Here and Now (Part 25)

By: Chaster Rassel 

Chapter 25: The Show’s New Season...

SI ORYO......

Napaangat ng ulo si Revy at napalingon. Maging ako ay napalingon din sa narinig naming nagsalita. Si Hyro!

Napatitig na lamang silang dalawa sa isa’t isa. Habang hindi mapigilan ang pagbuhos ng mga luha nila. Ilang saglit lamang, walang sali-salita ay tumakbo si Hyro papalapit kay Revy at niyakap siya nang mahigpit. Dahan-dahan ay napayakap din ang kapatid ko sa kanya.

Kitang-kita kung gaano talaga nila kinasasabikan ang isa’t isa, tumagal din kasi ng ilang minuto na magkayakap sila. At wala kang ibang maririnig mula sa dalawa kung hindi ang tunog ng pagtangis nang dahil sa kaligayahan. Nang kumakalas sila sa pagkakayakap sa isa’t isa.........

    “Narinig ko ang lahat ng mga pinag-uusapan niyo ni kuya Oryo...Revy...Sorry!...Sorry kung hindi kita binigyan ng chance na mag-explain...Kung nagduda ko sa iyo...Pero ngayon alam ko na iyong totoo...Kaya sana mapatawad mo ko...”

Napangiti na lamang si Revy sa kanya at.......

    “Ako rin Hyro...Sana mapatawad mo rin ako...Kinailangan ko lang talagang maglihim sa iyo para protektahan ka...”
    “Huwag na nating isipin iyong mga bagay na tapos na Revy...Ang dapat nating intindihin ngayon ay iyong kung ano na ang mangyayari sa atin...Kasi sabi mo, mahal na mahal mo ko eh...”
    “At narinig ko ring binulalas mo na mahal na mahal mo din ako...”napapangising sambit ni Revy.......
    “So kung mahal mo ko at mahal kita...Obviously di ba...Ta...Tayo na dapat?”
    “HA?!!”   

Biglang namula si Revy sa sinabing iyon ni Hyro. Hay, kinikilig ako nang di oras sa dalawang toh........

    “Te...Teka muna Hyro...Agad-agad?!...”
    “Bakit?...Wala namang masama di ba?”
Alam ko nasa murang edad pa sila para magkarelasyon. Marami pang pwedeng mangyari sa kanila at marami pa silang pagdadaanan. Pero ayaw kong matulad ang kapatid ko sa akin, pinipigilan ang sarili na magmahal nang dahil sa isang pagpapanggap.

Tsaka mukhang naunawaan naman na ni Hyro ang lahat, kaya wala akong nakikitang dahilan para hadlangan sila na maging masaya.......

    “Pe...Pero paano kung lumabas toh sa publiko? Tsaka ang daming pa nating problema eh...Nandiyan pa si nong Primo....”usisa ni Revy.....
    “Nah!...Alam mo, ang dami mo pang sinasatsat eh...Kung iyong career ko lang naman ang iniisip mo....Di hamak naman na mas mahalaga ka kaysa doon...Mawala na iyon, huwag lang ikaw....”

Nakangiting tumingin si Hyro sa mga mata ni Revy. Hanggang sa nagkatitigan ng nga sila nang mata sa mata........

    “Weh!...Di nga?...Siryoso ka ba diyan sa pinagsasabi mo?...”nakangising tanong ni Revy habang nakatingin pa rin sila sa mga mata ng isa’t isa....

Kasunod noon ay humawak siya sa magkabilang pisngi ng kapatid ko. Takte! Parang alam ko na kung saan hahantong toh ah!.........

    “Siryoso ko Revy...Tsaka gaya ng mga sinabi ko...Hindi na natin dapat isipin iyong mga bagay na tapos na....Kaya mas lalo na iyong mga hindi pa naman nangyayari...What’s important now is...Our love...Our love is HERE AND NOW....”

At nangyari nga ang iniisip ko, bigla nang hinalikan ni Hyro si Revy sa kanyang labi, with matching pagpikit pa ng mga mata nila. Lokoloko din itong dalawang mokong na toh, sa harapan ko pa mismo nagtutukaan. Mukhang nakalimutan ata nila na may iba pang tao dito, kaya naman............

    ”AHEM!!...AHEM!!!...Pahingi nga pong popcorn tsaka softdrinks!...Ang ganda kasi ng pelikula eh!!...”bigla kong pagsingit......

Napadilat silang dalawa at biglang napahinto sa paghahalikan. Lumingon sila sa akin pero di naman makatingin nang tuwid. Pulang-pula sila pareho, mayamaya ay napakamot na lamang sila sa ulo at.......

    “Sorry kuya!...”sabay nilang sambit....
    “Ahahaha!....KJ ba?....Sige tuloy niyo lang....Nakakahiya naman sa inyo eh...Doon muna ko sa kabilang puno, tawagin niyo na lang ako pagnaubusan na kayo na hangin...”nakangisi kong sambit.....

Lalakad na dapat ako, pero bigla nila kong nilapitan at itong si Hyro, hinawakan at hinila pa ko pabalik sa puno. May pag-uusapan pa daw kasi kami kaya dito lang daw ako sa kanila. Naupo na muna kami at si Revy sa pagitan namin pumuwesto......
   
    “Oi!...Wagas naman makahila toh oh....Baka maputol niyan ang kamay ko...Walang ganyan na nabibili sa hardware!...”sambit ko....

Natawa si Revy sa sinabi ko. Ganun din si Hyro pero hinila pa rin niya ko hanggang sa pinaupo niya ko sa gitna nilang dalawa.......

    “Yan!...”sambit ni Hyro...
    “Ano ba kasi iyon?...”usisa ko...
    “First of all kuya...Gusto ko munang hingiin ang blessings mo...”
    “Blessings?...”
    “Blessings sa pagiging mag-ano namin ng kapatid mo...”
    “Ahh...Sige pag-iisipan ko...”sagot ko sabay ngisi na mapang-asar.......
    “Kuya naman eh!...”sabay nilang sambit.....
    “Hahaha...Joke lang!...Siyempre walang problema sa akin na maging kayo...Tsaka may tiwala naman ako sa iyo Hyro...Alam ko, hindi mo pababayaan itong utol ko...Pero dapat mag-ingat pa rin kayo...”
    “Alam ko kuya...And speaking of our safety...May mga gusto pa sana kong malaman...”
    “Ano iyon?”usisa ko......
    “Sa mga narinig ko kasi kanina...Since nung nagstart ang pagpapanggap mo, hindi na kayo nagkaroon ni Revy ng balita sa isa’t isa....So kailan kayo ulit nagkita?”
    “Nung maospital si Hunsel...”sagot ko.....
    “Tama iyon...Naaalala mo ba nung araw na nakita mo ko noon sa labas ng ospital?...”dagdag ni Revy......

Napatango si Hyro para sumagot ng oo........

    “Ang totoong rason kaya nandun ako noon, dahil hinahanap ko si kuya...Nagulat kasi ko nung makita ko siyang sumilip sa likuran mo, nung nagpainterview ka sa TV...”pagpapatuloy ni Revy....
    “I see...Kaya naman pala...”sambit ni Hyro....
    “Kabado nga ako nun eh...Paano halos nasa likuran lang natin noon si nong Primo habang nag-uusap tayo....”
    “ANO?!...Nagpunta si Primo dati sa ospital?!”tila gulat na gulat na bulalas ni Hyro.......

Bakit ganito ang reaksyon ni Hyro? Maging ang mukha niya ay biglang nag-iba ang timpla. Nakapagtataka.......

    “Oo...Mula nung dumating kayo ng mommy mo...Tapos hanggang nung lumabas ka...Nandun siya sa labas ng ospital...Ang wirdo nga eh, dahil panay ang titig niya sa inyo...Buti na lang din umalis siya bigla, kaya hindi niya tayo napansin na magkausap...”sagot ni Revy.....
    “Nandun si nong dahil gusto niya kong makausap...At umalis siya, dahil pinapunta ko siya sa likod ng ospital para dun kami mag-usap...Kasi nga baka may makakita sa amin...Pero hindi nabanggit sa akin nitong magaling kong kapatid, na muntikan na pala siyang mahuli na kausap ka!...”sambit ko sabay titig kay Revy na may bahid ng pagkabwiset....
    “Sorry kuya!...Nawala sa isip ko...”napapakamot sa ulo niyang sagot...
    “Hmph!...”

Samantala, wala akong narinig na reaksyon kay Hyro, kaya tumingin ako sa kanya. Pati si Revy ay ganun din. Pagtingin namin, nanlalaki ang mga mata niya at nakatulala siya. Kaya naman........

    “UY!...Galaw-galaw din pag may time!”malakas kong bulalas para matauhan siya....
    “Hyro!...Anong nangyari sa iyo?!...Ayos ka lang ba?!”dagdag ni Revy tapos tinapik-tapik nito ang pisngi niya......
   
Natauhan na siya at napatingin sa amin.....
   
    “Ah...Eh...Ayos lang ako...Toh talagang bf ko oh!...Nag-aalala agad...”sagot niya sabay akbay kay Revy...........
    “Hmph...Sigurado ka ah...”sambit ni Revy
    “Oo naman...Ahmmm...May balita na ba kayo sa kung ano ang mga susunod na plano ng ninong Primo niyo?”
    “Wala pa nga eh...”sagot ko....

Natahimik na naman siya. Pero ngayon ay tila napapaisip siya. Ilang saglit pa, napangisi siya at.......

    “So...It would be better kung itutuloy niyo lang ang palabas niyo...”sambit niya......
    “Teka...Okay lang sa iyo?”nagtatakang usisa ni Revy....
    “Well...Iyon lang naman ang safest option natin...Let’s just say na lang na this is going to be the new season of your show...With a new twist....At syempre, new character which is me”
    “Ha?!...Maglilihim at magsisinungaling ka sa sarili mong pamilya para sa amin?...”usisa ni Revy....
    “Hindi lang naman toh para sa inyo eh...Para sa ating lahat...Itutuloy natin ang pagpapanggap niyo nang sa ganun hindi makahalata ang ninong Primo niyo na may gagawin tayo laban sa kanya...”
    “Hyro naririnig mo ba iyang sarili mo?...Hindi biro toh...Delikado itong papasukin mo....”sambit ko....
    “I know kuya...But I’m willing to take the risk, para maprotektahan ang mga taong mahal ko...”sagot niya sabay tingin at ngiti kay Revy....

Napangiti din si Revy sa kanya, tapos napansin ko na humigpit ang akbay niya dito. Sa totoo lang, hindi ko talaga gusto na pati siya ay madamay na rin. Pero obvious naman na nakapagdesisyon na siya at hindi ko na ito mababagao kahit na kumontra pa ko. At may katwiran din naman kasi ang lahat ng mga sinabi niya.......
   
    “Kung ganun...Ano itong sinasabi mo na gagawin natin laban kay ninong?....”usisa ko....
    “Hmph...That would be the twist!...”

Ipinaliwanag niya sa amin ni Revy ang lahat. May kakilala daw siya na pwedeng tumulong sa amin. Paiimbestigahan daw namin si ninong Primo para malaman namin ang lahat ng mga itinatago niya lalo na ang intensyon niya sa mga Amethelli. At ang mga malalaman namin, ang siyang gagamitin namin para maipakulong siya............

    “Okay iyang naisip mo...Pero nakakasigurado ka ba na mapagkakatiwalaan natin iyang sinasabi mong kakilala mo?...”usisa ko....
    “Sino ba iyon?...”dagdag ni Revy...
    “Basta!...Makikilala niyo din siya....And I’m very sure that we can trust him...”

Matapos naming makapag-usap, sinabi ko sa kanila na malalim na ang gabi kaya magsiuwi na kami. Pero ito namang si Hyro, ang gusto ay paunahin na ko. Gusto pa daw niya kasing makasama si Revy kaya dito muna daw sila. Nakiusap pa ang mokong na kung pwede ay ako na daw ang bahalang magpalusot, kapag hinanap siya sa mansyon..................

    “Sige na kuya!...Pumayag ka na please...”nagpapaawang sambit ni Revy.......
    “Bait iyan si kuya Oryo...Papayag na iyan!...Sige ka, pag di ka pumayag....Sasabihin ko kay kuya Hunsel...NA IN LOVE KA SA KANYA!...”dagdag ni Hyro sabay ngiti na mapang-asar.........

Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Hyro. Loko talagang bata toh, pero kaya ko siyang tapatan..........

    “Hmph!....Gusto mong makipagbreak kay Revy nang di oras?...”
    “Si kuya Oryo talaga!....Di na mabiro...Joke lang po iyon!...”biglang kabig niya sabay kamot sa ulo......
    “Hahaha!...Kala mo ha!....Sige na...Bahala na kayong dalawa dito...”

Bago ko tuluyang umalis ay napalingon ako muli sa kanila. Habang pinagmamasdan ko sila, naisip ko na mabuti naman at naging maayos na ang lahat sa pagitan namin ni Hyro. Hindi ako nagkamali ng pagkakakilala sa kanya. Nagpapasalamat ako at binigyan kami ng kakampi na gaya niya........

    “Ang swerte mo tol...Hindi ka nagkamali sa pagpili ng taong mamahalin....”napapangiti kong bulong sa aking sarili habang pinagmamasdan sila....

At dahil sa mga magandang nangyari, umalis ako at iniwanan sila na may ngiti pa rin sa aking mga labi.

SAMANTALA SI REVY......

Umalis na si kuya Oryo. Pero itong makulit kong syota, tumayo at sumunod pa para lang masigurado na talagang nakaalis na siya. At nang balikan niya ko......

    “Wala na si kuya Oryo....”nakangisi niyang sambit sabay upo sa tabi ko....

Pagkaupo niya ay tumingin agad siya sa akin......

    “Wala nang distorbo...Ano?...Tuloy na natin iyong nabitin kanina?....”

Nabatid ko agad ang nais niya. Ilang sandali lang ay dahan-dahan na nga niyang inilapit ang mukha niya sa akin, pero hinawi ko ito..........

    “Oh bakit?!...”nagtataka niyang usisa....
    “MADAYA KA!...Nakakadalawa ka na sa akin ah!...Hahaha....”
    “Eh anong gusto mo?...”

Hind ako sumagot, tumingin lamang ako sa kanya. Bigla kong hinalikan ang kanyang labi. Matapos iyon ay nginitian ko siya, pero bigla na lamang niya kong kinurot sa aking tagiliran.........

    “ARRRGHH!!!...Gago ka! Ang sakit!...”
    “Pakshet ka kasi! Gusto mo lang palang ikaw iyong hahalik, ang dami mo pang arte!...”
    “Hahaha!....Sorry na!....”
    “Hmph!...”

Inakbayan ko siya. Pagkaakbay ko sa kanya, tila nawala ang bwisit niya, napangiti na siya at..........

    “Alam mo...Namiss ko itong ganitong kulitan natin...NAMISS KITA...SOBRA!...”sambit niya sabay pisil sa magkabila kong pisngi....
    “Ako din...Miss na miss din kita Hyro...Ang buong akala ko tuluyan ka nang mawawala sa akin...At hindi na kita makakasama pa kahit kailan...”sagot ko sabay hawak sa isa niyang kamay......
    “Don’t worry...Hindi ako mawawala sa iyo....”sambit niya sabay sandal sa dibdib ko.....

Mayamaya pa........

    “Revy...Total sabado naman bukas...Pwedeng dito na lang tayo matulog?...”
    “Ha?!...Teka...Baka hanapin ako ni nong Primo...Tsaka baka hanapin ka rin sa inyo....”
    “Ano ka ba!....Hindi ka naman magagalaw nung ninong mo hanggat on-going pa iyong kasunduan...Tsaka di ba binilinan ko naman si kuya Oryo kanina, na siya nang bahalang magpalusot kapag hinanap ako sa mansyon....”
    “Hmmm....Ito pala ang plano mo ha....Ang sabihin mo, gusto mo lang talaga kong makatabing matulog!...Haha...”
    “OO...At hindi ko na idedeny iyon...Matagal ko na talagang gustong makatabi ka sa pagtulog.....”
    “Hoy Hyro!...Kinakabahan ako sa iyo ah....Baka mamaya may gawin ka sa akin habang tulog ako...”
    “Ay ang kapal mo ha!...Hindi ka po ganun kayummy noh!...”
    “Weh!...Di daw ganun kayummy....Eh kulang na nga lang maglaway ka, nung nakita mo dati katawan ko sa loob ng fitting room!....”
    “Hmph!...Eh kung kurutin kaya kita diyan ulit!....”
    “Ahahaha!........”

At iyon nga, buong gabi ay nagkulitan kaming dalawa sa may tambayan, hanggang sa dalawin kami ng antok.

PAGKALIPAS NG DALAWANG ARAW, SI ORYO......

Ngayong hapon ay pupuntahan namin iyong tao na tutulong sa amin na mapaimbestigahan si nong Primo. Kadarating lang ni Hyro mula sa eskwelahan, kaya hinayaan ko na muna siyang makapagpahinga sandali at makapagpalit ng damit.

Habang naghihintay ay nanatili lamang ako sa aking kwarto. Kinuha ko iyong cellphone ko at naupo ako sa may kama. Itetext ko dapat si Revy para itanong kung nasaaan na siya, pero bigla na lamang may tumawag, si nong Primo!.........

    “Nong bakit?...”
    “Matagal-tagal ka na ring nandyan...Oras na para gawin ang unang hakbang ng mga plano...”
    “Ha?!...Anong ibig niyong sabihin?...”
    “Tutulungan mo kong makapasok diyan mansyon!...”

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Dahil dun ay natigilan ako, kaya naman........

    “Oryo!...Nandiyan ka pa ba?!
    “Nan...Nandito pa ko nong...Ahmmm...Ka...Kailan niyo ba gusto?...”

Sinabi niya sa akin na maghintay lang ako at tatawag siya ulit kapag pupunta na siya dito. Kailangang malaman toh nila Revy at Hyro. Kung anuman ang binabalak niyang gawin, dapat maunahan namin siya. Pagkababa ko ng phone.........

    “Oryo!...”sambit ng isang boses......

Si Hunsel iyon, nagulat ako dahil hindi ko namalayan ang pagdating niya. Nakatayo siya sa may pintuan. Hindi ko pala nasara iyong pinto, nangangamba tuloy ako na baka narinig niya iyong pakikipag-usap ko kay ninong. Tumuloy na siya at.......

    “May...May kailangan ka Hunsel?...”
    “May kausap ka ba dito kanina?...”
    “Hindi mo ba nakikita?...Mag-isa lang ako dito oh...”
    “Oh well...Ahmmm...I thought that you might be bored in here dahil wala ka nang ginagawa...Kasi nga di na kita assistant...Kaya...Kaya gusto sana kitang yayain na lumabas.....”
    “Sorry Hunsel...Hindi kasi pwede eh....”
    “Why?...”
    “Eh kasi...Nagpromise siya sa akin na sasamahan niya ko ngayon....”biglang singit ng kadarating lang na si Hyro.........

Napalingon si Hunsel sa kanya........

    “Where are you guys going?...”
    “Sa...Sa mall!...”sagot niya......
   
Tumayo na ko, pagkatapos ay lumapit ako sa tabi niya..........

    “OO...Tama iyon!....Sa...Sasamahan ko siya....Para...Para bumili ng regalo sa syota niya...”dagdag ko sabay akbay sa kanya........
    “Syota?!...”gulat na reaksyon ni Hunsel......
    “Oops...”sambit ni Hyro....

Napatingin sa akin si Hyro. Pinandilatan niya ko ng mga mata, tila ba sinasabi ng titig niya na naiinis siya sa ginawa kong palusot.......
   
    “Hala!...Hindi ba nabanggit sa iyo nitong utol mo?...Sila na nung taong kinalolokohan niya!...”nakangisi kong sambit....
    “Really?...Kung ganun congrats bro!...”

Namula na siya, hindi na rin siya nakaimik at napakamot na lamang siya sa kanyang ulo.......

    “Oh di ba...Naunahan pa tayo ng mokong na toh na magkasyota!...”muli kong sambit sabay gulo sa buhok ni Hyro......
    “Wait...If that’s the case, eh di sasama na lang ako sa inyo!...”
    “HA?!...”
    “Ku...Kuya Hunsel talaga!...Hindi ba marami ka pang dapat aralin?...Kasi...Kasi naghahabol ka sa school?....”
    “Okay lang iyon noh...Tsaka minsan lang naman tayo gumala eh....”
    “NO!...Ahmmm...I mean....It would still be better kung dito ka na lang at mag-aral ka na lang...Sige ka kuya Hunsel, dagdag pogi points din kapag maganda ang performance ng isang guy sa school......”

Bigla siyang lumingon sa akin at ngumisi.....

    “Right?...Kuya Oryo?...”
    “O...OO naman...”
   
Tinignan ako bigla ni Hunsel sa mga mata ko. Napapangiti siya, pero ako natigilan. Buti na lamang ay natauhan din ako agad. Langyang Hyro toh, gumaganti...........

    “Ahmmm...Okay sige...You guys go on...I’m just gonna stay here na lang and study....”
    “Okay kuya....Sige alis na kami...”nakangising sagot ni Hyro....
    “Ingat kayo guys!...”

Lumabas na kami ng kwarto. Habang palabas kami ng mansyon ay pabulong kaming nag-usap ulit......

    “Si Revy?...”usisa ko....
    “Nagtext na sa akin, nasa labasan na daw siya at dala na daw niya iyong request mo....Pero maiba ko kuya...Kinalolokohan?!...Kailangan talaga iyon ang sabihin mo?!...”
    “Hoy bata!...Huwag mo nga kong artehan!...Totoo naman iyong sinabi ko eh....”
    “Di naman noh!....Slight lang....”
    “Slight ka diyan...Ikaw nga eh!...May nalalaman ka pang pogi points diyan...May balak ka talagang ibuking ako sa kuya mo? Noh?...”
    “Sus!...If I know...Kinilig ka nung tinignan ka ni kuya Hunsel sa mata....Ayeeeeeeeeeeee!!!....”
    “Tigilan mo nga ko Hyro!...Wala akong panahon para diyan dahil may bago tayong problema!........”
    “Huh?.....”
    “Si nong Primo...Tinawagan niya ko ngayon-ngayon lang...”
    “Anong sinabi niya?...”
    “Gusto niyang pumasok dito sa mansyon!...”

Matapos kong sabihin iyon ay biglang napahinto si Hyro sa paglalakad. Dahil dun ay napahinto rin ako. Natigilan siya, napansin ko rin na tila nag-iba iyong itsura ng mukha niya at may bahid ito ng takot.......

    “Ka....Kailan daw siya sa pupunta dito?...”usisa niya......

Ni hindi niya magawang tumingin sa akin habang nagtatanong siya..........

    “Hindi niya sinabi eh...Ang sabi lang niya, tatawagan niya ko kapag pupunta na siya....Pero kung anuman ang binabalak niyang gawin sa pagpunta niya....Dapat maunahan natin siya!...”

Hindi siya kumibo o tumingin man lang sa akin, nakatulala pa rin siya. Uusisain ko na dapat siya nang bigla siyang lumingon sa akin at......

    “Don’t worry kuya Oryo!...Paghahandaan natin siya...Pero sa ngayon, kailangan na muna nating makausap iyong taong tutulong sa atin...Tsa...Tsaka si Revy....Baka naiinip na iyon!....Tara na!....”sambit niya sabay ngiti....

Nauna na siya sa may kotse, ako naman ay sumunod na rin. Nahihiwagaan ako sa mga ikinilos niya. Nginitian nga niya ko, pero nakabakas pa rin ang takot sa mga mata niya.

Matapos naming daanan si Revy ay umalis na kami. Dinala kami ni Hyro sa isang mamahaling hotel. Gaya ng madalas niyang gawin, nagsuot siya ng disguise nang pumasok na kami sa may lobby.........

    “Kailangan talaga na dito siya makipagkita sa atin?...Alam mo namang hindi ako sanay sa ganitong mga lugar eh...”pabulong na sambit ni Revy.....
    “OO nga!...Hindi ba imbestigador iyon?...Dapat pinuntahan na lang natin siya sa opisina niya....”dagdag ko.....
    “First of all...Wala akong sinabi na imbestigador siya...Ang sinabi ko lang, tutulungan niya tayo na mapaimbestigahan ang ninong niyo...Tsaka the place is nice naman eh....At very private and secured kapag pumasok na tayo sa room niya....So tatawagan ko na siya para ipaalam na nandito na tayo...”sagot ni Hyro......

Matapos niyang tawagan ito ay sumakay na kami ng elevator para puntahan na iyong tao. Nang lumabas na kami at naglalakad na kami ulit, napaisip ako.  Kung hindi pala siya imbestigador, ano siya? At sino siya?

Nang nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto niya.....   

    “This is his room...We’re finally here...”sambit ni Hyro....

Kumatok na si Hyro. Ilang saglit lang ay may nagbukas na nung pinto. Isang binatilyong mala banyaga ang dating na nakawheelchair ang tumambad sa amin. Nagulat ako’t nanlaki ang mga mata ko, dahil kilala ko kung sino ito...........

    “IKAW?!!!....” gulat kong sambit....

ITUTULOY.......

0 yorum:

Yorum Gönder