Sundae (Part 11)

By: Chaster Rassel

Flavor 11: When The Flavors Got Messed Up

“Teka nga pare!....Bakit ba parang concern na concern ka kay Haj?!...At ano iyang pablush-blush na iyan ha?!....Ehehe...”bigla sambit  ni Drey........

Tumatawa siya pero nakakunot naman ang noo niya habang sinasabi iyon. So narealize din pala niya iyong napansin ko..........

    “Ahmmm....”
    “Ano?....Sige na...Huwag ka nang mahiya....Tayo-tayo lang naman ang nandito eh.....”mulit sambit ni Drey na tila pasimple siyang pinipiga......
    “Ah kasi....”

Tumingin na naman sa akin si Arci. At base sa itsura ng mukha niya, tama nga ang hinala ko.........

    “Da...Dasuero...Hu...Huwag ka sanang magagalit....Sa...Sa sasabihin ko ha....Pe...Pero...”nauutal niyang sambit......
    “Naku po!...Eto na!....”bulong ko sa aking sarili......
    “Gus....GUSTO KITA DASUERO!...”

Lalong kumunot ang noo ni Drey sa mga sinabi niya. Ako naman ay napatakip na lamang ng kamay sa aking mukha. Ngayon nagets ko na rin kung bakit ganun na lang siya manginig, nung nakaenkwentro namin siya kasama iyong mga kupal. Hindi pala iyon dahil sa takot, kung di dahil sa kaharap niya ang taong gusto niya. Kaharap niya ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin ko, sa ipinagtapat niya. Kaya nabalot na naman kami ng katahimikan. Mayamaya pa ay may kumatok sa may pintuan. Binuksan ito ni Drey, babae iyong dumating..........

    “Nasaan na ang anak ko?!....”agad nitong sambit.......

Iyong mommy na pala ni Arci ito. Pinatuloy siya ni Drey at agad naman siyang lumapit sa anak niya............

    “Anak anong nangyari sa iyo?!....Sinong may gawa nito sa iyo?!....”
    “Huwag na po kayong mag-alala....Okay na po ko...Ah...Eh....”sambit ni Arci.......
    “Ahmmm....Ang sabi po nung doktor....Wala namang organs na nadamage sa kanya....Kaya magiging okay na po siya....”sambit ko.....
    “Ah Mama...Sina Hagen at Drey nga po pala....Mga schoolmates ko....Sila iyong mga tumulong at nagdala sa akin dito sa ospital....”

Tumingin siya sa amin kaya naman.......

    “Good...Good afternoon po...”iyon na lamang ang nasabi ko....
    “Ah...Ako po iyong tumawag sa inyo kanina....Good afternoon din po...”dagdag ni Drey......
    “Maraming salamat sa inyo mga iho ha....Tatanawin kong malaking utang na loob itong ginawa niyong pagtulong sa anak ko....Salamat talaga....Pero...Ano ba talagang nangyari?....”
    “Po?...”sambit ni Drey.....

Ngayon naman kami na ang tinatanong niya. Pero bago pa man makasagot ang bf ko, biglang sumingit si Arci......

    “Mama!...A...Ako na lang po ang magpapaliwanag sa inyo....Ano kasi...Kailangan na rin nilang mauna....Dahil....Dahil magrereview pa po sila para sa exams bukas....Di ba guys?...”

Tumingin siya amin at pasimpleng sumenyas na sumakay na lang kami sa kanya. Tila gusto niya kaming iiwas sa mga pagtatanong ng mommy niya, kaya gumagawa siya ng paraan para makaalis na kami. Hindi ko alam kung may kinalaman pa rin ba dito iyong pagkagusto niya sa akin o may iba pa siyang dahilan. Pero mas mabuti na nga rin kung aalis na kami. Tsaka tama rin siya, magrereview pa pala kami!...........

    “Ah...Opo...Tama po iyon.....Kailangan pa po naming magreview....”sambit ko.....
    “Ganun ba iho....”

Kumuha ako ng kapirasong papel mula sa school bag ko at sinulat dito ang cellphone number ko..........

    “Hetong cellphone number ko Arci...Tawagan mo na lang ako ha....”

Inabot ko ito sa kanya. Humarap na ko ulit sa mommy niya at........

    “Sige po...Tutuloy na po kami....Pasensya na po ah....”muli kong sambit......
Matapos iyon ay hinawakan ko na si Drey sa kanyang kamay, sabay dali-daling hila sa kanya papaalis.

SA LABAS NG OSPITAL..........

Pagkalabas namin ay huminto na muna kami sa paglakad. Bumitaw ako sa kanya at napabuntong-hininga na lamang ako.............

    “Hay salamat!....Nagulantang ako dun ah!....Akalain mo iyon...May gusto siya sa akin...Ganun na ba talaga ang uso ngayon?....Iyong naghuhulog ka sa taong umaaway sa iyo?....”sambit ko.....   
    “HMPH!....Oo nga eh....Mukhang ang lakas ng tama niya sa iyo!....”

Tila bwiset ang pagkakasabi niya noon, kaya napatingin ako sa kanya. Pagtingin ko, nakatitig siya sa akin nang masama at nakakunot na naman iyong noo niya nang kagaya kanina. Alam ko na kung anong nangyayari, kaya napangisi na lamang ako sa kanya at..........

    “Huwag mo nga kong tignan nang ganyan....Alam mo naman po na ikaw lang ang lab na lab ko di ba?...Kaya walang dahilan para magselos ka!...”
    “Eh bakit kailangan pang ibigay mo iyong number mo sa kanya?...”
    “Gusto kong maging kaibigan iyong tao...May masama ba dun?....”
    “Wala....”
    “Oh iyon naman pala eh...Kaya tigilan mo na iyan!....”
    “Hmph!....Oh siya!....Maiba ko.....”

Biglang naging siryoso ang timpla ng mukha niya...........

    “Kanina pa kasi ko napapaisip dun sa sinabi ni Arci, na may alas laban sa atin iyong mga bakulaw.......Haj...Di kaya....”
    “Di kaya ano?...”
    “Di kaya natuklasan nila ang tungkol sa atin?...”
    “Paano naman mangyayari iyon?....Eh maingat naman tayo sa loob ng school ah...Tsaka makikipag-ayos na nga tayo sa kanila di ba?...Para hindi na mauwi ang lahat sa gulo....”
    “Teka...Kailan ba natin sila kakausapin?...Hihintayin pa ba natin na may gawin ulit sila sa atin?...”
    “Hindi Drey....Tayo ang may atraso, kaya tayo rin ang dapat na unang lumapit sa kanila para magsorry....Tatanungin ko na lang si Arci kung saan ang tambayan nila para mapuntahan natin...Pero bago iyon, kailangang mairaos muna natin ang finals....”
    “Pagtapos pa ng finals?!....Pero Haj!...Paano kung maunahan nila tayo?!....Paano kung may gawin sila within the exam days?!...”
    “Hmph!...Ano ka ba!....Kagaya natin, kailangan din nila iyong finals para makagraduate....Katangahan iyon kung gagawa sila ng kalokohan habang exams pa noh...Kaya kung may plinaplano sila, malamang sa last day pa natin iyon...Which is sa Lunes...”
    “So dapat...Kausapin natin sila...Sa biyernes after ng huling exams!....”
    “Tama!....”

ARAW NG BIYERNES..........

Gaya ng inaasahan ko, lumipas ang una at pangalawang araw ng exams nang walang gulong nangyayari. At ngayon, dumating na ang araw ng biyernes, ang huling araw para sa exams.

Natapos na namin ang unang dalawang subject na nakaschedule ngayon at dalawa na lang din ang natitira pa. Pero bago iyon ay break time muna na namin. Nasa cafeteria na kami, bumibili si Drey ng pagkain namin habang ako naman ay naghintay na lamang sa mesa. Habang naghihintay ako, nilabas at sinindi ko iyong cellphone ko. Makalipas lamang ang ilang segundo ay biglang nagring ito. Hindi ko na naman kilala iyong numero, pero nagpasiya ko na sagutin ito.........

    “Hello?....”
    “Da...Dasuero!....Si Arci toh.....”
    “Uy Arci!...Ang galing ng timing ng tawag mo ah...”
    “Eh lagi naman kasing ganitong oras ang break time kapag examination days eh....Kaya sinaktuhan ko talaga...Hehe...”
    “Kumusta ka na nga pala?...”
    “Pinayagan ako ng doktor na sa bahay na lang magpagaling....Kaya eto, kadarating ko lang sa amin....”
    “Salamat naman at nakalabas ka na ng ospital....”
    “Eh kayo ni Ernuella?...Kumusta naman kayo diyan?...Mahirap ba iyong final exams natin?...”
    “Naku pre!...Parusa!....Pero nakakasurvive naman kami...At dalawang subject na lang, matatapos na rin sa wakas!.....”

Pagkasabi ko noon,  dun ko lamang naalala na hindi na nga pala nakapag-exam dahil sa kalagayan niya...........

    “Ahmmm....Paano ka nga pala?...Makakapag-exam ka pa ba?....”
    “Huwag mo nang alalahanin iyon...Napakiusapan na ni Mama si principal...Bibigyan daw ako ng special exams sa Monday.....”
    “Mabuti naman kung ganun....”

Dumating na si Drey na dala ang mga pagkain namin. Nilapag niya ang mga toh sa mesa tapos ay naupo siya sa tabi ko............

    “Sino iyang kausap mo?...”pabulong niyang usisa....
    “Si pareng Arci...”pabulong kong sagot nang nakangisi....

Ngumisi ako dahil gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya. Kumunot na naman ang noo ng mokong. Pagkatapos ay bigla niyang idinikit ang isa niyang tenga sa cellphone para pakinggan si Arci..........

    “Nandiyan na si Ernuella noh?...”

Nagulat ako sa itinanong niya...........

    “Paano mo nalaman na nandito si Drey at na kadarating lang niya?!...”
    “Haha...Sa susunod kasi na magbubulungan kayo, make sure na walang cellphone na nakatapat sa inyo....”

Nakatinginan na lamang kaming dalawa sa isinagot niya..........

    “Siya nga pala Dasuero....Wala pa ba silang ginagawa?...”

Ang tinutukoy niya ay iyong mga kasamahan niya dati..........

    “Wala pa...Ang kutob ko kasi, sa last day pa sila kikilos....At sa mga pangyayari ngayon, mukhang ganun na nga......”
    “Hmmm...Sabagay...Kailangan din nila ang exams....”
    “Buti pala nabanggit mo...Gusto ko kasing itanong sa iyo kung saan ba ang tambayan niyo dito eh...Ang balak kasi namin ni Drey, puntahan sila mamaya para makipag-ayos.....”
    “Sigurado ba kayo diyan sa gusto niyong gawin?....Delikado iyan...Hindi niyo alam kung gaano sila kagalit sa inyo!....”
    “Eto na ang pinakamaiging choice na meron kami Arci....Kaysa naman sa maghintay pa kami na gumawa ulit sila ng gulo...”

Saglit na tumahimik sa kabilang linya. Pagkatapos.........

    “Mukhang di ko na kayo mapipigilan...Sige...Sasabihin ko na sa inyo kung saan...”
    “Salamat...”

Ayon sa kanya, sa fourth floor daw ng school. At dun banda sa may hagdan na paakyat ng rooftop. Mula daw kasi nung pinasara ang rooftop at ipinagbawal sa mga estudyante ang paakyat dun, wala na raw taong nagtutungo dun. Kaya iyong lugar na iyon ang ginawang tagpuan ng grupo nila..........

    “Pero Dasuero...Nag-aalala pa rin ako sa inyo...Mag-doble ingat sana kayo ni Ernuella!...Nung isang araw pa kasi masama ang kutob ko eh...Kaya nga napilitan akong magsinungaling sa Mama ko para sa inyo....”

Nabigla at napatingin ako kay Drey sa sinabing iyon ni Arci. Maging sa kanya ay nabakas ko rin ang pagkabigla............

    “A...Anong ibig mong sabihin na nagsinungaling ka sa Mama mo?!...”usisa ko.....
    “Hindi ko sinabi sa kanya ang totoong nangyari sa akin....Ang alam lang niya ngayon...Nahold-up ako at kayo ang tumulong sa akin...Iyon din ang dahilan, kaya iniwas ko kayo sa pagtatanong niya nung isang araw.....”
    “Sira ka!...Bat mo ginawa iyon?!...”biglang singit ni Drey na tila bwiset......
    “Dahil kapag sinabi ko iyong totoo...Lalapit si Mama sa mommy mo Ernuella!...Kay principal!....Para papanagutin iyong mga kasamahan ko...At kapag nangyari iyon, siguradong idadamay at idadamay nila kayo!...Iyon ba ang gusto mo?....”

Natigilan na lamang kaming pareho sa naging sagot niya. At ilang saglit pa.........

    “Loko ka Arci!....Bakit ba ang bait mo sa amin?...Kung tutuusin nga hindi mo naman kailangang magmalasakit nang ganito sa amin eh....”napapangiti kong usisa.........
    “Sus!...Hindi ba pa obvious?!...Ginagawa niya ang lahat ng toh dahil nga gusto ka niya!....”biglang banat  ni Drey......

Umiral na naman po ang topak nitong boyfriend ko. Kaya naman tinapik ko siya sa tagiliran niya gamit ang siko ko. Napaigtad siya at.......

    “Ano ba!....”sambit niya......
    “Umayos ka!...”bulong ko....
    “Hmph!...”

Inilayo na niya iyong tenga niya mula sa cellphone. Matapos iyon ay umiwas siya ng tingin sa akin at kumain na lamang........

    “Ahmmm....Dasuero....Pwede bang ibigay mo sandali iyong phone kay Ernuella?...”
    “Huh?...Teka....”

At inabot ko nga iyong cellphone kay Drey.........

    “Oh...Kakausapin ka raw...”

Tumingin siya sa akin at kinuha ito nang nakabusangot ang kanyang pagmumukha. Napapaisip ako sa kung anong sasabihin ni Arci sa kanya. Kaya ako naman ngayon ang nagdikit ng tenga ko sa phone, habang magkausap sila..........

    “Bakit?!....”bwiset na usisa ni Drey habang patuloy sa pagkain......
    “Gusto ko lang po sabihin na huwag ka nang magselos....Alam ko na kaya na kayo ni Dasuero....At nirerespeto ko iyon noh...”

Nagulat ako’t nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Si Drey naman ay nasamid sa kinakain niya. Kaya hinaplos ko muna ang kanyang likuran at inabot sa kanya ang inumin niya. Nang maging okay na siya, agad siyang bumalik sa pakikipag-usap sa kay Arci..........

    “Pa...Paano mo nalaman ang tungkol sa amin?!...”gulat pa ring usisa ni Drey.....
    “Hmph...Napansin ko kung paano mo ko pandilatan sa ospital, nung sinabi ko na gusto ko si Dasuero...Nakakatakot ka kaya...Tapos, umalis pa kayo nang magkaholding hands...Haha...”natatawa niyang sagot......

Oo nga! Sa kamay ko nga pala hinawakan si Drey noon nung hinila ko siya palabas. Nawala na isip ko na pwede niyang mapansin iyon dahil nga natataranta at naguguluhan ako nun.......

    “Huwag kayong mag-alala...Safe ang secret niyo sa akin...Hihihi...”

Hindi na nagsalita pa si Drey, ibinalik na lamang niya iyong cellphone sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag, dahil sa sinabi ni Arci na safe sa kanya ang sikreto namin. Kaya naman...........

    “Ah...Arci....Sa....Salamat sa lahat ha...At salamat rin sa pag-intindi sa amin......”
    “Wala iyon....”
“Tsaka......Sorry dahil nga di ko magagawang ibalik ang nararamdaman mo para sa akin.....Pero sana, maging kaibigan ka namin......”
    “Oo naman Dasuero...Walang problema sa akin iyan....Tsaka tanggap ko naman na ang katotohanan eh....”
    “Salamat talaga pre....Ay!....Isa pa pala....”
    “Huh?....”
“Pwede huwag mo na kaming tawagin sa apelyido namin....Baka kasi mamaya niyan mapagkamalan ka na namin na si principal....Haha....”
    “Ahaha!...O sige...HAGEN...At DREY......Baba ko na iyong phone ha....Para makakain na kayo nang maayos....Goodluck na lang sa natitirang exams at ingat ulit sa gagawin niyo mamaya....”
    “Okay...Salamat ulit!.....”

Binaba na nga niya iyong phone. Matapos iyon ay napatingin na lamang ako kay Drey na nagpatuloy na sa pagkain.........

    “Oh....Mr. Seloso....Maliwanag pa sa araw iyong sinabi nung tao ah...HUWAG NANG MAGSELOS!....”

Hindi na siya umimik o kumontra. Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo.

PAGDATING NG UWIAN..........

Nairaos din namin ang huling dalawang exams............

    “SA WAKAS!....Natapos na rin ang walang humpay nating pagpupursige!....”sambit ni Drey habang nag-uunat ng kanyang braso.......
    “Oo nga eh....At ngayon....Oras naman para harapin na natin sila....”

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap, nilapitan kami ng adviser namin.......

    “Ma’am...”sambit ko.....
    “I know na wala pa ang resulta ng top 10 at ang decision ng principal...But I would like to congratulate the two of you already...Hindi biro ang pinagdaanan niyo para makapagbago...Pinahanga niyo ko...I really hope na mapabilang kayo sa top 10....”
    “Salamat po ma’am...”sambit ni Drey......
    “By the way...Pinapapunta kayo ng principal sa office niya ngayon....”

Nagkatinginan kami ni Drey sa aming narinig. At dahil nga dun, sa principal’s office na muna kami nagpunta, bago umakyat sa fourth floor. Sa totoo lang ay kabado ako sa kung anong sasabihin niya sa amin. Pero iyon na nga, hinarap namin siya............

    “Don’t worry....Hindi naman magtatagal toh....I just want to say that you both impressed me....I didn’t actually expect that you can make it this far....But you did it anyway...And finally sa Monday, matatapos na rin ang lahat ng toh....Dahil malalaman na natin ang result....Ahmmm....That’s all....”

Iyon lang pala ang sasabihin niya, akala ko naman kung ano na. Pero... Paimpit ang boses ni principal habang sinasabi ang mga iyon. At napansin ko rin na parang may kakaiba sa kanya habang nagsasalita.......

    “Wala na po ba kayong iba pang sasabihin?.......Mommy?....”

Ngayon lang ulit siya tinawag ni Drey nang ganun. Matapos iyon, bigla siyang napaiwas ng tingin sa anak niya at........

    “I have nothing else to say Mr. Ernuella....Mr. Dasuero....You may both go now!....”

Dahil sa reaksyon niyang iyon, nalaman ko na kung ano iyong napansin kong kakaiba sa kanya. Si Drey naman ay napayuko na lamang at..............

    “Haj...Narinig mo iyong sinabi niya...Tayo na....”

Umalis na nga kami sa principal’s office. Hanggang sa makalabas kami, nakayuko pa rin siya. Alam kong hindi siya okay, kaya naman.........

“Namimiss mo na siya noh?....Kaya hindi mo na napigilan na tawagin siya ulit ng ganun.....”usisa ko...........
“Oo....Sana nga....Pasok tayo sa top 10 noh....Para maging okay na kami ni Mommy...Nang sa ganun....Makabalik na ko sa amin.....”
“Alam mo...Palagay ko, nasa top 10 ka man o hindi....Gusto na rin talaga ng mommy mo na pauwiin ka sa inyo....”

Napaangat siya ng ulo sa mga sinabi ko at napatingin sa akin..........

    “Pa....Paano mo naman nasabi iyan?....”
“Hmph!....Obvious naman sa mga kilos at pananalita niya kanina sa loob eh....Namimiss ka na rin niya Drey....At proud na proud siya sa naachieve mo ngayon!....Iyong nga lang....Nagmamatigas siya at ayaw niyang ipakita nang direkta sa iyo....”

At ayun iyong kakaibang napansin ko kanina. Ang pagpigil at pagtatago ni principal sa totoo niyang nararamdaman............

“Alam mo...Mag-ina nga talaga kayo...”
“Huh?....”
“Eh kasi po...PAREHO KAYONG MATIGAS ANG ULO!....Haha....”

Unti-unti siyang napangisi sa akin, hanggang sa natawa na lamang siya........
    “Ikaw talaga!....Puro ka biro...Haha.....”
    “Huwag ka na kasing magworry diyan....Magiging maayos din ang lahat....”
    “Oo na po!....Hay...Buti na lang palaging nandiyan ang pinakamamahal kong Haj, para pangitiin ako...”nakangiti niyang sambit sabay akbay sa akin......
    “Haha...Halika na nga!...May pupuntahan pa tayo...”

Matapos iyon ay nagtungo na kami sa may fourth floor.

SA FOURTH FLOOR..........

Umaakyat na kami sa may hagdan. Pafourth floor na kami nang makarinig kami ng mga tawanan...........

    “Mukhang nandito nga sila Haj....”pabulong na sambit ni Drey....

Magpapatuloy na sana kami sa pag-akyat pero.............

    “Uy!...Patinging din ako ulit...Patingin din ako ulit nung video nila Dasuero!....”

Napahinto kami sa narinig naming iyon.............

    “Vid....Video natin?!...”gulat pero pabulong kong usisa.......

Dahil dun ay hindi na nga muna kami umakyat. Sa halip ay ipinagpatuloy namin ang pakikinig sa kanila............

    “Relax ka lang pre!....Oh eto mag-enjoy ka...Haha!...”
    “Taena!...Hindi pa rin ako makapaniwala....Iyong dalawang siga dati ng school, nagkabaklaan!....Ahahaha!....”
    “Ang tinde din ng dalawang toh!....Dito pa talaga sa school naglandian....Hindi na nahiya!....NAKAKADIRI AMPOTEK!!!....Hahaha!....”
    “Hmph!...Huwag ka namang ganyan tol...Buti nga ginawa nila toh sa washroom eh....Dahil kung hindi...Di ko rin sila matiyetiyempuhan at makukuhanan ng video di ba...Hehehe....”

Bumalik sa akin bigla iyong nangyari last week. Nung nanggaling kami sa practice ng graduation tapos dumiretso kami sa washroom. Nagkulitan at naglambingan kami nun doon. Tapos hinalikan pa ko ni Drey! Ibig sabihin...Ibig sabihin nandun din pala ang isa sa kanila at navideohan kami nang di namin namamalayan.......

    “Haj....Mukhang ito na iyong sinasabi ni Arci na alas nila....”

Sa puntong iyon, hindi na ko makapagsalita.........

    “Teka...Last day na natin sa lunes eh...Ano bang balak mo sa video na iyan?....”
    “Sakto nga iyon eh!!...Dahil bibigyan natin sina Dasuero at Ernuella...Ng isang farewell gift na hinding-hindi nila malilimutan!!!...”
    “Huh?...Farewell Gift?...”
    “OO!...Di ba...Uso ngayon ang scandal videos?.....”
    “Iuupload mo sa internet!...Oo nga noh...Ayos iyon!....”
    “Loko...Hindi naman rated SPG iyan eh!....”
    “Pero para sa dalawang iyon...Tiyak na malaking eskandalo toh paglumabas...Dahil nga nagpapagood shot sila kay principal para makagraduate....HMPH!!!....”

So iyon pala....Iyon pala ang balak nilang gawin........

    “Hindi pwede toh!...Kailangan natin silang mapigilan sa binabalak nila Haj!....”

Matapos na sabihin iyon ay aakyat na dapat si Drey para sugurin sila. Pero hinawakan ko siya sa isa niyang braso at pinigilan.........

    “Dito ka lang Drey....”
    “Pero Haj...”
    “Hindi!....Hindi ka aalis dito....Dahil ako lang ang aakyat at haharap sa kanila!...”
    “Nasisiraan ka na ba?...Hindi kita hahayaang pumunta nang mag-isa lang dun....Baka pagtulungan ka lang nila!.....”
    “Makinig ka sa akin Drey!...Ayaw ko nang masaktan ka pa ulit nang dahil sa akin...Sa loob ng matagal na panahon....Ikaw na lang itong laging nagproprotekta sa akin...Kaya sana...Hayaan mo naman na ako ang gumawa nun ngayon para sa iyo...”
    “Haj....”

Hindi na siya tumutol pa. Bumitaw na ko sa braso niya, pagkatapos ay umakyat na nga ko sa kanila. Pagdating ko sa taas, nakaupo silang lahat sa espasyong nasa tapat ng pinto ng rooftop at nakatalikod. Kaya naman...........

    “Hindi niyo na kailangang gawin iyang binabalak niyo!...”sambit ko.....

Napalingon silang lahat at tila nagulat..............

    “Dasuero!....”sambit ng isa.....
Kasunod noon ay nagsitayuan na sila. Nilapitan nila kong lahat at nanguna iyong dati rin na nanguna sa kanila.  At napansin kong may hawak-hawak siyang cellphone............

    “Paano mo nalaman itong tambayan namin?!....”usisa niya.....

Mukhang siya nga talaga ang leader nila. Obvious na din na siya ang nakapagvideo sa amin.........

    “Si Dairon!....Malamang iyong traydor na iyon ang nagbuko sa atin!....”sambit ng isa sa mga kasama niya......
    “Hmph!....Mukhang hindi pa ata sapat ang ginawa natin sa kanya...Kailangan ata na turuan ulit natin siya ng leksyon....”sambit niya......   
Wala nang bakas ng takot o kaba sa kanila ngayon. Marahil ay dahil sa nalaman nila na bading kami ni Drey. At dahil dun, mas lalo kong kailangan na tapusin ang gulong ito.............

    “Lubayan niyo na si Arci!...Kami ni Drey ang may atraso sa inyo, hindi siya....”
    “Oh...Speaking of...Bakit nga ba nag-iisa ka ngayon?....Nasaan siya?!...Nasaan iyong syota mo?!....”usisa niya na may kasamang hagikgik......

Maging ang mga kasamahan niya ay napahagikgik din..............

    “Hindi na niya kailangang humarap sa inyo...Tsaka isa pa, hindi naman ako nagpunta dito para makipag-away....Nandito ko ngayon para makipag-ayos...Para humingi ng tawad sa inyo....”
    “Uy!....Si Hagen Dasuero nagdradrama...Humihingi daw ng tawad oh....Hmph!....Ano iyan pre?!....Epekto ng kabaklaan mo?!....Hahaha!....”

Pagkasabi niya noon ay nagtawanan silang lahat...............

    “Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin....Pero ayaw ko na ng gulo...Nakikiusap ako sa inyo....Huwag niyo nang ituloy ang balak niyo...Itigil na natin ang away natin toh....Patawarin niyo na kami sa lahat ng mga ginawa namin sa inyo...Para pare-pareho na rin tayong makapagtapos nang matiwasay.....”
    “Nakikiusap?!.....”

Biglaan na lamang siyang nanggigil. Pagkatapos ay nagulat na lamang ako nang bigla niya kong sapukin sa mukha. Napaupo ako sa sahig at dumugo din ang nguso ko..........

    “ANG KAPAL NG MUKHA MO!....Minsan din akong nakiusap sa iyo Dasuero...Pero hindi mo ko pinakinggan!...Kaya ngayon, MANIGAS KA!!!....”

Napansin ko na sumilip si Drey. Alam ko ang binabalak niyang gawin, kaya pasimple kong isinenyas sa kanya ang kamay ko nang huwag. Pagkatapos..........
   
“Gusto mo ba talaga kong saktan?...Ayan ba talaga ang gusto niyo?...Sige...Kung iyan ang makakapagpagaan sa loob niyo...At makakatanggal sa lahat ng galit na dinadala niyo...Gawin niyo na...Hindi ko kayo lalabanan...Pero sana pagtapos nito...Huwag niyo nang gagalawin sina Drey at Arci ah.....”

Kikilos na dapat iyong mga kasamahan niya pero........

    “Tigil!....”

Pinigilan niya ang mga toh, kaya napatigil sila..........

“Masyado naman atang madali kung bubugbugin lang natin ang mokong na toh di ba?....Tsaka gagaling lang din naman ang mga sugat at pasa....Hindi ba’t mas masaya kung ituloy na lang natin iyong plano ko?...At least dun...Magagawa nating kunin sa kanila, iyong bagay na gustong-gusto nila makamit ngayon!....”
“Bagay na gustong-gusto nila?...Iyong graduation ba pre?...”usisa  sa kanya ng isa.......
“Ayun nga!....Pero dahil ginalit ako ng isang toh...Hindi ko na hihintayin pa ang lunes...Dahil iuupload ko na iyong video ngayon din!....Hahaha!....”

At agad na nga siyang nagsimulang magpindot sa cellphone niya. Sa puntong iyon, wala na kong ibang pagpipilian. Hindi nila pwedeng maupload iyon video! Kaya tumayo na ko at........

    “HUWAG!!!....”hiyaw ko.....

Sinubukan kong agawin mula sa kanya iyong cellphone. Pero nagawa niya kong hawiin nang malakas. Dahil dun, nawalan ako ng balanse at sumubsob ako sa hagdan! Kasabay noon, narinig ko na lamang ang malakas na pagsigaw ni Drey, sa pangalan ko.............

    “HAGEEEEEEEENNNNNNNNNNNNN!!!!!!!!!!!!!!.........”


ITUTULOY..........

0 yorum:

Yorum Gönder