Sundae (Part 6)

By: Chaster Rassel

Flavor 6: A Simple Sorry

MATAPOS ANG ORAS NG ALMUSAL..........

Ako ang naunang naligo. Habang si Drey naman ay naghinhintay sa kwarto ko ng turn niya. Syempre nang matapos ako, lumabas ako sa banyo nang nakatapis lang ng tuwalya. Wala naman problema sa akin kung makita ako ni Drey nang ganito ang ayos ko, pareho naman kaming lalake eh. Tsaka sanay naman ako na nakikita ng iba ang katawan ko. So, bumalik na nga ko sa kwarto. Pagpasok ko, nakaupo lang siya may kama........

    “Oh tapos na ko...Ikaw naman....”sambit ko....

Hindi siya kumibo, napatulala lang siya sa akin. At iyong itsura ng mukha niya, mas masaklap pa kaysa dun sa itsura niya kanina nung nagising kami. Gusto ngang tumawa nang malakas eh, pero pinigilan ko na lamang ang sarili ko at........

    “Parang gusto mo na kong kainin nang buo niyan sa titig mo ah!....”sambit ko na may kasamang nakakalokong ngisi.....
    “HUH?!...”iyon lamang ang naisagot niya....

Napangisi na lang ako ulit, tapos ay nagtungo ako sa cabinet at binuksan ko ito. Kumuha ako sa drawer ng brief at sinuot toh. Tapos ay dinampot ko mula sa kama iyong nakaready ko nang slacks. At ito namang si Drey.......

    “Bakit nakatunganga ka pa diyan?...Maligo ka na oy!...”sambit ko
    “Ah...Eh...”
    “Kikilos ka o kakaltukan kita?...”

Tumayo na siya at ako naman ay humarap sa salamin. Nakabrief naman na ko sa ilalim, kaya tinanggal ko na iyong tuwalya, para masuot ko na iyong slacks. Pagkasuot ko nito, nagpunas naman ako ng katawan gamit ang tuwalya, dahil medyo basa-basa pa rin ako.

Matapos akong magpunas, nilapag ko sa kama ang tuwalya at kinuha naman ang pang-ilalim kong sando. Nang susuotin ko na toh, bigla na lamang.......

    “Teka Haj!...Huwag mo munang isuot iyan!...”

Nagulat ako at napalingon........

    “LECHE KA GINULAT MO KO!....Akala ko lumabas ka na....Teka...At bakit ayaw mo kong pagdamitin?...Huh?...”
    “Loko!...Basang-basa pa iyang batok mo!...”

Dinampot niya iyong tuwalya mula sa kama.......

“Hay...Magpupunas ka na lang din, sablay pa....Halika nga dito...”

Tapos ay bigla na lamang niya kong hinawakan sa aking balikat at pilit na pinatalikod......

    “Oy!...Ano ba iyang ginagawa mo?!...”usisa ko.....

Kasunod noon ay naramdaman ko na lang na pinupunasan na niya ang batok ko.........

    “Tumutulo pa iyong buhok mo sa likuran, kaya basang-basa itong batok mo....Next time, siguraduhin mo muna na tuyo na banda dito...Paano na lang kung umabot toh sa likod mo at matuyuan ka?....Baka magkasakit ka pa niyan....”

Nanahimik na lamang ako at hiyaan ko na lang siya. Gumaan kasi bigla ang loob ko dahil sa ginawa niya at sa mga sinabi niyang iyon. Matapos niya kong punasan.......

    “Iyan...Okay na....”

Inabot niya sa akin iyong tuwalya ko. Kinuha na niya iyong pinahiram ko sa kanyang brief na pamalit niya at isa pang tuwalya.......

    “Ahmmm....Sige...Maliligo na ko...”sambit niya.....

Lumabas na siya at ako naman ay naiwan na may di mawaring ngiti sa aking mga labi. Ganito ba? Ganito ba ang ibig niyang sabihin, dun sa sinabi niya na aalagaan niya ko?

Makalipas ang trenta minutos, tapos na kong mabihis ng uniform at nakapag-ayos na rin ako ng aking sarili. Pero itong si Drey nasa loob pa rin ng banyo........

    “Bakit ang tagal naman niya?....”sambit ko habang habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin.......

Baka malate pa kami niyan, kapag hindi pa siya lumabas. Kaya naman naisipan ko na puntahan at katukin na siya. Pero bago pa man ako makakatok, napahinto ang kamay ko. Narinig ko kasi na kumakanta siya. May boses pala siya.......

    “Ayos ah...May talent pala ang mokong...”bulong ko sa aking sarili.....

Bukod dun, bago sa pandinig ko iyong kinakanta niya, ngayon ko lang actually narinig..............

    .......All this love I have for you......
    .......Just get’s better in time......
             .......Like a rainy afternoon......
    .......Or the sweet tastin’ wine......

Hindi ko na naiwasang madala sa pagkanta niya. Kaya napasandal na lamang ako sa may pinto, habang patuloy na nakikinig sa kanya.............
   
.......And when I look into your eyes......
    .......I’m lost in your storm......
    .......Can you feel my body tremble......
    .......When you walk through the door......
   
.......I’ve got you deep in my soul......
.......Inside your heart you should know......

Haggang sa marealize ko iyong ipinapahiwatig ng kanta niya at.........

    “Taena!...Bat ganun iyong kanta?!....”

.......I’ll be there wherever you go......
.......If there’s one thing I know......
.......I’ve got you deep in my soul......

Nakakagago iyong kanta niya. Pero hindi ito ang tamang oras para patulan ko ang mga kalokohan niya. Mabuti pa, gawin ko na lang ang kung anong ipinunta ko.........

     “Hoy Drey!.....May pakanta-kanta ka pang nalalaman....Lumabas ka na diyan!....Anong oras na oh...Baka mahuli tayo sa klase!.....”sambit ko habang kinakatok na ang pinto......

Napahinto siya sa pagkanta at............

    “Oo na...Eto na...Lalabas na!....Basag-trip ka rin eh noh!....”sagot niya mula sa loob.....

Bumalik na ko sa kwarto at naupo sa may gilid ng kama para magsuot na ng sapatos. Habang ginagawa ko iyon, napatingin ako sa uniform na susuotin ni Drey, na nakalatag sa may tabi ko. Nacurious ako bigla at napaisip.......”

    “Hmmm...Brief lang iyong dinala niya...Babalik kaya siya dito nang nakatapis lang din ng tuwalya?....”

At ilang saglit nga lang ay bumalik na siya. Napahinto ako sa pag sasapatos at napatingin agad sa kanya. Nakatapis nga siya, pero may suot na siyang sando sa itaas. Nadala pala niya iyon, di ko napansin........

    “Tingin naman siya agad...”sambit niya sabay ngisi.....
    “Tumingin ka rin naman sa akin kanina ah....”
    “Pasimple pa toh oh...Hmph...Akala mo siguro gagawin ko iyong ginawa mo kanina noh?...”usisa niya nang nakangisi pa rin.....
    “Wala kong sinasabing ganyan ah...”sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya......

Nagsimula na siyang magbihis at......

“Masyado ka naman atang sinuswerte, kung ipapakita ko sa iyo ang katawan ko....Hahaha....”

Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Pagkatapos ay itinuloy ko na ang aking pagsasapatos.

MAKALIPAS ANG ILANG ARAW..........

Naipasa namin nang maayos iyong book report namin. At ngayong araw, ibinalik na ito sa amin na meron nang grade. Excited ako na kinakabahan sa naging resulta. Pero ito namang English teacher namin, may nalalaman pang pasuspense epek. Inabot niya iyong mga report namin nang nakatupi. At bawal daw namin itong buklatin at tignan hangga’t di pa tapos ang period namin. Sakto naman, lunch break na namin pagkatapos ng English.

So iyon na nga, naghintay kaming lahat sa klase na matapos ang subject namin. Pagkatunog na pagkatunog ng bell para sa lunch break, tayo agad ako, sabay lapit kay Drey para matignan na namin iyong grade namin.........

      “Dali buksan mo na!...”sabik na sambit ni Drey....
    “Eto na nga eh!...”sagot ko....

Binuklat ko na toh at nang makita na namin ang nakalagay na grade........

    “Haj....Totoo ba toh o panaginip lang?...”
   
Kinurot ko siya sa pisngi at...........
   
    “Arrgh!...”gulat niyang sambit......
    “Oh iyan ang sagot ko sa tanong mo...”nakangiti kong sambit....
    “Ang sakit ah!....Pero...Pero iyong grade natin ay....”
    “A-!!!”sabay naming sambit.....

Hindi ko maipaliwanag iyong saya at tuwang nararamdaman ko. Dahil ito ang first time na nakakuha ako nang ganito kataas na grade. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko toh, na nagawa namin toh. At hindi na nga namin napigilan ang mga emosyon namin.........

    “YES!...YES!!....”malakas na sambit ni Drey....
    “ANG TAAS NG NAKUHA NATIN!!!....”dugtong ko....
    “Nagawa natin Haj!...”
    “Nagawa natin Drey!!...”
    “NAGAWA NATIN!!!...WOOHOO!!!...”sabay naming sambit....

Halos magtatatalon kaming dalawa sa classroom, nang dahil sa tuwa. Dumating sa punto na yayakapin ko na sana siya. Pero may kung anong pumigil sa akin kaya napahinto ako. Ang awkward pa, dahil ganun din iyong saktong ginawa niya kasabay ko.

Dun lang din namin napansin, na pinagtitinginan na pala kami ng mga kaklase namin.Taena nakakahiya! Nakapamot na lang tuloy kami sa ulo sabay talikod mula sa kanila. At makalipas ang ilang segundo, pasimple na lamang kaming ngumiti sa isa’t isa. Naguguluhan na naman ako. Alam ko na tama naman ang ginawa kong pagpigil sa sarili ko na yakapin siya. Pero, pakiramdam ko parang nabitin ako.

KINAGABIHAN, SA BAHAY..........

Nagbubunga na ang mga pagbabagong ginagawa ko sa buhay ko. At ang lahat ng ito ay hindi ko masisimulan, kung hindi ipinamulat sa akin ng isang makulit na bata, ang mga kagaguhan kong pinaggagawa. Ang tinutukoy ko ay walang iba kung hindi ang kapatid ko.

Kahit na hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa kanya dati, hindi pa rin niya binale wala ang pagiging magkapatid namin. Bagay na hindi ko nagawang bigyan ng halaga. Kaya naman naisipan ko na puntahan siya sa kanyang kwarto, para kausapin at pasalamatan. Pagdating ko sa kwarto niya, naabutan ko siya sa study table niya na nakapangalong-baba at nagbabasa..........

    “Kumusta naman si kuya Hershey?...”pabiro kong usisa......

Napalingon siya at...........

    “Oh kuya...Anong aten?...”

Kinuha ko ang isang maliit na stool, na nasa isang sulok ng kwarto. Dinala ko iyon sa tabi niya at naupo ako.........

    “Wala naman...Gusto ko lang makipagkwentuhan...”
    “Hala!...May lagnat ka ba kuya?...”sambit niya sabay dampi ng kamay niya sa noo ko......
    “Ano ba iyang ginagawa mo?...Wala kong sakit noh....”
    “Eh kasi naman po, ngayon lang ata nangyari na ikaw ang lumapit sa akin para makipagkwentuhan....Hmmm.....May nangyari bang maganda?...Kayo na ba ni kuya Drey?....”
   
Nagulat ako sa sinabi niya at.......

“Sira ka talaga!...Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi mo diyan...”
    “At nagblublush na naman siya!...Haha...”
     “Tigilan mo nga iyan!...Hindi si Drey ang gusto kong pag-usapan noh....”
    “Eh ano?...”
    “Tapos na kasing icheck ng teacher namin iyong book report...Tapos, ibinalik na toh sa amin kanina....”
    “Talaga?...Anong nakuha niyo?...”
    “A-“napapangiti kong sagot.....
    “Naka naman!...Umaasenso!....”
    “Hehe...Pero...Ang sarap pala sa pakiramdam pag ganun noh?...Iyong nakakuha ka ng mataas ng grade...Kasi sulit na sulit iyong hirap mo.....”
    “Sabi sa iyo kuya eh....Ikaw lang eh...”
   
Naopen up ko na iyong topic, eto na siguro ang chance para masabi ko na ang gusto kong sabihin sa kanya. Tumayo ako, pagkatapos ay hinawakan ko ng isa kong kamay ang ulo niya at..........

    “Pero syempre....Hindi ko magagawa ang lahat ng iyon, kung di dahil sa panenermon ng isa diyan....”
    “Ahaha...Ako pa...”
    “Pwera biro Hershey...Malaki ang pasasalamat ko sa iyo....”

Ibinaba ko na ang kamay ko mula sa ulo niya at inakbay ito sa kanya........

    “Alam kong hindi ako naging mabuting kuya sa iyo...Pero sa kabila noon...Nag-aalala ka pa rin sa akin at tinulungan mo pa rin ako...Kaya salamat tol...Tsaka gusto ko rin sanang....”
    “Ang drama mo kuya ah!...Coco Martin lang ang peg?...”bigla niyang singit sabay tingin sa akin.....

Hihingi sana ko sa kanya ng tawad. Pero dahil sa pagsingit niya, naputol ang pagsasalita ko.......

    “Hindi na kailangan ng marami pang eklabo...Simpleng sorry lang, pwede na...Basta ba galing sa puso...AT HINDI SA TALAMPAKAN....”napapangisi niyang pagpapatuloy.....

Wala akong masabi sa bata na toh, ibang klase. Hindi ko pa nga sinasabi, pero nalaman na niya agad na ganun ang gusto kong iparating.......
   
“Tsaka isa pa...Hindi mo lang sa akin dapat ginagawa iyan...PATI RIN KAY MAMA....”

Hindi na ko nakapagsalita pa, sa halip ay napakamot na lamang ako sa aking ulo........

    “Oh ano?...”usisa niya.......

Hindi pa rin ako nagsalita. Makalipas ang isa hanggang dalawang minuto.......

    “SORRY...”sambit ko.....

Unti-unti kaming napangisi pareho. Hanggang sa natawa na lamang kami. Mayamaya pa, habang nagtatawanan kami..........

    “Mukha atang nagkakasiyahan kayo dito ah...”

Napalingon kaming pareho sa nagsalita, si Mama. Napatingin ulit ako kay Hershey. Tumango siya sa akin at agad ko namang naintindihan ang ibig niyang sabihin. Marahil ito na nga ang tamang pagkakataon, para kausapin ko na rin si Mama.

Dahil doon, niyaya ko si Mama na magpunta sa may sala, para makapag-usap kami nang maayos. Una ko ring binanggit sa kanya, iyong tungkol sa book report......

    “A-?...Aba mataas iyon ah...”
    “Oo nga po...Kaya...Kaya ganun na lang ako kasaya ngayon....”
   
Pagksabi ko noon ay napayuko ako......

    “Siguro naman....Alam mo na ngayon ang kahalagahan, ng mga bagay na matagal mong binale wala.....”
    “Opo...At...At kasama kayo dun ni Hershey....”

Inangat ko ang ulo ko. Tumingin ako kaya Mama at tinitigan siya sa kanyang mga mata at........

    “Ma....SORRY...”

Natigilan si Mama at napatitig lamang sa akin, matapos kong sabihin iyon. Hanggang sa unti-unti siyang napangiti at........
   
    “Natutuwa ako na narinig ko sa iyo iyan...Pero alam mo anak...Kahit na hindi mo naman na sabihin iyan....Okay na sa akin...Dahil hindi rin naman kita matitiis eh....”
    “Kahit na Ma...Sorry pa rin sa lahat ng nagawa ko...”

Matapos iyon ay napaakap na lamang siya sa akin at.....

    “Bueno, nagsosorry ka na lang din....Dapat siguro, magsorry din ako sa iyo.....”
    “Bakit naman Ma?...Wala ka namang ginawa ah?...”
    “Meron...Alam ko, madalas napaparamdam namin sa iyo ng papa mo, na mas pinapaboran namin ang kapatid mo...Pero hindi naman iyon ang intensyon namin eh...Gusto lang namin, na maitama ang mga mali mong gawain...Iyon nga lang....Minsan, dumarating sa punto na nasasaktan ka na rin sa mga pamamaraan namin...Kaya sana anak, mapatawad mo rin kami...”
    “Okay na iyon Ma...Alam ko na rin naman po ngayon iyong mga pagkakamali  ko eh...Huwag kayong mag-alala...Itatama ko na ang lahat ng mga iyon...At iyong book report, simula pa lang iyon Ma...Pagbubutihin ko ang pag-aaral ko, para makapasok ako sa Top 10 AT makagraduate ako...Promise ko po iyan sa inyo Ma...”nakangiti kong sagot.....

Napangiti ulit si Mama, tapos ay kinusot niya ang buhok ko at.......

    “Aba dapat lang!...Teka nga pala...Matanong lang kita Hagen...Nacucurious lang kasi ko eh...IN LOVE KA BA?...”

Taenang tanong iyan! Nagulat ako at napakalas tuloy ako sa kanyang akap ng di oras at.....

    “HA?!...Ah...Eh....”


ITUTULOY.........

0 yorum:

Yorum Gönder