Here and Now (Part 22)

By: Chaster Rassel 

Chapter 22: And Then It Came Out...

SI REVY......

Matapos kong maikwento kay kuya Oryo ang lahat nga mga nangyari kanina, panay ang tawa niya. Lalo na nang banggitin ko na hinalikan ako ni Hyro at na napanaginipan ko din iyong ganoong eksena dati........

    “Ano naman kaya ang nakakatawa doon....”sambit ko....
    “Ahahaha!...Sorrry tol!...Di lang kasi ko makapaniwala na iyong kasing gwapings at hot ni Hyro, bumigay sa isang tulad mo!...Hahaha....”natatawa pa rin niyang sambit....
    “Bakit, pogi di naman ako ah...Modelo na nga din ako ng Amethelli Apparels di ba?...”
    “Oh sige na! Pogi ka na!...Anong gusto mong gawin ngayon? Bigyan ka ng jacket?...”mapang-asar iyang sambit....
    “Sige...Ganyan ka kuya ah....Imbis na payuhan mo ko, nang-aasar ka pa!...”

Muli niya kong inakbayan at..........

    “Toh talagang si bunso oh...Binibiro ka lang naman eh...”

Napakamot na lamang ako sa aking ulo, tapos......   
   
    “Tsaka hindi mo na kailangan ng payo...”
    “Bakit hindi?”
    “Ano ka ba!...Sa ginawa ni Hyro sa iyo kanina, maliwanag pa sa umaga na malakas din ang tama niya sa iyo!...”
    “Ganun ba iyon?...”
    “OO...Ang tanong na lang, sino ang mauunang umamin? Ikaw ba o siya?...Pero paalala lang tol ha...Kung magtatapat ka sa kanya, sana pag-isipan mo munang mabuti...Alam mo naman ang sitwasyon natin eh, siguro naman di mo gustong masaktan si Hyro di ba?...”

SAMANTALA SI HYROMIN......

    “HEY!...WAIT A MINUTE!!...Hindi ako ang pinag-uusapan natin dito ah, ikaw!...Tsaka ano iyang pinagsasabi mong gusto ko si Oryo?!...Loko ka ah!....”inis na reaksyon ni kuya Hunsel....
    “Ayeeeeee!!!...Nadulas siya!...Uyyyyyyy!!!...”
    “Hmph!...Nadulas pala ah...”
Hinawakan ni kuya ang isa sa mga crutches niya at inangat ito....

    “Eh kung ito kaya ang padulasin ko sa pagmumukha mo? HA?!...”
    “Uhuh!...Magdedeny ka pa eh sa bibig mo na nga mismo lumabas iyong totoo...Hahaha....”
    “Shut up!...Kung hindi tatamaan ka talaga!...”
    “Kuya naman...Chill lang!...”natatawa kong sambit.....

I know inis na inis siya sa akin, pero hindi ko pa ring mapigilan na matawa. He was totally blushing kasi, habang itinatanggi niya ang mga nasabi niya tungkol kay kuya Oryo............

    “Listen up!...How many times do I have to tell you na hindi ako bakla...Kaya tantanan mo ko!...”
    “Fine!...You win!...”nakangisi ko pa ring sagot....
    “You know what bro?...Magfocus ka na lang sa sarili mong lovelife at hindi iyong pinapakialam mo ang ibang tao...Basta be a man at gawin mo iyong mga sinabi ko kanina, for sure that person will be yours...Understand?...”
    “Opo kuya!...”

Be a man daw, naku kuya kung alam mo lang....
   
    “Hmph!...Sumasakit tuloy ang mga pilay ko sa iyo eh...”
    “Sorry hehe....Sige kuya tulungan na kita, para makahiga at makapagpahinga ka na....”

Inayos ko na iyong higaan niya, then tinulungan ko na siyang makahiga and lastly, kinumutan ko siya.........

    “Oh yan...Ah...Kuya, thank you sa advice....”
    “Anytime bro...And goodluck nga pala...”
    “Sige...Matutulog na rin ako...”
   
But before going out of the door, lumingon muna ulit ako kay kuya at.......

    “Kuya...Goodluck din sa iyo kay kuya Oryo ah...”nang-aasar kong sambit....
    “Babatuhin kita ng unan!....”inis at pabanta niyang sambit sabay hawak sa isa niyang unan....
    “Hahaha....Sige kuya goodnight na!...”natatawa kong sagot sabay labas na ng pinto....

BALIK KAY REVY......

    “Hindi ko naman nakakalimutan iyon eh....Ikaw kuya Oryo, hindi mo ba naiisip na sabihin kay Hunsel ang nararamdaman mo?...”
    “Ang totoo...Gustong-gusto kong sabihin sa kanya...Pero di ko pwedeng gawin iyon hangga’t nakakulong ako sa pangpapanggap na toh...Tsaka di lang iyon eh...Idagdag mo pa iyong iisipin ng karamihan sa mga gaya natin...”

May punto ang mga sinasabi niya, dahil kahit ako, naiisip ko rin minsan kung anong magiging tingin sa akin ng iba.  Samantala, napalingon ako sa may puno at napatingin sa mga nakaukit doon.....

    “Eh sila kaya?...Pinagdaanan din kaya nila iyong pinagdadaanan natin ngayon kuya?...Naging problema kaya nila iyong paghuhusga ng mga tao?...”sambit ko na may kasamang pagturo sa mga ukit sa puno....

Napalingon na din si kuya sa may puno. Tumayo siya, lumapit siya dito at dinampi ang isang niyang kamay sa mga ukit. Sumunod naman ako sa kanya at.....

    “Ewan ko...Pero alam mo tol, ngayon na nakita ko ulit toh...Bigla akong nagkaroon ako ng pag-asa na balang araw, pwede rin na maging kami ni Hunsel....”napapangiting sambit ni kuya....
    “Siguro...Mahal na mahal nina Chaster at Rassel ang isa’t isa noh...Biruin mo kuya, naglagay pa sila ng ganito sa puno...”
    “Oo nga...At malamang, itong lugar din na toh ang naging tambayan nila...At ang mga ukit na toh ang siyang sumisimbolo sa pagmamahalan nila...Sana...Sana maging kagaya nila kami ni Hunsel....”
    “Uy kami din Hyro!...Sana...”

Matapos naming sabihin ang mga iyon, bigla na lamang umihip ang mainit na hangin na kagayang-kagaya nung nangyari dati.........

    “Tol naramdaman mo ba iyon?...”
    “Oo...At hindi ito ang unang pagkakataon na naranasan ko toh...Nangyari din toh dati sa amin ni Hyro eh...”
    “Ano?!...Sa amin din kaya ni Hunsel...”

Dahan-dahan ay nagkatinginan kami ni kuya Oryo at....

    “Hala kuya! Di kaya may multo dito?!...”pabiro kong sambit...
    “Gago!...Multo ka diyan...Kain na nga lang tayo ulit!...”
    “Ahahaha!...”

Hinayaan na lamang namin iyon. Bumalik na kami sa pagkain at sa masarap na kwentuhan.

BALIK KAY HYROMIN......

Dumiresto na ko sa kwarto ko. But before going to bed, kinuha ko ang isa sa mga ibinigay ni Revy na picture namin. Nilagay ko ito sa isang bakanteng frame. Habang hawak ko pa ito, hindi ko maiwasan na pagmasdan ito at mapangiti. 

After I spoke with kuya Hunsel ay mas naliwanagan ako sa mga bagay-bagay. Now, I’m decided on what am I gonna do. Tamang-tama, tomorrow ng hapon ay may training session kami ni Revy. Ito na ang chance ko......
   
    “Bukas...Sasabihin ko na ang lahat sa iyo...”sambit ko habang pinagmamasdan pa rin ang picture.....

Nilapag ko na iyong picture frame sa may side table ng kama ko. Then I turned off the lights so I can finally go to sleep.

SAMANTALA SI HUNSEL......

I tried my best, pero hindi ako makatulog. So here I am, lying in my bed and staring at the ceiling looking like a fool. Pasaway naman kasi itong kapatid ko eh, kung anu-anong lumalabas sa ibibig niya. Nadala tuloy ako at may nasabi ako na hindi ko naman dapat sabihin.

And to make it worse, I think he was right after all. Since kasi noong dumating si Oryo sa buhay ko, may nabago rin sa sarili ko. But I just kept on denying it. Pero ngayon parang...parang.....

    “NO! STOP THIS NON-SENSE!!...Hindi ka gay Hunsel...Hindi!!...And you’re not in love with your assistant!!!...”bigla ko na lamang naibulalas.....

But after a few seconds......

    “Pero...Pero I can’t help it....Mahal ko si Oryo...MAHAL KO SIYA!!!....ARGHHHH!!!....”

Shet! I feel like I’m gonna go crazy at hindi ko alam kung magagawa ko pa bang makatulog.

KINABUKASAN, SI HYROMIN......

Nang magising ako at tumingin ako sa orasan, 10:30 am na. Nalate ako ng gising, good thing it’s Saturday. But anyway, I’m so excited para sa gagawin kong pagtatapat kay Revy mamaya. Matagal ko rin kasing hinintay ang pagkakataon na ito. Bumangon na ko, I fixed my self then lumabas na ko ng kwarto at bumaba. Pagdating ko sa may dining, iyong mga maid at si kuya Hunsel lamang ang nadatnan ko.

Then I’ve noticed na tila tulala si kuya, ni hindi pa niya nagagalaw iyong breakfast niya.  At nang tignan ko ang mukha niya.....

    “Kuya what happened to you?!...Bakit mukha kang zombie?!!...”
    “Oh bro...Nandiyan ka na pala....”malamya niyang sagot....
    “Are you okay kuya?....”
   
Doon lamang siya napalingon sa akin and then....

    “Do I look like I’m okay?...Tinatanong mo pa kung bakit ako nagkaganito?...Well it’s your damn fault! Pinuyat mo ko kagabi!!...”
    “Ang oa ah!...Hanggang 12 lang naman tayo nag-usap kagabi...Eh iyong itsura mo ngayon parang di ka natulog...”
    “It’s still your fault!...No matter what you say, hindi mo pa rin ako pinatulog kagabi!....”
    “Ewan ko sa iyo kuya...”

What the hell is his problem? Parang nakakaloko itong si kuya. Anyway..........

    “Yaya nasaan nga pala si Mommy at kuya Oyro?...”usisa ko....
    “Ang mommy niyo po kaaalis lang, may business meeting daw po siya....Ang kuya Oryo niyo naman, tulog pa po nung kinatok ko kanina....Di ko na po dinistorbo, mag-aalas tres na po kasi nung dumating siya at pinagbuksan ko ng pinto....”
    “What?!...”

After I heard that, biglang bumalik iyong masama kong kutob. Something wrong is definitely going on. Saan naman magpupunta si kuya Oryo at aabutin siya ng ganoong oras?!..........

    “Ahmmm...Yaya, paki assist muna ni si kuya Hunsel...I’m just gonna go check on kuya Oryo...”

SAMANTALA SI REVY......

Mamayang hapon pa ang training ko kay Hyro, kaya naman nagpasiya ko na tumambay muna sa may tambayan. Gusto ko rin kasing makapag-isip ng sasabihin o gagawin ko mamaya kapag nagkita na kami ulit, matapos ang mga nangyari sa amin kagabi. Kung aamin na ba ko sa nararamdaman ko sa kanya o hindi pa.
Pag-upo ko sa may ilalim ng puno, naramdaman ko na tila may kung ano kong naupuan. Sinilip ko kung ano, may pitaka..........

    “Bat may pitaka dito?...Siguro kay kuya Oryo toh....”

Dinampot ko ito at binuksan, nang sa ganun ay malaman ko kung kanino ba ito. Pagbukas ko ay may tumambad sa akin na picture.....

    “Hmph...Kay kuya Oryo nga!...At talagang nilagyan pa niya ng picture ni Hunsel Amethelli ah....Lakas tama din pala siya....”natatawa kong sambit....

Siguro ay nalaglag ito mula sa bulsa ni kuya kagabi, nang hindi niya namamalayan. Mabuti pa ay ipaalam ko na sa kanya dahil baka hinahanap na rin niya ito.

BALIK KAY HYROMIN......

Bumalik ulit ako sa taas para pumunta sa kwarto ni kuya Oryo. Pagdating ko...

    “Kuya Oryo?...”sambit ko sabay katok sa may pinto....

He didn’t answer, so I decided na pumasok na sa loob. Wala siya sa kama at ayus na ayusin na rin ito. Pero naririnig ko iyong tunog ng shower mula sa banyo, naliligo pala siya. Lalabas na dapat ako at babalik sa may dining nang bigla na lamang may tumunog.

Napalingon ako, then I saw that it was his phone na nakapatong sa may kama. Out of curiousity, dahan-dahan ko itong nilapitan at sinilip. It was an incoming call from someone named Tol........

    “Sino itong Tol na toh?...Ang alam ko, ako lang ang tinatawag ni kuya Oryo na tol at si...si Revy!...”pabulong kong sambit....

Mas lalong pang tumindi iyong masama kong kutob. At ngayon, nasamahan pa ito ng takot at kaba para sa mga malalaman ko. But still, I want to know the truth once and for all. Marahan kong iginalaw ang isa kong kamay, I was about to answer the phone pero bigla itong huminto sa pagtunog. After a few seconds, muli itong tumunog. But this time, it was a text message na galing din doon sa Tol. Hindi na ko naghesitate na damputin  ito at basahin iyong bungad ng text........

    “Kuya, salamat ulit kagabi ah...Siya nga pala, naiwan mo iyong pitaka mo dito sa may tam.....”
    “Tam...As in tambayan?....”kabado kong bulong sa aking sarili...
Manginignginig na iyong kamay ko na nakahawak sa phone. It looks like tama nga ang mga hinala ko. Ngayon, mas nagiging malinaw na ang lahat sa akin. And come to think of it, iyong gabi na na meet namin si kuya Oryo sa may parking lot ng mall, ay iyong gabi din na nagkabanggaan kami ni Revy at doon din sa parking lot. Ninawakan ni kuya Oryo si Mommy at ninakawan naman ako ni Revy......

    “Same place...Same night...And both of them were snatchers...”

At that point, nagsimula nang bumigat ang pakiramdam ko at maipon ang luha sa mga mata ko. I don’t even wanna say it, because I don’t know kung kakayanin ko ba. Pero iisa lang kasi ang nakikita kong ibig sabihin ng lahat ng ito.

Samantala, biglang tumigil iyong tunog ng shower. It could mean na tapos na si kuya Oryo maligo at anytime ay lalabas na siya mula sa banyo. Because of that, muli ko nang inilapag iyong phone at ibinalik sa dati nitong pwesto. Then I quietly left the room para di niya mapansin.

SAMANTALA SI ORYO......

Salamat at nakatapos ring maligo. Nakakabwisit naman kasi, ang aga-aga ay naghanap ako ng wallet ko nang di oras. Kung saan-saang sulok na ng kwarto ko ito tinignan pero di ko pa rin nakita. Hanggang sa magulat na lamang ako na mag-aalas dyes y medya na pala. Kaya ayun, dumiretso na ko agad ng banyo.

Paglabas ko, naabutan kong nakailaw iyong cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinilip. May missed call at isang text, pareho itong galing kay Revy. Walang hiyang iyan! Doon ko pala sa tambayan naiwanan iyong wallet ko! Kanina pa ko nangangamote sa kahahanap dito!

Dahil doon, agad akong nagreply kay Revy na kukunin ko iyong wallet ngayon. Tamang-tama din, hindi pa ko lumalabas ng kwarto kaya hindi pa nila alam na gising na ko. Makakatakas ako at ang iisipin lamang nila ay tulog pa ko. Hindi naman ako magtatagal sa labas kaya hindi rin ako magkakaproblema.

Para mas mabilis ay nagtaxi na lamang ako. Nakisama rin ang pagkakataon dahil walang traffic kaya bente minutos lang ay nakarating ako agad. Pagdating ko sa may puno.........

    “Oh kuya ito na iyong pitaka mo...”sambit ni Revy sabay abot sa akin ng wallet...”
    “Salamat tol....Bwisit talaga oh...Kanina pa ko hanap nang hanap eh nandito lang pala!...”sagot ko sabay kuha nito....
    “Hahaha!...Buti pala naisipan kong magpunta dito, kung di hanggang ngayon nangangarag ka pa rin sa paghahanap!...”

Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Pagkatapos noon, napansin ko na nakangisi pa rin siya sa akin. Hindi ko gusto iyong ngisi ng mokong na toh ah, parang nang-aasar eh.....

    “Oh bakit? Ano naman iyang ngiti na iyan ha?!...”
    “Hehe....Wala lang kuya....Natatawa kasi ko sa iyo eh....”natatawa niyang sagot....
    “Bakit nga!...Pasaway ka na naman ah!...”
    “Ayeee!...Kailangan talaga may picture ng labs mo iyang pitaka mo?...Hihihi....”
    “Gago kang bata ka! Pinakialaman mo toh?!...”
    “Syempre para malaman kung kanino iyan, binuksan ko!...Hahaha...”
    “Bwisit!...Nahawa ka na kay Hyro ah...Nang-aasar ka na rin...”

Tawa pa rin siya nang tawa, parang nakakaloko kaya naman iritang-irita ko sa kanya......

    “Hmph!...Alam mo kung di lang  kita kapatid, kung naging ibang tao ka lang....Dinagukan na kita diyan!....”
    “Kuya naman!...”

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay biglaan na lamang........

    “KAPATID?!!....”malakas na sambit ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran....”

Natigilan si Revy at nanlaki ang kanyang mga mata. Ganun din ako, pero bukod doon ay napalingon din ako. Sa puntong iyon ay nabalot ako nang matinding kaba at biglang nanlambot ang aking dalawang tuhod. Dahil ang nagsalitang iyon ay walang iba kung hindi si Hyro!...........

    “MAGKAPATID KAYONG DALAWA?!!!” pagalit at mangiyak-ngiyak niyang usisa............

ITUTULOY.......

0 yorum:

Yorum Gönder