Sundae (Part 12)

By: Chaster Rassel

Flavor 12: Fixing The Flavors

MAKALIPAS ANG ILANG ORAS..........

Nagising ako na nasa ospital na ko at nakaratay sa kama. Sinubukan kong makabangon at makaupo. Nakaupo ako pero agad akong nakaramdam ng pananakit sa aking katawan at isang binti. Maging ang ulo ko rin ay masakit tapos nahihilo ko.............

    “Arrgh!....”halinghing ko habang napapahawak sa aking ulo......
    “Kuya Hagen!...”

Nandito pala si Hershey. Agad niya kong nilapitan at inalalayan.............

    “Kuya anong nangyayari sa iyo?!....”
    “Tol...Ang sakit ng ulo ko!....Nahihilo ko!....”
    “Sandali kuya...Tatawag lang ako ng doktor!.....”

Lumabas nga siya ng kwarto. At ilang saglit lang ay bumalik siya na may kasamang doktor at nurse. Tinignan nila ko. Nagtamo pala ko ng sugat sa aking ulo sa pagkakahulog ko sa hagdan. Pero hindi naman daw ito ganun kagrabe at kinailangan lang nilang tahiin. Sariwa pa daw kasi ang sugat ko at nabigla ang katawan ko dahil sa agaran kong pagbangon. Kaya nahilo ako’t sumakit ang ulo ko.

Bukod dun ay nagkaroon din daw akong ng bone fracture sa binti. Hindi muna daw ko makakalakd pero paglipas ng ilang linggo gagaling din ako. Pinayuhan ako ng doktor na huwag muna masyadong maggagalaw sa ngayon at na magpahinga na lang muna.
Matapos iyon ay nagpaalam na sila. Sa totoo lang, may mga bagay na mas higit ko pang inaalala ngayon kesa sa kalagayan ko............

    “Oh narinig mo iyon kuya ah?....Bigla-bigla ka na lang kasing bumabangon diyan eh....”
    “Bat nga pala ikaw lang ang nandito?....Nasaan si Mama at si kuya Drey mo?....”
    “Ahmmm....”

Bago pa siya makasagot, biglang may kumatok sa pinto. Tinignan ng kapatid ko kung sino ito. Pagbukas sa pinto, si Drey pala. Nang makita niya ko, nanlaki ang kanyang mga mata at.......
   
“Haj!.....”sambit niya na sa tono pa lang ay halatang sabik siya........

Dali-dali niya kong nilapitan. Alam ko na yayakapin niya ko, kaya naman........
   
“Dahan-dahan lang...Masakit pa ang katawan ko...”sambit ko........

Dinahan-dahan nga lang niya ang pagyakap sa akin. Pero dama ko pa rin ang kahigpitan nito at pananabik niya sa akin............

    “Salamat naman at gising ka na Haj....Natakot ako eh!....Ang buong akala ko mawawala ka na sa akin!....”mangiyak-ngiyak niyang sambit......

Kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa akin.............

    “Kumusta nang pakiramdam mo?...”usisa niya.........
    “Gaya ng sinabi ko....Masakit pa ang katawan ko.....”

Habang nag-uusap kami napansin ko na may benda ang kanang kamay niya. Kinutuban ako nang masama. At dahil dun, tumingin ako kay Hershey.......

    “Tol...Nagugutom na kasi ko eh....Baka pwedeng ibili mo ko ng makakain....”
    “Sus!...Si kuya talaga oh...Pwede mo naman akong diretsuhin eh...Alam ko naman na gusto mo lang na mapag-isa kayo ng bf mo eh....Pero sige, ibibili na rin kita ng foods....Hihihi....”
    “Salamat tol.....”

Lumabas na siya ng kwarto. At ngayon na kaming dalawa na lamang ni Drey........

    “Bakit may benda iyang kamay mo?...”
    “Haj kasi....”
    “Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa Drey....Sabihin mo sa akin....Anong mga nangyari matapos akong mahulog sa hagdan?...”
   
Nagdulot daw ng komusyon ang nangyari sa akin kanina. Isinakay ako sa ambulansya at sila daw ni principal ang sumama sa pagdala sa akin, dito sa ospital..........

    “Eh si Mama?...”
    “Nandito rin siya kanina....Dito siya actually dumiretso....Tapos nung sinabi ng doktor na ayos ka na at kailangan ka na lang hitaying magising.....Bumalik na muna kami sa school........”

Pagbalik daw nila sa school kusa nang lumapit kay principal ang mga dating kasamahan ni Arci para umamin sa kasalanan nila. Pero si Sebastian daw, iyong leader nila at siyang humawi sa akin. Nagmatigas daw at nagtangka na tumakas, tangay iyong cellphone. Kaya hinabol daw niya toh.............
   
“May ginawa ka sa kanya?.....”

Hindi siya makasagot at napansin ko na biglang namasa ang mga mata niya. Kilala ko ang ugali ni Drey, hindi siya iyong tipo na mananahimik na lang, lalong lalo na kung sangkot ako at may nangyari sa akin. Kaya kahit na wala pa siyang sinasabi, alam ko na may ginawa siya.  At gusto kong marinig iyon mula mismo sa bibig niya.............

    “Sagutin mo ko Drey!...Anong ginawa mo sa kanya?!....”
    “Nagpambuno kami eh...Sinabi niya sa akin na huli na ang lahat, dahil naupload na niya iyong video...At ni wala man lang siyang bahid ng pagsisisi sa mga ginawa niya sa iyo...Hindi na ko nakapagpigil Haj...Nagdilim na ang paningin ko kaya nasaktan at nabugbog ko siya....Matapos iyon ay iniwan ko siya sa tapat ng school gate....Tapos tumakas na ko at dumiretso dito.....”mangiyak-ngiyak niyang pagpapaliwanag......
    “Bakit mo ginawa iyon?!....Di ka ba nag-iisip?!....Dahil sa ginawa mo, lahat ng mga hirap at pagsisikap na ginawa natin para makapagbago at maisaayos ang mga sarili natin, mauuwi ngayon lahat sa wala!....Hindi mo ba naisip iyon?!...HA?!!....Paano na iyong graduation natin?!....AT PAANO PA KAYO MAGKAKAAYOS NIYAN NG MOMMY MO?!!!...”

Sa puntong iyon, hindi ko na napigilan na maging emosyonal.........

    “Haj....Di ko na alam iyong pinaggagawa ko eh!...Gulong-gulo na rin ako kanina!....IM SORRY HAJ!....SORRY!....”sambit niya kasabay ng tuluyang pagbuhos ng mga luha niya.........

Matapos iyon ay napayakap na lamang siya ulit sa akin. Ako naman ay naiyak na lang din sa kanyang balikat. Habang magkayakap pa kami, bigla na lamang bumukas iyong pinto. Sina Mama at principal! Dahil dun ay napakalas kami mula sa pagkakayakap sa isa’t isa..........

    “Mama....”sambit ko habang papalapit si Mama sa tabi ko.......

Lumapit naman si Drey sa mommy niya. Pero bago pa man siya makapagsalita, bigla na lamang siyang sinampal nito nang malakas...........

    “Nagkamali ako na umasa pa kong magbabago ka!.....I should have known better....Hindi pa ba sapat iyong mga kahihiyang naibigay mo na sa akin?!....At dinagdagan mo pa?!.....”
    “Ma....I know na wala na kong mukhang maihaharap sa inyo ngayon...Pero sana...Pakinggan niyo naman muna ang side ko....Kahit na ngayon lang.....”
    “Alin ang pakikinggan ko?!....IYONG TUNGKOL SA KABAKLAAN MO?!....At sa kalandian na pinaggagawa niyo ng lalakeng iyan!...Sa loob pa mismo ng eskwelahan?!....”galit na sambit ni principal na may kasama pang pagduro sa akin.......

Hindi na nakapagtataka na nalaman na nila ang katotohanan. Obviously, nakita na rin nila iyong video.............

    “Ma wala naman kaming ginagawang masama ni Haj eh!....”
    “SHUT UP!....I have no time to listen to your non-sense whining!....Hindi ako nagpunta dito para hingiin ang explanation niyo....I came here for only one reason....And that is to personally tell both of you...Na dahil sa mga nangyari ngayon.....Makapasok man kayo sa top 10 o hindi....I WILL NOT ALLOW YOU TO GRADUATE!!!.....”
“Ma’am....Mawalang galang na ho....Pero masyado naman ata kayong napapadalos-dalos sa desisyon niyo....Iyong side pa lang ho ng grupo ni Sebastian ang nalalaman natin...Sana man lang, pakinggan muna natin ang mga anak natin....”sambit ni Mama........
    “Mrs. Dasuero....Malinaw ang binigay kong kundisyon sa mga bata dati...Na oras na pumasok ulit sila sa kahit na anumang gulo...Hindi sila gragraduate!....At iyon ang ginawa nila ngayon, kaya tinutupad ko lang ang mga sinabi ko....And by the way....Anak mo lang....Dahil hinding-hindi ko matatanggap NA MAGKAROON NG ANAK NA BAKLA!....”

Matapos iyon ay tumalikod na si principal at lumakad na papunta sa may pinto. At si Drey........

    “Ma!...Nagmamakaawa ko sa inyo!...Kung galit kayo sa akin at ayaw niyo kong payagang grumaduate, tatanggapin ko iyon....Pero please lang...Huwag niyong idamay si Hagen!...Wala siyang ginagawang masama......”
    “Drey!.....”sambit ko......

Napahinto siya sa pagsasalita at napalingon sa akin.........

    “Itigil mo na iyan!...Huwag ka nang makipagtalo pa sa Mommy mo....Di tama iyan....Kung hindi para sa atin ang graduation...Huwag na nating ipilit pa....”

Hindi na nga siya umimik pa. Samantala, bago pa tuluyang makalabas ng kwarto si principal. Sumunod si Mama sa likuran niya at..........

    “Sandali lang ho Mrs. Ernuella!....”

Napahinto si principal, pero hindi siya lumingon............

    “Hindi niyo dapat trinatrato nang ganito ang anak niyo, kahit ano pa man siya....Kahit na bakla pa siya!....”

Lumingon na siya kaya Mama at..............

    “How dare you say that to me!...Ano bang alam mo sa amin?!...”
    “Maaring sa inyo ho wala akong alam....Pero pagdating kay Drey, meron....Dahil ilang buwan na rin namin siyang nakakasama....”
    “Na...Nasa inyo siya all this time?!....”
“Oho...At sa mga panahon na nakasama ko siya....Nakita at nakikila ko ang pagkatao’t ugali niya...Hindi masamang tao ang anak niyo Mrs. Ernuella...Isa lang siyang bata na naghahanap ng atensyon at paggabay.....”
    “But that’s what I’ve been doing!....At kasama na dun iyong pagdidisiplina ko sa kanya, para hindi siya gumawa ng mali.....”
    “Sige...Sabihin na natin na iyon nga ang ginagawa niyo...Pero sa nakikita ko ho kasi...Ginagawa niyo ang lahat bilang principal lang ng school...At hindi bilang isang ina...Mrs. Ernuella....Ang matagal nang kailangan ni Drey ay ang kanyang ina...Hindi ang principal!....”

Hindi ko lubusang maintindihan ang ipinupunto ni Mama. Pero mukha namang tinablan si principal sa lahat ng mga sinabi niya, dahil natigilan siya bigla.........

    “Sinasabi ko toh sa inyo ngayon...Dahil naranasan ko rin iyan sa anak ko...Naranasan ko rin iyan kay Hagen...Minsan nang nalamatan ang relasyon naming mag-ina ...Dahil hindi ko pinakinggan at inunawa ang mga nararamdaman niya....Kaya sana...Matutunan niyo ding pakinggan ang anak niyo...Bago pa mahuli ang lahat...”
    “Ahmmm...I have to go now Mrs. Dasuero....Excuse me...”iyon na lamang ang naisagot ni principal......

Matapos iyon ay tuluyan na nga siyang umalis. At bumalik na si Mama sa aking tabi........

    “Mama...Sorry po...Ipinangako ko sa inyo na gragraduate ako...Pero binigo ko na naman kayo.....”sambit ko habang pinapahiran ng kamay ko ang aking mga luha......
    “Hindi mo kailangan magsorry sa akin anak....Nakita ko naman na ginawa mo talaga ang the best na makakaya mo eh....Pero sadiyang may mga bagay at pangyayari talaga na hindi natin kontrolado...Nauunawaan kita....”sambit ni Mama, sabay upo at tapik sa balikat ko.....
    “Hindi ba kayo nagagalit sa nalaman niyo Ma?...Na naglihim kami ni Drey sa inyo?...Na...Na bading ako?...”
    “Ang totoo niyan...Hindi na ko nasurpresa nung nakita ko iyong video kanina at nalaman ko na magboyfriend kayo......”

Napalapit bigla sa kabila kong tabi si Drey, matapos na sabihin ni Mama ang mga iyon........

    “Po?!....Ano pong ibig niyong sabihin tita?.....”usisa niya sabay pahid na rin ng kanyang mga luha......
    “Eh di ba nga dati tinanong kita, kung may nililigawan na ba itong anak ko...At kakaiba ang naging reaksyon niyong pareho...Hmph!...Akala niyo siguro nauto niyo ko nun noh?....”nakangising sambit ni Mama.......

Nagkatinginan na lamang kaming dalawa ni Drey............

    “So dun na ko nagsimulang magduda...Tapos, lalo pa kong kinutuban dahil napansin ko na mas naging maligalig ka Hagen, mula nung tumira itong si Drey sa atin...Hanggang sa dumating iyong gabi ng prom niyo....”

Nung gabi pala nung prom, nung nasa labas na kami ni Drey ng bahay at naglalakad punta sa taxi, sumunod pala si Mama para masure kung nakaalis na kami. Hindi namin pareho namalayan iyon. At ang matinde niyan, narinig pala niya ko nung sinabi ko na..............

    “Taena mo Drey Ernuella!...Ang cute mo!...”

At dahil dun, matagal na pala niyang alam ang lahat...............

    “Hmph!....”pigil na pagtawan ni Drey.......
    “Nagulat ako nun!...At napatawag pa ko sa Papa mo nang di oras, dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa nalaman ko......”
    “HA?!...Sinabi niyo po kay Papa ang lahat?!....”gulat kong sambit.......
    “Eh oo....Sinabi ko...”
    “A...Anong naging reaksyon niya?...”
    “Aba syempre nagulat!...Nalaman ba naman niya na iyong brusko niyang binata...Eh isa pa lang lihim na dalaginding...”

Matapos daw iyon ay sinabihan siya ni Papa na manahimik na lang muna. Na magmanman na lang sa kung anong susunod na mangyayari sa akin. Kaya maging iyong extra closeness namin ni Drey, dahil nga naging kami na, napansin din pala niya..........

    “Makailang beses din naming pinag-isipan at nag-usapan ng Papa mo, ang tungkol sa iyo anak...At dahil nakikita namin na nagiging masaya ka dito kay Drey...Na malaki din ang naitulong niya para magbago ka...Para mag-aral ka nang mabuti...Napagdesisyunan namin na hayaan na lamang kayo...Tsaka ayaw na rin kasi namin na bumalik pa iyong dating Hagen...Iyong puno ng galit sa mundo....”
    “I...Ibig sabihin ba niyan Ma...Tanggap niyo na ni Papa ang lahat?...Tanggap niyo na kami ni Drey?!...”
    “OO anak....”nakangiti sagot ni Mama......

Sa narinig kong iyon, hindi ko napigilan na mapayakap bigla kay Mama. Dahilan para makaramdam ako ng kirot sa aking katawan......

    “Arrgh!...”
    “Oh dahan-dahan lang kasi....”sambit ni Mama habang inaalalayan ako.....
    “Kasi naman Ma eh!...Hindi mo alam kung gaano mo pinagaan ang loob ko...Kung gaano mo ko pinasaya...Sa sinabi mo!....THANK YOU PO MA!....”mangiyak-ngiyak kong sambit........    
   
Matapos iyon ay tinulungan niya ko na ayusin ulit ang pagkakaupo ko sa kama...........

    “Tita Nestlie...Maraming salamat po ah...Mabuti pa po kayo....Napakabait at understanding niyo....Pero si Mommy.....”sambit ni Drey.....

Nagsimula na namang maluha ang boyfriend ko. Tumayo si Mama at pumunta sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabila niyang balikat at.........

    “Iho tahan na...Huwag ka nang umiyak...”
    “Pasensya na po tita...Hindi ko lang mapigilan eh...Di ko na po kasi alam ang gagawin ko ngayon eh...Ang buong akala ko po...Magiging maayos na ang lahat at makakabalik na ko sa amin....Pero...Pero ganito  ang nangyari....Hindi ko na po alam kung saan ako ngayon mapapadpad....”sagot niya habang panay ang pahid ng luha sa kanyang mga mata....
    “Drey...Makinig ka sa akin ha...Sa nakita ko kanina sa mommy mo, nung pinagsabihan ko siya...Natitiyak ko na nauunawaan na niya ngayon ang nararamdaman mo....Sa ngayon, mas maganda na palipasin mo muna ang galit niya...Pasasaan pa’t magiging okay rin kayo...Dahil walang ina na kayang tiisin ang sariling anak....Tandaan mo iyan.....”
    “Sige po....”
    “Tsaka ano ba naman iyang pinagsasabi mo, na hindi mo alam kung saan ka mapapadpad?...Eh hindi ka naman namin pinapaalis sa bahay ah....”
    “Eh tita...Nahihiya na po kasi ko sa inyo ni Haj eh....Nadadamay na kayo dahil sa gulo namin ni Mommy...Nagiging pabigat na po ko.....”
    “Hoy pre!...Ano bang kadramahan iyan!....Kahit kailan hindi kita itinuring na pabigat ah.....”sambit ko.....
    “Oo nga naman...At bakit ka naman magiging pabigat?...Eh manugang naman kita di ba?...”biglang dagdag ni Mama sabay ngisi......
    “MA...MANUGANG?!...”sabay naming gulat na reaksyon ni Drey.....

Natigilan kaming pareho ni Drey. Bukod dun ay namula siya at pakiramdam ko, maging ako man ay namumula na din.........

    “Ma...Mama ano ba iyang pinagsasabi niyo!...”
    “Haha...Toh naman!....Pinapatawa ko lang itong boyfriend mo, para naman mabawasan iyong bigat ng kalooban niya.....”
    “Si tita talaga oh...Hehe...”napapakamot sa ulong sambit ni Drey.....
    “Pero pwera biro...Mula nung tumira ka sa amin...Parang pangatlong anak na rin ang naging turing ko sa iyo iho....Kaya huwag na huwag mo nang iisipin na pabigat ka....Naintindihan mo?...”

Napatango at napangiti na lamang si Drey sa kanya. Pati ako ay napangiti lang din. Ipinaramdam kasi sa amin ni Mama, na talagang totoo at taos sa puso ang ginawa niyang pagtanggap sa aming dalawa. Matapos iyon ay tumingin ako sa pinto, na kanina ko pa napapansin na nakakawang.......

    “Oy!...Ikaw diyan na kanina pa nagtatago sa likod ng pinto!...Baka naman gusto mo nang ipasok dito iyang dala mong pagkain?!....Nagugutom na kami dito!....”nakangisi kong sambit......

Bumukas iyong pinto at pumasok na nga iyong taong nagtatago dun kanina pa. Walang iba kung di ang makulit na bata..........

    “Ahihihi!....Nahalata mo pala kuya....”sambit niya......
    “Syempre!....”
    “Kanina ka pa nandun sa likod ng pinto?!...”nakangising usisa ni Mama......
    “Opo Ma...Eh ayaw kong sirain iyong moment niyo dito eh...Hehehe....”
      “Loko ka talagang bata ka, kahit kailan!....”sambit ni Drey.....
    “Ako pa!...Pero kuya Drey...Ang bagsik pala ng mommy mo ah....Nakakatakot!...Parang tigre!....Tiyak na mahihirapan itong si kuya Hagen, sa biyenan niyang iyon!...Hihihi....”
    “Hahaha!...”natawa na lamang si Drey sa kanya.....
    “Biyenan ka diyan!...Isa ka pa eh!....Gaya-gaya ka kay Mama!....”natatawa kong sambit......
    “Teka Hershey!...Matagal mo na rin bang alam ang tungkol sa mga kuya mo?!....”usisa ni Mama....
    “Yup!...Matagal na matagal ko na pong alam....Na mag-asawa ang dalawa iyan!...”nakangisi sagot ng makulit na bata, sabay kindat sa akin.......

Nagtawanan na lamang kaming lahat. Kasunod noon ay nagsalo-salo na kami sa pagkain na dala niya.

MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO..........

Umigi na ang pakiramdam ko. Pinayagan na rin ako ng doktor na makalabas ng ospital. Iyon nga lang ay hindi ko pa rin kayang makalakad, kaya lumabas ako nang nakawheelchair. Sakto naman ay umabot ako sa araw ng graduation ni Hershey.

Kahit na ganito ang kundisyon ko ngayon, ayaw ko pa rin na mawala sa mahalagang araw na toh para sa kapatid ko. Kaya nagpunta ko sa graduation niya, kasama si Drey at siyempre si Mama. At gaya ng inaasahan, siya nga ang naging first honor.

Bukod dun ay marami pa siyang ibang medalya na nakuha. Kaya nakailan ding akyat si Mama sa stage para sa kanya. Habang kami namang dalawa ng boyfriend ko ay todo palapak. Matapos ang ceremony ay nagpicture-picture kami ng kaunti. Kasunod noon ay nagtungo kami sa isang mamahaling restaurant para kumain at magcelebrate. Habang umoorder kami.............

    “Oh Hagen...Drey....Sabihin niyo na kung anung gusto niyo...”sambit ni Mama.......
    “Tinatanong pa ba iyan Ma...Alam na this!....Tiyak na sundae  ang oorderin ng dalawang iyan!...Hehe....”sambit ni Hershey..........

Natawa na lamang kami ni Drey sa kanya. Dahil iyon naman talaga ang hinahanap namin sa menu. Natapos na kaming umorder at habang hinihintay namin na dumating iyong mga pagkain.............

    “Pero tol grabe ka ah!...Ginulat mo ko kanina...Ang ineexpect ko lang kasi ay iyong magiging first honor ka...Hindi ko inakala na mamamakyaw ka pala ng medalya!....Ang tinde mo!...”sambit ko.......
    “Haha....Wala eh!...Ganun tayo kuya eh...”
    “Alam mo anak...Proud na proud ako sa iyo!...Kahit na sumakit iyong paa ko kanina sa kakabalik-balik sa stage...Sulit na sulit dahil maipagmamalaki ko, na ang anak ko nakahakot ng pinakamaraming medalya!....Tiyak pati ang papa mo matutuwa pagnakita niya ang mga iyan!......”

Matapos ko marinig ang mga sinabing iyon ni Mama. At makita sa mukha niya kung gaano siya kasaya sa nakamit ng kapatid ko. Hindi ko naiwasan na makaramdam ng lungkot. Natahimik tuloy ako bigla. At napansin nilang lahat ito.........

    “Haj...Okay ka lang ba?...Bat bigla atang nag-iba ang mood mo...?”usisa ni Drey.....
    “May masama ba sa pakiramdam mo anak?...”dadag ni Mama.....
    “Wa...Wala naman po Ma...Naisip ko lang kasi....Kung...Kung di lang nagkagulo ang lahat...Graduate na din sana kami ni Drey kahapon....Eh di sana...Dalawa ang anak na ipinagmamalaki niyo ngayon.....”
    “At sino bang nagsabi sa iyo na hinidi kita ipinagmamalaki?....”
    “Po?...”
    “Hindi ka nga nakagraduate sa school....Pero nakagraduate ka naman pagdating sa pagbabagong-buhay....At parang binigyan mo na rin ako ng isang timbang medalya...Dahil pinakita mo sa akin na kaya mong ayusin at ilagay sa tamang landas ang sarili mo...Kaya walang dahilan, para hindi ako maging proud sa iyo at para hindi kita ipagmalaki!....Maliwanag ba Hagen?.....”
    “Opo Mama!...”napapangiti kong sagot.....
    “Aba oo nga naman noh!...No match pala ang mga medals ko sa medals ni kuya Hagen!....Kasi iyong kanya, hindi nangungupas at naluluma....Hahaha!.....”pabirong sambit ni Hershey.......
    “Lokoloko!...Hahaha....”
    “Pero nabanggit mo na lang din iyang graduation niyo...Nabalitaan ko na hindi rin pala pinakagraduate ni Mrs. Ernuella si Sebastian...Pati na rin iyong mga kasamahan niya....”sambit ni Mama.....
    “Hmph!...Hindi rin talaga sila nakaligtas sa bagsik ni Mommy....”sambit ni Drey.......
    “Ehehe!...Patunay lang iyan....Na wala talagang mabuting idudulot ang pananakit sa kapwa...At sa huli, babalik lang din sa iyo ang mga ginawa mo....”dagdag ko.....
    “Hay naku!....Tama na nga iyang lungkut-lungkutan na iyan!...Nandito tayo ngayon para magcelebrate di ba?....Tsaka kalimutan niyo na ang mga panget na nangyari....Hindi naman diyan nagtatapos ang lahat eh....Tuloy lang dapat ang buhay!....”sambit ni Hershey.......
    “Tama ka diyan!...Tsaka pwedeng-pwede naman kaming magsimula ng bago ni Haj ko eh!....Di ba?...”nakangiting sambit ni Drey sabay akbay at akap sa akin.........
    “Syempre naman!....Handa akong harapin ang kahit ano...Basta nasa tabi ko ang mahal ko.....”nakangiti ko ring sagot.......

Ilang saglit lang ay dumating na iyong mga order namin. Pinagsaluhan namin ito, habang patuloy ang aming usapan..........

    “Oo nga pala!....Muntikan ko nang makalimutan....Pinatatanong pala ng papa niyo...Kung ano daw ang gusto niyong graduation gift...”usisa Mama.....
    “Hay naku Ma....Kahit huwag niyo na kong isama diyan....Iyong  pag-intindi at pagtanggap niyo palang kasi sa amin ni Drey, napakalaking regalo na para sa akin....Kuntento na po ko dun....Itong makulit na bata na lang ang tanungin niyo!....”sagot ko sabay tingin sa kapatid ko.....   
    “Hmmm.....Ano nga kaya?....Hindi ko naman trip magpabili ng material na bagay eh....”

Napahawak siya sa baba niya habang nag-iisip. Ilang sandali pa...........
    “Alam ko na po ang gusto ko Ma!....”
    “Ano?....”
    “Summer vacation sa white sand na beach!....”
    “Aba!....Ayos iyang naisip mo ah.....Medyo magastos nga lang...”
    “Dali na po Ma!....Tsaka di ba tamang-tama po iyon...Para marelax naman ang mga utak ng dalawang toh!....Hihihi....”
    “Kami na naman ang nakita mo!...Haha....Pero okay nga iyon ah...Magrelax sa tabing-dagat habang nagpapagaling pa ko....”sambit ko.....
“Teka...Pati ko kasama?...”usisa ni Drey.....
    “Syempre naman bayaw!....Alam mo namang iwanan ka namin...”
    “Hmmm.......Sabagay...Minsan lang din naman kayo magkaroon ng graduation....So bakit nga ba hindi?....”sambit ni Mama......
    “Pumapayag na kayo Ma?!....”tila excited na usisa ng makulit na bata.....
   
Tumango si Mama sa kanya nang nakangiti. Matapos iyon ay tuwang-tuwa siya. Kulang na nga lang ay ang magtatalon siya sa kinauupuan niya.

PAGLIPAS NG ILANG ARAW..........

Inasikaso at inihanda na ni Mama ang lahat ng mga kakailanganin namin, para sa aming pag-alis. Pati na rin kung saang lugar kami magbabakasyon.  Pagdaan ng ilang araw ay bumiyahe na nga kami. Pero hindi naman naging matagal ang biyahe. Eto kasing sina Mama at Papa, nilubos-lubos iyong graduation gift namin at sa eroplano kami pinasakay. Tsaka para din daw hindi ako mahirapan, dahil nga hindi pa ko lubusang magaling.

Dahil dun, mga isang oras lang ay nasa beach hotel na kami. Grabe! Mala paraiso ang itsura ng lugar at talagang white sand iyong beach kung white sand! Bukod dun, meron din silang infinity pool at iba pang mga kaaya-ayang amenities. Tapos iyong hotel na tutuluyan at tutulugan namin, ang lupet din!

Dalawang kwarto ang kinuha at pinareserve ni Mama. Isa para sa sarili niya at isa para sa aming tatlo nina Drey at Hershey. Pagpasok namin sa aming kwarto, sa may terrace ang una naming punta. Para tignan ang napakagandang tanawin ng kulay asul na dagat.

    “Hanep talaga ang lugar na toh!....Ang astig ng view oh!...”sambit ni Drey na nasa likuran ko’t nakahawak sa kinauupuan kong wheelchair..........
    “Hihihi...Ako ata ang nagsabi ng lugar toh kay Mama...”sambit ni Hershey......
    “Ikaw?...Eh paano mo naman nalaman toh?...”pagtataka ko......
    “Secret!...Di ko pwedeng sabihin...Ehihihi......”sagot niya na may kasamang hagikgik.......
    “Hmph!....”reaksyon ko....
    “Haay...Parang ang sarap maglakad-lakad sa may dalampasigan......”sambit ni Drey.....
    “Oo nga eh....Kung nakakalakad lang sana ko ngayon...Makakapagtampisaw din ako at makakagala nang mas maayos dito....”sambit ko.....

Biglang umakbay sa akin si Drey at..............

    “Problema ba iyon?!...Eh para saan pa na nandito ang cute mong boyfriend?...”sambit niya....
    “Huh?....”
    “Huwag ka nang mag-alala diyan...Akong bahala sa iyo...Ipapasyal kita mamaya!....”nakangiti niyang sagot......

Mga trenta minutos matapos kaming kumain. Bumalik kaming dalawa ni Drey sa aming kwarto. Sabi niya ay magpahid muna daw kami ng sunscreen para hindi masira ang balat namin, paglabas sa arawan. Iyon nga ang ginawa namin.

Matapos iyon ay kumuha siya ng towel para sa amin at nilagay ito sa leeg niya. Kasunod noon ay pumuwesto siya sa harapan ko at bigla na lamang nag-iskwat patalikod sa akin.........   

“Oh dali na....Tara na....”sambit niya.....
    “Ano iyang ginagawa mo?...”pagtataka.....
    “Hindi ba sabi ko sa iyo ipapasiyal kita?...Kaya sige na Haj....Sumakay ka na likod ko....Ako ang magiging paa mo ngayon....”sagot niya sabay tingin at ngiti sa akin......

Napangiti na lamang ako sa kanya. Kumapit at sumakay na nga ako sa kanyang likuran. Pagkasakay ko sa kanya ay hinawakan niyang mabuti ang magkabila kong hita, tapos ay dahan-dahan na siyang umayos ng pagkakatayo.

Lumabas na kami ng kwarto. Pagkalock sa pinto ay lumakad na kami. Habang naglalakad, napangiti ako ulit. Tapos ay napadantay at sandal na lamang ako sa kanyang balikat. Kumpara kasi sa umupo sa wheelchair, mas naging kumportable ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya. Nang makarating kami sa may labas ng hotel............

    “Drey...Hindi ka ba nabibigatan o nahihirapan sa akin?...”

Huminto siya sa paglakad at tumingin sa akin..........

    “Huwag mo na kong alalahanin....Alam mo naman ako di ba...Bale wala sa akin na mahirapan ako...Basta maging okay at masaya ka lang....Tsaka yakang-yaka naman kita noh...Hihi...”sagot niya sabay ngisi.....
    “Salamat ha...Napakasweet mo talaga!...”sambit ko sabay biglang
higpit ng kapit ko sa kanya na halos yakapin ko na siya.......

At dahil sa tuwa, kahit na maraming tao sa paligid, hindi ako nag-dalawang isip na panggigilan siya ng halik sa pisngi........

    “Wow naman!...Ang sarap naman nun!...”sambit niya.....
    “Hehehe....”
    “Pwede isa pa?....”nakangisi niyang tanong......
    “Ayaw!...Mayamaya na lang pagbalik natin....”
    “Tara...Balik na tayo sa loob...”

Bigla na lamang siyang lumiko at lumakad pabalik........

    “Eh!....Drey naman eh!...”
    “Ahaha!...Biro lang....Oh saan na gusto pumunta ng Haj ko?...”
    “Sa dalampasigan!....”

Dinala niya ko sa may dalampasigan. Habang naglalakad-lakad, napakasarap damahin ng ihip ng sariwang hangin. Napakaganda ring pagmasdan ang mala kristal sa linaw na tubig-dagat.  At........

    “Ang sarap sa tenga nung agos ng tubig noh?....Nakakarelax....”sambit ni Drey.........
    “Oo!....Para bang hinaharana tayo ng dagat...Hehe...”
    “Haj...Sabi mo gusto mong magtampisaw di ba?...”
    “Oo nga...Pero kahit naman gaano ko pa kagustong magtatatakbo diyan kasama ka...Hindi talaga pwede....”
    “At sino namang may sabi na hindi?...”
    “Huh?...Bulag ka ba?...Di mo ba nakikita itong kalagayan ko?...”
    “Hmph!...Tignan natin....”
    “Hoy Drey!...Anong binabalak mo?!....”
    “Basta!...Kumapit ka lang sa akin mabuti ha!...Hihihi!....”

Sinunod ko ang sinabi niya na higpitan ang kapit sa kanya. Ganun din ang ginawa niya sa akin. Kasunod noon, nagulat na lamang ako dahil bigla niya kong itinakbo papunta sa tubig.............

    “Gago ka Drey!...BAKA MALAGLAG AKO!....”
    “LOKO!...Pababayaan ba naman kita?!...Syempre hindi noh!....”
    “Dahan-dahan lang OI!...”
    “HETO NAAAAAAAA!!!....”
    “ARRRGHHHHHH!!!!....”

Ayun na nga, nagtampisaw siya at nagtatatakbo sa mababaw na parte ng tubig habang nakasakay ako sa kanya. Habang ginagawa namin iyon ay panay ang hiyawan at tawanan namin. Ibang klase talaga itong mahal ko, talagang ginawan niya ng paraan, para lang makapag-enjoy ako.

NANG SUMUNOD NA ARAW............

Gaya kahapon, nag-alok na naman si Drey na sumakay ako sa likuran niya. Habang pinapasyalan iyong mga di namin napuntahan kahapon. Tumanggi ako nung una, dahil di naman ata patas na nag-eenjoy nga ko, pero siya nahihirapan. Tsaka sinabi ko rin sa kanya, na pwede naman kaming mamasyal nang nakawheelchair ako. Pero nagpumilit ang mokong.

Kinagabihan, nagtungo kami ulit sa may beach. Gumawa at nagsindi kami ng bonfire. Tapos sa buhangin kami naupo at tumambay. At heto na, panay na ang daing ng loko na masakit daw iyong likod niya.........

    “AYAN!....Iyan ang sinasabi ko sa iyo!....Ang tigas kasi ng ulo mo eh....Tapos ngayon rerekla-reklamo ka....”panenermon ko....
    “Hahaha....”
    “Tawa ka pa diyan...Tumalikod ka’t mamasahihin kita!....”

Tumalikod nga siya sa akin. Habang minamasahe ko siya........

    “Sige...Idiin mo pa diyan Haj....Ang sarap!....”

Napatingala ako at nasilayan ko ang naggagandahang kislap ng mga bituin sa langit. Pati na rin ang napakaliwanag na buwan.......

    “Wow!...Tignan mo Drey oh....Ang ganda ng langit!.....”

Tumingala din siya at pinagmasdan ito.......

    “Oo nga noh!....Pati iyong buwan ang ganda rin!....”

Itinuloy ko ang pagmamasahe sa kanya, habang tuloy din ang pagtingin namin sa langit.........

    “Ehihihi!....Alam mo Haj....Pakiramdam ko totoo na tayong mag-asawa ngayon....”
    “At bakit mo naman iyan nasabi?...”
    “Eh parang naghohoneymoon na kasi tayo ngayon eh!....”sagot niya sabay tingin at ngisi sa akin........
    “Hahaha...Puro ka kalokohan!...”

Sa kalagitnaan noon, biglang dumating at lumapit sa amin ang makulit na bata........

    “Kuya Hagen!....Kuya Drey!.....”tila excited niyang sambit.....
    “Oh...Akala ko ba magkasama kayo ni Mama?...Nasaan na siya?...”usisa ko......
    “Ah...Eh...Nasa hotel!....May kinakausap lang sandali....Ah....Halika kayo dali!....May ipapakita ko sa inyo!.....”
    “Huh?....Ano iyon?...”usisa ni Drey....
    “Basta!...Sumama na lang kayo sa akin...”nakangisi niyang sagot.......

Dahil dun, isinakay na ko ni Drey sa wheelchair ko at sumunod kami sa kanya.



ITUTULOY..........

0 yorum:

Yorum Gönder