Sundae (Part 5)

By: Chaster Rassel

Flavor 5: Kilig Report...Este Book Report

Dahil nga sa hindi kami gaanong nagpapansinan ni Mama. Hindi ko nagawang ipaalam sa kanya na nagkaayos na kami ni Drey. At ang tungkol sa book report. Pero ngayon, wala na kong choice kung hindi ang sabihin na sa kanya ang lahat........

    “Ahmmm Ma...Relax lang...Mahirap man paniwalaan pero...Pero bati na kami ni Drey....”
    “Tama ka, mahirap paniwalaan...Kaya hindi ko alam kung totoo ba itong nakikita ko o panaginip lang....”
    “Ma naman...Magkasama kaming dalawa ngayon sa harapan mo oh...At hindi nagsusuntukan....”
    “Oh siya...Eh bakit mo nga pala siya dinala dito?...”
    “Eh kailangan kasi naming gumawa ng book report...Bukas na kasi iyong pasahan...”
    “Bukas na?!...Kung kailan magpapasahan na, saka pa lang kayo gagawa?...”
    “Ah...Eh...”
    “Ahmmm actually po...Nung isang araw pa po namin natapos iyong report...Kaya lang...May nangyari po kanina.....”sambit ni Drey....
    “Anong nangyari?...”
    “Eh...”

Tumingin sa akin si Drey at......

    “Huy ikaw naman...”

Langya, tinulungan nga niya ko pero ako rin pala ang magtutuloy. Ayun na nga, ako na ang nagpaliwanag kay Mama ng tungkol dun sa nangyari kanina, sa unang report na ginawa namin........

    “Hindi kayo nag-away?!...I mean...Ikaw Hagen, hindi ka naghurumintado?...Hindi mo inaway si Drey sa kabila ng nangyari?....”tila gulat na usisa ni Mama.........
    “Ahmmm...Medyo nabulyawan ko lang siya ng kaunti....Pero humingi naman ako ng pasensya sa kanya eh....Tsaka Ma...Hindi naman masosolve ng pag-aaway iyong problema namin eh...”

Bigla siyang natahimik, malamang ay dala pa rin ng mga nalaman niyang pagbabago sa amin. Sa bandang huli, hinayaan na lang din niya kami sa gusto naming gawin. Matapos namin siyang kausapin ay niyaya ko nang umakyat si Drey sa itaas.

Pagdating namin sa taas, sakto naman ang paglabas ni Hershey mula sa kanyang kwarto......

    “Uy kuya!...”

At nang makita niya na may kasama ko.......

    “Naks naman!....Anong meron at kasama mo si toppings mo?...”nakangisi niyang sambit......
    “Toppings mo?...”nagtatakang usisa ni Drey sabay tingin sa akin....

Taenang Hershey toh! Kahit kailan talaga! Dahil dun ay tinakpan ko na lang ng kamay ko ang bibig niya. Para mapigilan ang kakulitan niya at........

    “Ah Drey...Huwag mo nang pansinin itong kumag na toh...Malakas lang talaga toh magtrip...”
    “Ahh...”
    “Mabuti pa, mauna ka na sa akin....”

Gamit ang isa ko pang kamay, tinuro ko iyong beranda.......

    “Dun na lang tayo sa may beranda maggawa...Presko kasi dun eh...Padala na rin ng mga gamit at nung sundae natin....Mag...Magbibihis lang ako...”

Habang sinasabi ko iyon ay pilit na nagpupumiglas si Hershey sa pagkakahawak ko. At nagawa nga niyang alisin iyong kamay ko mula sa bibig niya. Sabay sabi ng..........   

    “Samahan na kita!...Para may kakwentuhan ka habang nagbibihis si kuya Hagen....”

Tapos ay tumingin siya sa akin at ngumisi nang nakakaloko......

    “Huh?...Oh sige...”sagot ni Drey.....

Hindi ko alam kung tama bang iwanan ko siya na kasama ang makulit kong kapatid. Baka mamaya kasi, kung anu-ano pa ang sabihin sa kanya nito tungkol sa akin. Pero naisip ko rin na mas mag mumukhang kaduda-duda, kung kokontra pa ko. Kaya pinili ko na hayaan na lamang sila. At bago iyon....   

    “Hoy! Makinig ka!...Nandito lang siya ngayon dahil kailangan naming ulitin iyong book report...Kaya Umayos ka ha...Kung ayaw mong malaman ni Mama ang sikreto mo!....”bulong ko kay Hershey........

Pumunta na sila sa may beranda. Ako naman ay nagtungo na sa kwarto ko. Matapos kong makapaglinis ng katawan at makapagbihis ng damit. Agad na kong sumunod sa dalawa. Palabas na sana ko ng beranda, pero napatigil ako dahil sa naabutan kong pinag-uusapan nila. Kaya imbis na lumabas, napaatras ako at nagtago sa may gilid ng pinto.........

    “Actually, napakalaki ng pasasalamat ko sa kuya Hagen mo...Dahil bukod sa iniligtas niya iyong buhay ko dati...Siya rin iyong nakapagpatawa sa akin nung sobrang lungkot ko...Hindi ko nga inakala na siya pa iyong tutulong sa akin....”
    “So...Wala ka nang galit kay kuya Hagen?...”
    “Oo naman...Kailangan pa ba talaga na itanong iyan?...”
    “Syempre...Sa tagal ba naman ng panahon na para kayong aso’t pusa...Gusto ko lang makasure na hindi mo na ulit sasaktan ang kuya ko....”
“Alam mo, mahalaga naman talaga ang kuya mo sa akin eh...”
“Ha?!....Kahit na nung magkaaway pa kayo?!....”
“Oo....At lalo na ngayon na nagkakaayos na kami...Kaya wala ka nang dapat ipag-alala...I promise na hinding-hindi ko na siya sasaktan ulit...Sa halip, aalagaan at iingatan ko siya....”

Matapos sabihin ni Drey ang mga salitang iyon, biglang tumawa nang malakas si Hershey.......

    “WAHAHA!...Ano iyan namamanhikan ka?!...Ganyan iyong napanood ko sa movie eh....Hindi bagay sa iyo kuya Drey...ANG SAGWA!!!...Hahaha!...”tumatawang sambit ni Hershey.....

Kung ang kapatid ko natatawa, ako hindi. Kaikaiba kasi ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga narinig ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Pero mas matindi toh kaysa dun sa naramdaman ko nung sa loob kaming dalawa ni Drey ng cubicle.

Dinig na dinig ko kasi ang bawat pintig nito na halos mabingi pa ko. Tapos pinagpapawisan pa ang buong katawan ko. Hindi ko maintindihan itong nangyayari sa akin. Pero hindi naman pwede na hindi ako lumabas. Kaya naman nagpasiya ko na lumabas na nga...........

    “EHEM!...”sambit ko.....

Nagulat at napalingon sa akin ang dalawa. Si Drey, nanlalaki ang mga mata at napansin ko na napalunok.......

    “Haj!...Ka...Kanina ka pa ba diyan?!...”
    “Hindi!...Kalalabas ko lang...”
    “Ahh...”
    “Kuya Hagen...Bakit parang pawis na pawis ka?...”
“Eh mainit eh!...”

Iyon na lamang ang palusot na unang pumasok sa utak ko........

“Mainit?...Hindi naman ah...”sambit ni Hershey....
    “Oo nga Haj...Ang hangin-hangin nga oh...”
    “SA LOOB MAINIT!...”

Nang dahil sa tensyong nararamdaman ko, napataas pa tuloy ako ng boses. Bago pa sila lalong magduda sa mga kilos ko, mabuti pang unahan ko na.......    

“Sorry...Na...Nabigla lang ako...Ahmmm...Sige na Hershey...Iwan mo na muna kami para makapagstart na kami sa report...”

Bago siya tuluyang umalis, pinalapit niya ang mukha ko sa kanya at........

    “Kuya...Narinig mo iyong usapan namin noh?...”pabulong at nakangisi niyang usisa......
   
Wala talaga kong ligtas sa utak ng batang toh! Mas lalo tuloy akong natensyon.......

    “Shhhh!...Huwag kang maingay ah...”
    “Sabi na eh...Don’t worry kuya...Di naman kita ibubuking sa kanya eh...Hehe...Sige...Una na ko...”natatawa niyang sagot.....

At habang naglalakad na siya papasok sa loob ng bahay........

    “Pagbutihin niyo iyang KILIG REPORT...Este book report niyo ah!....”bigla niyang sambit nang malakas.....
    “Taenang bata toh!...Sarap kaltukan ng isang daang beses!....”bulong ko sa aking sarili.....

Umalis na siya at ako naman ay lumapit na sa mesa, kahit na wala pa rin ako sa sarili ko. Paglapit ko, iyong pagdampot sa supot ng binili naming sundae ang unang-una kong ginawa. Sa punto kasing ito, iyon na lang ang tanging makakapagpakalma sa akin. Kinuha ko mula dito iyong isang sundae. Nang hawak ko na toh, dali-dali ako akong pwesto sa may tabi ni Drey sa bangko. Pero sa kundisyon ko ngayon, di ko kayang madikit sa kanya, kaya medyo lumayo ako. Pag-upo ko........

    “WAAA!...”

Nagkamali ako ng bagsak. Dumausdos ako at masasapul sana ang pagmumukha ko sa mesa. Pero inakap at hinawakan ako ni Drey sa aking baywang. Napalingon ako sa kanya at natigilan........
   
“Ano ba iyang pinaggagawa mo Haj?...Mag-ingat ka naman...Buti na lang nandito ko...”sambit ni Drey habang inaalalayan ako na makaupo nang maayos
    “Sa...Salamat...”iyon na lamang ang naisagot ko.....

Taena naman! Sa kagustuhan kong lumayo eh lalo pa tuloy akong nadikit sa kanya! Nakaupo na ko at bumitaw na siya sa akin. Matapos iyon ay inilabas ko na rin iyong isa pang sundae at sinerve ito sa kanya........

    “Oh...Malapit na iyang matunaw....Ka...Kaya kumain na muna tayo bago maggawa....”

Nang inaamoy ko na iyong sundae ko.......

    “Nangangatal ka...”bigla niyang sambit........

Napadilat ako nang di oras. At napatingin sa kanya.......

    “Hindi ah!...”
“Anu ka...Naramdaman ko nangangatal ka nung akap kita kanina eh...Ikaw Haj ah....”nakangisi niyang sambit na tila nang-aasar.....
“Alam mo, gutom lang po iyan!...Kaya kung anu-ano ang nararamdaman mo...Mabuti pa, kumain ka na lang...”
“Hahaha...”

Dinampot na rin niya iyong sundae niya at sinimulan na itong amuyin. Habang ginagawa niya iyon ay tumatawa pa rin siya pero mahina lang. Hinayaan ko na lang ang pang-aasar niya. Umiwas na lang ako ng tingin mula sa kanya at inatupag ang pagkain ko.

KINAGABIHAN..........

Medyo nangangalahati na ang natatapos namin sa report. Sa totoo lang, kahit na kinailangan naming umulit, hindi ako nabored. Wala kasing kupas ang kakulitan nitong si Drey. Kaya naman panay ang tawanan namin habang naggagawa. Nagkukulitan pa rin kami nang mapalingon siya sa aming likuran. Bigla na lamang siyang natahimk. Iyon pala ay......

    “Haj...Iyong Mama mo oh...Nandiyan...”pabulong niyang sambit......

Lumingon ako at nakita ko nga si Mama na nakatayo sa may pintuan..............

    “Luto na iyong dinner...Baka kako gusto niyong sumabay na sa amin ng kapatid mo...”sambit ni Mama......
    “Sige Ma...Bababa na kami...”

Lumingon na ulit ako kay Drey......

“Si Mama lang pala eh...Kala ko naman kung sino na, kaya ka biglang natahimik...”
“Eh akala ko magagalit siya dahil maingay tayo eh...”
“Kinabahan ka?...”nakangisi kong usisa.....
    “Hindi noh...”
    “Sus! Kunyari ka pa kinabahan ka eh!...Haha...”pang-aasar ko sabay sundot ng daliri ko sa tagiliran niya para kilitiin siya.....

Nagulat siya at halos mapatalon pa siya sa kinauupuan namin sa ginawa kong iyon.......

    “AY!...Huwag kang ganyan ah...Pag ako gumanti sa iyo, hindi ka makakahinga...”sambit niya sabay ngisi.......
    “Hahaha!...”

Napalingon ako ulit sa may pintuan. Nandun pa pala si Mama, ang buong akala ko ay umalis na siya. Nakangiti siya akin at unti-unti ay napangiti na lang din ako sa kanya. Matapos iyon ay umalis na siya...........

    “Haj...Matanong ko lang...Wala ka bang balak na kausapin nang maayos ang Mama mo?...Iyong...Alam mo na....Para magkaayos kayo....” 
   
Napayuko ako at.....

    “Alam mo Drey...Gusto ko naman na maging maayos ang lahat sa amin eh....Kaya lang sa ngayon...Hindi pa ko handa na harapin siya....”
    “Eh kung di ngayon, kailan pa?...Mag-iisip isip ka....”

Napaangat ako ng ulo at napatingin sa kanya......   

“Aba!...At nagsalita iyong taong kasundo ang nanay niya...”
“Ayun na nga eh...Huwag mong tularan ang kagaguhan ko!...Dapat kausapin mo na siya...”

Natahimik ako sa sinabi niya at napaisip.........

    “Oh...Baka bigla kang umiyak diyan ah...”pabiro niyang sambit sabay akbay sa akin......
    “Gago!...Di ako iyakin na gaya mo noh...”napapangiti kong sagot....    “Hehehe...”
    “Tara na nga sa baba at hinihintay nila tayo...”

Tumayo na kami. Tapos ay bumaba na kami para sabayan nga sina Mama at Hershey sa pagkain. Matapos naming kumain ay bumalik din kami sa may beranda para ipagpatuloy ang aming gawain.

Gaya ng inaasahan, mas natagalan kami dahil nga sa mano-mano ang aming paggawa. Nararamdaman ko na ngang bumabagsak ang mga mata ko, pero kakaunti na lang at matatapos na kami. Kaya naman pinilit ko itong tiisin.

PAGLIPAS NG ILANG ORAS..........

Kung hindi pa ko naalinpungatan, hindi ko malalaman na tuluyan na pala kong nakatulog. Kinapa ko ng kamay ko ang relo ko sa mesa. Tinignan ko kung anong oras na, alas dos na ng madaling araw! Napaangat ako bigla ng aking ulo mula sa mesa, dahil dun ko lang ko lang naalala si........

    “ARRGH!....Si Drey nga pala!.....At iyong report namin!....Ano nang nangyari?!....”

Napalingon ako sa tabi ko. Tumambad sa akin si Drey, na nakatungo sa mesa. Narinig ko rin ang mahina niyang paghilik.......

    “Hmph...Bumigay na rin pala siya...”

Napatingin ako sa mesa. Iyong kanang kamay niya nakahawak pa sa ballpen. Iyong kaliwa naman ay nakadagan sa book report. Dahan-dahan ko itong hinila para tignan. At nakita ko na..........

    “Tinapos niyang mag-isa iyong report....”bulong ko sa aking sarili.....

Kasunod noon, nahuli ko na lamang ang sarili ko na napapangiti, habang pinagmasmasdan siya sa kanyang mahimbing na pagtulog. At dahil nga pinagmamasdan ko siya, napansin ko na tila alanganin ang posisyon niya, baka mangalay siya. Bukod dun, ang lamig na sa beranda dahil nga madaling-araw na. Kaya naisipan ko na........

    “Drey...Uy...Gumising ka muna....Lipat tayo sa kwarto ko para makatulog tayo nang mas maayos...”sambit ko habang tinatapik siya.....

Dalawang beses ko siyang sinubukang gisingin. Pero tulog na tulog talaga siya at ni hindi siya kumibo..........

    “Hay...Ano ba naman toh...Para kong nag-aalaga ng bata!...”napapakamot sa ulo kong bulong sa aking sarili.......

Napagpasiyahan ko na samahanan na lamang siya dito. Pero kailangan ko pa ring ayusin ang posisyon niya. Balak ko na pansandalin na lamang siya bangko, kaya dahan-dahan ay inangat at inalalayan ko siya. Pang-angat ko sa kanya, di sinasadiyang natanggal at nalalag iyong salamin niya.

Sasaluhin ko sana ito gamit ang isa ko pang kamay, pero dumulas ito. Sa taranta ko na baka mabasag ito pag tumama sa sahig, hinabol ko. Nasalo ko ito pero muntikan ko namang mabitawan si Drey. Dahil dun ay naakap ko tuloy siya nang wala sa lugar. At sakto naman, sa dibdib ko siya bumagsak.

Napatititig ako sa kanya. Ngayon ko lang napagmasdan maigi ang mukha niya, nang walang suot na salamin. At malapitan pa dahil nga nakasandal siya sa akin. Napakahaba pala ng mga pilik-mata niya. Mas nakikita ko rin nang maayos, ang matangos niyang ilong, mga bilugan niyang pisngi at ang hugis puso niyang labi. Natigilan na lamang ako habang pinagmamasdan siya. Hanggang sa........

    “Tignan mo nga naman...May kacutan rin pala ang mokong na toh kapag wala ang salamin niya....”bigla ko na lamang nasambit....

Nang marinig ko ang mga salitang iyon na lumabas sa bibig ko, bigla akong natauhan. At napatanong na lamang ako sa sarili ko ng..........

    “Eh?!...Ano na naman ba itong nangyayari sa akin?...Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi ko....”

Kasunod noon ay inilipag ko na sa mesa iyong salamin niya at dahan-dahan ko na siyang isinandal sa bangko. Matapos iyon ay napabuntong-hininga na lamang ako. Wala pang isang minuto ang nakalilipas, biglang bumagsak ang mokong sa balikat ko. Nabibigatan ako, kaya sinubukan kong alisin ang pagkakasandal niya..........

    “Taena!...Hindi mo ko syota para ganyanan mo!...Grrr!....”inis kong bulong sa aking sarili habang tinutulak siya.....

Pero imbis na mailayo ko siya mula sa akin, mas lalo pang lumalala. Dahil bumagsak na naman siya sa dibdib ko. Napatitig na naman ako sa mukha niya. At napansin ko na parang napapangiti siya nang kaunti. Nang makita ko iyon, biglang nawala iyong inis ko, tsaka naging awkward ang pakiramdam ko. At unti-unti na lang din akong napangiti.........

    “Sabagay...Tinapos naman niyang mag-isa iyong book report...Kaya quits lang kami kung hahayaan ko na lang siya....”

Kasunod noon ay marahan kong inangat ang kanang kamay ko. Para kasing gusto kong umakbay sa kanya na hindi. Hanggang sa nauwi nga ito sa tuluyan kong pag-akbay. Pero kasabay noon ay napaiwas na ko nang tingin mula sa kanya.  
   
KINAUMAGAHAN..........

    “Kuya Hagen!...Kuya Drey!....Hoy 6 o’clock na...GUMISING NA KAYO!...”

Nagising ako sa boses at pag-tapik sa akin ni Hershey. Pagmulat ko ng mga mata ko, nakangisi siya sa akin hanggang sa bigla siyang tumawa. Ang lakas ng boses niya, kaya naman......

    “Ano ba!...Ang ingay mo!....”iritable kong sambit....
    “Natural!...Ginigising nga kayo di ba?...Ayos din iyang trip niyo ah...Enjoy ba?....”natatawang sambit ni Hershey......
    “Huh?...Enjoy?...Anong enjoy?...”malamyang pagsingit ni Drey.....

Nang marinig ko ang boses ni Drey, dun ko lang naalala na nakasandal nga pala siya sa akin. Napatingin na lamang ako sa kanya. Tumambad sa akin ang mukha niyang may bakas ng pagkagulat at nanlalaki pati ang mga mata niya..........

    “ARRRGGGGGGGHHHHHH!!!...”hiyaw niya sabay biglang tulak sa akin.......

Kasunod noon ay napaurong siya sa may sulok ng bangko. Ako naman ay napaliyad, dahilan para tumama ang ulo ko sa mesa. Hindi naman toh malakas, pero masakit pa rin. Kaya naman.........

    “ARAY KO!...BAKIT MO GINAWA IYON?!...Taena masakit iyon ah!...”bwiset kong sambit.....
    “Ako dapat ang nagtatanong dito!...Anong kababalaghan ang ginawa mo AT SA DIBDIB MO KO NATUTULOG?!.....”
    “Hoy! Wala akong ginagawang masama noh...At para sabihin ko sa iyo, ikaw po itong sandal ng sandal sa akin!...”
    “UTOT MONG BLUE!...Ang sabihin mo, tsinansingan mo lang ako!...”
    “SIRAULO!...Kung alam ko lang na ganyan ka pala karumi mag-isip....SANA INIWANAN NA LANG KITANG MAG-ISA DITO!...”

Bigla siyang natahimik sa sinabi kong iyon at napaiwas ng tingin mula sa akin. Maging ako man ay napaiwas na lang din ng tingin sa kanya. Sa kalagitnaan noon, bigla na namang tumawa ang makaulit na bata. Sabay kaming napatitig sa kanya at.........

    “May nakakatawa ba?...”inis kong usisa.....
    “Meron!...KAYONG MAG-ASAWA!...Hahaha...”tumatawa niyang sagot.......

Sa lahat ng mga pang-asar niya sa akin, iyon ang pinakaayaw ko! Kaya naman tumayo ako mula sa bangko at nilapitan siya. Napahinto siya sa pagtawa. Pero inis pa rin ako, dadagukan ko na nga sana, kaya lang ay nakailag siya at.......

    “Ah...Eh....May...May almusal nga pala ko sa baba!...Nakalimutan ko baka lumamig!...Ehehe....”sagot niya na may kasamang pilit na ngisi.....

Pagkatapos noon ay bigla lamang siyang tumakbo paalis.........

    “Bwiset!....”sambit ko habang sinusundan siya nang titig........

Napatingin ako kay Drey. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin din siya akin. Namumula siya at iyong dating ng mukha niya para siyang may gustong sabihin na di maintindihan.............

    “Oh ano naman iyang titig na iyan?....Kung may gusto kang sabihin, magsalita ka!...Hindi iyong para kang gago diyan....”

Napakamot siya sa kanyang ulo at...........

    “Wala...Naisip ko lang....Wha...What if kung talaga ngang naging totoong mag-asawa tayo....Masaya kaya tayo?....”nakangiti niyang sagot....

Hindi ko alam kung bakit, pero ngayon na sa kanya ko narinig iyon, hindi ako nainis. Sa halip ay natigilan lamang ako..........

    “Nagbibiro lang ako!...Namula ka naman diyan agad....Ahaha!....”
    “Hindi ako namumula ah!...”
    “Paano mo alam?...Eh hindi mo naman nakikita ang sarili mo...”nakangisi niyang usisa.......

Isa pa itong mokong na toh! Pero ano bang kagaguhan toh? Bakit parang nadadala ko, kahit na biro lang iyon? Samantala, tumingin siya sa suot niyang relo at......

    “Naku Haj!....Kailangan ko na palang umuwi...Para makaligo at makapagpalit ako....”

Kasunod noon ay dinampot na niya ang kanyang mga gamit. Sinuot na rin niya ang kanyang salamin na ikinadismaya ko..........

    “Huwag na...Baka malate ka pa sa klase natin kung uuwi ka...Dito ka na lang maligo...Pahihiramin na lang kita ng extrang uniform...”
    “Sus!...Gusto mo lang akong bosohan eh...”
    “Lahat na lang ba ng kilos ko may malisya sa iyo?...Hmph!...”
    “Oh sige na...Hindi na po uuwi....”sagot niya sabay babawa ulit ng mga gamit niya......

Matapos iyon ay nakatitig pa rin ako sa kanya. Nakakainis naman kasi, bakit sinuot pa niya ulit iyong salamin.........

    “Oh ano naman iyang titig na iyan?....Kung may gusto kang sabihin, magsalita ka!...Hindi iyong para kang gago diyan....”nakangisi niyang usisa.....

Bigla akong natauhan sa sinabi iyang niyon dahil.........

    “Teka!...Eh ayan iyong sinabi ko sa iyo kanina ah....”
    “Eh malamang kasi, ganyan din iyong titig ko sa iyo kanina....Hahaha....Ano pa ba kasing problema mo?....”
    “Iyang....Iyang salamin mo...Alam mo,  mas bagay sa iyo kapag wala iyan....”
    “Iyon lang ba?...”

At tinanggal nga niya iyong salamin. Pagkatapos ay bigla niya itong ibinato sa malayo. Nagulat ako, hindi ko kasi inakala na ganun ang gagawin niya. Kasunod noon ay bigla na lamang niyang inilapit iyong pagmumukha niya sa akin, kaya napaatras ako. Pero sumubsob lang din siya ulit at............

    “Oh ano?....Masaya ka na?....Mas nakikita mo na ngayon ang pogi kong mukha...”nakangisi niyang sambit.....

Taenang iyan! Tinitigan niya ko sa mga mata ko! At dahil nga wala na siyang suot na salamin, mas kitang-kita ko ang mga mata niya at ang kakaibang kislap na bumabalot sa mga toh. Biglang naging pigil ang paghinga ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, kaya napalunok na lamang ako at.........

“Sira ka!...Magmumog ka nga muna dun sa banyo!...Amoy imburnal iyang bibig mo!....”iyon na lamang ang nasabi ko, sabay hawi sa mukha niya.......

Matapos iyon ay natawa na lamang ako kunyari.........
   
“Haha...Oi sobra ka naman...”sambit niya.....
“Ehehehe....Si...Sige na!...Kilos na para makababa na tayo...Nang makapag-almusal muna.....”

Lumakad na siya, tapos ay napabuntong-hininga na lamang ako at sinundan siya ng ngiti.



ITUTULOY..........

0 yorum:

Yorum Gönder