit....

Kasabay ng pagngiti at tawa niya ay may mga luha na namang bumabagsak mula sa mga mata niya. Kaya naman tumayo ako para pahirin ito ng mga kamay ko.....

    "Oh eh di napangiti at napatawa rin kita?...Alam mo tol...Tigilan mo na iyang kangangawa mo diyan...Dahil hindi naman ikaw ang nawalan eh, kung di siya...At hindi pa po katapusan ng mundo...Makakahanap ka pa ng higit sa kanya...Tsaka...Tsaka nandito naman ako para sa iyo ah...."
   
Matapos iyon ay napayakap na lamang siya sa akin nang mahigipit at tuluyan nang naiyak muli. Kaya inakap ko na lang din siya.......

    "Mabuti ka pa...Mabuti ka pa laging nandiyan....Hindi mo ko iniiwan...KIKOOOOO!!!..."
    "Hala sabi ko tama na eh!....Tahan na!...."

Halos tatlong minuto din kaming magkayakap, hanggang sa nahimasmasan na siya at huminto sa pag-iyak......

    "Salamat at huminto rin....Ano tol?...Tara?....Tayo na lang ang magdate...Hihi..."pabiro at nakangisi kong sambit.....

Bigla siyang napakalas sa pagkakayakap sa akin sa sinabing kong iyon, pagkatapos ay tinulak niya ko. Doon ko nakita na namula pala siya sa biro ko....

    "LOKOLOKO!...Date ka diyan...."   
    "Hahaha....Eh kaysa naman sa walang kumain nitong masarap mong luto...Sayang naman....Isipin mo na lang na nagtritrip tayo..."
    "Kiko naman eh!..."

Hindi na siya nakatanggi dahil hinila ko na siya at pinaupo sa may hapag. Iyon na nga, kami na lamang ang nagsalo sa dinner. Habang kumakain ay panay pa rin ang aming kulitan. At nagpasiya na rin ako na samahan siya buong gabi at magdamag para hindi na siya malungkot.

PAGLIPAS NG ILANG LINGGO......

Sa kabila ng mga kabiguang dinanas niya, muling bumangon si Aji. At sa pagbangon na iyon ay dinamayan ko siya. Sa tuwing magkasama kami,  nakikita ko na masigla naman siya, na halos parang walang nangyari sa kanya.  Bukod doon, itinuloy pa rin niya ang kasunduan namin. Tinuloy pa rin niya ang pagtuturo sa akin na mag-skating.

Isang hapon, katatapos lang namin mag-skating. Nagpasiya kaming magpunta at tumambay muna sa may bayside,  sa likuran ng mall. Presko at mahangin kasi doon, tapos tamang tama dahil makikita namin ang magandang tanawin ng paglubog ng araw sa manila bay. Nagdala na rin kami ng mangangata..............

    "Hay kapagod...Sumakit iyong paa ko tol..."sambit ko....
    "Hehehe...At least ngayon, marunong ka nang huminto...."
   
Nakangiti na naman siya sa akin. Sa totoo lang, sa kabila ng siglang pinapakita niya, hindi pa rin mawala sa akin ang pag-aalala para sa kanya. Hindi naman kasi porket masaya siya sa harap ko, ibig sabihin iyon din ang nararamdaman niya sa loob. Kaya naman minabuti kong gamitin ang pagkakataon na ito, para kausapin siya..........

    "Tol...Okay ka na ba?..."
    "Huh?...Anong ibig mong sabihin?..."
    "Alam mo na....Dun sa nangyari sa inyo nung ex mo..."
    "Ah yun ba....Well...Minsan naiisip ko pa rin siya...Pero wala na yun sa akin....Okay na ko dun...."
    "So...Tuluyan ka nang nakapagmove on?..."
    "OO NAMAN!...At dahil iyon sa iyo Kiko..."nakangiti niyang sambit....

Habang sinasabi niya iyon ay kakaibang kislap ang nakita ko sa mga mata niya. Pero nabigla ako dun kaya naman....
                                         "Ako?!....Teka bat ako?!..."
    "Eh kasi...Lagi kang nandiyan para sa akin...Nung mga oras na sobra-sobra kong down at nasaktan...Hindi mo ko iniwan..."
    "Sus!...Bola!..."
    "Hindi toh bola...Siryoso ko Kiko...Alam mo ba na sa tuwing kasama kita, nawawala lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko?...Kapag nandiyan ka, nagiging madali at nakakaya ko ang lahat ng mga problema ko...Parang bang...Parang...."

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay bigla na lamang may tumugtog na violin at ang tinutugtog dito ay ang kantang "Fixing A Broken Heart"......

    "Parang ganun!..."sambit niya sabay turo.....

Napalingon ako sa kung saan siya nakaturo, dun pala sa mamang tumutugtog ng violin. Pero malamang ang tinutukoy niya ay iyong kanta.......

    "Gaya nung sa kantang iyon...You've fixed my broken heart Kiko...."

Nakatingin pa rin ako sa mama habang sinasabi niya iyon.....

    "Sus!...Narinig mo lang iyong kanta eh...Iyon na ang sinabi mo...Tsaka ang lakas din naman ng trip nung mama ah...Siguro narinig niya ang pinag-uusapan natin...Hahaha..."

Hanggang sa maramdaman ko na lamang ang dahan-dahang pagdampi ng kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. Natigilan ako at nakaramdam ng kakaibang kaba. Dahan-dahan ay napalingon ako. Napatingin ako dito, pagtingin ko ay tuluyan na niyang hinawakan ang kamay ko.

Napaangat ang mukha ko, dahilan para magsalubong ang aming mga mata. Habang nakatitig kami sa mata ng isa't isa at patuloy ang musika na galing sa violin, biglang bumilis ang pagpintig ng puso ko. Kasunod noon ay nahuli ko na lamang na unti-unti nang naglalapit ang aming mga mukha.

Pero bigla na lamang tumunog ang cellphone ko, dahilan para matauhan ako at mapabitaw sa kamay niya. Inilabas ko ang cellphone ko at tinignan toh, si Maggie tumatawag.....

    "Ahmmm....Ki...Kiko....Pre.....Sorry!...Nabigla lang ako sa ginawa ko!...."namumula niyang sambit.....

    "Ah...Tol...Te...Teka....Kailangan kong sagutin toh...Iyong nililigawan ko kasi toh...."

Sinagot ko na ito, gaya ng dati ay nangungulit na naman si Maggie. Nangungumusta dahil namimiss na daw niya ko. At sana daw ay ilabas ko naman siya. May punto siya dahil sa totoo lang ay mas may oras pa ko kay Aji kaysa sa kanya. Tumagal ang pag-uusap namin dahil sa paulit-ulit siya.

Sa totoo lang, parang gusto ko na huwag na lamang kami matapos ni Maggie na mag-usap. Taena naman kasi! Muntikan na naman kami  maghalikan ni Aji sa isang pampublikong lugar. At kapag ibinaba ko na itong telepono, hindi ko alam kung paano siya haharapin. Hay, bakit ba lagi na lamang kami nalalagay sa ganitong sitwasyon?

Mayamaya pa ay nagpaalam na nga si Maggie. At nang ibinaba ko na iyong telepono........

    "Ahmmm....Nasaan na nga ba tayo?..."kabado kong usisa....
    "Wa...WALA!....Pwe...Pwede huwag na lang nating pag-usapan iyong nangyari ngayon?...."nauutal niyang sagot sabay iwas ng tingin mula sa akin.....

Napaiwas na lang din ako ng tingin mula sa kanya. Mukhang pareho lang pala kami na hindi alam kung paano haharapin itong nangyari.....

    "Mabuti pa...Mabuti pa pre umuwi na tayo..."siryoso niyang sambit.....

Matapos iyon ay bigla na siyang nag-walkout at hindi ko maintindihan kung bakit.

PAGLIPAS NG TATLONG ARAW......

Matapos ang tagpo na iyon sa may bayside, napaisip ako tungkol sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Napagtanto ko na mula pala nung nakikila ko si Aji, malaki na ang nabago sa akin. May mga nangyayari kasi sa akin na hindi ko lubos maintindihan, nang dahil sa kanya.

Ang paniniwala ko kasi, sapat na iyong manligaw para masabing gusto mo ang isang tao. Pero kung totoo iyon, bakit hindi ko nararamdaman kay Maggie iyong kakaibang tibok ng puso na lagi kong nadarama pag si Aji ang nandiyan? Bakit si Aji ang mas madalas kong naiisip at naaalala at hindi siya? Bakit si Aji ang mas gusto kong makasama at hindi siya? Bakit kay Aji ko nararamdaman ang lahat ng ito? Si Aji na lalake rin tulad ko. Tama ba  ang lahat ng ito? Naguguluhan na ko.

Samantala, mula nung araw na iyon ay hindi pa kami nakakapag-usap ulit ni Aji. Hindi man lang kasi siya tumatawag o nagtetext sa akin. Dahil dun ay hindi pa ko nagkakaroon ng pagkakataon na tanungin siya, kung bakit bigla na lamang siya nag-walkout nung isang araw.

Gusto ko nga sana na ako na lang ang tumawag sa kanya, pero hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Hanggang sa dumating ang hinihintay ko, tumunog iyong cellphone ko at nang tignan ko ito ay si Aji iyong tumatawag. Tuwang-tuwa ako kaya agad kong sinagot ito..............

    "Tol...Buti naman at tinawagan mo ko...Akala ko may tampo ka sa akin eh...."sambit ko....
    "Ahmmm...Pre...Tumawag ako ngayon para magpaalam sa iyo...."
    "Magpaalam?!...Ba...Bakit?!"
    "Pre....Aalis muna ko...Sasama ko kay Dad sa probinsya..."
    "HA?!...Eh gaano ka naman katagal mawawala?..."
    "Hindi ko pa sigurado pre eh..."

Bigla akong nanlambot at iyong tuwa na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng takot dahil sa mga sinabi niya. Para kasing masyadong biglaan na aalis niya. Napaisip tuloy ako na baka ang dahilan ng lahat ng ito ay.........

    "Aji...Sabihin mo nga sa akin iyong totoo....May kinalaman ba dito sa pag-alis mo iyong nangyari sa atin nung isang araw?..."

Hindi siya sumagot at nabalot lamang ng katahimikan ang kabilang linya. Sa puntong iyon, nagsimula nang mamasa sa luha ang mga mata ko. Dahil mukhang tama ang niisip ko. Ilang segundo pa ang lumipas at bigla na siyang nagsalita........

    "Basta Kiko...Gusto munang lumayo...Gusto ko munang makapag-isip isip..."

Bago pa man ako makapagsalita muli ay ibinaba na niya ang telepono. Kasunod noon ay di ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko na makikita ulit si Aji. At ang masakit, tila nasira ang samahan namin nang walang malinaw na kadahilanan.    

PAGLIPAS NG DALAWANG LINGGO......

Mula nang umalis si Aji, naging malungkutin ako. Pero pilit kong itinatago ito kapag nasa harap ako ng pamilya ko. Ayaw ko kasi na mag-alala sila sa akin. Pero habang tumatagal ay mas nahihirapan ako.
Dumating ako sa punto na pati ang lasa ng mga niluluto kong Bulalo ay apektado na. Paano nga naman magiging maayos iyong niluto, kung ang nagluto mismo ay hindi rin maayos. Minsan nga ay nagmumukmok na lamang ako sa aking kwarto.

Dahil dun, tuluyan nang nakahalata si Mama. At isang gabi, naabutan niya kong umiiyak sa kwarto, kaya nilapitan na niya ko.......

    "Anak...Pwede ba kitang makausap?..."

Tumango lamang ako para sumagot ng oo.........

    "Alam ko, may dinaramdam kang problema...Pero sana naman huwag mo sarilinan iyan...Nandito ko...Nandiyan ang kapatid mo...Anak, pwede mo naman kaming sabihan eh..."
    "Sorry po Ma...Ayaw ko po kasing maging alalahanin sa inyo ni Knorra eh..."
    "Anong ba kasi ang nangyari?...Nag-away ba kayo ni Aji?...Napansin ko kasi na hindi na kayo nagkikita at hindi na rin siya nagpupunta dito...."
    "Ma wala na po si Aji...Umalis na po siya....Nagpunta na po ng probinsiya...."
    "Iyon lang ba talaga?...Hindi ka naman basta iiyak nang ganyan, kung iyong pag-alis lang niya ang problema...May iba pang gumugulo sa iyo noh?..."

Napatingin lamang ako kay Mama at hindi ako nakasagot. Hindi ko pa kasi kayang sabihin sa kanya ang lahat-lahat. Natatakot kasi ko na baka hindi niya matanggap ito........

    "Oh sige....Kung di mo kayang sabihin....Hindi na kita pipilitin anak....Pero...May iba kong itatanong sa iyo...."

Hindi na ko kumibo at hinayaan ko na lamang siya.....

    "Ano sapalagay mo ang mas masarap...Cup noodles na bulalo o iyong totoong bulalo na gaya ng mga niluluto mo?..."
    "Mama naman eh!...Ano ba naman klaseng tanong iyan..."
    "Basta!...Sagutin mo muna iyong tanong ko..."
    "Eh di siyempre iyong luto ko....Kasi iyon ung totoo eh at iyong noodles ay....."

Napahinto ako, dahil bigla kong napagtanto ang nais iparating sa akin ni Mama sa tanong niya.......

    "Ngayon naintindihan mo na?...Gaya ng cup noodles na hindi kayang talunin iyong lasa ng totoong bulalo....Hindi nagiging masaya at malaya iyong mga taong hindi kayang maging totoo....Kaya anak...Dapat maging totoo ka sa sarili mo...."sambit niya sabay haplos sa likod ko......

Sa puntong iyon, bigla akong napaisip dahil sa mga sinabi ni Mama. Mukhang may ideya na siya o maaaring alam na niya ang nangyayari sa akin. Dahil kung hindi, bakit niya ko sasabihan na magpakatotoo?

KINABUKASAN......

Umaga nang biglang tumunog iyong cellphone ko. Naexcite ako bigla, naisip ko kasi na baka si Aji ito. Sa kabila kasi ng mga nangyari, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na magkakausap kami ulit, na babalik siya at magkikita kaming muli. Pero nang tignan ko na ito, isa pala itong text galing kay Maggie.......

    "Free ka ba tonight?...Pwede ba tayong magkita?...I have something important to say you kasi...."

Matapos kong mabasa iyon ay napaisip ako. Di naman siguro masama kung  susubukan kong lumabas ulit kasama siya. Ito na rin siguro ang paraan upang mahanap ko ang mga sagot, para sa mga katanungan ng aking puso't isipan. Dahil dun, nagpasiya na ko na magreply ng......

    "Okay...Susunduin na lang kita mamaya..."

KINAGABIHAN......

Pagkasundo ko sa kanya sa kanila, naisipan kong dalhin siya dun sa mall na lagi naming pinupuntahan ni Aji. Ewan ko kung bakit, pero iyon ang unang lugar na pumasok sa isip ko. Habang naglalakad-lakad kami, bigla siyang umakap sa braso ko. Pero wala naman sa akin iyon, kaya hinayaan ko na lang siya. Mayamaya, naisipan kong magtanong tungkol dun sa sasabihin niya......

   
    "So...Ano ba iyong sasabihin mo sa akin?..."usisa ko....
    "Excited?..."nakangisi niyang usisa.....
    "Hindi naman..."
    "Pwes, maghintay ka...."sambit niya sabay ngiti....

Panay ang ngiti niya sa akin, parang ang saya-saya niya at mukhang siya iyong excited. Samantala ako, kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi ko magawang ngumiti man lang. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Tumitingin-tingin ako sa may paligid, hanggang sa bigla akong napahinto dahil natapat kami sa may ice skating rink.

Napako ang mga mata ko dito. At habang pinagmamasdan ko ito, bigla kong naalala iyong mga masasayang sandali na nakasama ko si Aji sa lugar na toh. Iyong mga hirap niya sa pagtuturo sa akin, lalo na nung unang beses akong tumuntong dito at nakalimutan niyang ituro sa akin iyong paghinto. Higit sa lahat, iyong mga katagang sinabi niya nung araw na iyon, na tumatak sa akin nang husto......

    "Huwag kang mag-alala pre...Hindi kita pababayaan"

Mayamaya pa ay nahuli ko na lamang ang sarili ko na unti-unting napapangiti. Pero kasabay noon ay parang gusto ko nang maiyak. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagtapik sa akin ni Maggie......

    "Oi!....Ano ba Kiko!....Bakit bigla kang huminto?...Ano bang tinitignan mo dun sa rink?...."
    "Ahmmm...."

At bigla ko na lamang naisip na...........

    "Maggie...Tara...Ice skating tayo...."
    "Hmph!...Ayaw ko nga...Ang baduy mo ha!..."

Matapos niyang sabihin iyon ay bumigat ang pakiramdam ko. At mas lalo akong nakaramdam ng pangungulila kay Aji..........

    "Mabuti pa...Kumain na muna tayo...Kanina pa ko nagugutom eh...Tapos dun ko na lang sasabihin sa iyo iyong gustong sabihin....Teka...ALAM KO NA!....Sa bayside na lang tayo kumain!...Magaganda ang restaurant dun!..."sambit niya.....
    "Si...Sige..."

Sa dinami-dami ng lugar na pwede niyang maisip para kumain, bakit naman sa bayside pa? Ayaw ko sana dun dahil mas lalo ko lamang mamimiss si Aji. Pero ayaw ko rin na maoffend ko siya, kaya naman napilitan akong pumayag sa gusto niya. Nang naglalakad na kami papunta doon......

    "Ako kanina pa nakakahalata ah...Bakit ba parang malungkot ka?..."
    "Wa...Wala toh....Gutom lang din toh...."
    "Hmph!....Di bale...Tiyak magiging masaya ka mamaya sa sasabihin ko....."

Nang makarating na kami sa may bayside at tinuro na niya kung saan niya gustong kumain, mas lalo pang nagulantang ang utak ko. Halos katapat kasi nito iyong pwinestuhan namin dati ni Aji. Ano toh? Sinasadiya ba talaga ng pagkakataon na ipaalala siya sa akin?

Naupo na kami, pag-upo namin ay hindi ko naiwasang mapatingin dun sa pwesto naman dati ni Aji. Kasabay noon ay ang pagbalik sa akin nung mga sinabi niya nung nandun kami........

        "Hindi toh bola...Siryoso ko Kiko...Alam mo ba na sa tuwing kasama kita, nawawala lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko?...Kapag nandiyan ka, nagiging madali at nakakaya ko ang lahat ng mga problema ko...Parang bang...Parang...."

Nang bigla akong matauhan dahil sa pagtawag sa akin ni Maggie.

    "HOY KIKO!..."

Dahilan para mapalingon ako sa kanya........

    "Hay...Kung saan-saan ka na naman nakatingin!...."
    "So...Sorry...Sige umorder na tayo ng pagkain..."
    "Hmmm...Mamaya na...."
    "Eh kala ko ba nagugutom ka na?..."
    "Oo nga...Pero bago iyon...Gusto ko munang tapusin ang paghihintay mo Kiko..."
    "Huh?..."
    "Sasabihin ko na iyong reason kaya nakipagkita ako sa iyo ngayon...."
    "Ano nga ba iyon?..."
    "Kiko...OO..."
    "A...Anong oo?..."
    "OO as in...Sinasagot na kita!..."

Pagkasabi na pagkasabi niya noon ay bigla ko na lamang narinig ulit iyong violin na ang tinutugtog ay iyong "Fixing A Broken Heart". Napalingon ako at nakita ko na nandun ulit iyong mama. Siya na naman iyong tumutugtog. Kasunod noon ay naalala ko iyong mga sinabi sa akin ni Aji na.......
   
    " Gaya nung sa kantang iyon...You've fixed my broken heart Kiko...."

Ilang buwan, ilang buwan ko ding niligawan si Maggie. Matagal akong naghintay sa oo niya at sa kalagitnaan ng paghihintay na iyon ay dumating sa buhay ko si Aji. At kay Aji, naramdaman ko ang saya na kailanman ay hindi ko nadama sa kanya. Naranasan ko ang mga bagay na hindi ko naranasan sa piling niya.

Ngayon, sinasagot na niya ko. Pero wala akong nararamdamang tuwa. Ang tanging nararamdaman ko lamang ngayon ay ang matinding pangungulila kay Aji. Dahil si Aji ang hinahanap-hanap ko at hindi siya. Ngayon, napagtanto ko na sarili ko ang totoo kong nadarama. At tama nga  ang mga sinabi sa akin ni Mama kahapon, dapat magpakatotoo ako sa sarili ko. Kaya naman malinaw na sa akin ang dapat kong gawin.......

    "Oh bakit hindi ka makakibo diyan?...Nagulat ka noh?..."nakangiti niyang usisa...."
    "Ahmmm..."

Sa puntong iyon, nagpasiya na ko na itigil na ang kalokohan na ito. Ayaw ko sana siyang saktan, pero hindi ko na pwedeng ituloy ito. Hindi kami pwedeng magkaroon ng relasyon, dahil hindi siya ang taong nilalaman ng puso't isipan ko........

    "Patawarin mo ko Maggie..."sambit ko sabay tayo mula sa kinauupuan ko...
    "Huh?!...Bakit?!..."
    "Hindi na pwedeng maging tayo...Dahil....Dahil may ibang tao akong minamahal....I'M SORRY!..."mangiyak-ngiyak kong sambit.....
   
Matapos kong sabihin iyon ay tumayo na rin siya. Sasampalin niya dapat ako. Pero bago pa man dumapi ang palad niya sa mukha ko ay napahinto siya. Bigla niyang ibinaba ang kamay niya, pagkatapos ay tumakbo na lamang siya papalayo at umalis.

PAGDATING SA AMIN......

Umuwi ako nang mabigat ang aking kalooban. Alam kong mali na basta ko na lamang iniwanan si Maggie. Pero mas mali na lokohin ko siya at na lokohin ko ang sarili ko. Pagpasok ko sa bahay, nadatnan ko si Mama na nasa sala at nagkwekwenta......

    "Ma...Nandito po ko..."
    "Oh nandiyan ka na pala Kiko...Ang bilis mo naman ata...."

Pagtingin niya sa akin ay agad niyang napuna ang lungkot sa itsura ko........

    "Bakit ganyan ang mukha mo anak?...May nangyari ba sa lakad niyo ni Maggie?..."

Naupo na muna ko sa tabi niya, pagkatapos ay saka ko sinagot ang tanong niya sa akin....

    "Ahmmm...Sinagot na po niya ko kanina...."
    "Talaga?!...Eh ano naman ang ginawa mo?..."

Base sa tanong niyang iyon, mukha ngang alam na niya ang totoo. At total nagpakatotoo na rin naman na ko, mabuti pang lubus-lubusin ko na. Mabuti pang umamin na ko kay Mama, kaysa sa malaman pa niya sa iba.......

    "Nakapag-isip isip po kasi ako sa mga sinabi niyo sa akin kahapon....Kaya po kahit na sinagot na niya ko...Tinanggihan ko siya...Dahil..."

Saglit akong huminto upang bumuwelo para sa susunod kong sasabihin. At heto na nga......

    "Dahil si Aji po ang mahal ko at hindi siya..."

Matapos kong sabihin iyon ay tinapik niya ko sa aking likod at......

    "Mabuti naman anak at naging totoo ka na sarili mo..."
    "Iyan lang po ba ang magiging reaksyon niyo Ma?...Hindi ba kayo nagagalit na iyong nag-iisa niyong anak na lalake ay naging ganito pa?..."
    "Hindi...Bakit naman ako magagalit?...Dapat nga maging proud pa ko sa iyo eh....Dahil nagkalakas ka ng loob para magladlad....Tsaka ang importante sa akin anak ay iyong ikasasaya mo...."

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay bigla na lamang lumabas si Knorra. Nagtatago lang pala siya sa likod ng shelves namin.......

    "Kanina ka pa ba diyan?..."usisa ko....
    "OO...At narinig ko lahat ng mga pinag-uusapan niyo...Sabi ko na nga ba eh!...Tinamaan ka kay kuya Aji...Ahihi..."nakangisi niyang sambit......
    "Hmph!...."
   
Umupo siya sa kabila kong gilid. Kaya ngayon ay nasa gitna na nila kong dalawa.........

    "Pero....Tama si Mama....Walang dahilan para magalit kami sa iyo...Ang importante...Masaya ka...."

Sa puntong iyon ay maluluha na ko. Hindi kasi ko makapaniwala na tanggap ako ng pamilya ko, sa kung ano ko........

    "Although...Mula siguro ngayon....Dapat ate Kika na ang itawag ko sa iyo....Ahaha!..."

Kahit na pumapatak na ang luha ko ay bigla akong natawa dahil sinabing iyon ni Knorra. Pati si Mama tuloy ay natawa rin.......
   
    "Ang panget naman nung ate Kika...Ahaha!..."natatawa kong sambit...
    "Hahaha....Payakap nga ate Kika!..."muling sambit ni Knorra....

Kasunod noon ay sabay nila kong inakap.

MATAPOS ANG TATLONG ARAW......

Matapos kong maamin kay Maggie at sa pamilya ko ang totoo, gumaan ang pakiramdam ko. Ngayon, si Aji na lang ang problema ko. At wala akong balak na isuko ang nararamdaman ko para sa kanya. Handang akong maghintay sa kanya nang matagal kung kinakailangan.

Samantala, papagabi na at nasa bulaluhan ako nang dumating si Knorra galing sa labas. Nagmamadali siyang lumapit sa akin at tila natataranta.........

    "Uy!...Kuya Kiko!...Kuya Kiko!..."
    "Oh bakit?!...At parang tarantang-taranta ka diyan ha..."
    "Eh kasi!....May nagtayo ng bagong bulaluhan dun sa kabilang kanto!...."
    "Hmph!....Ano iyan joke?....Sino naman ang maglalakas loob na kompitensiyahin ako...Tsaka kung may makakahigit man sa akin pagdating sa bulalo, iyon ay walang iba kung di si...."

Bigla akong napahinto, dahil naalala ko na ang tanging tao pa lamang na nakatalo sa luto ko ay si Aji. Bigla din tuloy akong nahiwagaan dun sa sinasabi niyang bagong bulaluhan........

    "Knorra...Saan iyon?....Samahan mo nga ko..."

Dinala ko ni Knorra dun. Pagdating dun ay nagtaka ko, dahil ang pinagdalhan niya sa akin ay isang bahay na nakita kong for rent dati. Pero meron din nga itong bulaluhan sa may tapat. Iyon nga lang, walang tao dito maliban sa bantay na lalake.....

    "Ito na ba iyon?..."
    "OO...Ahmmm....Kuya sige uuwi na ko ha....Walang bantay sa atin eh...."mabilis niyang sagot....
    "Hoy teka..."

Umalis na siya bigla. Ako naman ay nagpasiya na pumasok na para matikman iyon bulalo nila. Umorder ako nung pinakamalakas sa mga benta namin at iyon ay iyong sinabawan. Pero laking gulat ko nang ang ibigay nung bantay sa akin ay cup noodles......

   
    "Iyan na po iyong order niyo sir...."
    "Ano toh?!....Hindi naman cup noodles ang inorder ko ha!..."inis kong sambit.....

Hindi siya sumagot, sa halip ay ngumiti lamang siya sakin. Pagkatapos noon ay bigla na lamang siya umalis at pumasok sa loob ng bahay..........

    "HOY!...Siraulo ka ah....BUMALIK KA DITO!..."

Kasunod noon ay bigla akong natigilan at napaisip dahil........

    "Teka....Cup noodles na bulalo?..."bulong ko sa aking sarili.....

Dinampot ko iyong cup noodles. Dun ko nalaman na ni wala pa lang laman ito na noodles dahil magaan. Pero may tumutunog mula dito nang alugin ko ito. Binuksan ko iyong cup para tignan kung ano ito. May maliit na papel na nakarolyo sa loob. Kinuha ko iyong papel at tinignan ito. Wala ibang nakasulat dito kung hindi ang letter I........

    "I?....Anong ibig sabihin nito?..."

Sa hindi malamang rason ay bigla na lamang akong kinabahan. Pero sa kabila ng kaba ko, naisip kong sundan iyong lalakeng bantay kanina. Nang nasa tapat na ko ng pinto, napahinto ako dahil mas lalong tumindi iyong kaba ko. Pero gusto ko pa ring malaman ang nangyayari, kaya naman huminga ko nang malalim at binuksan ko na ito.

Pagbukas ko tumambad sa akin ang isang candlelight dinner. At ang buong paligid ay punong-puno ng mga makukulay na mga bulaklak. Pumasok na ko, pagpasok ko, nagsimulang tumugtog ang isang kanta.

    .......There was nothing to say......
    .......The day she left.....
    .......I just filled a suitcase full of regrets......

Dahan-dahan akong lumapit sa may hapag. Dun ko napansin iyong pagkain na nakahain. Sizzling bulalo na hugis puso. Isang tao lang ang alam kong gagawa nito, kaya naman sa puntong iyon ay masa-masa na ang mga mata ko sa luha.

    .......I hailed a taxi in the rain......
    .......Looking for some place to ease the pain......

At dun ko lamang rin naintindihan iyong ibig sabihin ng letter I sa papel. Letter I at puso na sizzling bulalo, kaya.....

    "I love..."
    "YOU!..."dugtong ng isang boses.........

Nang marinig ko ang boses na iyon, dahan-dahan akong napalingon.

    .......Oh...Then like an answered prayer......
    .......I turned around and found you there......

At paglingon ko, tumabad sa akin iyong taong kinasasabikan kong makita nang husto. Iyong tao na minamahal ko, dahilan para tuluyang bumuhos ang mga luha ko. Agad siyang lumapit sa akin at pinahid ang mga luha ko........

    "Minsan akong nagmahal at nasaktan...Nadurog ang puso ko...Pero hindi ka nawala sa tabi ko at muli mong binuo iyon...."sambit niya....
   
Sa puntong iyong ni hindi ko na magawang makapagsalita.......

    "Kaya lang nung maramdaman ko na nahuhulog na ko sa iyo....Natakot ako....Imagine...Nung babae ang minahal ko eh sobra-sobra kong nasaktan....Paano pa kaya kung ikaw...."
    "Kaya ba...Kaya ka ba umalis bigla?...."
    "OO...Kahit na masakit sa akin...Lumayo ako para makapag-isip...Pero nung malaman ko iyong ginawa mo....Na tinalikuran mo iyong babae na dapat girlfriend mo na para sa akin...Na nanindigan ka para sa akin...Napagtanto ko na hindi nagkamali ang puso ko sa pagtibok sa iyo...Kaya ngayon, handa na ko...Handa na ko na manindigan din para sa iyo...MAHAL NA MAHAL KITA KIKO..." mangiyak-ngiyak niyang sambit......

Napatingin ako sa may gilid, nagulat ako dahil nakita kong nakatayo dun sina Mama at Knorra. Sumisenyas sila sa akin ng okay at sabihin ko na rin iyong dapat kong sabihin kay Aji. Hay,kaya naman pala nilayasan ako kanina, kasabwat pala sila sa planong ito. Dahil dun, napangiti na lamang ako sa kanila. Pagkatapos ay tumingin na ko ulit kay Aji. Pero imbis na magsalita, bigla ko na siyang niyakap nang maghipit. Kasunod noon ay naglapat na sa wakas at sa unang pagkakataon ang mga labi namin sa isa't isa.

MAKALIPAS ANG ANIM NA BUWAN......

Nasa mall kami ni Aji. Kung dati ay nahihiya kaming maging sweet sa public, ngayon hindi na. Kaya habang naglalakad kami patungo sa may ice skating rink, magkaholding hands kami. Nang makasalubong namin si.........

    "MAGGIE!..."sabay naming sambit sabay hinto sa paglalakad......

Nagulat ako at napatingin kay Aji dahil kilala pala niya si Maggie. Samantala si Maggie......

    "Uy Kiko!....."
   
At nang makita niya kung sino ang kasama ko.....

    "AJI?!!..."gulat niyang sambit.....

Kasunod noon ay napatingin siya sa magkahawak naming kamay at........

    "OH MY GOSH!!!...Bading kayo?!...ARRRRRGGHHH!!!!...."

Matapos iyon ay bigla na lamang siyang lumayas at tumakbo......

    "Anong nangyari dun?..."sambit ni Aji....
    "Teka ka nga pala...Bakit kilala mo si Maggie?!...."
    "Siya iyong ex ko...Ikaw?! Bakit mo siya kilala?!...."
    "Siya iyong niligawan ko dati...Na tinalikuran ko para sa iyo...."
    "HA?!....Ibig sabihin nagpaligaw siya sa iyo habang kami pa?!..."
    "Niloko tayo?!..."
    "Naloko tayo!...."

Natawa na lamang kami sa nalaman namin at.......

    "Hmph!...At nakarma siya.....Dahil tayo ang nagkagustuhan at nagkatuluyan...Hahaha!...."
    "Ahahaha!....OO nga noh!...."
    "Ang galing naman nun!...Parang sinadiya ng tadhana na gaguhin niya tayo...Para maging tayo!..."
    "Hahaha...Ang sabi nga sa theme song natin eh...Must be a plan that lead me to you...Because the hurt just disappears...In every moment that you are near!....Hehehe...."sambit ko sabay halik sa pisngi niya....
    "Ahaha!...Kumanta daw ba..."

At nagpatuloy na kami sa paglalakad. May punto nga naman siya, kung hindi sila nagkalabuan nang dahil sa akin. Hindi naman siya maglalasing at mapapadpad sa bulaluhan namin at hindi kami magkakakilala.

The End