Perks

Pinoy hot men


Perks
By Admin F
(This is a true to life story by one of the admins of this Pinoy Bisexual Stories Facebook Page)

Sa facebook kami unang nagkakilala. Ako si F, 23 anyos, isang nurse sa isang pampublikong hospital ditto sa aming probinsiya. Di ako gwapo, payat, maputi, may mga pimples sa mukha, naka eyeglasses, mababa ang aking self-confidence sa totoo lang dahil pangit ako, di ko naaalagaan ang sarili ko dahil yung sinasahod ko, kahati ko ang mga parents ko. Matalino akong tao, at yun lang ang meron ako. Nakilala ko si J sa facebook. Minessage ko siya.

“Hi.”sabi ko.

“Hello.”si J.

Nagtuloy tuloy ang aming conversation hanggang nagkuhanan kami ng number. Bago kami magkakilala, may karelasyon siyang silahis din. Ngunit sabi ni J, medyo complicated daw ang lagay ng relasyon nila dahil sa masyado daw mahigpit yung bf niya. Sa akin siya nagsasabi ng kanyang mga problema tungkol sa kanilang dalawa. Nagmemessage lang ako sa kanya kapag may free time ako dahil toxic ako sa trabaho. Nagbibigay lang ako ng advices sa kanya kung naghihingi siya. Si J, 20 anyos, maganda ang katawan, gwapo siya, sa fb nga eh umaabot ng daan daan ang mga likers niya kapag nagpost siya ng mga pictures niyang topless. Pinangalanan niya nga sarili niya ng Mr. Topless. Nag-aaral siya sa college sa kursong Education. Hahaha. Isang buwan na kaming nagkakatext pero di pa kami nagkikita kahit minsan. Kaya nung isang araw na naka Off Duty, grinab ko yung chance para magkita kami. Kaso nacancel kasi kelangan ko magfloating sa hospital. Kaya nagset ulit kami. At ayun, nagkita nga kami. Break na sila noon ng bf niya noon kaya naging okay yung pagkikita namin. Actually, kakabreak lang nila isang araw bago kami magkita. Nalaman ko lang nung sinabi niya noong nagkita kami. Meeting place namin ay Jolibee, hahaha! Dun kami kumain, umaga yun noon eh. Di ako ang dahilan kung bakit sila nagbreak ah. Baka yun ang nasa isip niyo. Yung ex niya ang nakipagbreak. Masaya naman yung unang pagkikita namin. Madami naman kami napag-usapan. Mga bagay bagay tungkol sakin at sa kanya, getting to know each other kumbaga. Biniro ko siya.

“Tayo na lang.”,sabi ko.

“Sige.”, pagsang-ayon ni Jake.

Nagulat ako dun. Ang gwapo niya kaso pangit ako. Dun ako napaisip. Ako talaga ang nagulat dahil biro lang talaga yun.

“Seryoso ka?”tanong ko.

“Oo, okay lang naman”

Parang natatawa nga ako na parang nawiwirduhan pero sige na, andyan an eh. Papakawalan ko pa ba. Di naman sex ang habol ko eh, di naman ako malibog. Sa isip isip ko siguro siya na ang real deal para sa akin. Yung unang nakarelasyon ko eh, ayos n asana, kaso iniwan na niya ako at kasama na niya ang ating Ama. Sige, sabi ko sa sarili ko, di naman siguro masama kung makipagrelasyon na ako, may isang taon naman na nung namatay si Dat. Mahal na mahal ko si Dat, siya ang saksi sa aking mga tagumpay, mula sa paggraduate hanggang sa pagpasa sa board exams, hanggang sa pag oath taking ko. Legal kami sa parents niya at higit sa lahat, napalakas niya ang aking pananalig sa Diyos. Namatay siya dahil sa isang vehicular accident noong susunduin niya ako sa hospital, nagulat na lang ako, siya na pala ang aking pasyente at namatay din isang oras matapos na dalhin sa aking pinagtatrabahuan. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa kasi binabawi siya sa akin sa aking harap mismo. Di ko yun kinaya. Isang taon akong naggrieve sa kanyang pagkawala, subsob sa trabaho, di ko na naalagaan sarili ko, nalungkot ako ng husto kaya nang andyan na si J, why not give it a try.

Noong una, aloof pa kami in public, syempre nahihiya kami sa mga taong nakakakita sa amin. Sinasanay namin sarili namin sa public. Nangako kami sa isa’t isa na walang iwanan, na walang lokohan, na mamahalin namin ang isa’t isa, na dapat pagkatiwalaan ko siya. Binigay ko sa kanya buong tiwala ko. Sa loob ng tatlong buwan, naging smooth naman an gaming relasyon, naoopen namin ang fb ng bawat isa. Nakipagpalit ako ng cellphone sa kanya kasi sira na cp niya at dalawa naman ang aking phone kaya pinaubaya ko muna sa kanya ang pinakaiingatan kong Google phone ko. Oo, ewan ko ba nagiging provider naman na ata ako pero wala akong pakealam kasi kesa naman hirap na hirap siyang makitext sa iba para lang matext ako.Pinapayagan ko pa siyang matulog sa bahay ng iba, at wala akong alam na may nangyayari na palang gaguhan. Nararamdaman ko yun. Nagconfess ako kay J.

“Bakit ganun ang pakiramdam ko? Parang may iba.”ako.

“Magtiwala ka lang, wala akong ginagawang masama.”, rineassure niya ako.

Okay. Wala naman ako magawa kundi ang maniwala sa kanya tutal wala akong ebidensya. Post pa rin siya ng post sa fb ng kanyang mga hubad na pics. Nabibilang nga lang yung mga pics niya na nakadamit siya. Hahahaha! Mr. topless nga eh. Dahil sa facebook famous siya, maraming sumubok na manglandi sa kanya na dumadating sa puntong may nag-aalok na ng pera sa kanya upang makipagsex sa kanya. At dahil naoopen ko yung Fb niya, nasasaktan ako dahil yun ang wala ako, pera. Kaya yung perang iniaallot ko sa sarili ko, nagcut down ako ng kalahating budget ko para sa sarili ko upang kahit papaano ay mabigay ko naman ang gusto ni J. Oo, tanga na kung tanga, pero mahal ko siya eh. Di naman ako masyadong magastos pero nagbago ako para sa kanya, inaayos ko na sarili ko. Pero di yun makita ni J. Ginagawa ko na lahat ng gusto niya. Kapag nasa out of town ako, laging may pasalubong si J. Ako nga bumili ng lahat ng kanyang school supplies noong bago siya pumasok dahil alam kong may sakit ang Papa nila at nagpresent na lang akong tutulong na lang ako. Oo, approve ako sa family niya, di dahil sa pera ngunit dahil sa alam nilang mahal ko ang anak nila. Nagmumukha na akong parang aso kakasunod sa lahat ng layaw niya. Wala pa rin. Di pa rin niya maappreciate.

Syempre lahat ng tao, may hangganan ang pasensiya. Pinagbantaan ko na gugulpihin ko at ng aking mga kasama sa frat ang nanlalandi sa kanya. At yun ang ikinagalit sa akin ni Jake. Nagcool-off kami ng isang linggo. Sinabi niya sa akin eh gusto niya lang mag-isip isip. Sige, pumayag ako. Sa loob ng isang linggo, wala kaming communication. Nakakadepress pala ang pagcocool off. Nakakapraning, alam mo yung pakiramdam na gusto mo siya puntahan kaso wala ka magawa. Hinintay ko matapos ang one week, nagpunta ako sa school nila pagkatapos ng aking duty. Nagkita kami, sabi niya hintayin ko siya. Hiniram ko muna sa kanya yung phone na hawak niya. Noong nasa klase na siya, dali akong nagkalkal ng messages niya, may nakaprivate akong nakita. Nagtry ako ng nagtry ng passwords at nakatsamba ako, gumulantang sa akin, may nakarelasyon siya ng one week, Alex name niya. Hahahah! Nakita ko din na may skype na siya. Punyeta, nakikipagpalitan nap ala ng pictures si J, puta, ng kanilang mga titi. Punyeta kako. Umiiyak ako ng nadatnan niya ako.. Nakita niyang nagbabasa ako ng messages nila ng Alex. Bigla niya ako niyakap kahit maraming tao. Pero di ko maramdaman yung yakap na yun, balot ako ng galit at pagdurusa sa aking mga nalaman. Masakit para sa aking malaman na tinatarantado ako. Kaya pala ganun ang pakiramdam ko. Matagal niya akong yakap, kahit amoy alcohol at pawis ako. Kahit na may mg nakakakita sa amin. Nung bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya, napagdesisyunan kong baliwalain ang kanyang mga kagaguhan sa akin. Pinahid ko na lang aking mga luha at ngumiti. Sige, magsisimula kaming dalawa ulit. Pinilit ko magpaka okay. I’ve tried to pick up those broken pieces of trust, sinusubukan kong isaksak sa kokote ko na pagkatiwalaan kong muli si J pero kahit anong gawin ko, wala na. It’s broken. Sinasabi ko na lang na okay na kami ni J pero deep inside eh alam kong di na buo ang tiwala ko sa kanya. Nagpapakatanga na ako pero di ko marealize yun dahil blinded ako ng pagmamahal ko sa taong yan. Mahal ko si J, pinipigilan na ako ng aking kuya na kung pwede ay magfocus ako sa family namin kaso di ko pinapakinggan si kuya. Mahal ako ng kuya ko kahit na ganito ako, at thankful ako kasi biniyayaan ako ng mabait at gwapong kapatid. Hahaha! 

Dahil sa famous siya sa fb, lagi ko inoopen ang fb niya. Nagpalit siya ng kanyang password. Sa fb, marami ang nagsusumbong sa akin na si J ay ganito ganyan, may nakakatalik daw siyang iba, na pineperahan lang daw ako. Lahat yun, di ko pinapansin, Tikom ang aking bibig sa mga issues tungkol sa kanya. Marami na ang nagmakaawa sa akin na iwan ko na siya, wala pa rin. Alam ko sa sarili kong totoo yung mga sinasabi ng mga tao kaso nasa akin ang naging problema. Nagbulagbulagan ako sa mga katotohan at pilit na naniniwalang maibabalik pa ang dati. 

Nangyari ang turning point ng aming pitomg buwang relasyon na naglead sa break up. Nakilala ko sa fb ang isa niyang kaibigan, si Ryan. Tatay ang tawag ni J sa kanya. Si Ryan ay may kalive in na. Naghihinala na din ang kalive in Ryan na si Greg dahil ang sweet na daw nila. Kapag nakikitulog si J kina Ryan ay may mga naririnig siyang kaluskos sa gabi. Kinaumagahan lumabas si Greg ngunit bumalik siya agad, naabutan ni Greg na nagtatalik na ang dalawa. Agad na nakarating sa akin ang balita at kumalat din sa fb ang nangyari dahil marami ring kaibigan si Greg. Marami ang nangcocomfort sa akin sa fb habang ako tulala sa aking mga nalaman. Marami ang nang away kay J sa fb. Pumunta ako kina J at agad kong binawi ang aking cellphone at sa aking kaloob looban ay dala ko ang sakit na alam kong matagal bago mawala. Bumalik ako sa puntod ni Dat at doon ko ibinuhos lahat ng sakit na aking dala.

Di lahat ng relasyon ay nagiging masaya at kadalasan ay naloloko ka pa. Masarap magmahal ngunit dapat dalawa kayo ang magmamahal. Mahirap maging bulag sa bagay nay un dahil walang matitira sayo. Ang tiwala, minsan mo lang yan maibibigay ngunit din a maibabalik sa dati kung nasira na nang minsan. Ang mapang-abuso sa tiwala ng iba ay siguradong sisingilin ng mahal. Ang taong bumabangon sa kanyang kamalian ay kanyang maitutuwid ang kanyang sarili. Ngayon, katatapos ko lang maipasa ang exam para makapag abroad upang mas makatulong sa aking pamilya. Wala mang nagmamahal sa akin ng tapat ngunit di yun mahalaga, mahalin mo ang sarili mo ng higit sa lahat.

-Wakas-

Pinoy bisexual story retrieved from Pinoy Bisexual Stories

0 yorum:

Yorum Gönder