Here and Now (Part 23)

By: Chaster Rassel 

Chapter 23: Please Let Us Explain...

SI ORYO......

Gusto kong harapin at sagutin si Hyro. Pero ni hindi ko magawang makapagsalita dahil sa sobrang pagkabigla.......

    “Ano?!...MAGSALITA KAYO!!!...”

Napatingin sa akin si Revy, mamasa-masa na ang kanyang mga mata. At tila sinasabi pa ng kanyang titig sa akin na gagawin na niya ang nararapat. Humakbang siya sa harapan ko at.........

    “OO...Totoo ang narinig mo...Magkapatid talaga kami...Totoo kong kuya si kuya Oryo...”
    “Hmmmp!....Ano toh?!...Nagsabwatan kayo para lokohin ang pamilya namin?!...Para ano?!...PARA NAKAWAN KAMI ULIT?!!!...PARA SA PERA?!!!”

Ako ang siyang nagpasiya na simulan ang pagpapanggap na ito, nadamay lamang ang kapatid ko. Ito ang kinakatakutan kong mangyari, pero kailangang harapin ko ito para sa kanya.........

    “Hyro, aaminin ko sa iyo...Tama ka, pagnanakaw ang dahilan kaya ako nagpapanggap pero....”

Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil pinigilan niya ko. Tuluyan na ring bumagsak ang mga luha niya, kasabay noon ay dahan-dahan siyang napaatras mula sa amin......

    “Pakinggan mo muna ang mga sasabihin ko...”sambit ko....
    “Bakit pa?!...SAPAT NA ANG MGA NARINIG KO!.....”

Aalis na dapat siya pero.....

    “Hyro! Hayaan mo naman sana kaming makapagpaliwanag muna!...”sambit ni Revy...

Tumingin siya nang masama sa kapatid ko. Kitang-kita sa titig niya ang panggigigil........

    “Sige...Pero ikaw ang magsalita ngayon Revy...Gusto kong marinig ang sagot mula sa bibig mo!...Ginamit mo lang ba ko?!...”

Tila nabigla si Revy sa itinanong sa kanya dahil hindi siya nakakibo. Naging dahilan naman iyon para lalong magalit si Hyro..........
   
    “ANO?!...SUMAGOT KA!...Kasama ba sa mga plano niyo iyong pagkuha ng loob ko?!...Lahat-Lahat ba ng mga ipinakita mo sa akin palabas lang?!...SABIHIN MO SA AKIN IYONG TOTOO REVY!!!...”umiiyak na sambit ni Hyro....

Hindi pa rin siya nakasagot, sa halip ay napaiyak na lamang din siya. Samantala, tumalikod na si Hyro. Nang palakad na siya ay pinigilan at hinawakan siya ni Revy sa braso......

    “Hyro...”sambit ni Revy....

Doon na tuluyang bumulalas ang galit ni Hyro. Nagpumiglas siya sa pagkakahawak. Malakas ito at tinamaan si Revy ng siko niya. Dahil doon ay bumagsak at bumalandra ang kapatid ko sa damuhan.........

    “Pinagkatiwalaan kita!!....Tapos...Tapos ganito lang pala ang gagawin mo sa akin!!!...Ang sama mo Revy!....NAPAKASAMA MO!!!....”
   
Susugurin pa niya sana ulit ito. Pero hindi ko naman hahayaan na ganituhin niya ang kapatid ko, kahit na kami pa ang nasa mali. Kaya hinawakan at inawat ko na siya..........

    “Hyro tama na!...Alam ko malaki ang kasalanan namin....PERO HINDI MO DAPAT SINASAKTAN ANG KAPATID KO!!...”

Nagpumiglas siya mula sa akin at nang bitawan ko na siya, tinitigan lamang niya ko nang masama, pagkatapos ay umalis na siya. Hinayaan ko na lang siya, tapos ay agad kong tinulungan si Revy.......

    “Tol ayos ka lang ba?...”sambit ko habang inaalalayan siya....

Matapos ko siyang tulungang makatayo ay pinaupo at isinandal ko siya sa may puno.........

    “Ayos lang ako kuya....Bale wala naman toh eh...Kung ikukumpara sa sakit na nararamdaman ni Hyro ngayon...”lumuluha niyang sambit....
    “Sigurado ka ba tol?...”
    “Kuya huwag mo muna kong intindihin....Mabuti pa sundan mo na si Hyro...Bumalik ka na sa mansyon!...”
    “Pero tol....”

    “Kapag nagsumbong siya kay Hunsel o kaya kay Madam Mariana, masisira ang lahat ng mga plano...At iyon din ang magiging hudyat ng katapusan natin!...Kuya hindi tayo sasantuhin ni nong Primo!...Kaya sundan mo na siya!!...”

Bukod kay Hyro, si Revy ang isa pang nasaktan nang sobra sa nangyaring ito. Gusto ko pa sanang samahan ang kapatid ko, pero tama ang mga sinabi niya, kailangan ko nang makabalik sa mansyon bago pa mahuli ang lahat.

SAMANTALA SI HYROMIN......

I arrived at home feeling so confused. I feel like sasabog na ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. I cannot believe na ang tagal kong nagpaloko. Nagpakatanga at nagpakagago ako for a person na hindi naman pala totoo to begin with. At ang pinakamasakit pa sa lahat, kinalimutan ko ang pagkalalake ko para sa kanya, iyon pala it was all for nothing.

I was about to take the stairs para pumunta na sa room ko, nawalan na rin kasi ko ng gana kumain, but suddenly........

    “Hyro!...”

Si Mommy! Nabigla ako, because I thought umalis siya. Then, nilapitan niya ko.....

    “Ma!...I thought you’re on a business meeting...”
    “Nacancel iyong meeting ko on the last minute kaya bumalik na lang ako....”
    “Ganun po ba......”
    “By the way, bakit naman hinayaan mong nag-iisa iyong kuya Hunsel mo kanina?...The maid said tinignan mo lang si Oryo...Pero di ka na bumalik....Wait...Nanggaling ka ba sa labas?...”
   
I don’t know kung paano ko haharapin si Mommy dahil naguguluhan pa ko ang utak ko....

    “Ahmmm....”
    “Is there something wrong anak?...”

All this time, walang ibang pinakita sina Mommy at kuya Hunsel kina kuya Oryo at Revy kung hindi kabutihan. They didn’t do anything bad at all para lokohin lang sila nang ganito......

    “Ma, may dapat po kayong malaman...”
    “Well what is it?..”

Sasabihin ko na sana ang lahat sa kanya pero hindi ko ito naituloy dahil......

    “Tol!...Nakita ko na iyong wallet ko!...”biglang singit nang kadarating lang na si kuya Oryo....
    “Wallet?...Teka ano bang nangyayari dito?...”usisa ni Mommy....
    “Ah Madam, nawala po kasi itong wallet ko...Tapos tinulungan po ko ni Hyro na maghanap sa labas....”sagot ni kuya Oryo sabay pakita ng wallet...
    “I see...So Hyro, ano na nga ulit iyong sasabihin mo sa akin?...”

Napatingin ako kay kuya Oryo. By just seeing his face again, parang gusto ko nang magwala sa galit. But at the same time, nakaramdaman ako bigla ng alinlangan tungkol sa pagsasabi ng totoo kina Mommy at kuya Hunsel. Kung itutuloy ko kasi ito, tiyak na masasaktan sila. Pero kung hindi naman, patuloy silang mabubuhay sa kasinungalingan.....

    “Ano Hyro?...”muling tanong ni Mommy....

A few seconds after akong tanungin ni Mommy for the second time, I caught myself showing a fake smile. Then lumabas na lamang mula sa bibig ko ang mga salitang........

    “Wala po Ma....Huwag niyo na pong isipin iyon...Sige po, punta muna po ko sa room ko...”

I headed straight to my room. Pagpasok ko, sinara at nilock ko ang pinto. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa may tapat ng kama. I cannot take take it anymore, kaya nagsimula na namang bumagsak ang mga luha ko. Sa sobrang galit ko ay pinagsusuntok ko ang kama until napaupo at napadantay na lamang ako dito. Pagkatapos ay tuluyan na nga akong naiyak.

BALIK KAY ORYO......

Hindi ko man lubusang naiintindihan kung bakit, nagpapasalamat pa rin ako na hindi nagsumbong si Hyro tungkol sa mga nalaman niya. Bagamat nakita ko sa mga mata niya kanina na napipilitan lamang siya sa kanyang ginawa.

Sa ngayon, hahayaan ko na muna siya. Dahil baka tumindi lamang ang galit niya kung pipilitin ko siyang kausapin. Samantala, inutusan ako ni Madam na dalhan si Hunsel ng pagkain sa kwarto. Hindi daw kasi niya nagalaw iyong pagkain niya kanina sa may hapag. Bukod doon ay natutulala daw siya, tapos hinahanap ako.

Ang totoo, wala ako sa kundisyon ngayon para makiharap sa kanya. Alam ko kasi na anumang oras, pwedeng pa ring magsalita si Hyro. Kaya ngayon ko mas higit kailangan na lumayo sa kanya.

Dala-dala ko na iyong pagkain. Pagpasok ko sa kwarto niya, nadatnan ko siya na nakaupo lang sa kama.........

    “Di ka daw kasi kumain kanina...Kaya ipinadala sa akin toh ni Madam dito...”sambit ko sabay lapag nung pagkain sa may tabi niya sa kama.....

Hindi siya kumibo o nagsalita man lang. Naupo ako sa kama, tapos......

    “Sige na...Kumain na....”

Ganun pa rin, hindi pa rin siya kumikilos, tapos napuna ko pa na tila hindi siya makatingin nang tuwid sa akin......

    “Bakit mo nga pala ko hinahanap?”usisa ko........
    “Ahmmm....Kasi....”

Nagsalita nga siya pero hindi naman niya itinuloy. At ngayon pa talaga niya tiniyempo na mag-inarte nang ganito! Napipikon na ko sa kanya, kaya naman.............

    “Alam mo...Kung ayaw mong kumain, kung ayaw mong sumagot nang matino...BAHALA KA SA BUHAY MO!...Aalis na ko!...”inis kong sambit....

Tumayo na ko at tumalikod. Lalakad na dapat ako nang biglang...........

    “Wait!...Bakit ka nagagalit agad?...Bat ba parang ang init ng ulo mo sa akin?....”sa wakas ay nagsalita na rin siya nang maayos.....

Napalingon ulit ako sa kanya at.......

    “Eh sino bang hindi mabwibwiset sa iyo?!...Kakain ka na lang ang dami mo pang arte!...Tapos kinakausap ka, di ka sumasagot...Para kang nakakaloko Hunsel!”
    “That’s not what I mean...Akala mo siguro di ko nahahalata noh?...Alam ko, for some reason, lumalayo ka sa akin....”

Ako naman ngayon ang biglang hindi nakaimik, dahil sa mga sinabi niya........

    “Tell me the truth Oryo...Napapagod ka na ba sa akin?”
Kung may isang bagay man na nasisigurado ko ngayon, iyon ay iyong hinding-hindi ako mapapagod sa kanya kahit kailan. Pero, mas mabuti na nga siguro na ganito na muna ang isipin ni Hunsel sa akin. Nang sa ganun, mas maging magdali ang paglayo ko sa kanya.........

    “Gusto mo talagang malaman iyong totoo?...OO!...Napapagod na ko sa iyo!....”at iyon na nga lang ang isinagot ko.....

Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa mga sinabi ko. Lalong lalo na sa mga mata niya na mamasa-masa na ngayon. Kahit ako, parang gusto na ring bumagsak ng mga luha ko, matapos kong sabihin sa kanya ang isang bagay na labag sa aking kalooban. Kaya naman dali-dali na lamang akong umalis ng kwarto.   

KINAGABIHAN, SI REVY......

Kaninang hapon, nagpunta pa rin ako sa training. Nagbakasakali ako na darating pa rin si Hyro at na pwede kaming magkausap. Pero walang Hyromin na nagpakita, kaya umuwi ako nang malungkot pa rin. At heto ko ngayon, walang ibang magawa kung hindi ang magmukmok na naman sa kwarto.

Pero hindi na ko makatiis, hindi ko kayang palipasin ang gabing toh na hindi kami nagkakausap. Gusto kong maipaliwanag sa kanya ang lahat-lahat, bagay na siyang hindi ko nagawa kanina dahil naduwag ako. Dahil dito, kinuha ko ang aking cellphone at sinubukan siyang tawagan.

Nagriring ito at mayamaya pa, tuwang-tuwa ako dahil sinagot niya ito. Pero.....

    “Hyro!...Hyro buti naman at sinagot mo pa rin ang tawag ko...”
    “Sinagot ko lang ang tawag mo dahil gusto kong sabihin sa iyo na huwag na huwag mo na kong tatawagan ulit!...Ayaw na kitang makausap pa!!...Ni boses mo, AYAW KO NANG MARINIG!!!...”galit niyang sambit.....
    “Hyro huwag ka namang ganyan...Teka lang muna...”

Wala ring nangyari sa pagsasalita ko, dahil bago pa man ako matapos na magsalita ay binabaan na niya ko.

SAMANTALA SI ORYO......

Sa kabila ng mga nangyari kanina at sinabi ko kay Hunsel, hindi ko pa rin matiis na tignan ang kalagayaan niya. Kaya naisipan kong dumaaan sa kwarto niya. Nakabukas ang pinto niya, kaya naman sumilip ako. Inaayos niyang mag-isa iyong higaan niya. Nakikita ko na medyo nahihirapan siya, pero pinipilit niya.

Makalipas ang ilang saglit ay napalingon siya. Napahinto siya nang makita ako.........

    “Tinitignan ko lang kung okay ka...”
    “There’s no need for you to do that anymore...Malinaw naman na sa akin ang lahat ngayon eh....”
    “Sige...Matutulog na rin ako...”iyon na lamang sinabi ko......

Aalis na nga dapat ako, pero.........
   
    “Oryo...”

Napahinto ako, pero di ako tumingin sa kanya. Pinakinggan ko lang siya.......

    “I thought about what you said to me kanina...And I came up with a decision...Simula bukas, hindi mo na ko kailangang intindihin pa...Hindi na kita assistant...You’re fired....Sorry din pala kung naging pabigat ako sa iyo...Kung napahirapan kita...”

Nabigla ako sa mga sinabi niya, alam ko na sa bandang huli ay sa ganito din naman hahantong ang lahat. Pero bakit ganun? Ang sakit pala, ang sakit-sakit. Naging bahagi na rin kasi ng buhay ko ang pag-aalaga sa kanya at ngayon, mababago na ang lahat.

Matapos iyon ay tuluyan na kong umalis at nagtungo sa aking kwarto.

SAMANTALA SI HUNSEL......

After Oyro left, I caught myself in tears habang nakahiga sa may kama. Even if this decision hurts me a lot, titiisin ko. Ang importante ngayon, hindi na siya mahihirapan of me. But this doesn’t mean na isusuko ko na ang feelings ko for him dahil........

    “Sisikapin ko na magpagaling agad...Then I will do everything para maging close ulit tayo...Hindi ko basta hahayaan na lang na mawala ka sa akin....”umiiyak kong bulong sa aking sarili....

BALIK KAY ORYO......

Pumasok ako sa kwarto nang malungkot. Pero pinipilit kong pagtibayin ang sarili ko, dahil hindi ito ang oras para bumigay ang kalooban ko. Kailangan kong maging handa para sa kung anumang mangyayari sa amin ng kapatid ko, oras na magsalita si Hyro.

Samantala, tumunog ang cellphone ko. Si Revy tumatawag at agad ko itong sinagot. Pagkasagot ko, tumambad sa pandinig ko ang paghikbi niya. At tila batid ko na ito kung bakit..........

    “Kuya...Kuya di ko na alam ang gagawin ko eh...Sinubukan kong tawagan si Hyro para makapagpaliwanag....Pero galit na galit siya eh...At binabaan lang niya ko...”
    “Tol...Hayaan na muna natin siya...Palipasin na muna natin ang galit niya....Sa ngayon kasi, kahit anong gawin natin, hindi natin siya makakausap nang maayos....”
    “Pero kuya...”
    “Maaayos pa natin toh Revy...Kapit ka lang...”
    “Paano ka naman nakakasiguro diyan?...”
    “Dahil hindi nagsumbong si Hyro.....”
    “Hindi siya nagsumbong?!...Pero bakit?!...”
    “Hindi ko alam...Pero naniniwala ako na may malasakit pa rin siya sa atin...Kaya huwag ka nang mag-alala....Tahan na tol....”
    “Sige kuya...Panghahawakan ko iyang sinabi mo...”

Pagkatapos noon, nagpaalam na siya at ibinaba na rin niya ang telepono.

KINABUKASAN, SI ORYO......

Kinaumagahan, nang dumating ang oras ng almusal. Muli kaming nagkasama-sama sa may hapag, kagabi kasi ay parehong hindi bumaba sina Hyro at Hunsel. Pero ibang-iba ang dating ngayon, dahil balot na balot kami ng katahimikan. Magkakaharap nga kami pero parang hindi rin, dahil hindi kami nagkikibuan. At nang dumating na si Madam Marie......

    “Good Morning!...”sambit niya....
    “Good...Good morning din po Madam...”napipilitan kong sagot....

Hindi nagsalita o sumagot ang magkapatid, napatingin lamang sila sa kanya. Dahil dito ay agad siyang nakahalata sa kakaibang nangyayari.......

    “What’s this? What’s going here?! Magkakagalit ba kayo?!”nagtataka niyang usisa.....

Ni isa sa aming tatlo ay walang kumibo kaya naman muli siyang nagtanong....

    “Kagabi si Oryo lang ang sumabay sa akin....Tapos ngayon ganito ang madadatnan ko....Ano bang nangyayari sa inyo?...May kailangan ba kong malaman?!...” 

Sa puntong iyon ay bigla na lamang.......

    “Meron po Ma!...”sambit ni Hyro sabay titig sa akin.....

ITUTULOY.......

0 yorum:

Yorum Gönder