Here and Now (Part 26)

By: Chaster Rassel 

Chapter 26: Back To Be Good...

SI ORYO......

    “Hi Oryo...Kumusta?...Long time no see...”
    “Hyro anong ibig sabihin nito?!....Bakit nandito ang kupal na Skylar na toh?!...”inis kong usisa sabay duro kay Skylar.....
    “Skylar?...Siya ba iyong kaaway ng kuya Hunsel mo?...”usisa ni Revy sabay tingin kay Hyro....
    “Relax....Hindi na natin siya kaaway....Kakampi na natin siya...He’s here to help us....”sagot ni Hyro....
    “HA?!...Huwag mo sabihin sa akin na siya iyong....”
    “OO Kuya...Siya ang tutulong sa atin....”
   
Sa sobrang inis ko ay hindi na lang ako nagsalita ulit. Hindi ko maintindihan kung ano bang pumasok sa kokote ng batang toh at sa kupal na toh pa niya naisipang lumapit. Eh alam naman niya kung anong klaseng kapahamakan ang ginawa nito sa amin..........

    “Ahmmm guys...I think it wound better if we talk about this na lang inside....Masyado kasing mainit ang ulong nitong si Mr. Ex Personal Assistant...Mahirap na...Somene might hear or saw us...May kasama pa naman tayong Amethelli dito...”sambit ni Skylar.......

Pinatuloy niya kami, iyong dalawa pumasok na pero ako naiwang nakatayo sa may pintuan, kasi nga may pagdududa pa rin ako. Dahil dun ay binalikan ako ni Hyro at........

    “Kuya....Tara na!...Huwag ka nang mag-inarte diyan!...”sambit niya sabay hila sa kamay ko....

Dahil dun ay di na ko nakapalag at sumama na lamang ako sa loob. Nang nasa loob na kami.......

    “Sa pagkakaalam ko...Umalis ka na eh...Bakit ba bumalik ka pa?!...”inis kong usisa.....
    “That was the original plan....But then I realized na hindi ko kaya na basta na lang umalis...Hindi kasi matahimik ang kalooban ko...I know na kulang pa iyong ginawa kong pag-amin sa mga kasalanan ko para mapatawad niyo ko...Gusto kong makabawi sa inyo...That’s why I chose to stay...And that’s why I’m here...Kaya sana...Pagkatiwalaan mo ko....”sagot ni Skylar....
“Hmph!...At bakit naman ako magtitiwala sa iyo?!...Eh nang dahil sa iyo kamuntik nang mamatay iyong taong....”putol kong sambit....    “Iyong taong mahal mo?...”

Natigilan ako ng sabihin niya iyon. Hindi ko kasi inaasahan na alam na pala niya ang tungkol dun........

    “Paano mo nalaman ang tungkol diyan?!”
    “Ahmmm....Hyro told me everything....Kaya naiintindihan ko iyang galit mo sa akin....And I want you to know that I’m very sorry for everything that I’ve done....SORRY....”

Habang sinasabi niya iyon ay nakatitig siya sa mga mata ko. Iyong mga mata niya, mamasa-masa ito. Napansin ko rin na tila hindi na ito gaya nang dati na napakatalim. Para bang, iba na ang Skylar na ang kaharap ko ngayon.

Nararamdaman ko rin na bukal sa puso ang paghingi niya ng tawad. Kung sa pagpapatawad lang, wala naman problema sa akin. Pero iyong makipag-ayos at makipagtulungan sa kanya, ibang usapan na iyon. Ni hindi ko pa nga alam kung mapagkakatiwalaan ko siya eh............

    “Look kuya...Actually...Matagal na siyang lumalapit sa akin eh...Hindi lang ako nagkaroon ng time na na sabihin sa inyo dahil nga nagkatampuhan tayo...And since we need help...I think we should consider giving kuya Skylar a chance na makabawi by helping us....”sambit ni Hyro....
   
Habang pinag-iisipan ko ang pakikipagbati kay Skylar, tumingin si Hyro kay Revy at.....
   
    “Ikaw Revy?...Anong masasabi mo?...”usisa niya....
    “Ahmmm...Kung saan kayo, dun na lang din ako...”tila di siguradong sagot ni Revy....

Nag-iba bigla iyong timpla ng mukha niya. Tila nainis siya sa isinagot sa kanya ng kapatid ko.....

    “What the heck?!...Ang tino-tino ng pinag-uusapan dito tapos ganyan ang isasagot mo...At mukhang di ka pa sure!...”
    “Nagtanong ka...Sumagot lang ako....”
    “Pilosopo....Umayos ka nga!...Ang kailangan namin iyong matinong opinyon galing sa iyo!”

Nakapakamot si Revy sa ulo at.....   

    “Kasi naman eh!...Hindi ko naman kilala iyang tao...Ni hindi ko nga alam iyong ditalye ng mga nangayari sa inyo dati...Kaya mas okay siguro,  kung si kuya Oryo na lang ang pagdesisyunin natin...Total siya naman din iyong mas nakatatanda eh...”sambit niya sabay ngisi.....
    “Hmph!...”

Habang nagtatalo iyong dalawang pasaway na bata ay napatakip na lamang ako ng kamay sa aking mukha. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng tawa. Dahil dun ay dahan-dahan akong napababa ng kamay. Lumingon ako at nakita kong si Skylar pala iyon. Natatawa siya habang pinagmamasdan sila..........

    “Ang cute naman nila!...I think bagay na bagay talaga sila!!...Ahahaha....”

Lumingon siya akin at.........

    “Haha....Right?...”usisa niya......

Tumingin ako sa dalawa, nagtatalo pa rin sila at nagkukurutan na para bang walang mga taong nakatingin sa kanila. Siya naman ay panay ang tawa na mahina. Natawa na lang din tuloy ako. Mayamaya ay nakahalata na sa wakas iyong dalawa na pinagtatawanan na namin sila. Napahinto sila, namula silang pareho at sabay na napakamot sa ulo.

Samantala, napag-isip isip ko, kung talaga ngang handa si Skylar na tumulong sa amin. Dapat siguro bigyan ko siya ng pagkakataon. Kaya naman nilapitan ko na siya at.........

    “Siguro nga masyado kong nagtanim ng galit sa iyo....Dahil sa mga nangyari dati....Kaya sige Skylar...Bibigyan kita ng tiyansa, makikipag-ayos ako sa iyo at hahayaan kita na tumulong sa amin...Pero hanggang dun lang muna....”
   
Nabalot ng kislap ang mga mata niya. Tila galak na galak siya sa naging desisyon ko. Sa totoo lang hindi ko siya nakita na nagkaganito dati.........

    “Thank you Oryo...THANK YOU!...Hindi man tayo maging magkaibigan, malaking bagay na rin toh...At least I know that your not mad at me anymore...So I’m really really thankful...”

Nginitian ko na lamang siya.......

    “Oh iyan oh!...Kitam...Naging okay din sila!....”sambit ni Revy....
    “Sus!...Makikipagbati rin naman pala...Ang dami pang arte!...”dagdag ni Hyro.......

Heto naman ang mokong na toh humihirit na naman nang mga pang-asar, kaya naman nilingon ko siya at..........

    “Gusto mong ako naman ang kumurot sa iyo?...”nakangisi kong sambit......

Matapos iyon ay nagtipon-tipon kami sa isang bilog na mesa na naroon. Doon namin sinimulang pag-usapan ang lahat.......

    “Bago nga pala ang lahat Skylar....Sigurado ka ba na talagang gusto mong gawin toh?....Pati ikaw malalagay sa panganib...”usisa ko..........
    “I know...Pero nakapagdecide na ko...I’m willing to take that risk for all of you....I’m going to help you guys, now matter what...”

Buo na talaga ang loob niya sa pagtulong sa amin. At sapalagay ko ay hindi ko na mababago ito. Kaya naman napatango na lamang ako sa kanya......

    “Ahmmm....Kuya Skylar....Paano mo nga pala kami tutulungan?....”usisa ni Revy......
    “Iyong uncle ko....Magpapatulong tayo sa kanya....Actually bago kayo dumating tinawagan ko na siya at pupunta daw siya dito ngayon.....”
    “OO nga pala noh!....Pulis nga pala iyong uncle mo....”sambit ko....”
    “See...Getting a professional help from the authority....Hindi ba’t mas okay iyon?...”sambit ni Hyro....
    “Teka...Baka naman mas lalo tayong mayari niyan kay nong Primo kung lalapit tayo sa parak...”usisa ni Revy.....
    “Iyon ay kung malalaman po niya....Syempre mag-iingat tayo....”sagot ni Hyro....

Mayamaya ay nakarinig kami ng katok sa may pinto.........

    “Si uncle na iyon!....”sambit ni Skylar.......
    “Ako na...”sambit ko....

Binuksan ko na iyong pinto. Isang lalakeng matangkad ang tumambad sa akin. Hindi man siya nakauniporme, nabatid ko pa rin na siya na nga iyong tiyuhin ni Skylar. May nakakabit kasing tsapa ng pulis sa sinturon niya......   
    “Ma...Magandang hapon po....Tuloy po kayo....”

Hindi siya kumibo pero tumuloy na siya. Nakapagtataka dahil titig na titig siya sa akin hanggang sa makarating kami sa may mesa.........
   
    “Ah....Guys...Meet my uncle Preston....Siya iyong sinasabi ko sa inyo....”
    “Magandang hapon po...”sabay na sambit nina Hyro at Revy....

Nakatitig pa rin siya sa akin, pero sa puntong iyon ay tinanong na niya ko......

    “Iho nagkita na ba tayo dati?....”
    “Po?...Ahmmm...”
    “Uncle, he is Oryo....Siya iyong assistant dati ni Hunsel na ipinagtanong ko sa inyo....Maybe that’s why you’re familiar with him...”
    “Hindi eh...Para talaga kasing nagkita na kami dati pa....”

Sa dati kong buhay bilang isang magnanakaw, maraming beses na rin akong muntikang matiklo ng mga pulis. Pero wala akong natatandaan na nagkita na kami ng isang toh......

    “Nagkakamali po kayo...Siguro napagkamalan niyo lang ako...Kasi po ngayon ko lang kayo nakita eh...”sambit ko.....
    “Si...Siguro nga....Pagpasensyahan mo na lang ako...Ah...Police Inspector Preston Macaraig nga pala....”tugon niya sabay alok ng kanyang kamay sa akin....

Nakipagkamay ako sa kanya, pagkatapos...........

    “So...Ikaw iyong batang si Oryo....”
    “Opo...”
    “Uncle...Malamang kilala mo na rin siya....But I also want you to meet him personally....Si Hyro po...”

Kinamayan din niya si Hyro at....

    “Ikinagagalak kong makilala nang personal ang isang Amethelli....Kumusta na nga pala ang kuya mo?...”
    “Magaling na po siya...In fact, nakakalad na po siya ngayon nang maayos....”
    “Mabuti naman...Gusto ko rin sanang ihingi ng paumanhin itong magaling kong pamangkin sa gulong idinulot niya sa inyo....Kung alam ko lang na hahantong sa ganun iyong katarantaduhan nito...Eh di sana hindi ko na siya binigyan ng impormasyon....”
    “Okay na po iyon...Humingi na po siya sa amin ng tawad...And napatawad na rin namin siya.....”sagot ni Hyro....
    “Ah...Tsaka uncle si Revy nga po pala...”

Habang kinakamayan na niya si Revy......

    “He is Hyro’s boyfriend....”biglang sambit ni Skylar....

Biglang napatakip si Skylar ng bibig matapos niyang sabihin iyon. Iyong uncle niya ay napabitaw kay Revy. Iyong dalawa, pinandilatan siya. Ako naman ay hindi nakakibo dahil sa pagkabigla......

    “Bo...Boyfriend ba iyong narinig kong sinabi mo?...”usisa ni Inspektor Preston sabay tingin kay Skylar.......

Dahan-dahang ibinaba ni Skylar ang kanyang kamay at.....

    “Guys...Sorry....Nadulas ako...”sambit niya...
    “Ahmmm....Opo...Tama po iyong...Iyong sinabi ni kuya Skylar....Bf ko po siya....”sambit ni Hyro sabay turo kay Revy.....
    “Ibig mong sabihin sa gwapo mong iyan....Isa kang....Hmph!...Mga kabataan nga naman ngayon....Ibang klase!....”

Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo, pagkatapos.....

    “Maiba nga pala ko....Ano bang atin ha Skylar?....At pinapunta mo ko dito...”
    “Oryo and his little brother, Revy needs your help uncle.....”
    “Brother?...”

Lumingon sa akin si Inspektor at........

    “Teka...Naguguluhan ata ako ha....Sa pagkakaalam ko, sinabi mo dati sa mga pulis at sa DSWD na mag-isa ka na lang sa buhay....Wala ka nang kamag-anak...Kaya tinulungan ka at kinupkop ni Mariana Amethelli....Tapos may kapatid ka pala?!...At boyfriend pa ngayon ng anak ng taong tumulong sa iyo...Hmph!....Parang may mali ata ah......”usisa niya.....
    “Nagsinungaling lang po ko dati.....”
   
Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat-lahat. Ang dahilan ng pagsisinungaling ko, ang tungkol sa pagpapanggap ko at ang sitwasyon namin kay ninong. At para hindi na siya malito pa, sinabi ko na rin na hindi sinasadyang nagkakilala at naghulog sa isa’t isa sina Revy at Hyro. Habang nag-uusap kami ay hindi ko na rin naiwasang maging emosyonal......

    “Gaano na katagal nangyayari itong panggagamit at pang-aabuso sa inyo ng ninong niyo?!....”
    “Matagal na po...Maglilimang taon na...Nang mamatay ang mga magulang namin....Sa puder niya po kami napunta at dun na nagsimula ang lahat.....”
    “Hindi ka dapat pumayag sa plano ng ninong mo na pagpanggapin ka!...Dapat noon pa lang humingi ka na ng tulong sa amin o sa DSWD...Para narescue sana namin iyang kapatid mo....Para nakawala na sana kayo sa kanya!...”
    “Iyon naman po talaga ang balak ko eh...Kaya lang...Kaya lang natakot po ko na baka ipakupkop nila kami ng kapatid ko sa magkaibang pamilya....Na paghiwalayin kami....Kaya pinili ko po na sumunod na lang kay ninong...”
    “Dahil sa ginawa mo...Nasa alanganin ngayon di lang ang buhay niyo ng kapatid mo...Pati na rin ang buhay ng mga Amethelli!...”
    “Alam ko po iyon...Kaya nga lumalapit po kami sa inyo ngayon eh...Humihingi ng tulong...”
    “Huwag kayong mag-aalala...Tutulungan ko kayo...Kailangan lang bigyan niyo ko ng impormasyon tungkol diyan sa ninong niyo....”

Nilabas ni Revy iyong litrato ni nong Primo na sinabi kong dalhin niya, dahil baka kailanganin namin. Nilapag niya ito sa gitna ng bilog na mesa.....

    “Ito po siya...”sambit ni Revy....

Napatingin si Inspektor sa litrato. Bigla na lamang siyang natigilan, dahan-dahan ay dinampot niya  ito at tinitigan nang mabuti at malapitan.........

    “SI PRIMO AMADEO ANG NINONG NIYO?!!...”gulat niyang sambit....
    “Kilala niyo po siya?!...”usisa ni Revy.....
    “Kilalang-kilala...Ah...Lalabas ako sandali...Kailangan kong maitawag sa headquarters namin ang tungkol dito”
   
Lumabas na nga si Inspektor Preston. Kami naman ay naiwan na balot ng pagtataka sa ikinilos niya.......

    “Kuya bakit ganun ang reaksyon niya?”nagtatakang usisa ni Revy......
    “Hindi ko alam...Kahit ako nagtataka rin...”sagot ko....

Mga ilang minuto ding nawala si Inspektor. At nang bumalik na siya.........

    “Ahmmm...A...Ano pong nangyari?...”usisa ni Hyro....
    “Tsaka huwag niyo po sanang mamasamain pero...Paano niyo ba nakikilala si nong Primo? Bat ganun na lang po ang reaksyon niyo kanina, nung malaman niyo na siya ang ninong namin...”dagdag ko....
   
Sandaling natahimik si Inspektor na para bang siya ay nag-iisip. Tapos.........

    “Ilang beses nang naglalabas-masok sa kulungan si Primo Amadeo...At labing isang taon na ang nakararaan...Naging primary suspect din siya sa isang kasong hinawakan ko...Pero hindi kami nakakalap ng sapat na ebidensya...At iyong natatanging tao na pwedeng makapagdiin sa kanya, nawawala hanggang ngayon...Kaya ayun, naabsuwelto siya”

Hindi na kami nanibago o nagulat ni Revy sa mga sinabi niya. Pero itong si Hyro, biglang namutla. Tapos umiwas siya bigla nang titig mula sa amin , lalo na kay Inspektor. Heto na naman siya at iyong kakaiba niyang mga kilos at reaksyon..............

    “Tol...Ayos ka lang ba?...”usisa ko....

Napatingin si Revy sa kanya at.....

    “Oi...Ano na naman ang nangyayari sa iyo?...”usisa niya sabay dahan-dahang angat sa ulo ni Hyro....
    “Ah...Wala!....Okay lang ako....”

Matapos iyon ay nagpatuloy na muli ang pag-uusap namin........

    “So ano na pong gagawin natin ngayon?”usisa ko.......
    “Gaya ng sinabi ko kanina, itinawag ko itong mga sinabi niyo sa akin sa headquarters namin, para ipaalam sa mga mas nakakataas...Nang banggitin ko sa kanila na si Primo ang humahawak sa inyo...Hindi sila nagdalawang isip na bigyan ako ng order para mag-imbestiga at tulungan kayo...Pero may hiling sila sa inyo ng kapatid mo Oryo...”

Nagkatinginan kaming dalawa ng kapatid ko at........

    “Ano po iyon?”usisa ko....
    “Gusto nila na ituloy niyo muna ang pagpapanggap na ginagawa  niyo...”
    “Po?!”sambit ni Revy....
    “Wait a minute uncle!...You said the police will help them...Pero bakit gusto nila na magpatuloy sina Oryo sa paggawa ng mga dangerous acts na toh?!”usisa ni Skylar......
    “Iyon din ang sinabi ko sa kanila sa telepono...Na mapanganib hindi lang para sa magkapatid na ipagpatuloy ang lahat...Kung di pati na rin sa mga Amethelli...Pero gusto nilang masiguro na this time, hindi na makakalusot si Primo...Kaya ang balak nila, hulihin si Primo sa akto...”
    “Pero tuso si nong Primo...Kaya kailangan niyo ang pagpapanggap namin ni Revy...Para malaman ang lahat ng mga pinaplano niya nang hindi siya nakakahalata....Ganun po ba iyon?...”usisa ko....
    “Ganun na nga...”
    “Kung ito lang po ang paraan, para maging malaya na kami ni kuya Oryo...Sige po...Pumapayag po ako sa gusto nila....”sambit ni Revy....
    “Kung walang problema sa kapatid ko...Pumapayag na rin po ko...”
    “And of course me too...Dahil obviously, kailangan ko ring magpanggap na walang nalalaman...”dagdag ni Hyro......
    “Huwag kayong mag-alala, magpapadala naman kami ng mga tao...Para magbantay sa inyo...Lalo na dito kay Revy....”
    “Ah...You mean to say...Pati din po sa mansyon namin?”usisa ni Hyro....
    “Oo iho...Kung iniisip mo na baka makatunog ang kuya at mommy mo...Huwag ka ring mag-alala...Dahil sisiguraduhin namin na wala silang malalaman hanggat hindi pa nahuhuli si Primo...”

Napangiti na lamang si Hyro........
   
    “Maraming salamat po sa tulong niyo Inspektor.....”sambit ko....
    “Hindi mo na kailangan magpasalamat...Dahil trabaho ko ang tulungan ang mga nangangailangan...Siya nga pala....Kailan ba kayo huling nag-usap ni Primo...”

Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagtawag kanina ni nong Primo. At na nagpapatulong na siya na makapasok sa mansyon. Ayon kay Inspektor, magandang pagkakataon daw iyon. Kaya timbrehan namin siya sa pagpunta ni nong Primo. At huwag daw kaming matakot, dahil hindi nila kami pababayaan.
   
ISANG UMAGA, SI ORYO......

Nagising ako nang dahil sa isang kalukos. Minulat ko ang mga mata ko at tumigin ako sa aking paligid. Nagulat ako nang makita ko si Hunsel na may dalang pagkain, dahilan para bigla akong mapabangon.............

    “Breakfast in bed!...”sambit niya.....

Nilapag na niya iyong pagkain sa may tapat ko. Eto iyong naging paborito kong almusal mula ng tumira ko dito sa mansyon,  hotcake tsaka bacon.......

    “Favorite mo iyan di ba?...”usisa.....
    “OO nga...Pero...Ano bang nakain mo at naisip mong gawin toh ha?...”
    “Ahmmm....Eh...Wala...Gusto ko lang....Tik...Tikman mo na....Ako gumawa niyan....”
    “Hmmm....Talaga ha....”

Habang sinasabi niya iyon ay namumula siya at hindi siya makatingin sa akin nang diretso. Nasa harap ko na ang pagkain kaya naman hindi na ko tumanggi. Tinikman ko ito at aba may ibubuga rin naman pala siya sa pagluluto. Tamang-tama iyong lambot ng hotcake at napakalinamnam nito......

    “So....How does it taste?....”
    “Masarap...Okay naman...”
    “Ahmmm...Sige mauna na ko...Kailangan din kasi ko ni Mommy sa labas eh...”

Lumabas na siya, ako naman ay nagpatuloy sa pagkain. At habang kumakain ay di ko mapigilan ang ngiti ko. Matapos akong kumain ay naligo at nag-ayos na ko ng aking sarili para makalabas na ko. Pagbaba ko ay nadatnan ko na may bisitang babae na kausap sina Madam at Hunsel sa sala. Napatingin sa akin si Madam kaya naman........

    “Good morning po...”sambit ko.....
    “Good morning!...Tamang-tama ang dating mo Oryo...Will you pls come here....”

Lumapit ako sa kanila at.....

    “I want you to meet Ms. Fita....Siya iyong nag-oorganize ng comeback project ni Hunsel....”
    “Hi po...”sambit ko....
    “Ahmmm Ma....”biglang singit ng isang boses......

Napalingon si Madam sa aking likuran at.....

    “Oh Hyro...Buti at nandito ka rin...And Revy!...”sambit ni Madam.....

Nang marinig kong sabihin ni Madam ang pangalan ni Revy ay bigla na rin akong napalingon. Si Revy nga! Anak ng! Ano na naman ang naisipan nitong si Hyro at dinala niya ang kapatid ko dito sa mansyon!.......

ITUTULOY.......

0 yorum:

Yorum Gönder