Here and Now (Part 24)

By: Chaster Rassel 

Chapter 24: When Love And Hate Collide...

SI ORYO......

Bigla akong kinabahan sa titig ni Hyro. Ito na ba? Dito na ba niya tatapusin ang palabas na toh? Nagkamali ba ko ng akala sa kanya?........

    “What?...”usisa ni Madam...

Hindi na ko nakaimik, napalunok na lamang ako at wala na kong ibang nagawa kung hindi ang hayaan siya na makapagsalita........

    “Kuya...Kuya Hunsel fired Kuya Oryo last night...”sagot ni Hyro sabay titig muli sa akin.....

Nakahinga ko nang maluwag nang marinig ko na iba ang sinabi niya at hindi ang tungkol sa pagpapanggap namin ni Revy.......

    “Ano?!...Hunsel, why did you do this without telling me first?!...”
    “I’m sorry po Ma....Biglaan po kasi ang naging decision ko....Pero don’t worry...Hindi naman po kami magkagalit ni Oryo eh...I only did this dahil nakikita ko po na hirap na hirap na siya sa akin...”sagot ni Hunsel....
    “Kahit na!...I’m the one who hired him, kaya hindi ka dapat nagdesisyon nang mag-isa!....”
    “Ahmmm...Excuse po Madam...Huwag na po sana kayong magalit kay Hunsel...Ginusto ko rin naman po ang ginawa niya eh...Dahil...Dahil talaga pong nahihirapan na ko sa kanya...”bigla kong pagsingit.....

Dahil sa ako na mismo ang nagsalita, wala nang nagawa si Madam kung hindi ang hayaan na lamang ang lahat. Pero sa kabila noon, nakikita ko pa rin sa kanya ang bahid ng pagtutol. Nang matapos kaming kumain, unang tumayo at umalis si Hyro. Agad ko siyang sinundan upang kausapin......

    “Hyro sandali lang!....”sambit ko....

Huminto siya sa paglakad at humarap sa akin nang hindi nagsasalita..........
    “Gusto ko lang sanang magpasalamat dahil hindi ka pa rin nagsusumbong sa kanila....”
    “Hmph!....Dapat ka ngang magpasalamat...Magpasalamat na wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanila ngayon ang nalalaman ko...Dahil hindi ko kayang makita na nasasaktan sila...Pero di ibig sabihin noon ay hahayaan ko na lang na magpatuloy ang panloloko niyo....KAYA HUWAG MUNA KAYONG MAGPAPAKASAYA NG MAGALING MONG KAPATID!!!....”

Galit man siya nang sabihin niya sa akin ang mga iyon, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Naniniwala ako na mahahanap ni Hyro sa puso niya na bigyan kami ng kapatid ko ng pagkakataon, pagkakataon na maintindihan at mapatawad kami sa ginawa namin.

Nauna na si Hyro, ako naman ay nagtungo na rin sa aking kwarto. Sa totoo lang, naninibago ko ngayon na hindi ko na kailangan intindihin si Hunsel. Pakiramdam ko ay may malaking nawala sa buhay ko. Pero anuman ang mangyari, hindi ako magpapatalo sa lungkot na ito.

Mayamaya ay may kumatok sa pinto ko. Si Madam iyon, agad ko siyang pinatuloy.....

    “Iho pwede ba kitang makausap?...”
   
Tumango ako bilang sagot.......

    “I just want to make sure that you’re really okay with what happened....”
    “Gaya po ng sinabi ko kanina Madam, ginusto ko din po itong nangyari...Kaya okay lang po sa akin......”
    “Kung ganun, ako na ang humihingi ng dispensa para sa anak ko...Ako din naman kasi ang naglagay sa iyo sa pagiging assistant niya...At hindi ko naman intensyon na pahirapan ka iho...”
    “Madam hindi niyo na po kailangang gawin iyan...Tsaka hindi naman po pwede na habang buhay akong maging assistant ni Hunsel di ba?...Kaya mas mabuti na rin po ito...Huwag niyo na po kong alalahanin...”

MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO, SI ORYO......

Lumipas ang mga araw at linggo na hindi na kami halos nagpapansinan ni Hunsel. At mula nung araw na huminto ako sa pagiging assistant niya ay sa malayo ko na lamang siya tinitignan. Minsan pa nga, nahuli ko na sinusubukan niyang makalad nang mag-isa at nang walang saklay.

Masaya ko para sa kanya, dahil kahit nag-iisa man siya ngayon ay hindi siya sumusuko. Talagang handa siyang gawin ang lahat, upang makabalik sa dati. Si Hyro naman ay galit pa rin sa amin ng kapatid ko. At sa ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko para lang mapapayag siya na kausapin kami nang maayos.

SI HUNSEL......

So far, so good naman ang resulta ng paghihirap at pagsisikap ko. It’s been two weeks only but I can actually walk normally now. But I want to surprise everyone, especially Oryo kaya hindi ko muna ito pinapaalam o pinapakita sa kanila.

Eto na iyon, dito na mag-iistart ang plano ko. Susuyuin ko si Oryo para mapalapit ulit siya sa akin. And when the right time comes, I will confess to him that I love him.

SI REVY......

Sinunod ko ang sinabi sa akin ni kuya Oryo, hinayaan ko nga muna si Hyro. Pero ang naging kapalit noon ay matinding pangungulila, miss na miss ko na siya. At ngayon na dalawang linggo na ang lumipas, hindi na pwedeng manahimik pa rin ako.

Gagawa ako ng paraan para magkaharap ulit kami. At sa ayaw o sa gusto niya, kakausapin ko siya. Para malaman na niya ang mga dapat niyang malaman.

SI HYROMIN......

I don’t know until when I can handle this. Ang hirap nang naglilihim ako sa sarili kong kuya at mommy. Tapos hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako. Nalilito ko dahil gustong-gusto ko nang tapusin ang mga panloloko nina kuya Oryo at Revy, but there’s still a part of me na ayaw din silang ipahamak.

Hindi ko alam kung sino sa kanila ang pipiliin ko, kung sina kuya Hunsel at Mommy ba o sina kuya Oryo at Revy.

ISANG UMAGA, SI ORYO......

Oras na ng almusal, lahat kami ay nasa hapag na maliban na lamang kay Hunsel. Tatayo na dapat si Madam para siya na mismo ang tumawag sa kanya, pero bigla nang dumating ang kanina pa namin hinihintay. At sa kanyang pagdating, nagulat kami sa aming nakita.......

    “Ku...Kuya Hunsel nakakalakad ka na nang maayos!...”gulat na sambit ni Hyro.......

Nakakalakad na nga siya nang normal, na para bang walang nangyari sa kanya dati. Bukod doon ay todo porma pa siya ng damit, tila ba pinaghandaan at plinano niya na surpresahin kami sa araw na ito........

    “Anak, kailan pa toh?!....”usisa ni Madam na nabigla din.....
    “Just a few days ago po Ma...”sagot niya sabay upo na sa may hapag.......
    “Why...Why didn’t you tell us about this?!...”muling usisa ni Madam.....
    “Well...I want to suprise you guys...Especially...”

Huminto siya, tumingin siya sa akin at nginitian ako nang malupet. Takte! Ibang-iba iyong lakas ng dating niya ngayon! Fresh na fresh at parang bagong Hunsel ang kaharap namin ngayon. Kaya naman pakiramdam ko ay para kong matutunaw sa ngiti niya.

Mapapangiti na rin sana ko sa kanya, ngunit pinigilan ko ang aking sarili. At para hindi na ko madala pa, umiwas na lamang ako nang tingin mula sa kanya...........  

    “By the way Ma...I want to go back to modelling....A.S.A.P....”
    “Are you sure ba na kaya mo na?...”
    “Opo...Ma....”
    “Pero anak....”
    “Ma...Payagan niyo na po si kuya Hunsel...I’m pretty sure, marami na rin pong naghihintay sa pagbabalik ng pinakamagaling na modelo ng Amethelli Apparels....”sambit ni Hyro....
    “Fine!...But we need to hear what your doctor gonna say first...Para sure tayo na pwede ka na talagang rumampa ulit”
    “Okay po...Thanks Ma!...”nakangiting sambit ni Hunsel....

Masaya ko na makakabalik na si Hunsel sa pagmomodelo. Pero kasabay noon ay nalulungkot din ako, dahil hindi na ako ang assistant na makakasama niya sa trabaho.  

KINAHAPUNAN, SI HYROMIN......

Palabas na ko ng school when my driver called me. Napaaga daw ang dating niya kaya nagpark muna siya. I told him na huwag nang iikot iyong kotse sa harap at ako na lamang ang pupunta sa may parking lot. Pagdating ko, nakita ko agad kung nasaan iyong kotse. I was about to go there, pero  napahinto ako bigla sa paglalakad dahil nakita ko si Revy. Obviously, he’s waiting for me.

Ayaw ko na siyang makita, pero heto siya ngayon, nasa harapan ko. Gusto kong umiwas mula sa kanya, but I have no choice dahil agad siyang lumapit at humarang sa daraanan ko.........
   
    “Tinanong ko si kuya Oryo kung saan itong eskwelahan mo para lang makita ka....Ku...Kumusta ka na Hyro?”
    “Hmph! Ang kapal mo din naman noh?!...After ng mga ginawa niyo ng kuya mo, nakukuha mo pa kong kumustahin...”
    “Hindi ako nagpunta dito para makipag-away...Gusto ko lang na makausap ka...”
    “Wala na tayong dapat pag-usapan pa! Kaya umalis ka na diyan sa daraanan ko!

Ayaw pa rin niyang umalis. I don’t want this to lead to me being emotional again. Dahil baka kung ano na naman ang magawa ko sa kanya. Kaya napilitan ako na banggain na lang siya. Pagbangga ko sa kanya, napaatras siya papunta sa side ko.

And I thought makakaalis na ko. Pero bigla pa niya kong hinila at hinawakan sa braso ko, just like what he did before..........

    “Hindi mo pa naiintindihan ang lahat Hyro...Marami ka pang kailangang malaman!”
    “UTANG NA LOOB REVY!...Ayaw kitang saktan ulit, kaya please lang TANTANAN MO NA KO!”

After I said that, natahamik siya bigla. Then binitawan na niya ko. Lumakad na ko, but I as I walk away...........

    “HYRO!...Nasa panganib ang buhay nating lahat!!”

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig kong sinabi niya. But who knows, kung sinasabi lang niya iyon para makuha niya ulit ang attention ko. Para bilugin na naman ang ulo ko. So, dinedma ko na lang siya at dumiretso na ko sa may kotse.

KINAGABIHAN, SI HYROMIN......

I cannot sleep, kaya nagdecide ako na bumungon na lang muna at magpunta sa may balcony habang umiinom ng gatas. The truth is nabobother ako sa mga nangyari kaninang hapon. Nung makita ko kasi si Revy, naramdaman ko ulit iyong galit. Pero at the same time, I was longing for him. I feel like gusto ko siyang yakapin nang mahigpit at maiyak na lamang sa mga bisig niya.

Pero pinigilan ko ang sarili ko, tiniis ko. And that’s reason kung bakit gustong-gusto kong makaalis na agad kanina. Oo, mahal ko pa rin siya. Despite of what he did, hindi pa rin nabago ang nararamdaman ko for him. Pero hindi rin mababago ang katotohanan na niloko at pinaglaruan nila ng kuya niya ang pamilya namin.

Bakit kasi kailangang magkita pa kaming dalawa ulit? Ngayon tuloy gulong-gulo ako. It feels like the love and hate is colliding inside of me.

Aside from that, iniisip ko rin iyong mga sinabi niya bago ko tuluyang umalis. Nasa panganib ang buhay naming lahat...What did he mean by that? Was he actually telling me the truth?

Ipinagpatuloy ko ang pagmumuni-muni ko, pati na rin ang pag-inom ng gatas.  As I was drinking, natanaw ko mula sa bukas na pinto ng balcony si kuya Oryo. Nakabihis siya, di kaya magmemeet na naman sila ni Revy? Then naisip ko, kung gusto kong makahanap ng sagot sa mga gumugulo sa akin. It would be a better idea kung sundan ko siya ulit.

So iyon nga, agad akong nagbihis para sundan siya. Just as I thought, sa tambayan nga siya nagpunta para makipagmeet kay Revy sa may puno. And just like what I did before, nagtago lang muna ko sa likod ng isa pang puno para mapakinggan sila........

    “Anong nangyari sa pagkikita niyo ni Hyro kanina?”usisa ni kuya Oryo.....
    “Ganun pa rin...Ayaw pa rin niya kong kausapin...Ayaw pa rin niyang makinig...”paimpit ang boses ni Revy habang sinasabi iyon, tapos nakayuko lamang siya........

For a minute or two, nabalot sila ng katahimikan. Then bigla na lamang napasipa si Revy dun sa puno at........

    “LINTIK NA BUHAY TOH!...Bakit ba kailangang mangyari ang ganito kuya?!...Bakit pati kami ni Hyro kailangang madamay sa gulo na toh?!”
    “Pasensya ka na tol ah...Kasalanan ko ang lahat ng ito eh...Ako ang nagpasok sa iyo sa sitwasyon na toh...Kung di sana ko pumayag sa alok ni nong Primo na magpanggap kapalit ng kalayaan natin, hindi ka sana nahihirapan ngayon...”

Si Primo, iyong ninong nila...Kung ganun, iyong taong iyon pala ang may pakana ng lahat ng ito.............
   
    “Hindi naman kita sinisisi kuya eh...Walang may gusto sa atin nito...Tsaka sino ba naman ang mag-aakala na paglalaruan pala na tayo ng tadhana...Biruin mo, di ko alam na pinagpanggap ka ni nong para mag-espiya sa mga Amethelli...”
    “Tapos hindi rin namin alam, na nagkakilala at naging malapit pala kayo ni Hyro, na nagkataong isa ring Amethelli....”
    “Ang sa akin lang naman kuya...Hanggang kailan ba tayo ganito? Hanggang kailan tayo magpapaggamit sa kasamaan ng taong iyon?!”
    “Tol...Malinaw ang usapan namin ni nong Primo...Huli na toh...Kapag natapos ko ang trabahong toh...Magiging malaya na tayo mula sa kamay niya...”
    “Kuya Oryo para namang hindi mo kilala ang daloy ng bituka ni nong eh...Sigurado ka ba talaga na palalayain niya tayo pagtapos ng nito?! Ni hindi nga natin alam kung ano ang tunay na pakay niya sa mga Amethelli!”
    “Revy kung ako lang...Ititigil ko na ang lahat ng mga pagpapanggap na ginagawa ko...”
    “Bat hindi mo pa gawin? Kuya pagod na pagod na ko sa ganitong klaseng pamumuhay...Pakiramdam ko di ako pwedeng maging masaya...Lagi na lang akong balot sa takot...Sa tuwing lumalabas ako ng bahay...Kapag nakikipagkita ako sa iyo...Kay Hyro...Lagi na lang nandiyan iyong pangamba na baka nasa paligid lang si nong Primo...Na mahuhuli niya tayo...Na pare-pareho tayong mapapahamak...KUYA AYAW KO NA!”
    “Hindi naman kasi ganun kadali iyon eh!...Sa iyo na mismo nanggaling Revy, di natin alam kung ano talaga ang pakay ni nong Primo sa mga Amethelli...Kaya kung titigil ako ngayon at basta na lang natin siya tatakasan, paano na lang sila?...Tol hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Hunsel!...Ganun ka rin naman kay Hyro di ba?”

Natigilan si Revy bigla after iyon sabihin ni kuya Oryo. Sa mga naririnig ko mula sa kanila ngayon, I realized a lot of things. Like, kaya pala ang lungkot-lungkot ni Revy dati nung mga times na kadarating pa lang ni Kuya Oryo sa amin. Kasi biglaang nawala ang kuya niya.

At kung hindi niya alam noon na nasa amin ang kuya niya. It means, hindi niya ko niloko o ginamit kahit kailan. Lahat ng pinakita niya sa akin ay totoo........

    “Oo kuya...Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko, kapag may nangyaring masama kay Hyro...Pero....”

I’ve noticed na umiiyak na pala si Revy. This is the first time na nakita kong naging ganito siya kaemotional.......

    “Pero para saan pa na ituloy mo ang pagpapanggap?...Kuya pwede pa rin tayong isumbong ni Hyro!...”
    “Hindi niya gagawin iyon...Dahil alam ko tol...Nararamdaman ko...Hindi ka rin niya kayang ipahamak...”
    “Paano ka  nakakasigurado diyan?!...Galit na galit siya sa akin kuya, dahil akala niya niloko ko siya!...”

Napadantay na si Revy sa puno at napayuko habang patuloy sa pag-iyak. I admit, nasasaktan ako na makita siyang nagkakaganito. And right now, narealized ko kung gaano kalaki ang pagkakamaling ginawa ko. Bakit ba hindi ko siya pinakinggan sa simula pa lang?..........

    “Alam mo kuya...Nung biglaan mo kong iniwan dati nang walang paalam, para gawin iyong utos ni nong Primo...Akala ko, iyon na ang pinakamasakit na nangyari sa akin eh...Pero mas masakit pala toh...Dahil nawala sa akin iyong taong mahal ko nang ganun-ganun lang...At ni hindi ako nagkaroon ng tiyansa na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko...”

After hearing those words from Revy, nanlaki ang mga mata ko, nabigla ako at nagsimula na ring pumatak ang mga luha ko.......

    “HINDI KO MAN LANG NASABI SA KANYA NA MAHAL NA MAHAL KO SIYA!!!”

Hindi ko na kinaya pa ang lahat. Then iyon na, lumabas na ko mula sa punong pinagtataguan ko at.........

    “MAHAL NA MAHAL DIN KITA!”

ITUTULOY.......

0 yorum:

Yorum Gönder