Sundae (Part 7)

By: Chaster Rassel

Flavor 7: Now I Know

“Ma naman!....Ano namang klaseng tanong iyan?!...Sa...Saan mo ba nakuha iyan?!....”
    “Eh di sa mga nakikita ko sa iyo...Mula sa pagiging mainitin ang ulo, naging masiyahin ka....Naging mabait ka sa amin ng kapatid mo....Sumipag ka sa pag-aaral as if ba na may nag-iinspire sa iyo...At palagi kang excited pumasok sa eskwelahan as if na may tao ka na gustong-gusto makita lagi....”
    “Teka...Parang ganyan rin iyong mga sinabi ni Hershey ah...Talaga bang ganun ako ngayon?...”bulong ko sa aking sarili.....
    “Anak...Lahat ng mga binanggit kong iyan...Senyales at sintomas ng pagiging IN LOVE....”

At bigla na lamang ako kinabahan sa mga sinabi niyang iyon. Ang nakakaloko pa, bigla ko na lang din naalala si Drey. Bigla na lang siyang pumasok sa isipan ko.........

    “Siryoso Ma?!...Ga...Ganun ba talaga ang mga in love?!...”kabado kong usisa......
    “Oo...Nandiyan pa nga iyong titibok-tibok ang puso mo ng pagkatindi-tindi, na kulang na lang eh tumalsik toh papalabas ng dibdib mo, kapag nandiyan na iyong taong gusto mo...Tapos pagpapawisan ka...Naku alam na alam ko iyan noh...Dahil nagkaganyan din ako, nung mahulog ako sa papa niyo...”

Sabagay, di hamak na mas may alam si Mama pagdating sa mga ganung bagay. Dahil sa totoo lang, hindi ko pa naman talaga naranasang ma-in love......

    “Oi hindi mo pa sinasagot ang tanong ko ah...Ano ba?...May napupusuan na ba ang panganay ko?....”muli niyang tanong, pero ngayon ay nakangisi na siya.....

Taena naguguluhan ako! Hindi ko alam kung anong isasagot ko..........

    “Ahmmm....”
    “Oh siya!....Kung ayaw mong sagutin, hindi ko na ipipilit.....Tsaka wala din namang problema sa akin kung in love ka...Natural lang naman iyan sa edad mo eh...
At nakikita ko naman na maganda ang influence sa iyo...”natatawa niyang sambit.....

Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at pasimpleng napabuntong-hininga. At sa wakas, nakahinga na rin ako nang maluwag.

KINABUKASAN, SA SCHOOL..........

Napakalaking gaan sa aking kalooban, ang pagkakaayos namin ni Mama at ni Hershey kagabi. Parang kong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Ayun nga lang, may bagong pumalit sa pagbagabag sa akin. At iyon ay walang iba kung hindi iyong mga sinabi ni Mama, tungkol sa pagiging in love.

Pakshet na iyan! Hindi matanggal-tanggal sa utak ko mula pa kagabi! Narealize ko kasi na lahat ng mga pagbabago sa akin, may kinalaman nga kay Drey. Nung gabi na unang beses ko siyang nakitang kumain ng sundae at lumala nung nakipagkasundo ako sa kanya.

Binago ko ang ayos ng buhok ko, dahil nagustuhan niya. Naging madali at hindi boring para sa akin ang pag-aaral, dahil kasama ko siya. At aaminin ko, gustong-gusto kong pumapasok ng school. Dahil kung dati nanggagalaiti ako, ngayon sumasaya na ko kapag nandiyan siya.

Minsan ko nang nasabi na hindi ako bading. At na hindi ako magkakagusto kay Drey dahil mortal na kaaway ang turing ko sa kanya. Sinabi ko pa nga sa kanya na bawal kaming maging close, nung nagkasundo kami. Pero ngayon nakakagago, dahil tila ako pa mismo ang sumira doon nang di ko man lamang namamalayan.

In love nga ba ko kay Drey? May...May gusto nga ba ko sa kanya? At ganun ba kaovbious ang pagkagusto ko sa kanya, kaya madalas akong asarin ni Hershey? Iyan ang mga tanong na gumugulo sa akin. Kaya naman habang naglalakad ako sa may hallway, papunta sa classroom namin, lutang ako. Hanggang sa napahinto na lamang ako bigla at..........

    “ARRRGH!...Kalokohan toh!...Hagen Dasuero...Let it go!...Let it go!...It shouldn’t bothered you anyway!...”sambit ko habang nakapikit at tinutuktok ang isa kong kamay sa aking noo......

Sa kalagitnaan noon, biglaan na lamang akong nakaramdam ng pagbigat, sa magkabila kong balikat at......
   
    “Ano iyan, kumakanta ka?...”

Napadilat ako at pagtingin ko, laking gulat ko! Iyong taong magdamag na tumatakbo sa isipan ko, nasa likuran ko ngayon at nakadantay ang mga braso niya sa akin!............

    “D...DREY!!!....A...Ano ba iyang ginagawa mo?!...Maraming taong dumadaan dito! Gago ka!...”
    “Hmph....Ako dapat ang nagtatanong niyan noh!....Nagsasalita kang mag-isa dito sa hallway...Tapos tinutuktok mo iyang ulo mo....Anong klaseng emote naman iyan?...Naku Haj...Delikado iyan...Baka mental hospital ang ang maging bagsak mo niyan...”pabiro niyang sagot....
    “HEH!!!....Pakawalan mo nga ako!....Tanggalin mo iyang mga braso mo sa akin!....Ang bigat eh!...”
   
Para siyang walang narinig sa mga sinabi ko. Sa halip na kumilos ay tumingin pa siya sa mukha at mga mata ko nang diretso........

    “Uy!...Parang iba ata ang kislap ng mga mata mo ngayon...At parang ang aliwalas din ng mukha mo...Kahapon di ka naman ganyan ah...Hmmm....Bakit kaya?...”nangisi niyang sambit.....
    “Ahmmm...Mamayang lunch na ko magkwekwento sa iyo!...Magbebell na eh...Magsisimula na ang klase natin...Kaya please lang Drey, PAKAWALAN MO NA KO!...”

Hindi pa rin niya ko pinakawalan, tumawa lang siya. Tapos naramdaman ko ang paggapang ng mga kamay niya papunta sa may dibdib ko..........

    “Hahaha....Ayaw ko.................nga......”putol niyang sambit........

Biglaan na lamang siyang napahinto sa pagsasalita at natigilan. Ilang saglit pa......

    “Ang...Ang bilis....”mahina niyang sambit.....
    “Huh?...Ng alin?...”pagtataka ko....
    “Ng pintig ng puso mo....”

Napayuko ako at napatingin ako sa mga kamay niya. Dun ko nakita na iyong kaliwa pala ay nasa bandang puso ko nakatapat. Dahan-dahan akong napaangat ng ulo. At biglang bumalik sa akin, iyong mga sinabi ni Mama na.........

    “Nandiyan pa nga iyong titibok-tibok ang puso mo ng pagkatindi-tindi, na kulang na lang eh tumalsik toh papalabas ng dibdib mo, kapag nandiyan na iyong taong gusto mo...Tapos pagpapawisan ka...”
    “So ganun pala iyon...”bulong ko sa aking sarili.......

Napatitig ulit ako kay Drey at........

    “Iyong mga pagtalon ng dibdib ko kapag tinatawag mo ko ng ‘Haj’...Iyong kaba at pagbilis ng tibok ng puso ko, kapag nadidikit ako sa iyo...Iyong pagpapawis ko nung marinig kong sinabi mo na aalagaan at iingatan mo ko...Nauunawaan ko nang lahat...Alam ko na ngayon, ang totoo kong nararamdaman para sa iyo...Drey Ernuella...”patuloy kong bulong sa aking sarili........

Ilang saglit pa ay nakarinig kami ng mga ingay at yabag ng mga paa. Natauhan kaming pareho at........

    “May mga paparating!...”sambit ko......

Dali-dali siyang kumalas sa akin. Sakto naman, pagkakalas niya ay dumaan nga ang isang grupo ng mga nagmamadaling estudyante. Nang makaalis na sila, napakamot na lamang kaming pareho sa ulo at napangisi sa isa’t isa. Hanggang sa bigla na ngang tumunog ang bell. Nanlaki ang mga mata namin pareho at........

    “LATE NA TAYO!....WAAA!!!...”sabay naming hiyaw.....

Nataranta na kami at dali-dali na kaming tumakbo, papunta sa aming classroom.

PAGDATING NG LUNCH BREAK..........

Habang nasa may cafeteria kami, ikinuwento ko nga kay Drey ang tungkol sa pagkakaayos namin ni Mama at ganun din iyong sa kapatid ko.....

    “Hay, sa wakas!....Ayos iyan Haj....Masaya ko para sa iyo...At pati na rin sa family mo...”
    “Alam mo Drey....Napakasaya ko ngayon!...Unti-unti na kasing nagiging maayos ang buhay ko...Nag-iimprove ang academic performance ko....At okay na ang relasyon ko, sa mga taong mahalaga sa akin...sa kapatid ko...kay Mama....”sambit ko habang nakapangalong-baba sa mesa at nakatingala......

Tumingin ako sa kanya at.......

    “At sa iyo...”nakangiti kong bulong sa aking sarili.....
    “Ah...So napakasaya mo...Kaya ka ba baliw-baliwan kanina sa may hallway?...”nakangisi niyang usisa.....

Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Taena! Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya iyong totoo, hindi pa ko handa para dun........

    “Hmmm....Speaking of baliw-baliwan....Eh anong tawag mo dun sa ginawa mo kanina sa akin?...”

Wala na kong ibang naisip, kung hindi ang baliktarin na lang siya para makalusot. At mukhang gumana dahil nabakas ko sa kanya ang pagkabigla sa naging tugon ko.......

    “Ha?!...Eh...Iyon!...Ba...Baliw-baliwan!...Baliw-baliwan din ako kanina...Tsaka talagang wala ako sa sarili ko ngayon eh...Pa...Paano kasi, di ako nakatulog kagabi nang maayos...Siguro may nag-iisip sa akin...Hehe....”napapakamot sa ulo niyang sambit......
    “Ahahaha!....”

At natawa na lamang ako...........

    “Oh bakit ka naman biglang natawa diyan?...May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?...”
    “Wala...Eh sa natatawa ko eh...Haha...”natatawa ko pa ring sagot....

Paano naman ako hindi matatawa, eh iyong tao na nag-iisip sa kanya sa buong magdamag ay walang iba kung di ako. At maging ako nga rin ay hindi nakatulog nang matino dahil doon.......

    “Hay...Kung alam lang ng mokong na toh...”bulong ko sa aking sarili......

Ilang saglit lang, isang taong hindi namin inaasahan ang dumating at lumapit sa amin. Si principal Ernuella, ang mommy ni Drey........

    “Good afternoon po Ma’am...”pagbati ko.....
    “Ma....”
    “Principal!...Iyan ang dapat na itawag mo sa akin, hindi iyong kung anu-ano...Mr.Ernuella!....”pagalit na sambit ni principal.....
   
Nagulat ako sa reaksyon na iyon ni principal. Para kasi sabihan niya si Drey nang ganun sa harap ng ibang tao, marahil gusto niyang ipangalandakan sa lahat ang pagkakaputol ng ugnayan nila. Ganun ba talaga katindi ang galit niya sa anak niya?.........

“So...Sorry po ma’am...I mean principal....”paimpit na sambit ni Drey....

    “I just came here to buy some lunch...But I happen to see the two of you...Tamang-tama dahil may gusto kong sabihin sa inyo...”
    “Po?...Ahmmm...Ano po iyon?...”usisa ko....
    “I’ve heard about your improving performances in your class...Including the English book report....I just want to say na sana lang, mapanindigan niyo ang mga iyan...”

Tumingin siya kay Drey at.........

    “Especially YOU!...Remember...Top 10 ang ibinigay ko sa inyo na requirement....Kaya hindi pa sapat na sa isang subject lang kayo mag-excel!...”

Napatango na lamang kami sa kanya. Matapos iyon ay nagtungo na siya sa may counter para bumili ng pagkain. Lumingon ako kay Drey. Kanina nakangiti siya, pero ngayon bakas sa mukha niya ang lungkot.......

    “Kami kaya?...Sapalagay mo ba...Magkakaayos pa?...”usisa niya habang nakatingin sa mommy niya, na nasa may counter.....
    “Oo naman... Ano ka ba!...Eh mas suntok sa buwan pa nga iyong pagkakabati natin eh...Pero nangyari di ba?...Kayo pa kaya ng Mommy mo...”
“Haj...Hindi mo naiintindihan eh...Hindi mo pa lubusang nakikilala si Mommy...Lalo na sa labas ng school...Di mo alam kung gaano siya katigas na tao...Iyong nakwento ko sa iyo dati na hindi niya ko binibigyang halaga...May malalim pa na dahilan iyon...”sambit niya sabay lingon sa akin....
    “Anong ibig mong sabihin?...”

Hindi siya sumagot at napatitig lamang siya sa akin. Narealize ko rin na personal na bagay nga naman iyon at dapat hindi ko na tinanong pa. Kaya naman.......

    “Ahmmm...Pasensya na Drey...”
    “Okay lang Haj...May tiwala naman ako sa iyo eh...Kaya sasabihin ko ang gusto mong malaman...”

Ipinaliwanag nga niya sa akin. Pero syempre, hininaan lang niya ang pagsasalita. Nung maliit pa daw siya, iniwanan sila ng Daddy niya para sumama sa ibang babae. Mula daw noon, naging malamig na ang pag-uugali ng Mommy niya.

Dun na rin nagsimula ang paglayo ng Mommy niya sa kanya. Lahat daw ng oras nito ay sa trabaho lang ibinubuhos. At kapag may mga pangangailangan siya, sa katulong siya ibinibilin at pinapakausap. Kaya naman lumaki siya na katulong lang ang madalas na nakakahalubilo. Naaalala lang daw siyang lapitan at kausapin nito kapag may nagagawa siyang kasalanan........

    “Hmph...Ngayon mas maliwanag na sa akin kung bakit ka naging takaw-gulo....”
   
Medyo napangisi siya sa sinabi kong iyon at.......

“Naisip ko nga, baka nakikita niya sa akin si Daddy...Kaya siya ganun sa akin....”
“Paano mo naman nasabi iyan.....”
“Eh kasi, kapag pinapagalitan niya ko...Pamatay niyang sabihin iyong.....”

Bigla na lamang niyang ginaya iyong gesture ni principal kapag naggagalit at pagkatapos.......

    “You’re just like your father!...Walang kwenta!...At walang ibang alam kung di ang bigyan ako ng sama ng loob!...You’re such a disgrace!...”sambit niya habang ginagaya rin iyong boses nito.....
   
Natawa tuloy ako nang di oras. Kuhang-kuha niya kasi iyong style ng mommy niya. Iyon nga lang, ang sagwang tignan kapag siya ang gumagawa.  Pero pinigilan ko na mapalakas ang tawa ko. Dahil......

    “Loko ka Drey!...Nandiyan pa iyong Mommy mo...”natatawa ko pa ring sambit.....
    “Hayaan mo siya...Tsaka...Gusto ko lang naman na pagaanin ng kaunti ang usapan eh..”

Napayuko siya at..........

    “Ngayon na alam mo na...Masasabi mo pa ba na magkakaayos pa kami?...”usisa niya....
    “Iyon pa rin ang sagot ko diyan...OO...”

Napaangat siya ng ulo at napatingin sa akin.......
   
    “Ang labo mo ha...Di ka ata nakinig mabuti sa kwento ko eh...”
    “Ikaw ang hindi nakinig mabuti sa mga sinabi ng mommy mo...”
    “Huh?...”
    “Di mo ba nagets iyong ginawa niya?...Lumapit siya sa atin para paalalahanan tayo tungkol sa pagpasok sa top 10....Na dapat mas magpursige pa tayo...”

Natahimik siya at mukhang napapaisip sa mga sinabi ko.......

    “ESPECIALLY YOU!...”sambit ko na may kasamang pagduro sa kanya.....

Pagbaba ko ng kamay ko........

    “Iyon ang sinabi niya...Di ba?...”
    “I...Ibig sabihin...”
    “Ibig sabihin, gusto pa rin niya na maging maayos ka....Alam mo Drey...Hindi man niya sinasabi ng direkta at harapan...Sa tingin ko nag-aalala at nagmamalasakit pa rin siya sa iyo...”

Tila nabuhayan na siya ng loob sa mga sinabi ko. At unti-unti na rin siyang napapangiti. Tinapik ko ang braso ko sa braso niya at......
   
    “Kaya huwag ka nang mag-emote diyan!...Magkakaayos at magkakaayos din kayo...Tignan mo oh...Nagmumukha ka na namang bulldog...”

Tuluyan na siyang natawa sa sinabi kong iyon at bigla akong hinampas sa likod.....

    “Hmph!...Ayan ka na naman sa bulldog mo ah!...”natatawa niyang sambit.....
    “Eh ikaw eh!...Hahaha...”
    “Hahaha...”

At ang kaninang siryoso at mabigat naming usapan ay nauwi nga sa isa na namang magulong kulitan. Hanggang sa natapos na lamang ang aming lunch break.

Tuloy pa rin ang pagpupursige namin ni Drey. At kahit na wala na kaming ginagawang book report, nagpupunta pa rin kami nang magksama sa may chain. Para sabay na mag-aral, habang kumakain syempre ng paborito naming sundae. Minsan naman, sa bahay namin. At kasabay ng mga iyon, lalo pang tumindi ang nararamdaman ko para sa kanya.

ISANG HAPON NG SABADO..........

Walang pasok at inutusan ako ni Mama na bumili sa grocery. Pinasama rin niya sa akin si Hershey, para daw may katulong ako. Marami-rami din kasi ang nakalagay sa listahan ng mga bibilhin.

Tapos na kaming mamili at nag-aabang na kami sa labas ng taxi na masasakyan pauwi. Mayamaya ay biglang nagring ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at tinignan. Si Drey iyong tumatawag, kaya agad ko itong sinagot.........
   
    “Oh Drey, napatawag ka...”
    “Haj pasensya na sa istorbo...Ahmmm...Pwede ba tayong magkita ngayon?...”

Bigla na lamang akong hinila ni Hershey sa suot kong sando. May kung ano siyang itinuturo sa kabilang side ng kalye. Pagtingin ko, nandun pala si Drey, nakatayo. Obvious naman na hindi niya kami nakita. Kaya binitbit namin ang aming mga pinamili at tumawid kami sa kalapit lang namin na overpass para puntahan siya. Pero, hindi ko pa rin binaba iyong phone. Itinuloy ko pa rin ang pakikipag-usap sa kanya, para pagtripan siya..........

    “Bakit mo gustong makipagkita?....”usisa ko...
    “May...May problema kasi eh....”
    “Ano ba iyon?...Bat di mo na lang dito sa phone sabihin...”
    “Basta...Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa iyo kapag nagkita na tayo...Ahmmm...Ikaw na lang magsabi kung saan tayo magkikita....”
   
And hindi niya alam, nakatayo na kaming dalawa sa likuran niya at nagpipigil ng mga tawa namin.........

    “Sige...Magkita na lang tayo sa likuran mo!...”

Medyo nilakasan ko ang pagsabi noon. Kaya nagulat siya at napalingon sa amin, muntikan pa nga niyang mabitawan iyong cellphone niya. Sa puntong iyon, tuluyan nang bumulalas, ang mga tawa na kanina pa namin pinipigilan..........

    “TAENA NYO!...Ang lakas niyong mangtrip ah!....”matawa-tawa niyang sambit.....

Tawa-tawa pa rin kami nang tawa ni Hershey.......

    “Kanina pa ba kayo nasa likuran ko?!...”
    “Kadarating lang namin kuya...Hehe...”sambit ni Hershey...”
    “Naggrocery kami dyan sa kabila eh...Tapos nakita ka nitong kapatid ko, nung nasagot ko na iyong tawag mo....”
    “Bwiset!...Sayang iyong load ko...Hindi pa naman ako nakaunli ngayon!...”sambit niya sabay kamot sa kanyang ulo....
    “Hahaha....Eh ano ba kasing nangyari sa iyo?...Ano ba iyong proble....”

Napahinto ako bigla sa pagsasalita, napansin ko kasi na ang dami na naman pala niyang dalang mga gamit. Iisa lamang ang pwedeng ibig sabihin nito.......

    “Nalaman na ng mommy mo?!...”
    “Oo Haj...Kaya umalis na ko agad...Para wala nang gulo...”
    “Eh saan ka na pupunta niyan?...”
    “Iyon na nga ang problema eh...”
    “Hmmm...May alam akong lugar kuya Drey!...”bigla singit ni Hershey nang nakangisi.....

Umandar na naman po ang pagiging loko ng makulit na bata. Kaya tumingin ako sa kanya at........

    “Hoy bata!...Alam ko iyang iniisip mo ah...HINDI PAPAYAG SI MAMA DIYAN!...”
    “Pero kuya...Good idea iyon...Dahil hindi basta-basta maiisip ng mommy ni kuya Drey na nasa atin siya...”
“Teka muna!...Magpapatulong nga sana ko na humanap ng matutuluyan....Pero huwag naman sa bahay niyo...Nakakahiya naman....”
    “Ay sus!...Kunwari ka pa kuya Drey...Iyon naman talaga ang gusto mo eh...Hehehe...”
    “Ha?!...Hindi ah!...”

Matapos iyon ay hindi na makatingin si Drey sa akin nang maayos. Loko din toh, magdedeny pa eh obvious naman siya. Pero may katuwiran din naman si Hershey. Tsaka hindi naman pwede na basta ko na lamang siya pabayaan. Kaya naman.......

    “Tama ang kapatid ko Drey....”
    “Pero Haj...”
    “Hmph...Huwag ka na ngang mag-inarte!...Kausapin na lang natin  si Mama, pagdating natin....”sambit ko sabay ngiti....

PAG-UWI SA BAHAY..........

Isinama na nga namin si Drey sa pag-uwi. Pagdating namin, naabutan namin si Mama na nagmemerienda sa may dining. Niyaya niya kami na saluhan siya kaya pinaunlakan namin. At habang kumakain, dun na namin siya kinausap. Ipinaliwanag namin sa kanya ang sitwasyon......

    “Anak...Alam mo, natutuwa naman ako na naging okay na kayo nitong si Drey...Na natutunan mo na siyang kaibiganin...Pero iyong patuluyin siya dito...Parang sobra naman ata iyon....”
    “Pero Ma...Wala na siyang mapupuntahan ngayon...Hindi naman pwede na pabayaan ko na lang siya...”sambit ko....

Tumayo si Hershey mula sa kanyang kinauupuan. Lumapit siya kay Mama at umakbay dito.......   

“Ma...Pumayag na po kayo...Pansamantagal lang naman po eh...Tsaka parang pangbawi na rin toh ni kuya Hagen sa mga nangyari sa kanila dati...Isa pa, babalik din naman po si kuya Drey sa kanila, kapag ayos na ang lahat...”nakangising dagdag ni Hershey.......

Tumingin si Mama kay Drey nang tila napapaisip. At matapos ang ilang saglit ng pagkakatitig sa kanya........

    “Oh sige na...Pumapayag na ko...”
    “Ta...Talaga po tita Nestlie?!...”napapangiting usisa ni Drey.....
    “Oo...Pwede ka nang dumito muna iho...”
    “Salamat po!...Huwag po kayong mag-alala, tutulong din po ko sa mga gawaing bahay dito...Para kahit paano makabawi po ko...”
    “Kung iyan ang gusto mo, hindi na kita kokontrahin...Pero okay lang din naman sa akin eh, kahit na hindi mo na gawin iyan...Tsaka isa pa pala Drey....”
    “Ano po iyon?...”
    “Bakit ba sa tuwing nandito ka eh para kang takot na takot sa akin?...Mukha ba kong multo?...”
   
Isang pigil na tawa ang naging reaksyon namin ni Hershey, sa tanong na iyon sa kanya ni Mama.......

“Hindi naman po sa ganun...Ah...Eh...Kasi po nagwoworry po ko na baka galit kayo sa akin...Tsaka nahihiya po ko sa inyo...Kasi nga, ako po iyong madalas na nananakit sa anak niyo dati....”
“Bueno...Para sa ikagagaan ng loob mo...Gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa iyo...At since dito ka sa amin tutuloy ngayon, sana tanggalin mo na iyang hiya-hiya na iyan...Maliwanag ba Drey?...”
“Opo...Ahmmm...Salamat po ulit...”nakangiting sagot ni Drey.....

Matapos naming kumain ng merienda, si Hershey ay nagpunta na sa kanyang kwarto. Si Drey, inakyat lang sandali iyong mga gamit niya sa kwarto ko. Tapos ay bumalik din siya agad para tulungan akong mag-ayos ng mga grinocery sa kusina. Si Mama naman ay naghuhugas ng mga pinggan. Habang nag-aayos kami......

“Drey iho....”sambit ni Mama.....
“Po?...”
“Ikaw kasi ang nakakasama nitong si Hagen sa school eh...Kaya may gusto sana kong tanungin sa iyo...Tungkol sa kanya...”

Taena! Bigla akong kinutuban nang masama sa narinig ko...........

    “Ano pong tungkol kay Haj?...”
    “Wala ka bang nakikita na sinasamahan o nililigawan ng mokong na iyan?...”

Nagulat ako sa narinig ko at muntik ko pang mabagsak sa paa ko, iyong hawak kong de lata. Tapos ay agad akong napalingon kay Mama at......

    “Ma naman eh!...Ano ba namang tanong iyan!...”

Lumingon din sa akin si Mama at.....   

“Eh ayaw mong magsalita sa akin di ba?...Kaya si Drey ang tinatanong ko ngayon...”nakangisi niyang sagot....

At sa kalagitnaan noon, biglaan na lamang sumagot si Drey ng.......

    “AKO PO”

Napatingin kaming pareho ni Mama kay Drey sa narinig namin........

    “ANONG IKAW?!...Ikaw ang nililigawan ng anak ko?!...”gulat na usisa ni Mama.....

Manginig-nginig na ang tuhod ko sa kaba. Ni hindi ako makapagsalita. Ano bang trip nitong si Drey?!......

    “Ah...Tita...Ang...Ang ibig ko pong sabihin...Ako po iyong laging kasa-kasama niya sa school...Na wrong choice of words lang po ko....Tsaka...Si Haj po manlaligaw?...Eh ni hindi nga po ata niya alam ang ibig sabihin nun eh...”pagpapaliwanag ni Drey.......
    “Eh ako naman kasi, nagtataka lang sa kakaibang pagbabago ng batang iyan...Parang may pinaghuhugutan...So sigurado ka ba na wala?...”
    “Ako po sigurado...Ewan ko lang iyong isa diyan...”sagot ni Drey sabay tingin at ngisi sa akin.......

Iyong ngisi niya sa akin, tila pilit at may bahid ng inis. Nakakagago siya, eh ako nga itong dapat na mainis, dahil kung anu-ano ang pinagsasabi niya  kay Mama. Samantala, dahil sa mga sinabi niya, tumingin din sa akin si Mama. Nagdududa pa rin siya, kaya naman.......

    “Ma...Sinabi na nga ni Drey na wala di ba...Tsaka ano ba naman po iyan...Nung bad boy ako dati, lagi niyo kong sinesermonan...Ngayon naman na good boy na ko...Kinukwestiyon niyo....Saan ba ko lulugar?...”iyon na lamang ang nasabi ko, sabay kamot sa aking ulo....
    “Oh siya...Wala na kung wala...”

Matapos iyon ay tumalikod na lamang ako at itinuloy ang pag-aayos ng mga grinocery.

KINAGABIHAN..........

Nasa banyo si Drey at naliligo. Tamang-tamang, dahil kanina ko pa gustong makapag-isa, kahit na sandali lang. Nagtungo ako sa may beranda at naupo sa may bangko para magmuni-muni. Sa totoo lang, kanina pa ko di mapalagay, dahil sa mga nangyari kanina.

Masaya naman ako na dito ngayon nag-iistay sa bahay si Drey, na mas naparami pa iyong oras na makakasama ko siya. Kaya lang kanina, nung nasa kusina kami at nagtanong si Mama sa kanya nang tungkol sa akin, narealize ko na nailagay ko pala ang sarili ko sa isang alanganin na sitwasyon.

Nagkagusto ko sa kapwa ko lalake. Bagay na hindi ko alam kung makakayang tanggapin ng mga magulang ko. Kung nagkataon nga na iba ang naisagot ni Drey kanina, malamang nalaman na ni Mama toh. Pero hindi ko rin naman siya masisisi kung mangtrip siya, dahil wala rin naman siyang alam.

Habang nandito pa siya, alam ko na maaaring maulit iyon. At hindi naman tama na lagi na lang akong magsisinungaling kay Mama, para lang makalusot. Kainis...Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko...Kung paano haharapin toh......
   
“Arrgh!...Paano kung...Paano kung magtapat na kaya ko kay Drey?!...Tapos....”
“At ano naman ang ipagtatapat mo sa akin?!...”

Taena nasa likuran ko na pala si Drey!...........


ITUTULOY..........

0 yorum:

Yorum Gönder