His Christmas Death Wish (Part 1)

By: Chaster Rassel

Hi readers, obvious naman po sa title nitong story kung anong tema niya. Supposedly, nung December 2014 ko pa po dapat narelease ito. But due to some revisions and other personal reasons, nadelay po ng delay. Kaya ito summer na nailabas haha. Pero sana maenjoy na pa rin po ito.

Gusto ko rin sanang magpasalamat sa isa kong masugid na fan. I actually owe him some lines na sinabi ng main character dito.  At sa maniwala po kayo’t sa hindi, I was in the middle of having suicidal thoughts nang pumasok sa utak ko ang plot nito. At ung fan na iyon ang tanging naging hingahan ko that time, which lead and inspired me to pursue on doing this story. Hindi rin niya alam na suicidal na ko noon, pero ngayon alam na niya. Anyway salamat ulit, you know who you are.

Lastly, this story was suppose to be a one shot just like Bulalo. But then, mahaba-mahaba ang naging resulta nung storyline na ginawa ko kaysa sa inaasahan ko. So nagdecide po ako na hati-hatiin para di kawawa ang magbabasa.

Magpapasko na naman kaya ibig sabihin, nakawan at holdapan na naman ang peg natin ngayon. Eto kasi ang panahon na mapera ang mga tao. Tawagin niyo na nga lang pala kong Frosty. Hindi po the snowman ah, Frostiniano Basulsol ang totoo kong pangalan, panganay na anak ng mag-asawang Heraldo at Carolita Basulsol. Ang baho pakinggan ng totoong pangalan ko di ba? Kaya Frosty na lang para cute hehe.

Bente sais anyos ako, may katangkaran sa height na 5’8, medyo maitim at kahit paano kagandahan din naman ang katawan ko. Iyong dating ko ay iyong tipong sa unang tingin pa lang, mukhang may hindi na magandang gagawin. Joke! May itsura at katawan din naman ako noh! Sabi nga nila, hot daw ako.
Gaya ng sabi ko, marami ang mapera sa ganitong panahon. Pero ako, kabaligtaran! Inaalat kasi ko sa buhay eh. Dahil sunod-sunod ang problemang dumating sa amin ng pamilya ko.

Nagsimula ang lahat nang maospital ang itay. May high blood kasi siya at nagkaroon ito ng mga kumplikasyon. Dahil sa mga gastusin doon, nagkandaleche-leche ang sitwasyon namin. Iyong kakarampot na kinikita ni Inay sa pagtitinda ng kakanin, doon napunta. Pati iyong pera na dapat pambayad ng renta sa bahay na tinitirahan namin, napilitan kaming gamitin.

Ngayon, okay na ang Itay, pwede na siyang makalabas.  Ang problema, hindi siya mailalabas, hanggat hindi nababayan ang balanse namin. Idagdag pa dun iyong mga gamot niya na kailangan bilhin. Ngayon nga lang ay nagpunta ko sa botika para ipagtanong ito. At anak ng pusang gala! Nalula ako sa presyo ng mga toh!

Bukod pa dun, pinapalayas na kami sa bahay, dahil hindi kami nakakabayad pa. At isang linggo na lang ang palugit na ibinigay sa amin. Ang masaklap pa niyan, natiyempo pa ang lahat ng ito sa pagkatanggal ko sa trabaho! Kaya walang-wala ako.  Sinubukan ko na ngang mangutang sa mga kakilala ko pero wala, wala talaga. Olats!

Oh di ba ang saya? Kung kailan magpapasko, saka pa nagkandamalas-malas ang buhay ko. Idinadaan ko na nga lang sa pabiro-biro at patawa-tawa ang lahat eh. Pero sa kaloob-looban ko, gusto ko nang sumabog!

Samantala, inabot na ko ng gabi sa paghahagilap ng pera. At dahil wala naman akong napala. Umuwi na lang ako. Mga alas nuwebe na nang dumating ako sa lugar namin. Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako agad ng mga kapatid ko sa pinto. Maliliit pa sila, siyam na taon lang, sina Noel at Roel. Oo, kambal po sila na lalake..........

    “Kuya Frosty!”sabay nilang sambit........

Yumukyok naman ako at.......

    “Kumain na ba kayo?”
    “Opo kuya...”sagot ni Noel.....
    “Eh kuya kanina kasi, may birthday party dun sa kabilang kanto...Ayun! Nakikain kami...Hihi...”ngingisi-ngising dagdag ni Roel.....
    “Ayos ah!...Talagang nakadiskarte pa kayo...”
    “Hmph!...Eh naghihiya-hiyaan pa nga kunyari itong si kambal kanina eh...Kaya kinaladkad ko pa...”banat ni Roel na nakangisi pa rin....

Iisa man ang mukha nilang dalawa, may pinagkaiba naman sila sa mga katangian at pag-uugali. Si Noel kasi ay sadiyang magalang at may pagkamahiyain. Samantala si Roel naman, parang siga kung magsalita at kumilos..........

    “Oh baka naman may ginawa kayong kalokohan dun ah...Baka nagpasaway kayo...”
    “Hindi po kuya...Good boy po kami!...”sagot ni Noel sabay ngiti.....
    “Hmph...Talaga ah...Siya nga pala, pasensya na kayo kung hindi namin kayo maasikaso ni Inay ah...Alam niyo naman ang sitwasyon natin ngayon di ba....”
    “Okay lang po iyon kuya...Naiintindihan naman po namin kahit paano eh....”sagot ni Noel.....
    “Kuya...Kumusta na nga pala ang itay?”usisa ni Roel....
    “Maayos na ang kalagayan niya...Magaling na siya”
    “Talaga po?!...Eh kailan po siya uuwi?”excited na tanong ni Noel..... 
    “Basta...Malapit na natin siyang makasama ulit dito”sagot ko sabay gulo sa buhok niya....

Walang alam ang mga kapatid ko sa totoo naming sitwasyon ngayon. At kahit na wala pang kasiguraduhan, iyon na lamang ang sinabi ko sa kanila. Nang sa ganun ay hindi na sila mag-alala pa........   

    “Kuya sana makauwi na si Itay...Para kasama natin siya sa Pasko...Para masaya tayo!”sambit ni Roel.....
    “Oo nga po! Tapos maraming-maraming handa!”dagdag ni Noel....
   
Nakakatuwa silang pagmasdan, habang sinasabi ang mga iyon. Bakas kasi sa kanila ang pag-asa............

    “Kuya Frosty...Huwag mong kakalimutan iyong regalo namin ha?”sabay nilang sambit nang nakangisi.......

Napangiti na lang din ako sa sinabi nila. At kahit paano, gumaan rin ang pakiramdaman ko dahil sa kanila........
   
    “Kayo talaga oh...Syempre naman hindi ko kakalimutan iyon noh!”    “Yehey!”sabay nilang reaksyon.....   
    “Oh...Sige na...Gabi na...Matulog na kayo”sambit ko.....

Pumasok na iyong dalawang bata sa loob. Ako naman ay napaupo sa isang bangko, sa tapat ng gate namin. Kasunod noon ay napayuko na lamang ako. Napadantay ng siko sa magkabila kong hita at napahawak ng dalawa kong kamay sa aking ulo................

    “Pesteng buhay toh!....Ano bang gagawin ko?!......”bulong ko sa aking sarili.......

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng ingay, parang may tumatakbo. Napaangat ako ng ulo at nakita kong dumaan sa harapan ko ang isa sa mga kapitbahay namin na may edad na, si Mang Temyong. Siya pala iyong tumatakbo. Pero kahina-hinala iyong kilos niya.

Panay kasi ang tingin niya sa likuran niya, na para bang may humahabol sa kanya. Parang may kung ano rin siyang dala at pilit na itinatago sa loob ng suot niyang jacket. At higit sa lahat, dis oras na ng gabi pero nasa labas pa siya at ganun ang ginagawa. Parang may hiwagang nangyayari ah.

Dahil alam ko kung saan ang bahay nila. At kabisado ko ang mga pwede niyang daanan. Naisipan ko na ikutan at salubungin siya para kausapin. Nang masalubong ko na siya.........

    “Mang Temyong!”
    “WAA!!!”bulalas niya sabay hinto at lingon sa akin.......

Hindi niya ko nakita dahil nakatingin siya sa likuran niya. Kaya laking gulat niya nang tawagin ko siya..............

    “Por diyos por santo naman Frostiniano! Bakit naman nanggugulat kang bata ka?!”
    “Pasensya na ho...Eh nakita ko kasi kayo na tumatakbo sa dilim eh...May humahabol ho ba sa inyo?”napapakamot sa ulo kong usisa....
    “Wa...Wala...Sino ba naman ang hahabol sa akin....”

Napatingin ako sa jacket niya at bigla na lamang siyang humawak dito. Tama nga ang hinala ko, may itinatago siya........

    “Ano ho iyan?”usisa ko sabay turo sa jacket niya......
    “Ah wala!...Wala toh!”
    “Mang Temyong naman...Huwag na tayo maglokohan dito...Halata naman ho na may itinatago kayo diyan eh”
    “Oh sige na...Sige na!...Pinagkakatiwalaan naman kita kaya sasabihin ko na sa iyo...Pero atin-atin lang toh ah...Walang ibang pwedeng makaalam”

Pakasabi niya noon ay binuka niya iyong jacket niya at ipinakita sa akin ang nasa loob nito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Pera! Maraming pera!. Mas lalo akong kinutuban nang di maganda dahil dun. Gaya kasi namin, hirap din sila ng pamilya niya. Tapos ngayon biglang ganito?!.......

    “Saan niyo ho nakuha iyan?! Ang dami ho niyan ah!”
    “Huwag kang maingay!...Hinaan mo iyang boses mo...”

Lumingon-lingon siya sa paligid. Tila sinisigurado niya na kaming dalawa lamang ang nandito at walang ibang makakarinig sa amin..........

    “Saan niyo ba talaga kasi nakuha iyan?”muli kong usisa pero ngayon ay pabulong na.....
    “Nang...Nang holdap ako”pabulong din niyang sagot.....
    “Ho?! Mang Temyong bat niyo ginawa iyon?! Masama ho iyon!”
    “Alam ko...At para sabihin ko sa iyo...Nakokonsensya rin naman ako sa ginawa ko...Pero gipit na gipit na ko iho...At ayaw ko naman na maging malungkot ang pasko ng pamilya ko...Kaya napilitan na kong kumapit sa patalim...”
    “Eh paano kapag nahuli ho kayo? Di ba’t mas lalong magiging malungkot ang pamilya niyo kapag nangyari iyon?”
    “Napag-isipan ko na iyan...Sapat na itong nakuha kong halaga, para makalayo kami ng pamilya ko rito at makapagsimula ng bago...”
    “Tatakas kayo?!...Pero Mang Temyong....”

Napahinto ako sa pagsasalita, dahil bigla niya kong siningitan..........
   
    “Alam mo iho...Kung minsan talaga, may mga bagay tayo na kailangang gawin...Kahit na labag sa kalooban natin...Ikaw? Hindi ba’t nasa alanganin din ang kalagayan ng pamilya mo ngayon?....Ang tatay mo...At siguro naman hindi mo gustong magpasko kayo sa kalsada di ba?”

Hindi na ko nakaimik sa mga sinabi niya, natigilan na lamang ako. Pagkatapos noon ay tinapik niya ko sa aking balikat at........

    “Mag-isip isip ka bata...”sambit niya sabay alis na.....

Nang makaalis na siya, bumalik na rin ako sa bahay namin. Tinabihan ko na ang mga kapatid ko sa pagtulog. Pero di ako makatulog, napapaisip kasi ko sa mga sinabi ni Mang Temyong. May punto rin naman kasi siya eh. Tsaka naabusan na kami na oras. Kapag hindi pa ko kumilos ngayon, baka sa kangkungan kami pulutin.

Napalingon ako sa kambal, tulog na tulog na sila. Habang pinagmamasdan ko silang dalawa, naalala ko iyong mga sinabi nila kanina sa akin. Pati iyong itsura ng mga mukha at ngiti nila na punong-puno ng pag-asa. Ayaw ko silang biguin, kaya dapat may gawin ako.

Pinag-isipan ko nang paulit-ulit kung anong gagawin ko. Siguro mahigit isang oras din akong hindi mapakali sa kinahihigaan ko. Hanggang sa nahuli ko na lamang ang sarili ko na bumabangon na. Nagtungo ako sa aparador ko at nagbihis.

Matapos akong makapagbihis, yumukyok ako at binuksan ang drawer na nasa bandang ibaba. Kinuha ko mula rito iyong itinatago kong balisong, na napulot ko dati nung naglalakad ako sa kalye. Pinagmasdan ko ito habang hawak-hawak ko.

Nakapagpasiya na ko, kailangan ko na ring kumapit dito. Alam kong mali, maling-mali. Pero ito lang ang pinakamabilis na paraan, para matugunan ang lahat ng mga problemang hinaharap namin ngayon. Kasunod noon, napalingon na lamang ako muli sa mga kapatid ko at.......

    “Sana mapatawad niyo kong lahat sa gagawin ko....”bulong ko sa aking sarili.........

Matapos iyon ay umalis na nga ako. Tulog pa rin naman iyong dalawa, kailangan lang ay makabalik ako agad para di nila malaman na nawala ako.

SA KALYE...........

Naglalakad-lakad ako at napadpad sa may bandang Aurora Boulevard sa Cubao, na di naman kalayuan mula sa amin. Tumingin ako sa oras, alas dose y medya na pero marami-rami pa ring mga tao na naglalakad. Tamang-tama, mas magiging madali para sa akin na maghanap ng mabibiktima.

Habang naglalakad ako, may nasalubong akong takatak vendor. Bumili muna ko ng yosi at nakisindi na rin ako. Habang nagyoyosi, ipinagpatuloy ko ang paglalakad-lakad at pagmamatiyag. Sa totoo lang, kabado ako. Ngayon lang kasi ako gagawa ng ganitong klaseng bagay, hindi ako sanay.

Di nagtagal, may nakita akong lalake na mabagal maglakad. Kasing tangkad ko at mukhang kaedad ko lang din. Medyo pormal ang dating niya. Nakaitim siya na long sleeve polo. Pero nakataas sa siko niya iyong manggas nito. Tapos sa pang-ibaba naman, kulay gray na hapit na pantalon ang suot niya.

Iyong sapatos niya ay mukhang mamahalin din. Pero ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay iyong suot niyang makapal na relo. Naisip ko, mukhang siya na ang hinihintay ko. Pasimple ko na siyang sinundan. Nang makarating kami sa di matao at medyo madilim na bahagi ng kalye, itinapon ko na iyong yosi. Tapos ay inilabas at ibinuka ko na iyong balisong ko.

Dali-dali ko siyang sinunggaban mula sa likuran niya. Pinalibot ko sa leeg niya ang kaliwa kong braso at itinutok sa kanya ang balisong na hawak-hawak ng kanan kong kamay.........

    “Huwag kang kikilos! HOLDAP TOH!!!”

Napataas siya ng dalawang kamay. At hindi na nga siya kumilos, pero........

    “Pfft!...Virgin na holdapper...”sambit niya na tila sinisinok pa......

Nagulat ako sa sinabi niya at nagtaka sa kung paano niya nalaman ang ganung bagay tungkol sa akin. Kaya naman napatanong na lamang ako kanya ng.......

    “Ba...Bakit mo alam iyan?!...Kilala mo ba ko?!”
    “UNGAS!...Hindi virgin sa kama ang ibig kong sabihin! Virgin sa panghoholdap!”

Potaena! Nagkamali pala ko ng intindi! May nasabi pa tuloy ako na hindi naman dapat. Nakakahiya!..........

    “Teka...Bakit pala ko mahihiya sa kanya? Eh hindi ko naman siya kakilala ah....”bulong ko sa aking sarili......
    “Hmph....Pero pre di nga? Virgin ka pa talaga sa kama?....Hahaha...”

Bwiset! Napagtawanan pa tuloy ako nang di oras...........

    “HEH!!!....Manahimik ka!....Sundin mo ang sasabihin ko kung hindi....”
    “Kung hindi ano? Susundutin mo kulangot ko?...Pfft...”

Nagtaka na naman ako sa narinig ko. Kasabay noon ay nakaramdaman na rin ako ng pagkairita sa kanya........

    “Ano bang pinagsasasabi mo?!”
    “Pfft...Bat di mo kaya itry na tignan muna kung saan nakatutok iyang patalim mo?”

Tinignan ko nga, sa butas pala ng ilong niya ito nakatutok...........

    “Sabi na eh!...First time mo...”

Matapos iyon ay bigla niyang kinuha ang kamay ko at itinapat iyong balisong sa may bandang leeg niya.............

    “Iyan pre!...Diyan dapat ang tutok kapag nanghoholdap ka...”

Langya! Ako pa ang naturuan. Nakakainis na siya! Kaya naman mas hinigpitan ko ang braso ko sa leeg niya at idinikit iyong dulo ng balisong sa balat niya. Dun ko napansin na tila amoy alak siya. Hmph! Nakainom pala ang mokong kaya sabog. Pero wala akong panahon para makipaggaguhan sa kanya.............

    “HOY!...Hindi na ko nakikipaglokohan sa iyo ha!...Ibigay mo sa akin  iyang relo mo!...Pati na rin ang wallet mo!”
    “Kalma lang pre!...Ibibigay ko naman eh....At kung gusto mo...Pfft...Ibibigay ko rin sa iyo ang lahat-lahat ng pera na meron ako...PERO...May ipapagawa ako sa iyo!”
    “Ano iyon?!”
    “Bitawan mo muna ko at ibaba mo iyang patalim mo...Ipapaliwanag ko....”

Sa totoo lang nawiwirduhan na ko sa kanya.  Ang alam ko kasi, iyong mga taong hinoholdap eh takot na takot dapat. Pero ang isang toh, kool na kool. Ni hindi ko naramdaman na nanginig siya. Tapos ngayon, tila handa pa talaga siyang mamigay ng pera.

Pero kung siryoso nga siya sa sinasabi niya. Dapat siguro ay pakinggan ko muna siya. Binitawan ko na nga siya at ibinaba iyong balisong. Matapos iyon ay humarap siya sa akin. Nang makita ko ang mukha niya ay bigla na lamang akong natigilan.

Taena gwapings ang mokong eh! Nakadagdag pa rito iyong pagiging mapungay ng mga mata at mapula ng pisngi niya, gawa ng alak. Hindi ko maintindihan, basta bigla na lang tumalon ang dibdib ko. Ano ba toh! Kalalake kong tao nagkakaganito ko!.............

    “Umayos ka Frosty!...Nandito ka para mangholdap!”bulong ko sa sarili ko..........
    “Hoy pre anong nangyari sa iyo?!...Pfft....Nakatulala ka diyan...”
    
Dun na ko natauhan.........

    “Wa...Wala!...Ano na iyong sinasabi mo na ipagagawa mo sa akin kapalit ng pera?”
    “PATAYIN MO KO”

Nagulat ako sa sinabi niya. Sa gulat ko ay nabitawan ko pa iyong balisong, pero agad ko rin itong pinulot............

    “Gus...Gusto mong patayin kita?!...”
    “Oo...Sabihin na lang natin na iyon ang Christmas wish ko...”
    “Christmas wish?...Mukha mo! Baka naman Christmas death wish!...Iyong totoo, adik ka noh?!...O baka naman baliw ka?”
    “Adik? Hindi...Baliw? Pwede...Siguro....”
    “Eh?...”

Malala na ata ang isang toh. Ano ba naman klaseng buhay toh oh! Minsan na nga lang mangholdap, natapat pa sa isang mukhang takas sa mental.......

    “Ano na?...Papatayin mo ba ko kapalit ng pera o hindi?”kumakamot sa ulo niyang usisa.........
    “Brad holdapper ako...Pero hindi ako mamamatay-tao!...Kaya di ko gagawin iyang sinasabi mo!”
    “Pfft....Pare huwag ka na ngang maarte...Doon din naman ang bagsak nito eh....Hinoholdap mo ko, tapos kapag nanlaban ako, papatayin mo rin naman ako eh....So same banana lang....O baka naman bahag ang buntot mo?...Hahaha....”
    “Alam mo...Ginagago mo lang ako eh!...Ang mabuti pa, maghanap ka na lang ng ibang makakausap at maghahanap na lang din ako ng ibang maghoholdap!”

Sinarado ko na iyong balisong ko at inilagay ito sa bulsa ko. Lumakad na ko, pero bago pa man ako tuluyang makaalis...........

    “Sa lahat naman ng mga holdapper...Ikaw lang ata iyong duwag!...Pfft!...ISA KANG MALAKING FACEPALM PRE!!!”malakas niyang sambit.....

Napikon na ko, kaya lumingon ako pabalik sa kanya. Hinila ko siya sa kwelyo ng damit niya at.........

    “Huwag na huwag mo kong tatawaging duwag!...HINDI MO KO KILALA!!....”
    “Fine!...Kung ayaw mong tawagin kitang duwag...Eh di tanggapin mo ang alok ko at sumama ka sa akin!...Hmph!”

MAYAMAYA...........

Kagaguhan na maituturing, pero napasama na lamang ako sa kanya. Dinala niya ko sa condo na tinitirahan niya. Pagpasok namin sa pinto........

    “Pre...Ano nga pa lang pangalan mo?....”
    “Kailangan mo pa bang malaman iyon?”
    “Huwag ka ngang kj”
    “Frosty”
    “Prosti?!...Prostitute?!”
    “Hindi!...Frosty...Capital F-R-O-S-T.-Y...Gets?”
    “Ah the snowman...”sambit niya sabay pindot sa switch ng ilaw......
    “Iyon nga!...Pero palayaw ko lang iyon...Frostiniano Basulsol ang totoo kong pangalan....”
    “Bwahaha!....Ang baho naman ng pangalan mo!....”natatawa niyang sambit........
    “Kaya nga Frosty na lang eh!”

Sumindi na iyong ilaw at pinatuloy niya ko sa sala............

    “Eh ikaw?...”usisa ko habang tumitingin-tingin sa paligid.....

Hindi naman kalakihan ang condo niya. Pang-isang tao lang talaga. At napakalat at gulo nito. Kahit saan ka tumingin, may makikita kang basura. Gaya ng mga pinagkainan galing sa fast food, karton ng pizza at meron pang mga natapon na sitsirya.

Tanaw din ang kusina mula sa kinatatayuan namin. Maging dun ay magulo din, lalo na ang lababo na punong-puno ng mga hugasin. Samantala............
   
    “Rudolph”sagot niya.......

Akalain mo iyon, tunog pasko din ang panglan niya.........

    “The red nose reindeer?”usisa ko.....
    “Gumaganti?”

Tumingin ako sa kanya..........

    “Hmph!....”
    “Tignan mo ko...Pula ba ang ilong ko? At tsaka mukha ba kong usa?!...Eh ang pogi-pogi ko”sambit niya na may kasama pang pagturo sa mukha niya......
    “At nakuha pang magyabang ng siraulo na toh...”bulong ko sa aking sarili.......
    “Oh sige...Para sa ikatatahimik ng kalooban mo, Rudolph Dela Vera po ang buong pangalan ko...Okay pre?”

Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Matapos iyon ay niyaya niya ko sa kwarto. Nauna na siyang pumasok doon. Ako naman ay unti-unti na lamang napangiti. Di ko maintindihan pero sobrang kakaiba at wirdo kasi nitong mokong na toh eh. At sa sobrang pagkawirdo niya, natutuwa na lang ako. Nakakalimutan ko tuloy iyong mga problema ko kahit saglit lang, nang dahil sa kanya.

Sumunod na ko sa kanya. Maging ang kwarto niya, magulo rin. Ang daming nagkalat ng mga damit at bote ng alak sa sahig. Meron pang mga upos ng yosi. At putek na iyan! Ang tindi ng amoy! Napatakip na lang tuloy ako ng ilong........

    “Ano bang klaseng tao itong sinamahan ko?”iritable kong usisa sa aking sarili......
   
Pumunta siya sa sulok ng kwarto, kung saan may mga maruruming damit na nagkanda patong-patong......

    “Halika rito”

Lumapit ako at sinimulan niyang kalkalin at alisin iyong mga damit. Meron palang natakpan na kahadeyero sa ilalim nito. Sinusian niya ito at binuksan. Nanlaki na naman ang mga mata ko. Ang daming pera sa loob!.........
   
    “Nakikita mo iyan?...Nasa mahigit three hundred thousand iyan...Sa iyo nang lahat iyan...Basta gawin mo lang ang gusto ko...Patayin mo ko”sambit niya......

Tinitigan niya ko sa mga mata ko habang sinasabi iyon. Habang nakatitig siya akin, nakita ko sa mga mata niya ang bahid ng matinding kalungkutan. At tila nangungusap ang mga ito na tuldukan na ang kalungkutan na iyon.........

    “Ano pre?”usisa niya.......

Hindi ako nakasagot, dahil hindi naman madali ang gusto niyang ipagawa sa akin........

    “Okay!...Ganito na lang...Para di ka mahirapan, huwag mo na lang isipin na papatayin mo ko...Ang isipin mo na lang, tinutulungan mo kong magsuicide...”
    “Hmph...Ganun din iyon eh!”
    “Hahaha”tinawanan lang niya ko....
    “Alam mo di kita maintindihan...Kung gusto mo na talagang mamatay...Pwede ka namang magpatiwakal mag-isa eh...Bakit kailangan mo pang mangdamay ng iba?”
    “Para painless...”
    “Eh? Di kita gets?”
    “Let see...Kung maglalaslas ako, masakit iyon di ba?...Kung magbibigti ako, masakit din sa leeg....Kung lason naman, masakit sa sikmura at lalamunan...Kung magpapasagasa naman ako, mapeperwisyo ko ang mga kababayan nating motorista...Kung drug overdose naman, may tendency pa kong mabuhay...So naisip ko, maghire na lang ng papatay sa akin habang tulog ako...At least hindi ko mararamdaman ang pagkamatay ko....”
    “Aba matinde!...Magpapakamatay ka na lang ang dami mo pang arte...”
    “Hahaha...Ganun talaga pre!”
    “Tatawa-tawa ka pa diyan...Nakakairita ka! Ang sarap mong patayin!”
   
Nagulat ako sa nasabi ko at napatakip ako ng dalawa kong kamay sa aking bibig. Siya naman ay lalong tumawa at......

    “Ayon oh! Nice naman! Namotivate siya!”tumatawa niyang sambit na may kasama pang pagpalakpak ng mga kamay niya......
   
Hindi na ko umimik..........

    “So ibig sabihin ba niyan....Payag ka na?...”

Kahit na di ko alam kung makakaya ko, napatango na lamang ako sa kanya. Nakakainis! Kung hindi lang dahil sa matinding pangangailangan, hindi ko naman talaga ilalagay ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.

Pagkatapos kong pumayag, kumuha siya ng bag. Nilagay na niya doon ang lahat ng pera, para madali ko na lang daw mabibitbit. Tapos ipinatong ito sa isang upuan. Kasunod noon pumunta siya sandali sa kusina. Ako naman ay tumayo sa may tapat ng bintana para sumilip sa labas.

Pagbalik niya, may dala siyang baso ng tubig. Iinom na raw siya ng gamot na pampatulog para makatulog na siya................

    “Rudolph...Hindi ka ba kinikilabutan dito sa gusto mong gawin?”usisa ko.....
    “Hindi...Kung kaya ko lang talagang mag-isa....Hmph...Matagal ko nang tinapos itong pagdurusa ko...Ang totoo niyan...Ilang beses na rin akong nagpapabalik-balik sa kalye...Hoping na may baliw din na tutulong sa akin...Pero ikaw lang pre iyong natatanging sumama sa akin”
    “Hoy, hindi ako baliw!...Matindi lang talaga pangangailangan ko...”

Kaya naman pala wala siyang bahid ng takot kanina, talaga palang sinasadiya niyang magpaholdap. Pumuwesto na siya sa kama.........
   
    “Oh paano?...Iinumin ko na itong sleeping pills ah...”
    “Teka...A...Anong gagawin ko sa iyo pagnakatulog ka na?”
     “Ikaw na ang bahala...Laslasin mo leeg ko...Saksakin sa dibdib...O kaya hampsin mo ko ng ashtray sa ulo...Kung gusto mo, pwede mo rin akong tikman...Basta...Basta tapusin mo lang itong leche kong buhay...”

Tikman siya?! Gago talaga ang isang toh. Papatayin na lang siya, nakukuha pa niyang magbiro.......

    “Eh paano pag nahuli ako ng mga pulis?”
    “Eh di wow!...Aba pre problema mo na iyan...Di ko na iyan problema...Sana inisip mo iyan bago mo ko hinoldap kanina!...”
    “Oh siya...Tama nang daldalan...”

Hinayaan ko na siya. Lilingon na dapat ako ulit sa labas, pero.........

    “By the way Frosty....”
    “Bakit?...”
    “Maraming salamat....Maraming salamat sa gagawin mong pagtulong sa akin...Para magkatotoo ang Christmas wish ko...Ay mali...Death wish nga pala...Hehe...”sambit niya sabay ngiti sa akin.....

Iyong ngiti niya ngayon, iba sa ngiti niya kanina nung tumatawa siya. At mamasa-masa pa ang mga mata niya. Randam ko na galing sa puso ang pasasalamat niya. Kaya nakaramdam tuloy ako ng di maintindihang kurot sa aking dibdib. Tapos ay napangiti na lang din ako sa kanya.

Ininom na nga niya iyong gamot at nahiga na siya. Tumingin na ko sa bintana, habang hinihintay siyang makatulog. Makalipas ang mga bente minutos ng paghihintay, lumingon na ulit ako sa kanya. Heto na, natutulog na siya.

Nilabas ko iyong balisong mulsa sa bulsa ko at binuka ito. Dahan-dahan na kong lumapit sa kanya. Pero taenang iyan! Nababalot ako ng matinding alinlangan! Nang nasa tapat na ko ng kama, napatitig na lang ako sa kanya. Iniisip ko na laslasin na lang ang leeg niya. Pagkaraan ng ilang saglit, huminga ko nang malalim at kumilos na.

Pero paghakbang ko, may kung ano kong natapakan na gumugulong!  Nagulat ako at nabitawan ko iyong balisong. Nagkandadulas ako at nawalan ng balanse. Dahilan para sumubsob ako papunta kay Rudolph. At kasunod noon, naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng labi ko sa isang malambot na bagay.

Pagtingin ko, potaena! Nanlaki iyong mga mata ko! Dahil nakalapat iyong labi ko sa labi niya! Kasabay noon ay naging pigil ang aking paghinga at biglang bumils ang pintig ng aking dibdib. Hindi ako nakakilos dahil sa pagkabigla. Makalipas ang mahigit dalawang minuto siguro, naramdaman ko na parang mauubusan na ko ng hangin.

Doon na ko kumilos. Pinilit kong makakalas, nang magawa ko ito ay napaatras na lamang ako mula sa kanya at napaupo sa sahig. Panay ang hangos ko, hanggang sa napalunok na lamang ako. Napatingin ako sa sahig, nakita ko sa tapat ko ang isang dumbbell.........

    “Ito pala iyong tinamaan ko....Bwiset na burara toh!....”inis kong bulong sa aking sarili sabay lingon kay Rudolph......

Habang nakatingin ako sa kanya, tulog na tulog pa rin siya. Ni hindi niya namalayan na aksidente ko siyang nahalikan. Dahil dun, bigla akong may napagtanto. Lumingon ako sa bag ng pera na nasa upuan. At lumingon ulit pabalik sa kanya.........

    “Oo nga noh!...Bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko?...Kung pwede naman na di ko gawin ang ipinag-uutos niya at tangayin na lang iyong pera...Iyon lang naman talaga ang kailangan ko eh...At tulog siya, kaya hindi siya makakaangal....”

Matapos iyon , napatakip na lamang ako ng kamay sa aking mukha at..........

    “Anak ng tupa!...Bakit hindi ko naisip toh kanina pa?...Eh di sana...Eh di sana hindi ko siya...Naha...BWISET! ANG TANGA MO FROSTINIANO!”

Tumayo na ko, kinuha at binitbit ko na iyong bag. Bago ko tuluyang umalis, napatingin ulit ako kay Rudolph at lumapit sa kanya..........

    “Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo...Kung bakit gusto mong tapusin ang buhay mo...Pero di ko kaya ang pinapagawa mo sa akin...Oo, gumagawa ako ng masama ngayon...Pero ibang usapan na ang pagpatay ng tao...Hindi ako ganun...Kaya sorry Rudolph...Hindi ko mapagbibigyan ang Christmas wish mo”bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan siya.........

Sa katititig ko sa kanya, nadako ang mga mata ko sa labi niya. Dahilan para bigla na kong mapaiwas ng tingin. Matapos iyon ay dali-dali na kong sumibat.

MAKALIPAS ANG ILANG ARAW...........

Dahil sa perang nakuha ko kay Rudolph, nakalabas na ang itay sa ospital at nabili rin namin ang mga gamot niya. Nakapagbigay rin ako kay Inay ng panggastos. At higit sa lahat, nabayaran ang renta sa bahay. Sa madaling salita, nabalik sa normal ang pamumuhay namin.

Pero syempre, hindi ko ipinakita o ibinigay ang lahat ng nakuha ko. Dahil siguradong magtataka at magdududa sila sa akin. Nang tanungin nila kung saan ko nakuha iyong pera. Ang sinabi ko na lamang sa kanila, may mabait na kaibigan na nagpahiram sa akin. At iyong sobra, itinago ko na lamang sa tambakan ng mga lumang gamit, sa likod ng bahay.

Ayaw ko sanang magsinungaling sa pamilya ko pero, hindi ko kayang sabihin ang totoo. Natatakot kasi ko sa pwedeng mangyari. Kung nagkataon, baka itakwil pa nila ko kapag nalaman nila ang aking ginawa. Hay, nalutas nga ang mga problema namin. Pero ang kapalit naman noon ay ang katahimikan ng kalooban ko.

Ilang araw na rin akong binabagabag ng konsensya ko. Dahil sa mga ginawa ko. Sa pagsisinungaling ko sa pamilya ko at sa pagnanakaw kay Rudolph. Pero bukod doon, may mas higit pang gumugulo sa akin. Walang iba kung di iyong aksidente kong pagkakahalik sa kanya. Taena! Halos gabi-gabi dinadalaw ako nung eksena na iyon sa panaginip.

Tsaka hindi ko rin mapigilan na mag-alala sa kanya. Iniisip ko kung ayos lang ba siya. Kung buhay pa ba ang mokong na iyon o baka mamaya tinuluyan na niyang mag-isa ang sarili niya. Hindi ko nga alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sa kanya eh. Ni hindi naman kami malapit.

At dahil sa mga rason na iyon, hindi na ko nakakatulog nang maayos. Ang totoo nga niyan, parang mas gusto pa na huwag na lang matulog eh. Gaya ngayon, gabing-gabi na pero imbis na nakahiga na ko, nakadungaw pa ko sa may bintana. Hanggang sa nilapitan na tuloy ako ni Inay........

    “Oi Frosty gabi na ah...Bakit nakakanganga ka pa rito?”
    “Ahmmm...Di pa po ko inaantok Nay eh”
    “Anak, ilang araw ko nang napapansin na parang balisa ka”
    “Ako po?...Hindi po ah...”
    “Sigurado ka ba?...Wala bang gumugulo sa iyo anak?...”
    “Wa...Wala po!...Nay...Huwag na kayong mag-alala sa akin...Ayos lang naman ako eh....”
    “Oh siya sige...Mauna na kong matulog sa iyo ah..”
    “Sige po”

Matapos iyon ay natulog na nga si Inay. Kainis, ni hindi ko magawang tumingin sa kanya nang maayos, habang sinasabi ang mga iyon.
   
NANG SUMUNOD NA ARAW...........

Umaga, nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig at naabutan ko si Inay na inaayos ang mga paninda niyang kakanin.........

    “Naku...Tamang-tama ang dating mo anak...May-iuutos sana ko sa iyo eh...”
    “Ano po iyon Nay?...”usisa ko habang kumukuha ng baso....
   
Sinalinan ko na ng tubig iyong baso. Habang umiinom ako, pinakinggan ko siya..........

    “Eh iyong isa ko kasing suki...May ipinakilala sa akin na maperang customer...Heto, umorder ng maraming kakanin...Baka kako kung pwede, ihatid mo ang mga toh ngayon sa kanya...”
   
Tapos na kong uminom, kaya naman........

    “Sige po Nay...Ibigay niyo na lang sa akin ang address”

Isinulat ni Inay sa papel iyong address ng paghahatidan ng kakanin at inabot ito sa akin. Pagtingin ko sa nakasulat, nagulat ko at natigilan. Doon kasi ito sa building, kung saan naroon ang condo ni Rudolph! Ang malupet pa, sa parehong palapag din! Ano ba naman toh? Sinasadiya ba ng tadhana na pabalikin ako sa lugar na iyon?........
   
    “Oh bakit biglang nag-iba ang timpla niyang mukha mo?...May problema ba Frosty?...”usisa ni Inay.....

Natauhan ako sa pag-usisa niyang iyon     at napatingin sa kanya.......

    “Wa...Wala po Nay!...Teka lang po magbibihis muna ko...”sagot ko.....

Agad na kong nagbihis at kasunod noon ay umalis na nga ako, para ihatid ang mga kakanin.

SA CONDO...........

Nakakaloko talaga, iyong unit na nakalagay sa address eh halos katapat pa nung kay Rudolph. Matapos kong maibigay iyong kakanin, nanatili pa rin ako sa may pasilyo. At napatingin na lamang ako dun sa pinto ng unit niya. Mayamaya pa ay hindi na ko nakatiis, naglakad na ko papunta dun. Pagdating ko sa may tapat ng pinto............

    “Ano na kayang nangyari sa kanya?...”bulong ko sa aking sarili.......

Inangat ko ang isa kong kamay. Pipindutin ko na sana iyong doorbell niya pero napahinto ako. Bigla ko kasing naisip na baka magalit lang siya sa akin. Kakapalan naman kasi ng mukha na magpakita pa ko sa kanya, pagkatapos ng ginawa ko. Pero sa kabilang banda, gustong-gusto ko rin talaga siyang makita at kumustahin.

Taena! Hindi ako makapagdesisyon kung tutuloy ba ko o hindi. Nagmumukhang tanga na ko sa harap ng pinto sa kakaurong-sulong. Hanggang sa bigla na lamang akong nakarinig ng ingay mula sa loob. Parang may kung anong nabasag!............

    “Rudolph....”kabado kong sambit......

Nataranta na ko, hindi na ko nagdoorbell at hinawakan ko na iyong door knob. Hindi pala nakalock iyong pinto, kaya agad na kong pumasok. Pagpasok ko........

    “Rudolph?!...”

Wala siya sa sala o sa kusina, kaya dumiretso na ko sa kwarto. Pagdating ko, tumambad sa akin ang isang basag-basag na salamin sa sahig. At si Rudolph, nasaktuhan ko na may hawak na malaking piraso noon at nag-aakmang ipanglaslas ito sa pulso niya!..............

    “RUDOLPH HUWAG!!!!!!!!!....”hiyaw ko sabay lapit sa kanya......

Dali-dali kong hinawakan ang dalawa niyang braso, para mapigilan siya sa binabalak niya. At dahil dun, nabitawan niya iyong piraso ng salamin. Pero nag-iwan pa rin ito ng mga sugat sa kamay niya..........

    “Gago ka!...Ano bang pinagagagawa mo sa sarili mo?!”bulyaw ko......
    “Huwag mo kong pakialaman!...Bitawan mo ko!....”

Habang hawak-hawak ko siya, panay ang pumiglas niya..........

    “Rudolph tigilan mo na ang kahibangan na toh!...Hindi mo dapat toh ginagawa sa sarili mo!!....”
    “Pre parang awa mo na, bitawan mo na ko!...Hayaan mo na ko!...GUSTO KO NANG MAMATAY!!!...”mangiyak-ngiyak niyang sambit habang nagpupumiglas sa hawak ko.......
    “HINDI!!!...Hindi kita bibitawan!...Dahil hindi ko hahayaan na sayangin mo ang buhay mo nang ganito!...”

Patuloy siyang nagpumiglas, habang mas hinigpitan ko naman ang hawak sa kanya. Hanggang huminto na rin siya. Tapos ay napadantay na lamang siya sa dibdib ko at tuluyang tumangis.........

    “Gusto ko nang mamatay!....Gusto ko nang mamatay!...”ayan ang paulit-ulit niyang sinasambit habang panay ang tangis niya........

Sa puntong iyon, hinayaan ko na lamang siya. At habang patuloy ang pag-iyak niya, hinaplos-haplos ko na lamang ang likod niya.

Di nagtagal, bigla na lamang siyang natumba at nawalan ng malay. Buti na lang ay nagawa ko siyang saluhin. Doon ko lang nadama at nalaman na ang taas pala ng lagnat niya. Kaya ang ginawa ko, inakay ko siya at inihiga sa kama nang dahan-dahan.

Pagkahiga ko sa kanya sa kama, hindi naiwasang matapat at mapalapit ang pagmumukha ko sa kanya. Natigilan ako at napahinto, dahil bigla na namang bumalik sa akin iyong pagkakahalik ko sa kanya! At bumibilis na naman iyong kabog ng dibdib ko!

Kakaiba na ang nararamdaman ko, kaya pinilit kong umiwas ng tingin sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang ako, pagkatapos ay inayos ko ang pagkakahiga niya nang hindi tumitingin sa kanya. Kasunod noon ay naghanap ako ng palanggana sa may kusina at sinalinan ito ng tubig. Naghanap din ako ng bimpo para mapunasan siya at first aid kit para sa mga sugat niya.

Pagbalik ko sa kanya, inuna ko na muna iyong mga sugat niya sa kamay. Buti na lang talaga ay sakto ang dating ko kanina, kaya mababaw lang ang mga sugat na natamo niya. Dahil dun ay madali ko itong nalinis at nagamot.

Ngayon naman, pupunasan ko na siya. Pero putek na iyan! Hindi pa rin ako makatingin nang maayos sa kanya, lalo na sa mukha niya. Tatanggalin ko pa nga sana iyong t-shirt niya, para mapunasan ko siya nang mas maayos. Pero di ko rin magawa..........

    “Arrrgh!....Bakit ba nangyayari sa akin ang ganito?!....Ito na ba ang karma sa mga pinaggagagawa ko?!....”bwiset kong sambit.......

Dahil dun, ang ginawa ko na lang ay inangat iyong damit niya. Pag-angat ko nito, syempre nasilayan ko ang itsura ng katawan niya. Hindi naman siya iyon tipong parang body builder. Sa totoo lang may kapayatan siya, pero macho pa rin dahil siksik siya sa muscles. At kitang-kita iyon sa hubog ng kanyang dibdib at abs na nakatambad ngayon sa akin.

Habang nakatitig ako sa katawan niya, para kong naaakit na hindi maintindihan. Pero pinilit kong labanan ang mga kagaguhang pumapasok sa utak ko. At ipinagpatuloy ang dapat kong gawin. Sa awa ng may kapal, nairaos ko naman toh. Matapos iyon ay kinumutan ko siya para di siya ginawin.
   
Hinayaan ko na muna siyang makapagpahinga at matulog. Napatingin ako sa paligid. Grabe! wala pa ring pinagbago, marumi pa rin ang condo niya. Mas lalo pa nga atang naging magulo at makalat toh eh.............

    “Hmph!...Kahit ako siguro magkakasakit kung ganito ang tinitirahan ko...”napapakamot sa ulo kong sambit.....

Napalingon ako sa kanya, tapos napalingon ulit ako sa itsura ng kwarto niya......

    “Hay...Di ko pwedeng iwanan ang mokong na toh nang ganito...”

Dahil dun, nagpasiya ko na huwag munang umalis. Habang tulog na tulog si Rudolph, nag-ayos at naglinis ako. Sinimulan ko sa kwarto niya. At ang una kong niligpit ay iyong pesteng dumbbell na pakalat-kalat. Tapos ay iyong basag na salamin, mga bote ng alak at upos ng sigarilyo. Sunod naman ay iyong mga damit na nakabalandra sa sahig at iba’t ibang parte ng kwarto. Ang dudumi na ng mga toh at ang mga ito rin pala iyong nangangamoy.

Nakita ko na may maliit pala siyang labahan. At meron pang washing machine.........

    “Pambihirang iyan!...May ganito pala siya rito, pero di man lang niya nakuhang maglaba ng mga damit niya...”

Ang totoo, hindi ako marunong gumamit ng washing machine. Kaya kinalikot ko na lamang ito. Tsamba naman na napagana ko ito kaya ayun, naisalang ko ang sangkaterba na maruruming damit. Habang umiikot iyong washing machine, itinuloy ko na ang paglilinis.

Dumako naman ako sa may sala at niligpit iyong mga nakakalat na basura. Pati ang kusina ay nilinis ko rin at iyong mga hugasin na naipon sa lababo, hinugasan ko na rin. Inayos at pinunasan ko rin iyong mga kagamitan at kasangkapan niya na balot na sa alikabok. At naglampaso na rin ako ng sahig.
   
KINAHAPUNAN...........

Sa dami ng mga ginawa at nilinisan ko, hindi ko namalayan na inabot na pala ko ng hapon. Nagulat na lang ako, pagtingin ko sa oras, alas tres na. Pawis na pawis ako, kaya hinubad ko muna ang suot kong t-shirt. Pagkatanggal ko nito ay talaga namang nangingintab ang katawan ko sa pawis.

Isinampay ko sa sandalan ng isang silya iyong damit ko at naupo muna ko para magpahinga. Makalipas ang ilang saglit, tumayo ako para pumunta sa kusina at tignan ang laman ng ref. Nawala kasi sa isip ko ang tanghalian, dahil nga sa paglilinis. Kaya eto, nakakaramdam na ko ng gutom.

May isang supot ng karne sa freezer at kaunting gulay sa ibaba ng ref. Naisip ko na magluto na lamang para sa aming dalawa ni Rudolph. At dahil nga may sakit siya, sinabawan ang napagdesisyunan kong lutuin. Naisalang ko na iyong karne. Habang hinihintay ko na lumambot ito, naghiwa na muna ko ng gulay. At sa kalagitnaan ng paghihiwa ko, bigla na lamang........

    “A...ANONG NANGYARI RITO SA CONDO KO?!...”malakas na bulalas ng isang boses.....

ITUTULOY........

0 yorum:

Yorum Gönder