Sundae (Part 13) FINALE

By: Chaster Rassel

The Last Flavor: A Finale With Cherries On Top

Dinala kami ni Hershey sa hindi mataong bahagi ng beach. At tumambad sa amin ang isang maliit na stage........

    “Tsaran!....”sambit niya na may kasama pang pagturo ng mga kamay niya dito......

Halatang inimprovise lang ito, pero maganda at cute naman ang pagkakagawa. May kasama pa ngang pailaw sa magkabilang gilid eh........

    “Ano toh?!....Bakit may stage dito?...”pagtataka ko......
    “Ahihihi!.....”

Ngumisi at humagikgik lamang ang makulit na bata, imbis na sumagot nang maayos sa amin..........

    “Hoy Hershey!...Huwag mo sabihing may balak kang ikasal kami ni Haj?!...”biglang sambit ni Drey.....
    “Ka...Kasal?!...”gulat kong sambit......

Dahil sa gulat ko sa sinabi ng lokoloko kong boyfriend, napahampas ako sa braso niya at.........

    “Sira ka!...Anong kasal-kasal ang pinagsasabi mo diyan?!....”
    “Ehehe...”pilit niyang tawa sabay kamot sa kanyang ulo.....

Bigla namang tumawa nang malakas si Hershey at........

    “Ahahaha!....At talagang kasal ang unang pumasok sa isip mo kuya Drey ah....Pero mali ka!....Dahil hindi kasal ang magaganap ngayon!....”

Nauubos na ang pasensya ko sa mga pasuspense effect niya, kaya naman........

    “Pwede ba!...Diretsuhin mo na kami!....Nakakairita na iyang puro tawa mo eh!....”iritable kong sambit.....
    “Chill ka lang kuya Hagen!....Sasabihin ko na....”
    “Ano nga?!...”
    “Ang stage po na toh....Ay para sa graduation niyong dalawa!...”
    “GRADUATION?!....”sabay naming usisa ni Drey....
“Alam ko na kahit na ngumingiti at tumatawa kayo ni kuya Drey ngayon...Nasasaktan at nalulungkot pa rin kayo sa mga nangyari sa inyo....Lalo na iyong tungkol sa paggraduate niyo....At para mabawasan naman iyang mga lungkut-lungkutan na iyan...Etong naisip ko....Ang gawan kayo ng sarili niyong graduation ceremony....At least maexperience niyo man lang ang umakyat ng stage di ba?...Hehehe....”pagpapaliwanag niya.....

Kahit na ngingisi-ngisi ang kapatid ko, habang sinasabi ang mga iyon. Kita naman sa mga mata niya na talagang sincere siya, sa lahat ng mga ipinapakita niya sa amin ngayon. Nagkangitian na lamang kami ni Drey, pagkatapos............

    “Alam mo ikaw....Ang dami mo ring alam eh noh?!....Haha...”sambit ko.....
    “Ahihihi!....Kuya naman...Di ka na nasanay sa akin!...”
    “Oh...Eh ano pang hinihintay natin?...Bakit di pa natin simulan ang graduation ceremony?....”nakangising sambit ni Drey.....

Sinakyan na nga lang namin ang kolokohan ng makulit na bata at ginawa ang graduation ceremony kuno. Si Hershey iyong nagkunwaring teacher at principal na nagsasalita sa stage. Ako ang naunang pumunta sa stage at siyempre tinulungan ako ng boyfriend ko.

Kahit na wala akong suot na toga at mortarboard, ginawa din kunyari ng loko iyong paglipat ng tali sa kabilang side. Tapos kinamayan din niya ko at inabutan talaga ng nakarolyo at ribbon na papel. Kunyari ay diploma daw haha...........

    “Pati iyong ganito talagang preperado mo ah...”sambit ko sabay kuha nito.........
    “Syempre!....Pare feel na feel niyo ang graduation...Hihi...”

Pagkatapos ko ay kay Drey naman niya ito ginawa. At nang matapos ang kunyari naming ceremony...........

    “Oh iyan!....Graduate na kayo!....I pronouce you husband and husband...You may now kiss each other!....Hahaha....”matawa-tawang sambit ng makulit na bata......
    “Sabi ko na nga ba’t babanat ka rin nang ganyan eh!...Haha....”reaksyon ko.....

Pero sa totoo lang, kahit na biru-biruan lang iyong ginawa namin na ceremony. Napagaan pa rin niya ang loob ko. Kaya naman.........

    “Halika nga ditong bata ka!....”sambit ko.....

Lumapit  siya sa amin, paglapit niya ay inakbayan ko siya at.........

    “Salamat tol ah...Kunya-kunyarian man, naappreciate ko pa rin nang husto itong mga ginawa mo....Napasaya mo ko....”sambit ko....
    “Hershey ikaw na!....Ikaw na ang the best na bayaw sa buong mundo!...Hahaha!....”dagdag ni Drey sabay gulo sa buhok niya......
   
Napatingin ako sa nakarolyong papel na hawak-hawak ko, iyong ibinigay ni Hershey. Napansin ko na ang ganda at gara pala nito. Loko talaga, gagawa lang ng props, nag-aksaya pa ng magandang papel...........

    “Hershey...Saan mo nakuha itong papel na toh?!...”   
   
Heto na naman siya, puro ngisi na naman at hindi sumasagot........

    “Bakit Haj?...Anong problema sa papel?...”
    “Tignan mo...Mukhang mamahalin iyong ginamit niya....”

Tinignan nga din ni Drey iyong kanya.........

    “Oo nga noh!...”sambit niya.....
    “Oi bata!...Baka kung saan mo na kinuha toh ah!...Mapagalitan pa tayong pare-pareho ni Mama....”
    “Hindi ah!....Hmph!...Bakit di niyo kaya try na buklatin...Tiyak malalaman niyo kung saan iyan nanggaling....”at sumagot na din siya sabay ngisi ulit.......

Natigilan kaming pareho sa sinabi niya at nagkatinginan. Bigla akong kinabahan at bigla rin nanlamig ang pakiramdam ko. Parang alam ko na kasi kung ano ang ipinapahiwatig niya sa amin. Pero tila ang hirap nitong paniwalaan.

Tumingin na ulit ako sa papel at ganun din ang ginawa ni Drey sa kanya. Napalunok ako, tapos ay inalis ko na ang ribbon nito. Dahan-dahan ko na itong binuklat. At natulala na lamang ako sa aking nakita. May logo, pangalan at selyo ito ng aming school. Tapos ang nakasulat ay.........

    “This certifies that Dasuero, Hagen R....Has satisfactorily completed the secondary course....As prescribed by the Department of Education...And is hereby awarded this certificate.....”

At sa bandang ibaba nito, may pirma ng class adviser namin at ni principal! Sa puntong iyon, hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko at nagsisimula na ring maipon ang luha sa mga mata ko......

    “To...Totoong....”putol kong sambit......
    “Dip...Diploma......”paimpit na pagpapatuloy ni Drey.....
    “TOTOONG DIPLOMA!...”sabay naming bulalas.....

Napatingin kami sa isa’t isa. Pati siya ay naluluha na rin........

    “Haj....Ibig sabihin nito ay.....”
    “Kuya Hagen...Kuya Drey.....”

Napalingon kaming dalawa kay Hershey. Kahit ang kapatid ko, mamasa-masa na rin ang mga mata.......

    “Congrats....Nagawa niyo mga kuya!....”napapangiti niyang sambit......
    “Pero paanong....”

Naputol ang pagsasalita ni Drey, dahil bigla na lamang.......

    “CONGRATULATIONS!...ANAK...”sambit ng isang pamilyar na boses mula sa aming likuran.......

Nagulat ako, dahil parang boses ni principal iyong narinig ko. Inilingon ng kapatid ko ang wheelchair ko. At nakita ko si Mama na kasama nga si..........

    “Principal!....”sambit ko....

Lumingon din si Drey at hindi siya nakakibo nang makita ang mommy niya, napatulala lamang siya. Samantala, wala nang sali-salita pa, agad siyang nilapitan nang mommy niya at niyakap nang maghapit. Dun na tuluyang bumagsak ang mga luha niya.

Napayakap na lang din siya dito. At matagal niya itong ginawa, patunay kung gaano siya nasabik sa kanyang ina. Nang kumalas na sila mula sa isa’t isa, hinawakan siya ng mommy niya sa pisngi at.........

    “I’m so sorry...I’ve put you through so much pain nang dahil sa galit ko sa daddy mo....Sana anak mapatawad mo ko....”maluha-luha niyang sambit.....
    “Ma...Hindi niyo na naman na kailangan na humingi ng tawad sa akin...Hindi niyo na rin kailangang magpaliwanag pa...Sapat na po sa akin na nandito kayo...At na marinig na tawagin niyo ko ulit na anak...Miss na miss ko na kayo...MOMMY!....”

Matapos iyon ay muli niyang niyakap ang mommy niya. Habang pinapanood sila, tumabi si Mama kay Hershey sa likuran ko at hinawakan ako sa balikat...........

    “Napakaganda nilang panoorin noh?...”usisa niya......
    “Oo nga po Ma eh...Sa wakas!...Nagkaayos na din sila....”sagot ko sabay tingin at ngisi sa kanya....”
    “Sus!...Parang kayo lang naman sila eh!....Hihi...”ngingisi-ngising sambit ni Hershey.....

Natawa si Mama, hinawakan siya sa ulo at ginulo ang buhok niya. Kasunod noon ay inakap niya kaming magkapatid nang sabay.  Sa kanan si Hershey at ako naman ay sa kaliwa niya. At patuloy namin silang pinagmasdan. Mayamaya pa, kumalas si principal sa yakapan nila at.......

    “Don’t worry....From now on, everything will be different....Dahil nandito na ngayon ang mommy para sa iyo...I’ll make it up to you...”sambit niya sabay pahid sa mga luha ni Drey.....
    “Pero...Teka lang po Ma....Na...Naguguluhan kasi ko eh...Di ko magets kung bakit binago niyo iyong decision sa graduation namin ni Haj....Eh di ba po....Labas na iyon sa pagkakaayos ng personal nating problema?....”
    “Oh!....About that....”

Pinahid rin muna ni principal ang mga luha niya at inayos ang kanyang sarili. Pagkatapos........

    “First of all....You have a concerned friend of yours to thank for that....”sambit niya sabay tingin din sa akin.......
    “Sino po?!...”sabay naming usisa ni Drey......
    “Wait!...Kasama ko siyang pumunta dito eh....But where is he?...”

Tumingin-tingin siya paligid, pero parang kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya. Ilang saglit pa.........

    “Hmph!...Kuya Arci!....Baka naman gusto mo nang lumabas mula diyan sa likod ng stage?!....”biglang sambit ni Hershey..........

Sinasabi ko na nga ba eh! Si Arci ang tinutukoy ni principal. At lumabas nga siya mula sa likod ng stage.......

    “Kumusta naman ang magjowa?!...Hehe...”nakangisi niyang sambit......
    “Loko ka!...Nandito ka pala, hindi ka man lang nagpaparadam sa amin!...”sambit ni Drey......
    “Oo nga naman!...May patago-tago ka pang nalalaman!....”dagdag ko.....
    “Haha...Syempre!...Para masurprise ang mga kaibigan ko!....”
    “Teka....Ano bang ginawa mo?...”usisa ni Drey....

Imbis na sumagot, tumingin siya kay principal............

    “He was the one who explained everything to me....Na hindi niyo naman talaga gustong magkaroon ng gulo....Na pinuntahan niyo lang ang grupo ni Sebastian para humingi ng sorry at makipag-ayos...But obviously hindi sila naging receptive...”pagpapaliwanag ni principal.....

Bukod pala dun, isinumbong na rin pala ni Arci iyong pambubugbog na ginawa nina Sebastian sa kanya. Nung nalaman niya ang nangyari sa amin ni Drey. At iyon ang dahilan, kaya hindi pinayagang makagraduate ang grupo nila.......

    “And Drey...About you beating up Sebastian....Naintindihan ko rin na nagawa mo lang iyon, dahil nalagay sa panganib ang buhay ng taong mahal mo....”
    “Salamat po Ma....”
    “And secondly!...To my suprise, nakapasok kayong pareho sa top 10 ng class niyo!.....”
    “Talaga po principal?!...”gulat kong usisa.....
    “Yes Hagen!...You both made it!....Ikaw ang top 5 at ang anak ko ang top 7.....So all in all....Narealize ko na deserving kayong dalawa na makatapos ng highschool....Kaya binago ko ang desisyon ko....”

Pero iyon nga lang, tapos na daw iyong araw ng ceremony nung nagawa iyong mga diploma namin........
    “Then...Nung tumawag ako sa Mama mo, para sabihin iyong good news....Nabanggit niya na magbabakasyon nga daw kayo...And that’s when your genius little brother here, came up with this setup para isurprise kayo....”pagpapatuloy ni principal sabay ngiti kay Hershey........

Napatingin din ako sa makulit na bata. Ngumisi naman siya at napakamot sa kanyang ulo. ........

    “Teka!...Ibig sabihin....Bago pa tayo nagpunta dito, alam mo na na grumaduate kami?!....”usisa ko....
    “Oo kuya!....Ahihihi....”

Lumingon ako kay Mama at.....

    “Pati po kayo Mama?!.....”
    “Oo syempre!...”
    “Na...Nakakainis kayo!....”natatawa kong sambit....
    “Oo nga!....Ang dadaya niyo!....Pinagtulungan niyo kami!....”dagdag ni Drey........

Natawa na lamang silang apat sa amin.........

    “Pero....Principal....Maraming-maraming salamat po ah...Sobrang mahalaga po kasi sa akin itong graduation eh...”
    “No need to thank me....Dahil pinaghirapan niyo namang pareho ni Drey, ang graduation niyo...Pero kung tatawagin mo kong principal ulit....Babawiin ko iyang diploma mo....”sagot niya sabay ngisi.....
    “Po?!...”gulat kong usisa....
    “I’m just kidding!...Pero iho...Wala tayo na sa school!...Just call me tita Magnolia...Or simply, tita....After all....You are my son’s boyfriend...Okay?....”
    “Sige po princi....Este...TITA!...Ehehe....”

Ang akala ko, dun na matatapos ang mga surpresa nila, pero hindi pa pala. May tumunog na cellphone at kay Mama pala iyon. Sinagot niya ito at ilang saglit lang........

    “Oh...May gustong kumausap sa iyo...”nakangiti niyang sambit sabay abot sa akin ng cellphone........

Nagtataka ko itong kinuha at..........

    “Hello?...”sambit ko.....
    “Hello anak...”
    “PAPA!!!...”
    “Oh kumusta naman ang graduation ng dalaginding ko?...Hehe...”
    “Si papa talaga oh!....Pati kayo alam niyo?!...”
    “Oo...Alam ko...Congrats anak...Makakatuntong ka na ngayon ng college...Pagbutihin mo ah....”
    “Opo....Ahmmm....Pa...Salamat po ah....”

Nagets agad ni Papa kung ano ang tinutukoy at pinagpapasalamatan ko sa kanya. Tapos ay sumagot siya ng..........

    “Huwag mo nang isipin iyon....Ang importante anak, masaya ka....”
    “Salamat po talaga....Tsaka Papa....Miss ko na kayo....”
    “Miss ko na rin kayo diyan anak....Siya nga pala...Bago ko magpaalam....Pwede ko ba siyang makausap?...”
    “Sino po?....”
    “Sino pa...Eh di iyong lalakeng bumasag sa pagkabarako mo.....”
    “Hahaha....Sige po...Sandali lang Pa....”

Ibinigay ko nga kay Drey iyong cellphone. May ilang minuto din silang nag-usap ni Papa. At mukhang siryoso ang usapan nila, dahil ni hindi man lang siya ngumingiti habang magkausap sila sa phone. Nang matapos sila at ibinalik na niya iyong phone sa akin..............

    “Anong sabi ni Papa sa iyo?...”
    “Grabe Haj!....Nakakatakot pala iyang papa mo...Ang dami magtanong...Sunud-sunod!....”
    “Haha...Nangingilatis lang iyon...”
    “Oo nga...Tapos sa huli...Nagpasalamat siya sa akin....At sinabihan ako, na huwag na huwag daw kitang sasaktan....Dahil kung hindi, uuwi daw siya dito at hahantingin ako!....”
    “Ahahaha!....”
    “Pero syempre, sinabi ko sa kanya...Na hindi mangyayari  iyon!....Kasi lab na lab kita!....Hehe...”

Matapos ang lahat ng iyon, nagyaya sina Mama na pumunta sa restaurant ng hotel. Para magsalu-salo at icelebrate ang matatawag kong, surprise graduation namin ng boyfriend ko hehe.

Pagkatapos ng aming celebration, nagpaalam sa akin si Drey na dun muna daw siya kay tita sasama at matutulog. Hindi na ko nagdalawang-isip na pumayag. Matagal din kasi silang nagkahiwalay ng mommy niya, kaya hinayaan ko na lamang siya na makasama toh. At ang nakasama naman namin ng kapatid ko sa kwarto ay walang iba kung di si Arci.

KINABUKASAN, UMAGA............

Dahil nga wala si Drey, kay Arci ako nagpasama at nagpatulong na pumunta sa may dalampasigan, para magpahangin. Habang tulak-tulak niya ko sa wheelchair........

    “Huwaw!....Ganito pala kaganda dito kapag maliwanag na!....”sambit niya.....
    “Astig di ba?....”
    “OO!...Parang ikaw lang....”sagot niya sabay ngisi sa akin.....
    “Aba!...Ang aga-aga bumabanat ka ah...”
    “Hehe....Teka...Ano nga pa lang sabi ng doktor tungkol sa binti mo?....”
    “In a week daw, pwede na kong gumamit ng saklay....Pero kailangan pa din akong icheck-up pagbalik ng Manila....”

Bigla niyang inihinto iyong wheelchair. Tapos ay pumunta siya sa harapan ko at yumukyok........

    “Alam mo ba Hagen...Sobra kong kinabahan nung nalaman ko na may nangyaring masama iyo....Buti na lang, di ka napuruhan....”
    “Hmph!...Matibay toh noh....”
    “Pasensya na nga pala kung di kita nadalaw sa ospital ah....Naging busy kasi ko sa special exams tsaka sa graduation eh....”
    “Okay lang iyon pre...Siya nga pala, hindi pa kita napapasalamatan sa ginawa mo para sa amin ng boyfriend ko...”
    “Nagsabi lang naman ako ng totoo eh....”
    “Oo nga...Pero dahil dun, nakagraduate kami...Kaya maraming maraming salamat Arci....Napakabait mo talaga....Alam mo, ipinagdarasal ko na sana mahanap mo iyong tamang tao para sa iyo...Dahil karapat-dapat kang maging masaya....”
    “Eh!...As if naman na madaling maghanap ng kasing macho at hot mo!...”nakangisi siyang sambit sabay tayo na.....

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Mayamaya pa ay biglang........

    “Tignan mo nga naman!....Nalingap lang ako...Pumorma na agad siya.....”pagsingit ng isang boses........
    “D...Drey!....”sambit ni Arci.......

Dumating ang boyfriend ko na agad na lumapit at umakap sa akin mula sa aking likuran........

    “Kaya naman pala walang sumasagot, nung kinakatok ko iyong kwarto natin kanina....Nandito pala kayo...Anong nangyayari dito?...Ha?!.....”
“Eh wala ka pa po kasi kanina!...Ayaw naman kitang distorbohin, kaya kay Arci na lang ako nagpasama dito.....”
Tumingin siya kay Arci at.......

    “Ikaw!....Mula ngayon, off-limits ka na sa Haj ko ah!....”sambit niya sabay duro sa kanya.......
    “HA?!...”gulat na reaksyon ni Arci....
    “Hoy Drey!...Ano iyang pinagsasasabi mo?...Ano ko, bodega na for authorized personnel only?!....”

Bigla na lang siyang ngumisi..........

    “Ahihi!.....JOKE LANG!....Haha....Tsaka....”

Kumalas na si Drey sa akin. Tapos ay lumapit siya kay Arci at umakbay sa kanya........

    “Bakit ko naman palalayuin ang mokong na toh?....Eh napakarami niyang nagawang kabutihan sa atin eh!....Di ba pre?....”

Napakamot na lamang sa ulo si Arci........

    “Arci....Maraming salamat ha.....Alam mo...Ikaw na iyong masasabi ko na bestfriend namin ni Haj!....”
    “Hmmm....Bestfriend....Ayos iyan!...Agree ako diyan!...”sambit ko....
    “Drey...Hagen...”

Sa una ay bakas sa mukha ni Arci ang pagkabigla sa mga sinabi namin. Pero napangiti naman siya agad at........

    “Hmph....Ikinagagalak ko na maging bestfriend kayo....At kung kakailanganin niyo ulit ng tulong....Huwag kayong mag-alala....Nandito lang ako lagi....”
    “Oh ayan!...Ayos na!....Huwag ka ring mag-alala pre...Para naman makaganti ko sa iyo...Tutulungan kitang humanap ng lovelife!....”sambit ni Drey........
    “Ahahaha!...Parang ganyan din iyong sinabi sa akin ni Hagen kanina ah....”
    “Ay ganun...Hehe....”

Matapos iyon ay ipinagpatuloy na namin ang naudlot naming pamamasyal. Pero ngayon ay si Drey na ang nagtutulak sa akin. Syempre, tuloy din ang aming kwentuhan at kulitan.........

    “Siya nga pala Drey...Kumusta naman kayo ng mommy mo?....”
     “Okay na okay na kami Haj....Ang dami nga naming napagkwentuhan kagabi eh....At speaking of kwento...May nalaman ako sa kanya kagabi.....”
    “Huh?...”pagtataka ko.........
    “Tungkol lang naman sa isang tao na sobrang mahal ako...Na  nanermon daw sa kanya...Kaya natauhan siya.....”
    “Hmmm....Parang alam ko na kung sino iyan ah....”nakangising sambit ni Arci......

At dun ko lamang naalala, na nung nasa ospital pa ko, may nangyari  nga pala na sadiyang hindi ko ipinaalam kay Drey.............

     “Madaya ka ah!....Bakit hindi mo sinabi sa akin, na pumunta pala ulit si Mommy sa ospital para kausapin ka?...”usisa ni  Drey sabay yuko at tingin sa akin.......
    “Sorry na....Nakiusap kasi sa akin si tita Magnolia eh...Na hayaan ko daw na siya ang masabi sa iyo...Kapag nakabati na kayo....Ehehe....”
    “Hmph!...Pero...Pinahanga mo ko sa sinabi mo sa kanya ah....Di ko inakala na magagawa mo iyon...”
    “Huh?...Ano bang sinabi ni Hagen sa mommy mo...?”usisa ni Arci....

Ipinaliwanag niya kay Arci ang lahat. At maging sa akin, bumalik din iyong mga napag-usapan namin ni tita nung araw na iyon........

    “I don’t believe that!....Kung talagang may pagpapahalaga si Drey sa pagiging mag-ina namin....Then tell me, bakit puro sama ng loob ang lagi niyang ibinibigay sa akin?!....”
    “Hanggang ngayon pa rin po ba, hindi niyo pa rin nagegets ang lahat?...Hindi ba’t sinabi na sa inyo ni Mama....Kailangan kayo ni Drey bilang ina!...Kaya gumawa siya nga mga kalokohan....Para lang mapansin niyo siya....Dahil wala na kayong ibang inatupag kung di ang maging principal!....Kaming mga estudyante, napagtutuunan niyo ng pansin....Pero iyong sarili niyo anak...Kinakalimutan niyo!....”

Natigilan si tita matapos kong sabihin ang mga iyon. Hindi na kasi ko nakapagpigil ng mga oras na iyon. Napuno na ko sa lahat ng mga nangyayari kay Drey...........

    “Nabanggit po sa akin ng anak niyo...Naging malamig daw kayo sa kanya....Dahil sa ginawa ng daddy niya?....”
    “Sinaktan kami ng taong iyon....Iniwan niya kami para sumama sa iba....”paimpit niyang sagot.....
    “Naiintindiihan ko po na galit kayo....Pero bakit kailangang idamay niyo pa ang anak niyo?!...HINDI SIYA ANG TAONG NANAKIT SA INYO!...Sana maintindihan niyo iyon....Nawalan na ng tatay si Drey....Huwag niyo naman sanang ipagkaakit sa kanya pati ang nanay niya!....”
    “Weh?!....Talagang nasermonan mo ng ganun si principal?!....”usisa ni Arci......
    “OO...Hindi nga rin ako makapaniwala na nagawa ko iyon eh....Hehe....”
    “Eh anong sinabi niya pagtapos?...”
    “Wala...Nganga siya eh....Tapos nagpaalam na lang siya bigla at ibinilin sa akin na huwag ko ngang sasabihin dito kay Drey na pinuntahan niya ko....”
    “Wew!....Ang lupet mo talaga Hagen!...”
    “Pero kung tutuusin...Nakakatawa iyong nangyari di ba?....Iyong dating problem student, na laging nasesermonan ng principal....Siya ngayon ang nanermon sa principal!...Hahaha....”natatawang banat ni Drey......
    “Ay oo nga noh!....Pero ganun na ata talaga ang uso ngayon eh...Iyong mas bata ang nanenermon, para matauhan ang nakakatanda...Hahaha....”sambit ni Arci.......

Nakitawa na lang din ako sa kanila. Pero, may punto nga si Arci sa mga sinabi niya. Ganun din kasi iyong ginawa sa akin ni Hershey dati, kaya ako nagtino hehe...........

    “Eto pa pala...May isa pang ipinagtapat sa akin si Mommy....”
    “Ano?...”usisa ko....
    “It turns out....Na hindi sumama si Daddy sa ibang babae....”nakangisi niyang sagot......
    “Eh?!...Huwag mo sabihin sa akin na..........”
    “OO Haj....Lalake ang sinamahan niya.....Haha....”

At iyon din pala ang dahilan, kung bakit ganun na lang kagalit noon si tita, nung malaman niya na may relasyon kaming dalawa ng anak niya. Naging kapareho na daw kasi si Drey ng ama niya..........

    “Pero dahil sa panenermong nangyari sa kanya....Nakita niya talagang tunay ang pagmamahal ng Haj ko sa akin....Kaya tinanggap na lamang niya ang buong katotohanan....Hehe.....”pagpapatuloy ni Drey.....
    “Hahaha...”natawa na lamang ako......

Mayamaya pa, napahinto kami. May natanaw kasi kami na dalawang bata na naghihilahan. Natuon ang atensyon ko dun sa nanghihila, parang pamilyar kasi siya sa akin. Wala siyang suot na pang-itaas at boarding shorts naman ang pang-ibaba niya.

Habang patuloy kong pinagmamasdan ang mukha niya, bigla ko nang naalala kung sino siya. Siya iyong nasa picture na hinahalikan noon ni Hershey! Ibig sabihin, iyong hinihila pala niya ay...........

    “Teka.....Hagen....Parang iyong kapatid mo ata iyong isa ah!....”sambit ni Arci.......

Iyong makulit na bata na nga iyon. Nilapitan namin sila, pero hindi nila kami napansin dahil naghihilahan pa rin sila at nagtatalo pa!...............

    “Dali na kasi beh!....Swimming na tayo!....”sambit nung nanghihila....
    “Ayaw ko pa nga sabi eh!....Ang aga-aga pa...Giginawin tayo!...”sagot ni Hershey........
    “Be...Beh?!....Magjowa sila?...”pabulong na sambit ni Arci.......
    “Oi Haj...Don’t tell me na ang makulit na bata ay.....”bulong ni Drey.....
    “Hindi mo pala nahalata iyon?...Eh kaya nga sa kanya ko humingi ng tulong noon na magtapat sa iyo eh....”
    “Eh?!...Alam na ba ni tita Nestlie toh?!...”
    “Hmph...Hindi pa...”
    “Naku!...Patay tayo diyan....”
    “Pero...Jackpot si Hershey sa kanya ah!....Tignan niyo naman iyang mga muscles niya kahit bata pa...Hehe....”bulong ni Arci.....
    “Soccer player ata siya...Kaya ganyan ang katawan niya....Pero sabagay....”sambit ko....
    “Yummy nga siya!...”sabay naming bulong ni Drey.....

Nagkatinginan kami at napangisi sa isa’t isa ni Drey, pagkasabi namin nun. Iyong dalawang mokong naman........

    “Oh sige na!....Papayag na ko magswimming....Pero dun tayo sa infinity pool!....”sambit ni Hershey........
    “HA?!....Hindi pwede beh!...Baka mahuli tayo dun ng kuya ko!....”

Nang marinig namin iyon ay biglang tinapik-tapik ni Drey ng siko niya, ang braso ni Arci at...........

    “Uy pre!...May kuya daw oh....Tiyak yummy din iyon!...”ngingisi-ngisi niyang bulong......

Napakamot si Arci sa ulo, sa biro niyang iyon. Samantala, medyo naiirita na rin ako sa pagtatalo ng dalawa. Mukhang gago kasi sila, kaya naman.......

    “EHEM!...So kaya pala pinili mo ang lugar na toh....Dahil pupunta rin dito ang boyfriend mo!...”malakas kong sambit......

Dun na nila kami napansin. Napahinto sila sa pagtatalo at sabay silang napalingon sa amin..........
   
“Ku...Kuya!...”gulat na sambit ni Hershey.....
    “Hmph!....”reaksyon ko.....
    “Ya...Yari....”sambit niya ulit.....
    “Talagang yari ka!....Lalo na kapag nakita ka ni.....”

Napahinto ako bigla at nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko kasi na paparating mula sa likuran nila si tita Magnolia at si.........

    “MAMA!!!........”sambit ko....
   
Natigilan kaming lahat, lalo na iyong dalawang mokong. At dahil malamang sa kaba, hindi na sila nakakilos. Hanggang sa tuluya na ngang nakalapit sina Mama sa amin........

    “There you are!....Kanina pa namin kayo hinahanap....”sambit ni tita Magnolia......

Ayun na nga, nakita ni Mama si Hershey. At ang masaklap pa, nakatodo yapos sa kanya ang syota niya.........

    “He...Hershey...Anak...A...Anong ibig sabihin nitong nakikita ko?!....”

Napatakip na lamang ako ng kamay sa aking mukha. At ang makulit na bata naman ay........

    “Ma...Mama....Sorry po!...Pe...Pero....Pa...Pareho po kami ni kuya Hagen....”nauutal niyang sagot......

Matapos niyang sabihin iyon ay bigla na lamang hinimatay si Mama. Buti na lamang ay nagawa siyang saluhin nina Drey at Arci. Sa una lang naman siya nashock. Pero eventually, nagawa ring tanggapin ni Mama si Hershey, gaya ng ginawa niyang pagtanggap sa akin.

MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN............

Sa bandang huli, naging maayos din ang mga bagay-bagay para sa aming lahat. Iyong dating gap na namamagitan sa akin at sa pamilya ko, nawala na. Dahil ngayon ay close na ko sa kanila, lalo na kami ni Mama.

Si Hershey, highschool na ngayon at dun na siya sa dati kong school   pumapasok. As usual, siya pa rin ang pinakamatalino sa klase. At hindi lang pag-aaral ang kumacareer sa kanya, pati rin lovelife. Paano kasi si soccer boy, sinundan pa talaga siya ng school na papasukan, para lang hindi sila magkahiwalay.

Syempre, si tita Magnolia pa rin ang principal ng school. Pero hindi na siya kasing terror ng dati. Nag-iba na kasi siya, naging masayahin na siya. Hindi na rin niya binababad ang sarili niya sa trabaho, para mabigyan niya ng panahon at oras si Drey.

Kami naman ng mahal kong si Drey, hinaharap namin ngayon ang bagong yugto ng pagpupursige sa aming buhay. Bilang mga college students nang magkasama. OO, pareho kami ng university na pinasukan, dahil ayaw din naming maghiwalay.
Kasama din naming pumapasok doon, ang bestfriend naming si Arci. Meron na rin bagong nagpapakabog sa puso niya ngayon, na schoolmate din namin. Nakakatuwa nga dahil iyong bago niya ay may pagkabully rin, parang akong lang dati hehe. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto niya, iyong mga lalakeng may pagkabad boy ang image.

ISANG HAPON............

Nasa jeep kaming dalawa ni Drey, pauwi galing school.........

     “Arrgh!...Gusto ko nang mahiga at matulog Haj....Sobra kong napagod sa practical test kanina eh...”daing ni Drey.....
    “Mga style mo eh noh!...Gusto mo lang matulog sa dibdib ko eh...Palibhasa alam mong malayo pa tayo....”nakangisi kong sagot......
    “Ako ba talaga may gusto o ikaw?...”sambit niya sabay biglang ngisi.....
    “Hahaha....”

Habang nagkukulitan kami, napansin ko na tila iba ang kalsadang dinaanan ng jeep na nasakyan namin ngayon. Pero tila pamilyar din ito sa akin. Hanggang sa natanaw ko sa bintana, iyong lugar kung saan nakatira kami dati nung di pa nag-aabroad si Papa. Pati na rin ang isang family restaurant, na madalas namin kainan nung panahon na iyon. Napansin ko rin ang isang malaking poster na may picture ng sundae, na nakadisplay doon. At dahil dun........

    “Manong!....Para po sa tabi!.....”sambit ko.......
    “Bakit Haj?!....Bat bigla tayong bababa?!....”
    “Basta!....Sumunod ka na lang akin....”sagot ko sabay ngiti.....

Bumaba na nga kami. Matapos iyon ay naglakad na lamang kami papunta sa may family restaurant. Pagdating namin sa tapat nito...........

    “Dito tayo pupunta Drey....At eto ang dahilan kaya bigla akong nagyaya na bumaba....”sambit ko sabay turo nung poster na nasa tabi lang namin.....

Hindi siya nasagot, kaya tumingin ako sa kanya. Pagtingin ko, nagtaka ko dahil nakatulala siya sa restaurant. Dahil dun ay tinapik ko siya sa kanyang braso at.......

    “Huy!...Anong nangyari sa iyo?...”usisa ko....
   
Nagulat siya sa tapik ko at napatingin sa akin.........

    “Ha?!....Wa...Wala....Ahmmm....Ano nga ulit iyong sinasabi mo?...”
    “Hay...Hindi ka pala nakikinig....Ayan oh!...”sagot ko sabay turo ulit sa poster.....

Ngayon ay tumingin na siya sa poster at nakita niya ang nakalagay dito........

    “Uy!...Buy one take one iyong sundae nila!....”sambit niya....
    “Ayos di ba?...Tiyak tanggal iyang pagod mo...Hehe....”
    “Eh ano pang hinihintay natin?....Tara na!...Pasok na tayo!...”

Pumasok na nga kami sa loob. Umorder na kami ng sundae. At dahil buy one take one toh, tig dalawa kami. Sineserve nila dito iyong order sa mismong mesa ng costumer. Kaya naman naghintay na lamang kami, matapos naming umorder. Habang naghihintay, hindi ko naiwasan na tumingin-tingin sa paligid. Napakanostalgic kasi sa pakiramdam na nandito ulit ako.

Mayamaya pa ay dumating na iyong mga inorder namin. Syempre, ginawa na naman namin iyong pamatay namin pag kumakain ng sundae. Nagsimula na kaming kumain. Pero hindi pa rin umaalis iyong waiter na nagserve sa amin. At nakangiti siya sa aming dalawa. Dahil dun, napahinto kami at........

    “Bakit?...”usisa ko......
    “Pasensya na po sir...Natutuwa lang po kasi ko sa ginawa niyo sa sundae....Siguro po....Dati na kayong customers dito noh?...”sambitn niya.....
    “Ahmmm....Oo...Taga dito kasi ko dati eh...Kaya madalas akong kumain noon dito....Pero nung lumipat na kami, hindi na....Ngayon na lang ulit....”sagot ko.......
    “Sabi ko na nga ba!...Mga old customers lang po kasi talaga dito, ang nakakaalam nung technique na ginawa niyo eh...Ahmmm...Sige po sir...Mauna na po ko ah....”

Nang makaalis na siya, bigla akong tinapik ni Drey at..........

    “Haj...Totoo ba iyong narinig ko?!...Taga rito ka dati at laging kang kumakain dito?!...”usisa niya......
    “Oo....Pero teka....Sabi nung waiter...Mga old customers lang ang nakakaalam nung habit natin...Ibig sabihin...Ikaw rin?!....”
    “Ahmmm....Oo...Nakakain na rin ako dito dati....Pero isang beses lang...Nung...Nung maliit pa ko...Kaya nga ako natulala kanina sa labas eh...Nagulat kasi ko na buhay pa pala itong kainan na toh....”

Nang sabihin niya na maliit pa pala siya, nung unang beses siyang nakapunta dito. Bumalik sa akin bigla, ang isang pangyayari sa akin dito, nung maliit pa rin ako..........
   
    “Drey!...May naaalala ko!...”
    “Huh?!....”
    “May event dati dito!....Parang...Parang anniversary yata iyon nitong restaurant....Tapos....Nagbigay sila ng libreng sundae sa mga customer that time....At tinuro nila sa mga customer, iyong habit natin!.....”
    “Anniv....Anniversary nitong restaurant?...”paimpit niyang sambit.....
    “Meron pa Drey!....Naalala ko din...Tuwang-tuwa ako noon dahil nakuhanan ako ni Papa ng extrang sundae....Pero nung kakainin ko na toh....May nakita akong batang lalake na umiiyak sa isang sulok...Nilapitan ko siya...At nung tinanong ko kung bakit siya umiiyak, ang sabi niya......”
   
Napahinto ako, dahil napansin ko na nanlalaki ang mga mata niya. Tila ba nabigla siya nang sobra sa mga sinabi ko. Pagkatapos......

“Nag-aaway iyong parents ko...Kaya umalis ako sa mesa namin....Hindi tuloy ako nakukuha ng sundae....Gusto ko pa namang subukan iyong tinuro nila....Iyon ang sinabi nung bata.....”
    “D...Drey....”
    “Tapos...Binigay mo iyong sundae mo sa kanya di ba?...O should I say....Binigay mo iyong sundae mo sa akin....”napapangiti niyang sambit......

Hindi na ko nakaimik sa mga sinabi niya, natigilan na lamang ako. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Mula pala nung maliit pa lang kami, talagang pinagtagpo na kami ng pagkakataon. At ang naging instrumento sa pagtatagpong iyon ay walang iba kung hindi ang sundae din. Kaya pala pareho kami ng habit. At kaya pala pareho kaming nakaramdam ng kakaibang connection, nung makita namin ang isa’t isa na kumakain ng sundae. Ito pala ang dahilan ng lahat.

Sa lahat ng mga napagdaanan namin, masasabi ko na ang buhay ay parang sundae lang din. Tayong mga tao ang siyang nagsisilbing soft serve o ice cream. At ang mga nararamdaman nating emosyon ang siyang toppings. At kapag pinagsama ito, mabubuo ang lasa at flavor na sasalamin sa ating pagkatao. Pero kung mapa tamis man ito ng pag-ibig at pagmamahal o pait ng galit at inggit. Nasa kamay na nating mga tao ang pagpili ng flavor. Gaya ng pagpili na ginagawa natin, kapag tayo ay bumibili nito.

The End

0 yorum:

Yorum Gönder